***** Emilio Istorbo naman kasi ang dalawa naming mga anak at sa oras na sana na matitikman ko na ang masarap na putaheng nakahain sa akin ay sila namang pagdating nila mula sa paglilibot nila sa plaza. Kahit na may sasakyan na kasi akong nabili ay mas pinili nila na magtricycle na lang daw at di na sila nagpahatid sa akin. Ilang buwan pa lang rin ng matuto akong magmaneho pati na rin si Mahal ay pinaturuan ko na rin. Maganda ganda rin itong bahay na nabili namin. Pero nakakamiss rin pala ang mga kapitbahay mong maiingay. Dito kasi eh masyadong tahimik. Wala ang normal mong nakikita at naririnig na mga magkukumare na nagkukwentuhan at pinagtsitsimisan ang mga kinaiinisan nila sa tindahan ni Jing Jing. Busy kami ngayong pamilya dahil ngayong araw na ito namin inimbitahan ang mga mala

