***** Lukas "Ano?" Tanong naman sa akin ni Emilio ng maibulalas ko ang pangalan ng dati kong asawang si Jenny. "Wala... Wala lang ito matulog na tayo." Yan lamang ang nasagot ko sa kanya ng tanungin niya ako kung ano ba ang bumabagabag sa akin. Hindi ko naman nasabi sa kanya ang totoong dahilan at kahit pa pinilit niya pa akong tanungin ay di rin ako sumagot sa mga tanong niya. Nainis pa siya sa akin pero dahil sa kalasingan naming pareho ay tinulugan na lang namin ito at aasa na lang akong makakalimutan niya itong pinag-usapan namin kinabukasan. Kinaumagahan mukhang hindi niya pala nakalimutan ito. Sabagay kung yung unang ngang nangyari sa amin na pareho kaming lasing ay naalala namin iyon, ito pa kaya na hindi naman kami sobrang lasing na lasing. "Kumain ka muna." Sabi ko sa kanya

