***** Lukas Matapos mabilis na umalis ni Emilio ay naiwan naman ako dito sa bahay na tulala. Magpapaliwanag na sana ako sa kanya sa kanyang nakita pero mukhang galit naman siya at iniwan ako. Mahirap para sa akin na sabihin sa kanya ang tungkol kay Jenny noong una dahil parang isang bagay lamang ito na maliit na kaya ko namang solusyonan. Pero heto at mukhang lumikha pa ata ito ng malaking gusot. Siguro ay pakakalmahin ko na muna siya at palalamigin ang kanyang ulo bago ko siya kausapin. Gulat din ako at natakot kanina dahil sa unang pagkakataon ay nakita kong galit siya. Madalas kasi kapag kasama ko siya ay malambing at palangiti siya kaya naman talagang kinabahan ako kanina lalo na sa kanyang tingin. Minabuti ko na lang muna na pumasok sa loob ng bahay namin at dahil pagabi na ay ka

