PAIGE
“BAKIT ba ang tahimik mo, Paige?” nagtatakang tanong sa ‘kin ni Harriet. “Pinapunta mo ba ‘ko dito sa Salvacion para lang titigan?” Actually, nakatingin ako sa kaniya pero hindi naman talaga siya ‘yong nakikita ko.
“I think, seryoso na ‘ko,” sabi ko at umayos pa ‘ko ng upo, nagsalubong naman ang kilay niya.
“Seryoso saan?”
“Seryoso at ready na ‘kong kalimutan si Jeru,” seryoso pa ring sabi ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa veranda ng mansion namin dito sa El Tierra.
“Weh?” Obviously hindi siya naniniwala. She took a sip of her juice, then tumingin siya ulit sa ‘kin. “Alam mo, Paige, ilang beses ko na ‘yang narinig sa ‘yo, everytime na may mali-link kay Jeru na ibang model or actress, lagi kang nagta-tantrums nang ganyan. So, who is it this time?” she asked, rolling her eyes.
“No, wala!” tanggi ko naman. “Saka hindi mo ba narinig ‘yong sinabi ko? Seryoso na nga ako. I actually made a list of all the boys’ names I could invite to my birthday.” Then pinakita ko sa kaniya ‘yong list na ginawa ko pero tiningnan lang niya ‘yon.
“Okay, so hindi naman ‘yan para lang pagselosin si Jeru?”
“Hindi ka ba nakikinig, Harriet? ‘Di ba, hindi nga kasi ready na ‘kong kalimutan siya!” Naiinis nang sabi ko at parang nagulat naman siya sa reaction ko.
“Easy! Okay? Ako lang ‘to, kaibigan mo! Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Napapansin ko parang may something sa ‘yo. You invited me here pero parang hindi naman kita kasama, kanina ka pa tulala ryan, ang dami ko nang sinabi rito!” naiiling na sabi niya.
“Wala naman, napag-isipan ko lang na parang sinasayang ko ang time ko kay Jeru. At tingin ko tama si Papa, siguro, time na rin naman para may gawin akong tama sa buhay ko.” Dahil nga dalawa lang kami ni Kuya Trace, ay ibinibigay naman nila sa ‘kin lahat ng needs ko. Kaya never ko kinailangan mag-work for my living.
Actually, simula nang makilala ko si Jeru, sa kaniya na rin umikot ang daily routine ko. Halos wala nga akong maalalang achievement ko kasi lagi akong naka-track sa mga achievements ni Jeru. I feel like his achievements are my achievements too.
“Alam mo, Paige, kahit kailan hindi mo maitatago sa ‘kin ‘yang nararamdaman mo!” Naiiling na sabi niya. “Alam kong may nangyari between you and Jeru kaya ganyan ka na naman. Tapos ano? Kapag nakita mo na siya ulit, okay ka na naman? Para ka na namang asong nakabuntot sa kaniya.”
“No!” mabilis na tutol ko. “Iba na nga this time, seryoso na ‘ko. Kaya nga pumayag na ‘ko sa gusto ni Papa na tumakbo akong Mayor ng El Tierra.” At parang nagula pa siya sa sinabi ko.
“So, you mean seryoso ka na nga talaga?” Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.
“Alam mo, Harriet, pauuwiin na kita sa inyo. Paulit-ulit ka na lang. Seryoso na nga ako, period!”
“Miss Paige...” pareho kaming napatingin ni Harriet kay Tina.
“Yes?” tanong ko naman.
“May package po kayong dumating,” sabi niya pagtapos ay kasunod niya ang isang delivery boy na may dala nang napakalaking box.
“Ano ‘yan? At kanino ‘yan galing?” Nagtataka namang tanong ko.
“For Miss Patrice Gertrude Ferreira Dimagiba po,” sagot naman ng delivery boy.
“Yes naman, full name!” pang-aasar naman ni Harriet kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Okay, sorry, naalala ko, mainit nga pala ang ulo mo,” sabi niya pero nakangiti pa rin siya na parang nang-aasar sa ‘kin. “Pero kanino naman kaya ‘yan galing, Kuya?” tanong niya sa delivery boy kaya napatingin ako ulit sa nag-deliver.
“Nandyan po sa card, eh. Hindi na po namin alam saan po siya galing.” Nag-aalangan namang sabi niya. “Pwede ko na po ba ibaba? Ang bigat po kasi.”
“Sige, dito niyo na lang po ibaba,” sagot ko naman.
“Paki-sign na lang po dito, Ma’am,” sabi niya pagkababa niya ng box kaya pinirmahan ko naman ‘yon.
Pagkaalis na pagkaalis no’ng delivery boy ay kinuha ko agad ‘yong envelope. I just wanted to know kung kanino ba ‘yon galing.
“From Jerusalem McBride,” basa ni Harriet nang malakas sa nakasulat do’n kaya tiningnan ko siya ng masama. Ni hindi ko man lang naramdaman na nasa likod ko na pala siya. “Oh, bakit? Binasa ko lang naman, ah!” Nang-aasar na naman ‘yong ngiti niya sa ‘kin. “‘Yong gusto mo nang kalimutan kaso biglang nagparamdam...” naiiling na sabi niya habang lumalakad pabalik sa upuan niya.
Di ako nagsalita pero sumunod ako sa kaniya at naupo ako ulit sa kinuupuan ko kanina. Tiningnan ko lang ulit ‘yong box.
“Wala ka bang balak buksan?” tanong ni Harriet kaya umuling ako. “Mukhang may something na nangyari talaga sa pagitan niyong dalawa ni Jeru. Pero bago ‘yan ha!” sabi niya sabay turo sa package na ipinadala ni Jeru. “Dahil sa dami ng drama mo about kay Jeru, ngayon lang siya nagpadala ng peace offering sa ‘yo.”
“Miss Paige...” nag-aalangan na tawag ulit sa ‘kin ni Tina kaya napatingin ulit kami sa kaniya ni Harriet.
“What?”
“Ah, sorry po, hindi ko naman po sinasadya na marinig ‘yong usapan niyo...” sabi pa niya na kinakunot naman ng noo ko. “Ano po kasi...” parang di niya malaman kung paano niya ‘yon sasabihin.
“What is it, Tina?” naguguluhan namang tanong ko.
“Naku, Tina! Kung ako sa ‘yo sabihin mo na, dahil hindi mahaba ang pasensiya ni Paige ngayon,” pananakot pa ni Harriet.
“No, don’t mind her. Just tell me, what is it?” sabi ko naman kaya parang nakahinga ng maluwag si Tina.
“Eh kasi, Miss Paige... nag-aalala lang naman ako sa inyo,” simula niya. “No’ng narinig ko po kasing kay Sir Jeru galing ‘yong package niyo... baka lang po kailangan niyong malaman ‘yong nasa news,” nag-aalangang sabi pa rin niya.
“Nasa news?” ulit ni Harriet then she picked up her phone and browsed through it. “Oh, ito nga!” sabi naman ni Harriet nang makita ‘yong sinasabi ni Tina.
Bago pa ‘ko nakapagtanong ay na-play na niya ‘yon kaya pinakinggan ko na lang.
“Ayon sa ulat, engaged na raw ang international model at actor na si Jeru McBride sa nag-iisang anak ni Governor Demetrio Esquivel, na si Ms. Damira Esquivel. At para sa balitang ‘yan, narito si Jacob,” narinig kong sabi nang newscaster sa entertainment news na ‘yon.
“Yes, salamat, Pau! Itong balitang ito nga ay base mismo sa close interview ko sa isa sa pinakamapagkakatiwalaan nating source. At ayon pa sa kaniya, kung matatandaan niyo ang nag-viral video ni Mr. McBride last time, na mayroon siyang kasamang babae sa airport, kung saan sa video na ‘yon ay maraming naghihinala na ‘yon na nga raw siguro ang girlfriend ni Mr. McBride, dahil nga sa ginawa niyang pagprotekta sa babaeng nasa video.” Pagtapos ay narinig kong may nag-play na isa pang video.
“Teka!” sabi ni Harriet kaya napatingin ako sa kaniya. “Eh, di ba, Paige, ikaw ‘yang babaeng nasa video na ‘yan?”
“Kaya naman ayon pa sa source namin, ang babaeng nasa video na ‘yan ay si Ms. Damira Esquivel mismo. Kaya naman siguradong maraming fans ang magugulat sa balitang ito. Pero nais pa rin naming makuha ang pahayag ni Mr Jeru McBride sa balitang ito, sana ay magkaroon tayo ng pagkakataon na makausap siya para malinawan na ang issue na ‘to.”
“What? Motherfvcker, sinungaling naman pala ‘yong source nila, eh!” Galit na galit na sabi ni Harriet. “Hoy, Paige! Alam kong ikaw ‘yong babae sa video at hindi ‘yong bruhang Damira na ‘yon! Ngayon, sabihin mo nga sa ‘kin kaya ka ba ganyan, eh dahil sa balitang ‘yan!” kompronta niya sa ‘kin.
“Alam mo, Harriet, ako man o hindi ‘yang babaeng nasa viral video. Ano pa bang magagawa natin? Eh, ikakasal na nga ‘yang si Jeru.”
“Ikakasal? Sinong ikakasal?” Si Kuya Trace kaya napatingin kami pareho sa kaniya ni Harriet.
“Si Jeru ikakasal na,” sagot ko naman sa tanong niya.
“What the fvck!” Pagtapos ay tumawa siya nang malakas. “Si Jeru? Ikakasal, napakalaking fake news naman niyan. Alam mo hindi pa ipinapanganak ‘yong babaeng pagpapatino do’n sa hayop na ‘yon. Saka napakaimposibleng magpakasal no’n!” Naiiling pa na sabi niya at kumuha pa siya ng fruits na pinahiwa ko kay Manang kanina.
“Seryoso ‘yang news na ‘yan, Kuya,” walang ganang sagot ko naman kay Kuya Trace. “Si Jeru mismo ang nagsabi sa ‘kin.”
“Nagsabi? Kailan? Nagkita na naman ba kayo?” Magkakasunod na tanong niya at bigla na namang nagbago ang mood niya. I can’t help but roll my eyes dahil sa napakabilis na pagbabago ng mood niya.
“Alam mo, Kuya, wala ako sa mood magpaliwanag sa ‘yo.” Naiinis naman na sabi ko. Kaya naman tumayo na ‘ko. “Let’s go, Harriet! Do’n na lang tayo sa room ko, may istorbong dumating.”
“Istorbo? Sino? Ako?” Galit at magkakasunod na naman na tanong ni Kuya. Sino pa kaya ‘yong dumating, eh siya lang naman. “Hoy, Paige! Umayos ka!”
“Tina, pakisabi kay Randy, iakyat na ‘yan sa room ko. Ipasunod mo kaagad.” Baling ko kay Tina at hindi ko na pinansin si Kuya Trace.
Di ko alam bakit siya umuwi ngayon pero alam ko na hindi rin naman siya magtatagal.