Chapter 17: Wipe the Trace

1289 Words
JERU “FVCK!” Inis na mura ko dahil sa walang tigil na pagtunog ng phone ko. Sino ba ‘tong gágong ‘to at ayaw tumigil? Ilang beses ko nang pinatay ‘yong tawag na ‘yon pero paulit-ulit lang na tumatawag. “Hello?” “JERUSALEM!” Galit na galit na sigaw ni Ava sa pangalan ko. “Ano na naman ‘yon, Ava? Ang aga-aga pa, ah! Bakit ba ayaw mo muna ‘kong patahimikin!?” Galit na bungad ko sa kaniya. “Have you seen the news? How the hell did you end up getting engaged?” Sa sinabi niyang ‘yon ay napabalikwas ako ng bangon at dahil do’n biglang nagising ang diwa ko. “Anong sabi mo?” tanong ko at naihilamos ko pa ang palad ko sa mukha ko. “For God’s sake, Jeru! Ang daming babaeng papatulan mo! Bakit ‘yong anak pa ni Governor Esquivel? Alam mong mainit ang pangalan niya ngayon dahil sa mga corruption issues niya!” “What? What’s going on, Ava? Hindi ko maintindihan ‘yang mga sinasabi mo. How could I be engaged? Sino bang hayop ang nagkalat nang balitang ‘yan?” I asked angrily, because the only ones who knew about that—aside from me and Dylan, were Paige alone. At alam kong imposibleng manggaling kay Paige ang balitang ‘yon, because she was the last person I’d expect to spread those fvcking rumors. If my instincts are right, that damn news must’ve come from the Esquivels’ side. “May nagpa-interview raw sa Bulletin Sentinel at nilabas ‘yang showbiz scoop na ‘yan. Kaya ang aga-aga ang daming tumatawag dito sa office para i-confirm kung totoo ang issue.” Problemado na rin siya dahil sa issue na ‘yon. “I’ll send you the viral video that’s going around and the showbiz scoop. You can check them out and figure out how we’re going to deal with this!” When I heard my phone beep, agad akong nag-check ng message niya sa ‘kin. So, then I watched the videos. What the fvck! How the hell did Damira claim she was with me at the airport—when it was Paige all along? Hindi ko napaghandaan ang tactic na ‘yon ng mga Esquivel. They could ruin me before I even get the chance to ruin them. Mukhang mali ang ginawa ko. Damn it! I let my guard down, at hinayaan ko na namang mangyari ‘to! “Teka anong sinabi mo sa mga tumatawag sa ‘yo regarding dito?” tanong ko. Hindi ko na rin kasi alam ang pwede kong sabihin dahil sa ngayon nag-iisip ako ng paraan para linisin ang pangalan ko. “Ano pa bang sasabihin namin? Eh di syempre, itinanggi namin ‘yong news na ‘yon. Hindi maganda sa image mo ang mga Esquivel ngayon. At saka wala akong matandaan na nagkaroon tayo ng business sa kanila kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung saan galing ‘yang balita na ‘yan,” seryosong sabi niya, hindi kami magkaharap pero alam kong malaking problema nga ang haharapin namin dahil sa pesteng balitang ‘yon. “Ang totoo ang dami nang brands and sponsors ang gustong makipag-meeting, alam mo naman ang kasunod nito kung hindi natin magagawan ‘to agad ng paraan. Kaya we need to set up an interview to clear things up.” “Yeah, I understand,” sagot ko naman at napahawak ako sa batok ko. I need to do something as soon as possible. “But I have an idea, Ava. We need to clear things up without sounding too defensive.” “What do you mean?” “Baka nakakalimutan mo, nandito ako sa Los Angeles. At kailangan kong mai-set up ang interview dito.” Naalala ko tumawag sa akin ang Showbiz Central LA and they wants to feature me in an exclusive Celebrity Insider interview. And they want it soon. Matagal na nila akong tinatawagan at hindi lang talaga ako magkaroon ng time. Sa tingin ko ito na ‘yong tamang pagkakataon para gawin ‘tong interview na ‘to. “Okay, sige. Lilipad kami ng LA bukas na bukas, aayusin lang namin ang lahat ng dapat ayusin dito para ma-set up natin ‘yang interview na ‘yan. I’ll call you if another issue comes up. For now, just stay put.” “Okay, got it!” sagot ko naman pagtapos ay binaba ko na ‘yong tawag na ‘yon. Pagtapos ay tinawag ko agad si Dylan. “Boss, may malaki tayong problema,” bungad niya sa ‘kin pagpasok na pagpasok niya ng kuwarto ko. “I know. Naitawag na sa ‘kin ‘yan ni Ava,” walang emosyon na sabi ko. Pagod na ‘ko sa mga walang katapusang issue na ‘yan. “So, paano ngayon ‘yan, Boss?” “Gagawan ng paraan. Madali lang ‘yan kaya hayaan mo kami ang umayos niyan. Ang gawin mo ngayon, mag-book ka ng flight pabalik ng LA. I want you to book a private jet, dahil kailangan nating maitago ang pagbalik ko sa LA. Kung madali nating naitago ang pagbalik ko dito sa Manila, sa ngayon mahihirapan akong magtago sa media. Nasa akin ang mata ngayon kaya walang sinuman ang pwedeng makaalam na pabalik tayo ng LA. We need to do this—for our plan to clear my name,” utos ko naman sa kaniya. “Naiintindihan ko, Boss!” sagot naman ni Dylan. “Mag-book ka rin ng helicopter, ‘yon na lang ang gagamitin ko para makalipad tayo mula dito hanggang airport,” dagdag ko pa saka ako tumayo sa kama. “Sige, Boss. Aayusin ko kaagad,” sabi niya saka tumalikod sa ‘kin. “One more thing,” pigil ko sa kaniya kaya naman humarap siya ulit sa ‘kin. “After mo mag-book ng private jet, pumunta ka sa security quarters. Ipabura mo lahat ng kuha ng CCTV na nando’n ako mula nang araw na tagpuin natin ang mga Esquivel dito mismo sa hotel. At gusto ko ring hanapin mo ang lahat ng staffs and employee na nakakaalam na umuwi ako nang araw na ‘yon at nakipag-usap tayo sa mga Esquivel. Siguraduhin mong wala kang makakalimutan. Warn them—if a single word about my meeting with the Esquivels leaks out, their peace and their lives will pay the price,” banta ko. “Pakisabi rin sa security off-limits pa rin ang media pero siguradong maraming paparazzi ang nakakalat ngayon dyan kaya kailangan ko ng helicopter.” “Okay, Boss! May idadagdag pa ba kayo?” “Wala na,” sagot ko naman. Pagtapos ay dinampot ko ulit ‘yong phone ko at tinawagan ko si Alfred. “Hello, Boss Jeru!” bungad niya agad sa ‘kin. “Ang aga yata ng tawag mo.” “May ipapagawa ako sa ‘yo,” simula ko naman. Siya ang pinakamagaling at nag-iisang hacker na mapagkakatiwalaan ko, sa kaniya ko ipinapatrabaho lahat kapag may gusto kong malaman at may gusto akong makuhang mga impormasyon. Sa kaniya ko rin ipinatrabaho ang pagbabago ng identity ko para hindi ako mahanap ng mga Esquivel. “Anything for you!” Nakangiting sabi niya. “Okay, get rid of every news about me — and wipe anything about that fvcking engagement with Governor Esquivel’s daughter,” simula ko naman. “Easy peasy! ‘Yong lang ba?” “No, one more thing. I want you to make sure my name is removed from the passenger list for the Horizon Pacific Flight HP416 on the 28th — whatever it takes. Wala kasing pwedeng makaalam na bumalik ako ng Pilipinas nang araw na ‘yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD