DAMIRA
“WHAT happened, Damira?” Naguguluhang tanong ni Dad. “Bakit ang lumabas sa news ay engage na kayo ni Mr. McBride? Saan naman kaya galing ang balita na ‘yon?”
“I’m not sure, Dad,” pagsisinungaling ko. “Alam mo naman na hindi ko gusto ‘yong idea nang pagpapakasal naming dalawa. Malamang ang Jeru na ‘yon ang may kagagawan nang lahat. Since siya naman ‘tong nasa showbiz industry.”
“No, imposible na siya ang gumawa niyan. Mahigpit na bilin sa amin nang assistant niya na huwag munang sasabihin kahit kanino ang tungkol sa deal na ‘yon hangga’t hindi tuluyang pumapayag si Mr. McBride, dahil hindi pwedeng may ibang taong makaalam,” nag-aalalang sabi naman niya. “Ang inaalala ko baka lalo lang siyang hindi magpakasal sa ‘yo nang dahil sa news na ‘yan.”
“Don’t worry, Dad. I’m sure na pakakasalan ako ni Jeru McBride kahit na anong mangyari. Lalo ngayon kalat na kalat na ang tungkol sa relasyon naming dalawa,” sabi ko naman then I look to my phone.
Kanina ko pa nga hinihintay ang tawag ni Jeru sa ‘kin dahil siguradong sa lumabas na balita, kami ang una niyang kakausapin. That’s why I’ve been waiting for his call since this morning.
“Sana nga tama ka nang hinala. Dahil mas mahihirapan akong manalo sa susunod na eleksyon kapag tinanggihan na ni Mr. McBride ang usapan namin. Dapat kasi no’ng hindi pa lumalabas ang issue tungkol sa ‘kin, pumayag na ‘ko para ngayon wala na sana tayong problema,” naiiling pang sabi niya at naupo siya sa paborito niyang upuan and leaned back, resting his head on the headrest.
“No worries, Dad. Just trust me, okay? Ako ang bahala sa kaniya. Sigurado namang hinding-hindi niya matatanggihan ang ganda ko,” biro ko naman sa kaniya dahil ramdam na ramdam ko na ang stess niya. Napatingin naman siya sa ‘kin at ngumiti.
Kahit naman sa dami nang nagawa niya, siya pa rin ang Dad ko at ibinigay naman niya ang lahat nang gusto ko kaya hindi ko pa rin gusto na ma-stress siya ng ganito. Lalo ako talaga ang may kasalanan nang lumabas na news.
“That’s what I like about you, Damira. Sa akin ka talaga nagmana. Dapat lang na ganyan ka! Dapat lang na mataas ang tiwala mo sa sarili mo at wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kung hindi ang sarili mo lang din.”
“Then why are you trusting me with Jeru McBride?” hindi mapigil na tanong ko.
“I’m trusting you with him?” Pagtapos ay natawa siya. “Of course not, hija! Hinding-hindi ko gagawin ‘yon. I’ve done some investigating on him, at malaking tao ang nasa likod niya. At nalaman ko rin na malaki ang net worth ni Mr. McBride.” Pagtapos tumingin siya sa kawalan, seems thinking about something. “Kailangan lang nating matuloy ‘yong kasal niyo para maging conjugal lahat ng properties niya, pagtapos hindi ko na siya kailangan. Dahil yaman lang niya ang kailangan ko para magtagal ako sa politika.”
“What the hell, Dad? Are you insane?” Hindi makapaniwalang sabi ko at tumayo ako sa harap ng inuupuan niya. “At gagamitin mo pa talaga ako para makuha mo ang gusto mo.”
“Para sa ‘yo din ang lahat nang ‘to, Damira!”
“No, Dad! Para sa ‘yo ang lahat ng ginagawa mo, dahil kahit kailan hindi ko gugustuhin ang mga bagay na galing sa maduming paraan! Noon, wala akong choice dahil bata pa ‘ko no’n at kahit gustuhin kong pigilan ka hindi ko magawa!”
“What do you mean by noong bata ka pa wala kang choice? At anong gusto mo ‘kong pigilan?” Parang kinakabahang tanong niya pero hindi ako sumagot. “Do you mean—”
“Yes, Dad! Alam na alam ko ang ginawa mo 13 years ago!” At nagulat siya sa sinabi ko.
“H-how?” Naguguluhang tanong niya.
“I don’t need to explain it, Dad. I just know! So please, stop doing anything. This is the right time para itama mo na ‘yong mga pagkakamali mo. Kaya ngayon, hindi mo ako magagamit sa mga masamang binabalak mo laban kay Jeru. If you push me to marry him, wala kang gagawing masama sa kaniya dahil ako mismo ang makakalaban mo, Dad!” Then I turned my back and walked away.
Then, memories of what I heard 13 years ago suddenly rushed back to me.
“Yes! You have to kill him — kailangan niyong masiguradong patay ang nag-iisang anak ni Jemina McBride! Ayokong maging hadlang siya sa akin pagdating ng araw!” Dumadagundong sa galit ang boses ni Dad. Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil alam ko — gusto niyang patayin si Jeru.
PAIGE
“ARE YOU even listening to me, Paige?” tanong sa ‘kin ni Louisianna kaya napatingin ako sa kaniya.
“Sort of,” walang gana namang sagot ko.
“You know what, Ms. Reynoso. Hindi talaga nakikinig ‘yang si Paige, iba kasi ang nasa isip niyan,” singit naman ni Harriet kaya I gave her a death glare.
“Don’t mind her,” sabi ko naman. “What is it again?” seryoso nang tanong ko.
“Okay, here’s the guest list,” pagtapos ay iniabot niya sa ‘kin ang list na hawak niya. “And the Governor wants to celebrate your birthday at the banquet hall of El Continental Hotel and Casino.”
“What? No!” mabilis na tutol ko. Alam ko naman na ang hotel na tinutukoy niya ay ang hotel ni Jeru dito mismo sa Salvacion dahil lahat nang asa guest list niya ay taga-dito lang din sa amin.
“Why? The Governor only wants the best for you, Paige.”
“No! Mas gusto ko dito sa mansion mag-celebrate.”
“Dyan ia-announce ang pagtakbo mo as Mayor kaya ang gusto ni Gov sa isang luxury banquet hall ‘yan ganapin. Double celebration ‘yan at siguradong maraming pupunta,” pilit pa rin niya. “Saka ‘di ba matagal mo nang hinihiling kay Gov na do’n i-celebrate ang birthday mo? He really believes this is the right time.”
“I said no! It’s my birthday — I get to decide!” Naiinis nang sabi ko kaya natigilan naman siya. “Then tell my dad I’m celebrating my birthday here, in the mansion — not anywhere else. Saka for sure kaya naman i-accommodate dito sa mansion lahat ng guest. At kaya nating gawing luxury vibes ‘tong mansion, believe me.”
“Okay, if that’s what you want, I’ll tell him then,” wala nang nagawang sabi niya. “Another thing—here’s the list of catering services we’ve chosen, but the final decision is yours. You can pick one so we can schedule the food tasting.” Pagtapos ay inabot niya sa ‘kin ang list na ginawa niya.
Binasa ko naman ‘yon. Of course—they only listed the best and mostly mga catering services na nagse-serve na rin sa iba’t ibang well-known personality.
“I want to try La Première and Casa Celestia, mag-book ka sa kanila. Pipili ako kung alin ang mas gusto ko,” sagot ko naman.
“Okay, I will take note of that. Then ‘yong gown pala na susuotin mo, heto...” then inabot niya sa akin ang hawak niyang tablet para ipakita sa akin ang mga sketch ng design. “This is from Ms. Alexena Chavez, siya ang tinawagan ko para sa paggawa ng gown na susuoting mo.”
I was scrolling through her tablet; there were a bunch of promising designs, but only one really stood out to me.
“I like this one,” mabilis namang sagot ko.
“Excellent choice, Paige. You’re going to look stunning on your special day,” nakangiting sabi ni Louisianna.
“May ilang concept lang ako na gustong ipabago, pero I will tell her kapag nagkausap na kami,” sabi ko naman.