JERU
“Are you kidding me?” buntong-hininga ko habang hawak-hawak ‘yong phone ko. Walang tigil ang patunog ng phone ko dahil sa notification — reporters, managers, sponsors. Lahat nagtatanong. Lahat naghahanap ng sagot tungkol sa kumalat na engagement namin ni Damira.
Napipikon ako. Tāngina. Hindi ko talaga alam na ‘yong paglapit ko ulit sa mga Esquivel ay magbibigay pa ng mas malaking problema sa ‘kin.
If I have to burn everything to get what I want, I will. But not without taking down whoever started this.
Kaya sisiguraduhing kong tatapusin ko kung ano man ang sinimulan nila.
Binaba ko ‘yong cellphone ko sa lamesa, nagsasawa na ko sa walang tigil na tunog at vibrate no’n.
Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ko, pero parang hindi ko na kilala ‘yong taong nando’n. Nakasuot ako ng dark red suit na pinili ng stylist ng PR team—pero kahit anong ayos nila, hindi no’n natatakpan ‘yong pagod sa mata ko.
Halos wala pa akong tulog mula nang bumalik kami dito sa L.A. Dahil paglapag namin tinawagan ko agad ang Showbiz Central para sa interview na matagal na nilang hinihingi. At hindi naman sila tumanggi dahil nga sa engagement issue ko.
At ngayong araw magsisimula ang “image restoration campaign.”
Ang ironic. Dahil habang gusto nilang linisin ang pangalan ko, ako naman—pinaplano kung paano ko sisirain ang iba.
“Mr. McBride, we’ll start the pre-interview in ten minutes,” sabi ng assistant director na si Lira.
Tumango lang ako. Wala na ‘kong energy pahabain pa ‘tong issue na ‘to. Isa lang ang gusto ko ngayon at malinaw ang plano ko: I clear my name. I protect Paige. I expose whoever planted the rumor. And then move on to the real target — Demetrio Esquivel.
Kinuha ko ‘yong baso ng whiskey sa mesa, sinusubukan kong lasingin kahit konti ang konsensiya ko.
Pero kahit ilang lagok, nandito pa rin ‘yong tanong—bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mukha ng mga taong pumatay sa mga magulang ko?
Kinuha ko ulit ‘yong phone ko. May dalawang voice message mula kay Damira.
Hindi ko alam kung paano niya nakuha ‘yong number ko. At hindi ko rin alam bakit siya tumatawag. I pressed the voice message to listen to it.
Jeru, call me as soon as possible, please. Hindi ko alam kung saan galing ‘yong balitang kumalat but I want to hear from you, gusto kong malaman kung ikaw ba ang nagpadala sa press ng balita tungkol sa ati—
Di ko na tinapos at pinatay ko na ‘yon. Napangisi ako. Di ko talaga alam kung maiinis ako o matatawa sa ginagawa nila. Ginagawa nila akong tanga.
Ngayon ako pa ang babaligtarin nila sa nangyari. Ako pa ngayon ang nagpadala ng balitang ‘yon.
She thinks she’s in control. But she’s just another piece on my board.
“Sir, are you okay?” tanong ni Lira nang mapansin siguro ‘yong ngiti ko.
“Yeah,” sagot ko, pinilit kong sumeryoso. “Just remembering something funny.”
Paglabas ko ng dressing room, sinalubong ako ng ilaw ng mga camera. Paparazzi, reporters, mga taong walang ibang gustong makita kundi kung paano ako babagsak.
“Jeru, is your engagement really true??” tanong ng isang news reporter galing sa L.A. Today Network.
“Please, let Jeru pass. He will answer all your questions at the press conference later. In the meantime, Showbiz Central will handle his closed-door interview,” sabi naman ni Lira. At sinenyasan niya ang mga martial na nasa gilid namin para tulungan kaming makadaan.
Nasa likod ko rin si Ava at si Dylan.
“Diretso ka lang, Jeru,” utos ni Ava kaya sumunod ako sa kaniya. “Huwag mo munang pansinin ang press.”
Sa dami ng flash ng camera, halos hindi ko na makita nang maayos ang daan. Mabuti na lang talaga may mga martial na nakaalalay sa amin.
Nang makalagpas kami sa mga press at nakapasok na sa closed-door studio ng Showbiz Central, kahit paano nakahinga na ‘ko nang maluwag.
Saktong pagsara nila ng pinto ay nag-vibrate ang phone ko.
Unknown number.
Sinagot ko naman ‘yon. Hindi ko rin alam kung bakit, hindi ako sumasagot ng tawag lalo at may interview.
“Jeru McBride?” Boses ng babae pero hindi ko mabosesan kung sino.
“Who’s this?” tanong ko.
“Someone who knows what really happened 13 years ago.”
Napatigil ako. The background was faint, parang nasa loob ng sasakyan.
“Stop wasting my time,” malamig kong sagot, pero bago ko pa mapindot ang end call, nagsalita ulit ‘yong babae.
“You’re aiming at the wrong target, Jeru. Hindi dapat ang mga Esquivel ang target mo. It’s her father’s ally—the one who ordered it all.”
“What the hell are you talking about?!” Galit na sigaw ko. Pero hindi pa ko yata ako tapos sabihin ‘yon ay namatay na ang tawag. “Hello! Hello? Gāgo ka ba?”
“Jeru!” saway sa ‘kin ni Ava kaya tiningnan ko siya ng masama. Pero hindi siya nagpatinag at pinanlakihan niya ‘ko ng mata.
Do’n ko naalala na nasa closed-door interview nga pala kami.
“Sorry, I just got a prank call,” sabi ko na lang.
Sumenyas naman si Lira na pumunta na ko sa stage, kaya tumango lang ako at sumunod sa kanila.
The cameras flashed the moment I stepped onto the small stage.
The logo of Showbiz Central L.A. Network filled the backdrop, and the host—an elegant woman in her mid-thirties—ngumiti siya sa akin na para bang alam na alam niya ang lahat ng sikreto ko.
“Good evening, everyone! Tonight, we’re joined by one of the most talked-about figures in the entertainment industry—Mr. Jerus McBride,” simula ng host pagtapos ay tumingin siya sa ‘kin with that perfectly rehearsed grin. “Jeru, first of all, welcome back to L.A.”
“Thank you. It feels good to be back,” I answered also with a fake smile. “Although I’ve been here for almost three weeks now, I’ve got a personal issue—” I stopped when I noticed her questioning look. “Okay, my mother got sick, and she had to undergo a medical procedure. That’s why I decided to take a long break for a while. But no need to worry, she’s fine now.”
“That’s good to hear, Jeru,” sagot naman niya pagtapos ay nag-lean forward siya. “Your comeback has definitely caught the public’s attention. But before we talk about your upcoming projects, I have to ask the question everyone’s dying to know— Are the rumors about your engagement true?”
I smiled a little. Controlled. Calculated. Hindi ko pwedeng ipahalata na scripted naman talaga ang interview na ‘to.
“No. They’re not true. I’m not engaged to anyone,” diretsong sabi ko. At narinig kong nagbulungan ang ilang audience na nando’n. Syempre, hindi naman talaga sila agad maniniwala.
“So, you’re saying the viral reports linking you to Miss Damira Esquivel were false?”
“Yes. I’ve seen those headlines, and I understand why people got curious. But sometimes, stories get out of hand. It’s part of being in the industry.”
“Can you clarify your relationship with Miss Esquivel then?” sunod na tanong niya.
“Well, we’ve known each other for a while. But there’s nothing romantic between us.”
Sa sobrang dami nilang tanong, tumagal pa yata ng mahigpit 10-minutes ‘yong interview na ‘yon. Halos maubusan ako ng tubig sa katawan.
“Before we wrap up, any message for your fans?”
Sa wakas natapos din.
“Yeah. Thank you for not believing everything you read. I owe my second chance to the people who stayed.”
Then applause erupted, flashes from cameras hit my eyes. I smiled, waved, acted like everything was fine.
Nang mag-cut ay tumayo na ako, sinalubong naman ako ni Dylan.
“Anong nangyari, Boss? Sino ‘yong tumawag sa ‘yo kanina?” Nag-aalala ring tanong niya.
“Hindi ko alam, pero may sinabi siya tungkol sa nangyari sa mga magulang ko,” sagot ko naman. “Ipadala mo kay Alfred ‘yong number, gusto kong malaman kung sino ‘yon.”
May nalalaman siya kung anong nangyari 13 years ago. At kailangan ko siya.