DAMIRA
“Hey, have you heard the news?” Tanong sa ‘kin ni Kate. Nandito kami ngayon sa condo niya, having girl’s night out.
“What news is that?” tanong naman ni Guia. “‘Yong about sa engagement ni Damira at Jeru? Eh, hindi ba tayo nga ang naglabas no’n in public.”
“No! Not that one, syempre hindi ‘yon ang tinutukoy ko.” Naiiling na sabi naman ni Kate kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. “Jeru will finally speak about the engagement issue. At ang daming naghihintay ng side niya regarding sa issue.”
“Wait. Which channel?” excited na tanong ni Mau at mabilis niyang kinuha ang remote ng TV “Saka saan mo ba ‘yan nalaman?”
“Kay Jacob, syempre nasa news industry siya tapos sa kaniya pa galing yung scoop about sa engagement, so nakabantay talaga sila sa bawat galaw ni Jeru. Then finally nga, sabi ay magsasalita na nga raw siya.”
“So, saang channel nga?” tanong ulit ni Mau.
“Walang channel, sa L.A. kasi siya nagpa-interview hindi naman dito sa atin kaya link lang ang binigay sa ‘kin.”
“Wait, nasa L.A. siya?” Gulat na tanong ko. Kaya pala hindi siya sumasagot sa mga tawag ko at puro sa voicemail lang pumapasok ang lahat ng calls ko.
“Yeah, ‘yon ang sabi. Pero bakit hindi mo alam? Eh, hindi ba ikaw nga ang fiancé niya?” Nagtatakang tanong ni Kate at wala naman akong masagot do’n. Dahil honestly nga, wala rin talaga akong alam na nando’n siya ngayon.
“Before that, saan pala natin mapapanood ‘yong news?” singit na naman ni Mau na mas excited pa yatang mapanood ‘yong news kaysa marinig ‘yong isasagot ko.
“Wait, Jacob, send me the link para mapanood ko ‘yong live interview,” sagot naman ni Kate, while trying to access the link. “Hindi kasi lahat may access, pero alam ko ipapalabas din sa Showbiz Central offiicial page.”
“Pero bakit kaya nasa L.A. siya? ‘Di ba, Damira, sabi mo no’ng isang araw lang kayo nagkitang dalawa?” Nagtataka namang tanong ni Guia sa ‘kin.
“Yeah, and that’s true. At hindi ako nagsisinungaling about sa engagement, you can ask my Dad if you want,” giit ko, kasi halatang doubted na naman sila sa sinasabi ko.
“Okay, let’s watch his interview first,” sabi naman ni Kate. “Connect ko sa TV.”
The TV flickered. Hindi naman na ‘ko nakapagsalita dahil nag-play na ‘yong interview na sinasabi ni Kate. And that was live nga, lahat kami nakatoon sa malaking screen sa harap namin.
“Good evening, everyone! Tonight, we’re joined by one of the most talked-about figures in the entertainment industry—Mr. Jerus McBride,” simula ng host at nang masabi ang pangalan ni Jeru ay saka lang siya pinakita sa camera.
Jeru’s face filled the screen—calm, perfect, untouchable.
“Jeru, first of all, welcome back to L.A.”
“Thank you. It feels good to be back,” sagot naman niya and he also gave his sweetest smile. “Although I’ve been here for almost three weeks now, I’ve got a personal issue—”
“What? Three weeks? Eh di ba nga, nagkita pa kayo no’ng isang araw?” Nagtataka na namang komento ni Mau. Hindi na naman ako makasagot dahil kahit ako nagtataka.
“That’s good to hear, Jeru,” sagot ulit ng host. “Your comeback has definitely caught the public’s attention. But before we talk about your upcoming projects, I have to ask the question everyone’s dying to know— Are the rumors about your engagement true?”
Ngumiti ulit si Jeru, di ko sure bakit parang kinakabahan ako sa isasagot niya.
“No. They’re not true. I’m not engaged to anyone,” sagot niya at napatingin sa ‘kin ang lahat ng kasama ko ro’n.
“You know he’s lying!” Naiinis na sabi ko. “Now, he’s trying to save his ass!”
“So, he’s denying all of it dahil ayaw niyang madawit sa issue niyo?” hindi makapaniwalang sabi ni Guia.
“What else?! How dare he deny me on international TV!” Galit na sabi ko. “Stop that stúpid bullshít interview!” Gigil na dagdag ko.
Kate’s remote clicked off. Silence slammed in, dahil alam nila kung paano ako magalit. I slammed my palm on the table. The sound was small but it echoed in my head.
I snatched the phone. Dad answered on the first ring.
“What is it, Damira? Alam mo ba kung anong oras na?” Ramdam ko ang inis sa boses niya.
Yeah, it’s already 3 a.m. in the morning.
“Mas importante ‘tong sasabihin ko, Dad!” Naiinis na namang sabi ko dahil naalala ko na naman. “I can’t believe it—Jeru’s denying our engagement!”
There was a pause. Then his breath: slow, controlled.
“Alam mo, Damira? Hindi na ‘ko magtataka diyan, dahil first of all hindi naman talaga dapat lumabas ang balita tungkol sa engaement niyong dalawa. ‘Yan ang mahipit niyang bilin, at ngayon mukhang kailangan ko nang gumawa ng ibang paraan para isalba ang sarili kong pangalan.” Ngayon naman ramdam ko ang pagkadismaya sa boses niya. And I felt sorry for that.
Hindi pa ‘ko nakakasagot ay narinig ko na ang pag-end ng call na ‘yon.
Napatingin ako sa mga friends ko na nakikinig din sa usapan namin.
“So, mukhang wrong move pala ‘yong paglalabas natin ng scoop about your engagement, right?” Nag-aalala na ring sabi ni Kate, pagtapos ay nag-ring ang phone niya. “Oh s**t! It’s Jacob,” nag-aalala na ring sabi niya. “Quiet, girls, sasagutin ko lang ‘to.” Pagtapos ay sinagot niya ang tawag na ‘yon.
Hindi man lang siya nakapag-hello dahil parang sunod-sunod na bulyaw na lang sa kabilang linya ang narinig namin.
“What happened? Anong sabi niya sa ‘yo?” Nag-aalalang tanong ni Guia kay Kate.
“Nagagalit si Jacob sa ‘kin,” parang maiiyak pa na sagot ni Kate. “Ngayon, ako ang sinisisi niya sa pag-fail ng scoop niya at ang sabi pa niya, Jeru’s management will file a suit against him and against sa news company nila kaya ngayon galit na galit siya sa ‘kin.”
“I’m sorry, Kate, hindi ko alam na madadamay ka pa sa problema ko,” sabi ko naman.
“No, kasalanan ko rin. Ako naman kasi talaga ang nakaisip na ilabas natin ‘yang news na ‘yan. Ngayon, sa kagustuhan kong mapalapit kay Jacob pati engagement mo nadamay. At mas galit na galit pa sa ‘kin si Jacob ngayon.”
“Hindi ako papayag!” Inis pa rin na sabi ko. “Hindi, pwedeng masira ang pangalan ko nang gano’n na lang. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa mga taong kakilala ko nang dahil sa pag-deny sa ‘kin ni Jeru?”
“So, what are you planning to do now?” tanong naman ni Mau.
“Baka nakakalimutan niyo, anak ako ni Demetrio Esquivel, at walang ibang makakasira ng pangalan namin. We built this name with sweat, blood, and every sacrifice we had, tinitingala kami sa bayan ng Sta. Ilaya. So, I will make sure na pagbabayaran ng Jeru McBride na ‘yan ang ginawa niya. At pagsisisihan niya ang pag-deny niya sa ‘kin in public.”
This is your mistake, Jeru. I’m prepared to help you survive whatever retribution my father brings, kung sakaling pinili mong panindigan ako. Pero ngayon sisiguraduhin kong tuluyang masisira ang pangalan mo. At sisiguraduhin kong hindi lang ang pangalan mo ang masisira. I will make sure you regret ever thinking you could humiliate me.
“Let him beg for mercy,” I said. “I’ll teach him how it feels to be erased.”