PAIGE
Hindi pa rin kami okay ni Papa. Kaya imbes na manatili sa Salvacion, nagdesisyon akong bumalik muna ng Manila. At sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ang una kong naisip ay tumuloy sa hotel ni Jeru.
Maybe because, somehow, I feel like it keeps me closer to Jeru
"Here's your room number, Ma'am," nakangiting sabi sa 'kin ng receptionist habang inaabot sa ‘kin ang keycard.
"Thank you," mahina kong sagot bago ako dumiretso sa elevator.
Pagpasok ko ng elevator ay pinindot ko lang ang number 10 dahil nasa 10th floor ang room ko. Gusto ko sanang pumunta sa penthouse ni Jeru pero hindi ko sure ba't walang access do'n 'yong elevator na napasukan ko. Pagbukas ng elevator ay may dalawang girl attendant na nag-uusap sa labas ng elevator. Diretso lang ako sa paglakad at hindi ko sila pinansin.
"Grabe! Ang pogi talaga ni sir Jeru, 'no!" kinikilig na sabi no'ng isang girl. Well, totoo naman 'yong sinabi niya at wala naman akong tutol do'n. "Simple lang 'yong suot niya pero grabe iba talaga ang dating niya!"
"Bakit? Nakita mo na siya ulit?" Hindi makapaniwalang sabi no'ng isa.
"Oo naman, nandyan lang siya sa room na 'yan, oh!"
Napalingon ako agad.
“Wait. What did you just say?” putol ko, halos hindi ko makontrol ang boses ko. “Jeru’s already here?”
Nanlaki mata nila.
“Hala, Ma’am—sorry po! Bawal po kasi—”
“Please. Just tell me,” pakiusap ko. “I won’t tell anyone.”
Nagkatinginan pa sila pero halata sa mukha nila ang takot. “Nasa room po siya, Ma’am. Pero bawal po talaga sabihin—”
Hindi ko na sila pinatapos. Tumakbo na ‘ko papunta sa direksyong sinabi nila.
At doon, una kong nakita si Dylan—at sa reaksyon pa lang niya, alam ko na.
"Miss Paige!" Gulat na gulat na tawag niya sa pangalan ko. "Ano pong ginagawa niyo rito?"
"I'm here to see Jeru. Nothing else." seryosong sabi ko. "Nasaan siya? Nandito ba siya?"
Naku, Miss, wala siya—may pinapagawa lang sa ‘kin—”
“Don’t lie to me, Dylan.” Matalim ang tingin ko. “Alam kong nandito siya.”
Huminga siya nang malalim, halatang hirap na hirap.
“May meeting siya ngayon. Hindi pwedeng—”
“Give me the card key.” Tapos iniabot ko ang kamay ko. “Dylan, huwag mo ‘kong subukan. You know I can make a scene.” Kita ko kung paano siya napakunot ang noo bago napilitan ibigay sa ‘kin ang keycard.
I know Jeru had his reason kung bakit niya tinatago sa lahat na nandito na siya. Even media ay hindi natunugan ang pag-uwi niya.
Napilitan naman siyang iabot sa 'kin 'yong card key kaya ginamit ko 'yon para mabuksan ang pinto. Sisilipin ko lang naman si Jeru wala naman akong balak na guluhin kung sino man ang kausap niya.
Pero nagsalubong ang kilay ko nang itulak ko 'yong pinto ay hindi 'yon bumukas—as if something heavy was blocking it from the other side.
"Who the hell is that?" Galit na sabi ni Jeru. Nagdilim ang paningin ko, the moment I saw that there was a woman with him inside—and take note, she was hugging him. "Paige?" he called me, making me look at him again. "What are you doing here, Paige?" he added, his tone sounding like he wasn't even pleased to see me. That made my temper rise–but honestly, deep down, I just wanted to cry.
"And you! What the hell are you doing here, Jeru?" Hindi mapigil na sabi ko sa kaniya. "Hindi ba sabi mo sa 'kin matatagalan ka pa sa Los Angeles? And who exactly is she?" Hindi ko rin gets 'yong sarili ko. Pakiramdam ko kasi niloko niya ko kahit wala naman talagang something sa pagitan naming dalawa.
"Me?" singit no'ng girl sa tabi ni Jeru at humawak pa talaga siya sa braso ni Jeru. The nerve of this girl! "I'm his fiancé!" Deklara niya kaya natigilan ako pero nakabawi rin naman ako agad kaya natawa ako sa sinabi niya.
"Stop kidding me, girl! This isn't funny!" Naiinis na sabi ko at gusto ko talaga siyang sabunutan para ilayo kay Jeru. "Si Jeru matagal ko nang kilala 'yan at kahit kailan hindi pa 'yan sumeseryoso sa kahit sinong babaeng nakasama niya. So, stop dreaming, okay?" Dimagiba ang dugo ko kaya akala ba niya magpapasindak ako sa kaniya. No way!
"Wait!" awat ni Jeru pagtapos ay inalis niya 'yong kamay no'ng girl na nakahawak sa kaniya at lumapit siya sa 'kin. "Let's go, Paige!" aya niya sa 'kin.
"No! Please, tell her to stop dreaming, Jeru! And tell me na hindi totoo 'yong sinabi niya na fiancé mo siya." Napabuntong-hininga naman si Jeru. "What?" Naguguluhan akong humarap sa kaniya.
"Totoo 'yong sinabi niya, Paige," naiiling na sabi niya at hindi siya makatingin sa mga mata ko. "You know what, alam ko pagod ka lang. Sa Salvacion ka pa ba nanggaling niyan?" Nag-aalalang tanong niya pero hindi ako sumagot dahil any minute na magsalita ako ay siguradong iiyak. "Dylan, pakihatid si Damira sa driver niya sa baba ng hotel. Ako na ang sasama kay Paige." Then bumaling siya ulit sa akin. "Saan ang room mo, Paige? Ihahatid na kita."
"No!" sigaw ko sa kaniya. "Leave me alone, Jeru!" Galit na sabi ko pagtapos ay hinila ko 'yong gamit ko pabalik ng elevator. Mabilis namang inagaw sa 'kin ni Jeru 'yon. "Ano bang problema mo?"
"Pwede ba, Paige? Stop acting like a child dahil hindi sa lahat ng oras ay nandito kami para sa 'yo. Hindi sa lahat ng oras nandito ako para sa 'yo." He tried to be calm, or mas tamang sabihin na hinahabaan niya lang 'yong pasensiya niya sa 'kin.
Natigilan naman ako nang mag-alisan 'yong mga tao sa paligid namin. Alam ko pinaalis sila ni Jeru. At hindi ko siya maintindihan dahil do'n. Di ko alam kung anong dahilan niya ba't ayaw niyang may ibang taong nakakakita sa amin ngayon, kaya parang mas lalong sumasama ang loob ko.
"Kaya nga e! Hindi na 'ko bata, Jeru, kaya stop treating me like one." Doon na 'ko tuluyang naiyak. "Noon pa man alam na alam mo na kung ano 'yong totoong nararamdaman ko para sa 'yo. And you always make me special, that's why feeling ko iba ako sa lahat ng babaeng nakapaligid sa 'yo. Kaya kahit wala kang sinasabi na kahit ano, feeling ko mahalaga rin ako sa 'yo."
"And yes, Paige... you're one of the most special people in my life," maagap naman na sagot niya. Napahawak pa siya ulit sa batok niya. It seems he was trying to figure out kung ano bang sasabihin niya sa 'kin.
"Special? Kasi kapatid ako ni Kuya Trace at ako itinuturing niyong Foedus baby? Why couldn't you see me beyond that, Jeru?"
"Hindi mo maiintindihan, Paige. Hindi ako 'yong tamang tao para sa 'yo. Hindi ako nabuhay para sa happy ending na gusto mo. 'Yon 'yong hindi ko kayang ibigay sa 'yo, Paige."
Yeah, dahil 'yong babae kanina 'yon ang tamang tao para sa 'yo! Gusto ko 'yan sabihin pero hindi ko na magawa, pinunasan ko na lang 'yong luha ko pagtapos ay humakbang na 'ko papuntang elevator.
But wait! May nakalimutan ako kaya bumalik ako kay Jeru. At natigilan siya nang bumalik ako sa harap niya pero inirapan ko lang siya then I snatched my bag handle from his hand saka ako tumalikod ulit.
"Ihahatid na kita, Paige!" habol niya pa sa 'kin but I stopped again at humarap ako sa kaniya.
"Will you please stop, Jeru? Gusto mong mahanap ko 'yong tamang taong para sa 'kin, hindi ba?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. "Then stop acting like you're the one for me. I'm done believing that."