PAIGE
Padabog akong pumasok sa mansion namin sa El Tierra City. I took the first flight pabalik dito — hindi dahil gusto kong umuwi, pero dahil wala na talaga akong ibang mapuntahan.
Lahat ng plano ko for the week? Nasira. Kasi isang tao lang ang kaya sirain ‘yon — si Jeru McBride.
"What happened to you, Paige?" Nagtatakang salubong sa akin ni Papa. "Saan ka ba galing? Bakit napakarami mong dalang gamit?"
“Naglayas ako, ‘Pa,” diretsong sabi ko. Napatigil siya, kita ko sa mukha niya ‘yong gulat. “Oh, don’t worry, bumalik din naman agad ako. Hindi rin ako marunong maglayas nang matagal,” dagdag ko pa, trying to sound casual.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Paige? May problema ka ba?" Naguguluhang tanong naman niya.
"Wala, 'Pa!" mabilis namang sagot ko. Dumeretso ako paakyat ng hagdan. "Tina, pakiakyat nga lahat ng dala ko dito sa kuwarto ko," utos ko naman sa helper namin na naglilinis sa may living room. Nakakaisang step pa lang ako, nang may maalala ako kaya lumingon ako ulit kay Papa. “Anyway, ‘Pa, ready na ‘ko. We can talk about my party and… about me running as Mayor of El Tierra.”
Kita ko kung paanong biglang lumiwanag ang mukha niya. “That’s good to hear, Paige! Mabuti naman at nagbago ang isip mo.”
Ngumiti lang ako, kahit pakiramdam ko wala naman akong gustong gawin ngayon kundi umiyak. “Aakyat muna ko, ‘Pa. Gusto ko lang magpahinga tonight.”
"Don't worry, hija! Sige na. Magpahinga ka na. Ipaaayos ko na kay Louisianna ang mga initial details na kailangang simulan para sa party mo. Mag-set na lang kayo ng date at time kung kailan ka pwede para i-finalize ang mga details."
"Thanks, 'Pa! Yes, I'll do that. I'll go and get some rest first." I tried to smile in front of him bago ako tuluyang umakyat sa room ko.
Ayoko at hindi ko naman kayang sabihin sa kaniya 'yong dinaramdam ko ngayon. Gusto ko lang munang mapag-isa. Since pinagbigyan ko naman na siya sa kagustuhan niyang tumakbo ako as Mayor ng El Tierra City sa darating na election.
Pagkapasok ko ng kuwarto, ibinagsak ko lang ang sarili ko sa sahig. Hindi ko na kinaya.
Actually, kanina pa 'ko sa plane umiiyak, pinagtitinginan na nga ako pero hindi ko kasi talaga mapigil. Eight years na ng buhay ko ang ginugol ko para kay Jeru, ngayon hindi ko alam kung paano ko mag-start ulit dahil sa routine na kinasanayan ko.
Before, every time I wake up, i-che-check ko 'yong phone ko kung may bago ba siyang update or kung may text at chat ba siya sa akin. Ngayon di ko alam kung paano ko pa 'yon gagawin. Lalo kapag kinasal na siya. So, totally magiging forbidden na 'yong nararamdaman ko para sa kaniya, gano'n na ba 'yon? Hindi na 'ko makakalapit sa kaniya anytime ko gustuhin. Pero ako 'yong nauna, kaya nga hindi ko matanggap!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa floor saka ako pumasok sa secret room ko kung nasaan ang lahat ng collections ko about Jeru. Pagpasok ko ro'n ay nilabas ko 'yong isang malaking suitcase ko at isa-isa kong ipinasok ro'n sa loob ang lahat ng gamit na madampot ko.
Pero wala pa ko sa kalahati nang mga gamit na ipina-pack ko ay natigilan na 'ko.
Hinawakan ko ‘yong framed photo namin.
No! Paano mo itatapon ‘yong taong pinahalagahan mo ng buong pagkatao mo? Hindi ako katulad ni Jeru na basta-basta nilang tinapon 'yong nararamdaman ko para sa kaniya.
Bumaling ako ulit sa mga gamit na nailagay ko na sa suitcase at isa-isa ko 'yong binalik sa dati nilang pinaglalagyan.
“Soon,” mahina kong bulong. Soon magkakaroon ako ng lakas ng loob na itapon kayong lahat pero sa ngayon, habang hindi ko pa kaya at hindi pa 'ko nakaka-move on diyan muna kayo.
Nang maibalik ko ulit lahat sa dati nilang pwesto ay lumabas na 'ko ng room na 'yon. Bago pa kung ano na naman ang maisip ko.
JERU
“So, what happened? Nakauwi ba si Paige ng maayos sa El Tierra?” tanong ko kay Dylan habang nakasandal sa couch, pero to be honest, since kanina pa ako hindi mapakali.
“Yes, Boss. Sinigurado kong nakapasok siya sa bahay nila bago ako umalis,” sagot niya.
Dahil nga ayaw magpahatid sa 'kin ni Paige ay pinasundan ko na lang siya kay Dylan para siguraduhing uuwi siya at walang anomang mangyayaring masama sa kaniya.
"Boss?" tawag sa 'kin ni Dylan kaya napatingin ako ulit sa kaniya.
"May problema?" salubong ang kilay na tanong ko.
"Mukhang masama talaga ang loob ni Miss Paige sa nalaman niya. Buong flight umiiyak lang siya, sa lakas nga ng iyak niya pinagtitinginan na siya sa loob ng eroplano kanina."
"Thank you for letting me know, Dylan," sagot ko naman. "Magpapahinga muna 'ko, mula pagdating natin galing L.A. wala pa tayong pahinga pareho kaya magpahinga ka na rin muna," utos ko naman sa kaniya.
Ayoko sanang aminin, pero ‘yong sinabi niyang umiiyak si Paige buong flight—tinamaan ako.
"Sige, Boss, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."
Pag-alis niya, napatitig ako sa basong nasa harap ko. Ilang segundo lang, pero pakiramdam ko ang bigat.
Hindi ko maintindihan kung bakit mas iniisip ko pa siya kaysa kay Damira. Hindi ko rin alam kung bakit ako apektado ako.
Gusto ko ipaintindi kay Paige kanina na walang personal attachment 'yong sa amin ni Damira pero hindi ko 'yon pwede sabihin dahil maraming tao kanina. Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Hindi rin naman kasi niya 'ko pinakinggan at ayaw niya 'kong pakinggan kanina.
Dahil hindi ako mapakali. Kinuha ko 'yong cellphone ko at tinawagan ko si Ava.
“Jerusalem McBride, where the hell have you been?” bungad agad niya. “May bagong scandal ka na naman! Sino na namang babae ang kasama mo sa airport?” sermon niya. "Alam mo bang ginawan lang namin ng paraan para mapigilan ang pagkalat ng videos and pictures mo na may kasama ka na namang babae! Hindi ka na ba titigil talag–"
"We can talk about that later," putol ko naman sa sermon niya. "May importante akong ipapagawa sa 'yo."
"Ano na naman 'yan, Jerusalem!"
"Listen, Ava, importante 'to kaya makinig kang mabuti," seryoso pa ring sabi ko. "Alam mo lahat ng perfume collection ko, 'di ba?"
"And then?" Wala siya sa harap ko pero alam ko nagtataka siya.
"Then, gusto kong um-order ka lahat ng nasa perfume collection ko. Wala kang ititira kahit isa, if out of stock, find a way. Gusto ko makuha mo lahat.”
“Are you serious?" hindi pa rin maintindihang sabi niya. "Mas importante pa ‘yan sa image mo?” sigaw na niya mula sa kabilang linya.
"Oo, mas importante 'to!" mabilis namang sagot ko. "Basta gawin mo na lang 'yong sinasabi ko, once okay na at na-confirm mo na 'yong order ko. Tawagan mo 'ko kaagad o kaya ipa-shipped mo na lang dito sa penthouse ko sa Manila."
"Wait! Dito sa penthouse mo sa Manila?" ulit niya sa sinabi ko. "Don't tell me nakabalik ka na nang hindi mo na naman sinasabi sa 'kin?"
"No! Hindi pa. Nagkamali lang ako ng sinabi basta sundin mo agad 'yong mga sinabi ko. I want all of that as soon as possible."
Di ko na siya hinintay na magsalita dahil pinatay ko na agad ang tawag na 'yon, hahaba pa kasi ang usapan namin at ang sermon niyang paulit-ulit. This is why I wanted to quit from acting and modeling. I just want a little peace – I am so tired of all the noise.