PAIGE
NAKATINGIN lang ako sa magkahawak naming kamay ni Jeru while pinapagalitan niya ‘yong mga staff niya.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya. Kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya, and there, that moment mas nakita ko ang pagwo-worry niya. Di ko alam ko totoo ba ‘yon or like nang lagi nilang sinasabi pantasya ko lang lahat ng nakikita kong ginagawa ni Jeru para sa akin.
Gano’n na ba ako kailusyunada?
This is the first time na nagkaroon ako ng chance na makalapit sa kaniya na walang kahit sinong tao. I mean wala si Kuya Trace at lahat ng pwedeng maging istorbo sa aming dalawa.
“Magagalit sa akin si Trace nito kapag nalaman niya kung anong ginawa sa ‘yo ng mga tao ko rito sa hotel,” naiiling na sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Sa akin ba talaga siya nag-aalala or nag-aalala siya na magalit sa kaniya si Kuya Trace? “Let’s go!” Aya niya nang tuluyan nang bumukas ang elevator.
Magkahawak pa rin naman ng kamay namin kahit nakasara na ang elevator kaya I smell his fragrance. Oh wait!
“Jeru!” naiinis na tawag ko sa kaniya at masama akong tumigin sa kaniya. “Bakit ka nagpalit ng perfume mo?”
I know what his previous perfume was, and it was Clive Christian at bumili ako no’n kahit sobrang pricey niya dahil limited edition! My gosh! Gustung-gusto kong naamoy ‘yon kasi feeling ko lagi ko siyang kasama, kaya nga sa kahit saang sulok ng room ko inii-spray ko ‘yon. Kulang na lang ilagay ko ‘yon sa humidifier ko.
“Hindi ako nagpalit. Iba lang ang gamit ko ngayon. Bakit?” He asked confusedly.
“What perfume is that?”
“Creed Green Irish, I think,” he answered kahit pa nga obvious na nagtataka siya. “What are you doing?” Nagtataka na namang tanong niya nang kinuha ko ang phone ko sa handbag ko kahit pa nga hirap na hirap ako dahil isang kamay lang ang gamit ko.
“Well, I’m just checking out that perfume, okay? So just let me be.” I was trying to check it while holding it only one hand since magkahawak pa rin ang kamay namin. Duh! Wala kaya akong plan bitiwan ang kamay niya, di ko alam kung kailan ‘yon mauulit or kung mauulit pa ba ‘yon. “Wait! Are you kidding me?” Napatingin ako ulit sa kaniya. “Seriously, Jeru?” ₱49,799!
Kung ipapabili ko ‘to kay Papa siguradong magwawala ‘yon, mas lalo naman siguro si Kuya Trace! Okay, spoiled ako sa kanila at kaunting pag-iinarte ko lang sure akong ibibigay nila ang gusto ko. Pero perfume kasi ‘to ni Jeru, in short perfume ng lalaki at dahil allergy si Kuya Trace sa kahit anong may kinalaman sa pagkakaroon ng lalaki sa buhay ko for sure hindi niya ‘to bibilhin for me. Lalo kapag nalaman niya na isa ‘to sa mga perfume collection ni Jeru.
Mukhang kailangan ko nang mag-work para lang maging updated ako sa mga luxury perfume brand na mayroon si Jeru.
“Ano bang problema mo, Paige?” nagtataka nang tanong niya. Nakatingin lang kasi ako sa price ng perfume na nasa phone ko and I’m trying to think kung paano ko ‘yon mabibili.
“Ikaw!” Hindi ko alam kung maiinis ba ‘ko or maiiyak. “Ang pricey na nang una mong perfume, nagdagdag ka pa.” I caught him rolling his eyes.
“What? Why are you giving me that look?” Lalo naman akong naiinis sa kaniya, feeling ko kasi hindi na naman niya sineseryoso ‘yong nararamdaman ko.
“You know what, Paige, mas marami pang totoong problema kaysa dyan,” naiiling na sabi niya. “I can give you one if you want,” sabi niya kaya natigilan ako at napatingin ako sa kaniya. I know, obvious na obvious na kinikilig ako sa sinasabi niya. “At para hindi ka na namomroblema ng ganyan, every set of perfume na mayroon ako padadalhan kita.”
“Seriously, Jeru? Hindi ka ba nagbibiro?” Para akong maiiyak sa tuwa this time.
“Yes, kaya tara na.” Then unti-unti nang bumukas ‘yong elevator.
“Where are we, Jeru?” I asked him pagbukas na pagbukas ng elevator. I thought we were on the wrong floor. There was no hallway, no sign pointing to a suite number. Instead, we stepped straight into what looked like a luxury apartment.
I turned to him, expecting a response, but he only smiled. He opened the door, and I stepped in slowly, my eyes darting around the room. The place was huge—way bigger than I’d imagined. Floor-to-ceiling windows stretched across the wall, revealing the city lights below and the glowing signs of El Continental Hotel and Casino. Everything inside looked sleek and expensive—marble floors, soft leather furniture, and a view that almost didn’t feel real.
I turned to Jeru, still trying to wrap my head around it all. Biglang nawala sa isip ko ‘yong pinag-uusapan namin.
He just smiled like it was nothing. “Welcome to my penthouse.”
“So, dito ka pala nag-stay kapag wala ka sa Agrianthropos City,” I said, naglakad ako palayo sa kaniya since binitiwan na niya ‘yong kamay ko when he opened the door at paupo na sana ako nang may mahagip ang mata ko. That was an old photos, it seems, yeah. Lumapit ako at tiningnan ko ‘yong maigi. “Is that you?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Jeru. I think, around 15 to 17 years old siya dito.
“Yeah, I think,” maikli namang sabi niya. “Would you like coffee, tea, or juice?”
“None of the above,” sagot ko at tumingin ulit ako sa old photos na nakasabit doon. Obviously, pina-restore na lang ang photo na ‘yon. I don’t know pero feeling ko sobrang important kay Jeru ng picture na ‘yon.
I don’t know if that was his parents, well, updated naman ako sa autobiography niya as a fan pero I know bilang kapatid ni Trace Dimagiba, alam ko almost lahat ng nasa interviews niya were not true. ‘Yon ang dahilan kung bakit feeling ko mas lamang ako sa lahat ng fans niya. Aside from the fact that I can talk to him casually like this, alam ko kung alin ang totoo at hindi sa pagkatao niya. Well, not at all kasi may mga bagay pa rin naman akong hindi alam sa kaniya.
At every time I ask Kuya Trace about sa mga bagay na hindi ko alam, he never answers me back or mas magandang sabihin na hindi niya ko sinasagot nang matino.
I want to know ano ba talaga ang kwento niya bakit siya sumali sa Foedus, kasi base sa mga nakakausap ko lahat nang nasa loob ay may mabigat na dahilan bakit sila pumasok ng organization na ‘yon.
Pinsan din siya ni Kuya Lev, pero when I also asked him about Jeru, hindi rin niya ako sinasagot. He just told me that Jeru has his reason why.
I don’t know why, bakit ba feeling nilang lahat infatuation lang ‘yong nararamdaman ko for him kaya kahit anong sabihin ko, hindi nila ‘ko sineseryo. Well, honestly. I also don’t know kung ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko. Do I like him only as an actor? Crush ko lang ba talaga siya?
Through that question, napatingin naman ako sa kaniya at hindi ko ine-expect na sinusundan lang pala niya ako ng tingin.
“So, ano talagang sadya mo sa akin, Paige?” seryosong tanong niya.
Ano nga bang sadya ko sa kaniya? Nag-hysterical lang naman kasi ako kanina nang makita ko siya kaya kahit wala naman talaga akong sasabihin sa kaniya here I am hindi malaman kung anong sasabihin sa kaniya.
“Uhmm, well...” I was trying to think of a reason why I was here. “Gusto ko kasi sanang invite ka personally sa birthday celebration ko.” What a lame reason, Paige!
“October 29 pa ‘yon, ‘di ba?” salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Natatandaan niya ang birthday ko? I was about to scream dahil doon pero hindi pwede baka mahalata niya na gumagawa lang ako ng reason para makausap ko siya. “6 months pa, Paige, sobrang aga mo naman yata mag-invite.”
“You know, Jeru, I understand how busy you are. Pero gusto ko sana nando’n ka, bigyan mo sana ng time. Sana maisingit mo ako sa schedule mo,” I almost beg him pero wala akong pakialam. I just want to see his reaction kapag nakita niyang may iba akong kasama.
“No worries, I’ll make time for you. Saka lahat naman ng member ng Foedus possibly present sa birthday mo.”
I was about to talk nang biglang tumunog ang phone ni Jeru, kahit siya natigilan at tiningnan kung sino ‘yon. Di naman siya nagdalawang-isip na sagutin ‘yon.
“Yes, Dad?” bungad ni Jeru. “How is she?” may bahid ng pag-aalala ang boses niya kaya napaisip ako. Who is he talking about? Sabi niya ‘she’ so ibig sabihin ibang babae? “Is she alright?” Gustong-gusto kong kunin ‘yong phone niya pero alam kong wala akong karapatan. “Yeah, I’ll book a flight later. Please make sure she’s okay. I’ll try to catch the last flight tonight. Okay, see you, bye!”
“Sino ‘yon, Jeru?” Hindi mapigil na tanong ko. “May nangyari ba? Aalis ka? Where are you going?” Sunud-sunod na tanong ko.
“Yeah, I’ve got to catch the last flight to Los Angeles tonight.”
“Ha? Eh kailan naman ang balik mo?” Hindi ko lang mapigilan ang malungkot. Ibig sabihin kasi aalis na naman siya. Last time kasi na umalis siya almost half a year siyang nawala.
“I am not sure, sa ngayon kailangan kong makaalis.” Pagtapos ay may tinawagan siya ulit.
“Hello, Dylan, mag-book ka ng flight papuntang L.A. para sa ating dalawa. I’ll tell Ava about it later. For now, just do what I say.” Pagtapos ay tumingin naman siya sa akin. “May kasama ka ba or ikaw lang mag-isa?”
“I was with my best friend, but I am not sure if she’s still downstairs. But I’m actually trying to call Troy,” I don’t know were those words came from kasi wala naman talaga akong balak tawagan si Troy. Di nga rin ako sure kung kilala nga rin ba niya ‘yong tinutukoy ko. Model din naman si Troy, umaasa lang ako na baka makilala niya.
“Troy Javier?” tanong niya kaya tumango ako at do’n naman biglang nagbago ‘yong expression ng mukha niya, which give me hope na kahit paano may nararamdaman siyang selos. “Alam ba ‘yan ni Trace?” Parang biglang naging stiffed ‘yong voice niya.
“Of course not! Parang di mo naman kilala si Kuya Trace, alam mong hindi papayag ‘yon!” mabilis naman na sagot ko kasi mamaya bigla niyang tawagan si Kuya.
“Exactly! Kaya huwag na huwag mong tatawagan ‘yon dahil ako ang maghahatid sa ‘yo. Tatawagan ko na lang din si Trace para malaman niya kung nasaan ka.”
“No need!” mabilis na tutol ko kasi mas maghi-hysterical ‘yon si Kuya Trace kapag nalaman niyang magkasama kami ni Jeru or worst baka ano na namang maisip gawin no’n lalo kapag nalaman niyang ako pa mismo ang pumunta dito kay Jeru.
“Anong no need? You still want to call that bastard!” He said in a hysterical tone.
Bakit parang Trace version 2.0 ang nakikita ko ngayon?