Chapter 9: You Forgot Something

1934 Words
PAIGE “I MEAN, NO! Can you please hear me out first?” naiiling na sabi ko. “No need kasi actually, papunta na rin naman akong airport. Ngayon din kasi ang flight ko pabalik ng Salvacion. May mga inayos lang din kasi ako rito sa Manila, nagkataon lang din kasi na nakita kita kaya pinilit ko nang makausap ka.” Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay pumunta naman talaga ako rito sa Manila para lang makausap ko siya. At dahil nakapag-usap naman kami, time na rin para bumalik ako ng Salvacion dahil siguradong hahanapin na naman ako ni Kuya Trace once malaman niyang matagal akong nawala sa amin. “Okay, so kung gano’n sumabay ka na sa akin papuntang airport,” sabi niya at inalalayan na niya saka kami lumabas ng penthouse niya. “Don’t call anyone unless you’re with Trace.” Wala naman akong nagawa kung hindi ang mag-nod. “Good girl!” sabi niya then he even sweetly tapped my face. “Let’s go,” aya na niya ulit sa akin. Nanghihinayan ako kasi hindi ko man lang naikot ang buong penthouse niya. “Hindi ka ba mag-pack man lang ng gamit mo?” nagtatakang tanong ko sa kaniya bago kami tuluyang pumasok ng elevator. Brown envelope lang kasi ang hawak niya. Umaasa lang ako na baka magkaroon pa ‘ko ng chance na makapag-ikot sa penthouse niya. “No need, may mga gamit naman ako sa lahat ng bahay ko.” I just nodded. Gusto ko pa sana siyang makausap. Hindi niya kasi sinabi sa akin kung sino ‘yong tinutukoy niya sa phone. Gusto kong malaman if she already dating someone. Pagseselosin ko pa siya, eh bakit mas nauuna pa yata akong magselos. “Hey, Paige?” mahinang tawag niya sa akin, napatingin naman ako sa kaniya. “Ayaw mo pa bang bumaba?” nagtatakang tanong niya at doon lang ako naging aware na nasa parking lot na pala kami ng hotel. “Sorry, Jeru, ang dami ko lang iniisip,” nakangiting sabi ko sa kaniya. “By the way, Jeru, are you familiar with Beckett?” hindi mapigil na tanong ko. Nagsalubong naman ang kilay niya sa tanong ko. “Beckett Clainfer?” “Yeah, siya nga!” nakangiting sabi ko. “Yeah, I know him, but we’re not that close. Why?” “Eh kasi, I’m thinking of inviting him. Baka lang sana may contact details ka niya.” Chine-check kong maigi kung anong magiging reaction niya pero wala. Parang wala naman siyang kahit anong reaction sa panghihingi ko ng number ng ibang lalaki. Eh bakit kanina parang galit na galit siya nang sabihin ko na tatawagan ko si Troy? Ang bilis naman magbago ng mood ng lalaking ‘to. “Wala akong contact details niya, pero ipagtatanong ko at kapag nagkaroon ako ibibigay ko agad sa ‘yo,” sagot naman niya. Seriously? Wala talagang effect sa kaniya ‘yon. May contact number naman ako ni Beckett, talagang tiningnan ko lang ang magiging reaction niya. “Thank you! ‘Yon din kasi ‘yong reason bakit ako nandito ngayon.” Tumango lang siya pagtapos ay pinagbuksan na niya ‘ko ng pinto ng sasakyan. Nandoon na si Dylan. “Kasama niyo pa rin po pala si Miss Paige,” sabi naman ni Dylan. “Yes, sasabay na siya hanggang airport. Uuwi na rin daw siya ng Salvacion.” Napa-smirk ako dahil wala talagang effect sa kaniya lahat ng sinabi ko tungkol kay Beckett. Pagpasok ko ng sasakyan ay umupo rin sa tabi ko si Jeru pero dahil naka-captain seats ‘yong sasakyan niya ay wala akong chance para makadikit man lang sa kaniya. “By the way, Jeru, pwede pa rin naman kitang tawagan kahit nasa L.A. ka, di ba?” Napatingin naman siya sa ‘kin. “Yes, of course. You have my number so call me whenever you want.” Pagtapos ay ngumiti siya. Sa ngiti niya pa lang para na ‘kong hihimatayin. At ngiti pa lang niya nawawala na agad ang inis ko sa kaniya. “Jeru, you forgot something!” He gave me a questioning look. Kahit ako nakalimutan ko rin. “Sabi mo bibigyan mo ‘ko ng perfume mo!” “Yeah, hindi ko naman nakakalimutan,” sabi naman niya. “Wala akong spare kaya io-order na lang kita at ipapa-ship ko na lang sa bahay niyo sa Salvacion.” “Promise mo ‘yan, ha!” “Of course!” Then di na ko nakasagot dahil huminto na agad ‘yong sasakyan. Ang bilis naman! Nandito na agad kami sa airport. “Dylan, dalhin mo ‘yong mga gamit ko na nando’n sa likod ng sasakyan, ihahatid ko lang si Paige. Magkita na lang tayo sa departure area,” utos niya kay Dylan, then he wear a Brunello Cucinelli sunglasses, a Balenciaga baseball cap and a Tom Ford leather jacket. I know, that for his safety, para walang makakilala sa kaniya since nasa airport siya pwede siyang pagkaguluhan. “Let’s go!” aya niya sa akin pagtapos ay mahigpit na niyang hinawakan ang kamay ko. It feels like, he was afraid to let it go. Pagpasok namin ng airport akala ko magiging smooth na ang lahat, but I was wrong. Hindi pa man kami nakakalapit sa entrance ng Domestic flights papuntang Salvacion ay may isang babae kaming nakasalubong at titig na titig siya kay Jeru. Sa tindig at guwapo naman kasi ni Jeru talagang pagtitinginan siya ng mga tao. Lalo na ng mga babae. “Wait si Jeru McBride ‘yon, ‘di ba?” Patiling sabi no’ng babaeng nakasalubong namin kaya ngayon lahat ng taong nasa paligid namin ay sa amin na nakatingin ngayon. “Fúck!” mura ni Jeru pagtapos ay mahigpit niya akong niyakap. “Come on, Hurry up!” mahina pero mariing sabi niya. “Jeru! Jeru!” sigaw ng mga fans na nasa paligid namin at huli na ang lahat para magmadali kaming dalawa dahil halos ikutan na nila kaming lahat. May mga ilang flash pa ng camera akong nakikita. Dahil do’n naramdaman ko na lang nang isinuot ni Jeru sa akin ang baseball cap na suot niya kanina. Halos hindi na rin kami gumagalaw dahil nakaikot na sa amin halos lahat ng tao do’n sa loob ng airport. “Jeru, girlfriend mo ba siya?” Girlfriend? Parang ang sarap nga pakinggan na girlfriend niya ko. “Don’t look,” bulong sa akin ni Jeru at naramdaman ko lang na mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. He was like protecting me from anything that might happen. “Please give way! Nagmamadali kami, I’ll answer all your questions next time, just not now,” pakiusap naman ni Jeru. “Excuse us! Excuse us!” may narinig akong sigaw pero hindi ko sure kung saan galing since napapalibutan nga kami at nakayakap pa sa akin si Jeru. “Sir, dito po tayo!” Mga security personnel pala ‘yon doon sa airport. Sila ang nag-martial sa amin para makaalis kami sa gitna nang mga taong ‘yon. “Thank you!” sabi naman ni Jeru. Nang nakaikot na sa amin ang mga security personnel. Feel ko nakahinga na rin ng maluwag si Jeru. “Sir, saan po ba kayo?” tanong ng isang security. “Magkaiba kami, eh. She is taking the flight to El Tierra City while I am taking a flight to Los Angeles.” “Sige, sir, kayo na lang po ang uunahin namin since mas mauuna po ang entrance niyo,” sabi ng isa pang security. “No! Siya ang uunahin natin. I can handle myself. I just wanted to make sure she was safe,” mariing tanggi ni Jeru at mas hinigpitan niya ang magkakayakap sa bewang ko. “Okay po, sir. Naiintindihan namin.” Kahit wala nang masyadong tao sa paligid namin ay nayakap pa rin sa akin si Jeru at sino ba naman ako para kumontra. ‘Yong mga babaeng nando’n kanina for sure lahat sila magkakandarapa para lang mapunta sa current position ko. And I will never trade this feeling for anything else. Feeling of security. Feeling na mayakap ng isang Jeru McBride. “Sir, nandito na po tayo,” sabi ng security pesonnel na nasa gilid namin kaya tumigil kami. What? Nandito na agad kami. Bigla akong nalungkot nang tuluyan nang tanggalin ni Jeru ang pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ‘ko sa magkabilang balikat ko saka niya iniangat ang baba ko. Is he going to kiss me? Kinakabahang tanong ko sa sarili ko kaya napalunok ako. Kung Farewell kiss ‘to, ready naman ako. Teka, hindi yata ako nakapag-mouthwash after drinking coffee. “Take care, okay?” nag-aalala pa ring sabi niya. “Whatever happens tawagan mo ‘ko agad. You know my number, right?” Napatango naman ako sa kaniya. “That’s good!” Then he sweetly tapped my face. At nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang mukha niya but it landed on my forehead instead of my lips. Hindi ko alam kung madi-disappoint ba ako or kikiligin ako sa ginawa niya. That was granny kiss, right? JERU Nang paihatid ko si Paige ay pinuntahan ko na si Dylan. Nakasunod pa rin sa akin ang mga guard on duty. Pero this time ay hindi naman na ‘ko nag-aalala dahil nakasakay na si Paige. Sanay na ‘ko sa nagkakagulong mga tao. Inalala ko lang si Paige dahil alam kong maraming pwedeng mangyari kung hahayaan ko lang siya. There are some insane fans, at hindi naman ‘yon mawawala. Natatakot lang ako na mapagbuntungan nila si Paige. Siguradong mayayari ako nito kay Trace kapag nalaman niya at kung sakali mang may mangyaring masama sa kaniya. At alam kong kahit si Lev, Logan at Elliot ay magagalit sa akin kapag nangyari ‘yon. I know how much they care for Paige, and I need to do it like they do. “Anong nangyari, boss?” nag-aalala ring tanong sa akin ni Dylan nang makalapit na siya sa akin. “May nakakilala sa akin kanina kaya pinagkaguluhan kami rito. Inihatid ko na lang muna si Paige para masiguro ko na walang masamang mangyayari sa kaniya,” pagkasabi ko no’n ay inabot naman niya sa akin ‘yong ticket at passport ko. “Ano ba talagang nangyari? Bakit biglaan ‘yong flight natin?” nag-aalalang tanong ulit niya. “Sinugod daw si Mom sa hospital. I don’t know all the details yet, but she’s going to have surgery kaya kailangan akong makabalik agad ng Los Angeles.” “Pero paano si Esquivel? Siguradong tatawag nang tatawag ‘yon sa atin.” “Huwag mo siyang intindihin, kung hindi ko man magagawa ‘yong una kong plano may plan B naman ako para sa kaniya,” sabi ko sa kaniya pagtapos ay inabot ko sa kaniya ‘yong brown envelope na kanina ko pa dala. “Dinala mo pa rin pala ‘to?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Yeah, gusto ko lang malaman kung anong mga nalaman ni Esquivel tungkol sa akin,” sabi ko pagtapos ay pumasok na kami. First class ang nakuhang flight ni Dylan at ‘yon din naman lagi ang sinasabi ko sa kaniya. By reading that trash, I found out that Esquivel didn’t know yet na ako ang nag-iisang anak ni Jemina Almendras-McBride at Hudson McBride. Binura ko sa buhay ko ang pagkatao ng totoong mga magulang ko dahil alam kong darating ang araw na may maghahalungkat no’n. At hindi ‘yon mawawala sa karerang pinasok ko. Being an actor or model is like being an open book.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD