PAIGE
"MISS PAIGE, gumising na po kayo kanina pa po kayo hinihintay ng Papa niyo sa dining area," I heard Manang Loring call me. I was actually about to wake up when I heard her knock.
"Coming, Manang! Please tell Papa na pababa na ako," sagot ko naman.
Pagbangon ko ay nakita ko naman agad ang baseball cap ni Jeru na pinahiram niya sa akin. I even placed that baseball cap in the acrylic box that I ordered online. Para lang hindi siya madumihan at para ma-preserved 'yong amoy ni Jeru sa baseball cap na 'yon.
Two weeks had passed since that night. Two weeks na siyang nasa Los Angeles, hindi ko pa rin alam kung bakit siya nando'n.
Well, I tried to ask him, but the last time I called him, ang sabi lang niya may movie siyang ishu-shoot kaya baka matagalan siya ro'n. Pero kasi hindi nawawala sa isip ko 'yong last call na na-received niya bago siya umalis. That sounds too urgent para lang sa isang shoot, and he was worried about someone else.
I sighed. And I walked to the other door that was also in my room. I opened it.
That room was all about Jeru–his photos, personal collections, magazines, movie posters, film collections. Even 'yong mga gift niya sa akin tuwing birthday ko, na never kong binuksan, because I want to preserved all of that.
Mayroon din kaming mga photos doon na magkasama, pero almost all of those photos were taken in a group, but I cropped them so that only the two of us were left.
Alam ko kahit sinong makakita at makapasok sa room na 'to, sasabihin nababaliw na 'ko. But this–this was my happiness, sa ganitong bagay ko lang ma-eexpress 'yong nararamdaman ko for Jeru.
I walked out of that room once again, closing the door softly behind me. May lock 'yon, kaya walang sinuman ang makakapasok, unless with my permission.
Even mga helper namin dito sa bahay ay hindi ko pinapayagan makapasok sa room na 'to kasi natatakot ako na baka may mawala or masira. And I can't afford to lose any of these things, because not only money but also my time and effort have been spent.
Hindi ko alam kung nakita na 'to ni Kuya Trace, pero sigurado akong hindi pa rin kasi if ever, sure ako na magwawala 'yon sa pagka-OA.
Well, chineck ko lang naman 'yong mga collections ko. Kasi sooner madadagdagan sila once na dumating 'yong promise ni Jeru sa akin.
Lumabas na 'ko ng room ko at dumeretso na 'ko sa dining room, and like what Manang said, hinihintay na ko nila Papa, of couse he is with Louisianna.
"Good Morning, 'Pa," bati ko at agad naman akong humalik sa pisngi niya.
"Morning, hija," bati rin niya sa akin. "Sit down, and let's talk about your upcoming birthday party."
"Wait!" Natigilan ako sa paghila sa upuan ko then I looked at him. "Is it too early to talk about that, Papa?"
"No, today is the right time. Louisianna will help you to organize the party. Let her handle everything. Besides, on the day of your birthday, we’ll also announce that you’re running for Mayor of El Tierra City. Kaya habang maaga pa, we have to make sure everything’s in order.” Pagtapos ay tumingin siya kay Louisianna. "Please make sure to take note of that." Tumango naman si Louisianna.
"Wait, Papa. You want me to run for Mayor without even asking me if I want to?" Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko.
"Bakit? Ayaw mo bang tumakbo, Patrice?" Here we are again. He used to call me by my first name, para iparamdam sa akin na disappointed siya. "Anong plano mo? Gagaya ka na lang ba sa kuya mo na wala halos direskyon ang buhay?"
Yeah, that was because very vocal si Kuya Trace na ayaw niya ng politics, well same as me. Pero mukhang dahil wala nang pag-asa si Papa kay kuya kaya sa akin na niya pinapa-burden ang pangarap niya or mas tamang sabihin ang legacy ng pamilya Dimagiba.
"No, Pa! I just don't want to be part of that dirty political world."
"'Yong sinasabi ninyong dirty politics ng kuya mo, 'yan ang bumuhay sa inyong dalawa, 'yan ang bumuhay sa pamilya natin at 'yan ang bumuhay sa angkan natin." May halong panunumbat na rin ang tono ni Papa. "Come to think of it, Patrice. Bago mo sabihin sa akin na ayaw mo, siguraduhin mo muna 'yang desisyon mo." Pagtapos ay tumayo na siya at hindi na tinapos ang pagkain niya. "Let's go, Loui, may meeting pa 'ko."
He left without even waiting for me to speak.
"Ma'am Paige, kumain na po kayo, lalamig pa po iyan," boses ni Manang Loring kaya napatingin ako sa kaniya. She has been working with us since I was a kid. Kaya kung mayroon akong ibang pinagkakatiwalaan sa loob ng bahay na 'to bukod kay Kuya Trace ay si Manang 'yon.
"Thank you, Manang." Pilit akong ngumiti sa kaniya pagtapos ay tuluyan ko nang hinila ang upuan ko para makaupo ako at makakain.
I used to that set up naman, lumaki ako sa pagtatalo ni Kuya Trace at ni Papa sa araw-araw kaya kahit mayroon kaming di pagkakaintindihan ni Papa today, kaya ko pa rin namang kumain. I'm no longer that little girl who let herself suffer from hunger, para lang mapansin nila.
While eating, I decided to contact Harriet. I just want to at least release some of the heaviness I'm feeling right now.
"Can I call you?" I chatted her. A minute had passed before she read my message and responded.
"Yes, of course! But wait a sec–I'll tell you when I'm ready." Then I responded with 'okay'.
Sakto lang kasi hindi pa naman ako tapos kumain, at ayoko rin naman may makarinig nang kahit anong sasabihin ko sa kaniya while nandito ako sa dining area. Kaya tinapos ko muna 'yong pagkain ko then saka ako umakyat ulit ng room ko.
Pagsara ko naman ng room ay na-received ko na rin ang chat niya na I can call her. So I hit the video call button to start the call.
"So, what is it this time, my dear friend, Paige?"
"Oh yeah! Wala man lang hello-hello?" Naiiling na sabi ko.
"Yeah! After you left me at Jeru's hotel–without even saying a word to me after that!" May halong panunumbat na rin ang boses niya. "You know, I waited for you the whole night, tapos kung hindi pa 'ko tumawag sa bahay niyo dyan sa Salvacion hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na pala."
"Okay, sorry! Para kasi akong nasa cloud nine the whole night kaya hindi ko na nagawang i-inform ka. Saka alam mo naman 'yon lang 'yong chance na mayroon ako para makasama ko ng matagal si Jeru."
"Yeah, I know, kaya nga inintindi na lang kita, 'di ba? Kaya heto pa rin ako kausap ka kahit alam kong second option mo lang ako." May pagtatampo pa rin sa boses niya pero alam ko namang hindi niya 'yon seseryosohin. "So, spill it friend, I don't have the whole day to talk to you."
"Okay, ito na nga!" I started. "Eh kasi si Papa gusto na niyang i-start na i-organize namin 'yong birthday party ko," simula ko.
"So what? 'Di ba ganitong month naman talaga kayo nag-o-organize? May bago ba 'don?"
"Yes, ang bago do'n, gusto niyang i-announce sa mismong birthday party ko na ako ang tatakbo for the upcoming mayoral election." Kahit siya ay nagulat sa sinabi ko.
"Wait, bakit ikaw? 'Di ba parang ang bata mo pa para maging mayor ng isang lalawigan? I mean, ang bata mo pa para mamroblema ng mga bagay na hindi mo naman problema."
"Exactly! That's what I thought!" Naiinis na sagot ko. "Ang pinakaproblema ko kasi, mawawalan ako ng time for Jeru kapag nagkataon na nangyari ang gusto ni Papa. You know, hindi na 'ko basta-basta makakaalis ng El Tierra City once na manalo ako at maging Mayor. Paano na lang ako makaka-support sa lahat ng mga events ni Jeru. Ano pang magiging silbi ko bilang president ng fans club niya?" I saw how her face expression changed.
"Bakit nga ba, hindi ko pa naisip na 'yan talaga ang po-problemahin mo kaysa sa mas malaking responsibility na haharapin mo once maging mayor ka na?" Naiiling na sabi niya.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?"
"Lahat ng sinabi mo, mali! Alam mo kung magkasama lang tayo ngayon nasabunutan pa kita. Saka akala ko ba hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo dyan kay Jeru? 'Di ba nga kaya gusto mong pagselosin siya para masigurado mo kung anong nararamdaman niya para sa 'yo? Eh bakit parang mas nauna ka na namang mahulog?"
"Yes, iniisip ko pa rin naman ang lahat nang 'yan. 'no! All of it. Pero syempre hindi mo pa rin naman maiaalis sa akin na isipin 'yong mga things na nakasanayan ko at mga nagpapasaya sa akin. And that was Jeru." Hindi ko na naman maiwasan ang hindi malungkot.
"Alam mo bang kapag nalulungkot ako si Jeru lang iniisip ko kahit paano nag-lighten na 'yong nararamdaman ko. Kapag stress ako sa away ni Papa at ni Kuya, si Jeru 'yong nagiging reason kung bakit nakakabalik ako sa sarili ko. If it weren't for him, I don't know where I'd be right now. Hindi perfect ang buhay ko, hindi perfect ang family namin. Marami kaming differences and misunderstandings kaya kung wala akong paghuhugutan ng inspiration wala na siguro ako ngayon dito."
My feelings for Jeru were deeper than they thought. Well, it's even deeper than I thought.
Siguro ang nakikita lang nang karamihan ay crush ko lang siya. Yeah, do'n naman talaga siya nag-start but eventually nag-grow din siya at same time I grew older.
"Enough of that drama, Paige! I've heard those sentiments a hundred times!" Parang naiirita nang sabi niya. "Okay, let's say 'yan nga 'yong magiging problema mo. Eh di, tanggihan mo na lang ang Papa mo. Kung nagawa nga ng kuya mo bakit hindi mo magawa."
"Nuh! Hindi 'yan gano'n kadali, 'noh! Iba ang expectation ni Papa sa 'kin. At kahit na gano'n siya, hindi ko pa rin naman siya kayang suwayin."
"Yeah, you know what? Malaking problema nga 'yan. Kasi mas gusto mong unahin 'yong mararamdaman ng iba kaysa sa nararamdaman mo."