DAY 02

2433 Words
Ilang araw pa lang siya dito sa Sta. Rosa pero pakiramdam ko ay sakal na sakal na ako. Walang lugar na hindi binabanggit ang pangalan niya. Walang lugar na hindi patungkol sa kanya ang usapan. Kahit anong iwas ko ay lagi kaminh nagtatagpo at ang mga tao sa paligid ko ay para bang isa-isa niyang hinihipnotismo. “Oi, Ino hindi ba’t kaibigan niyo ang pamilya ng Buenavista?” lapit sa akin ni Marcus. Isa sa kaibigan ko at isa din sa mga mayayamang pamilya dito sa bayan namin. Nandito kami sa plaza at kakatapos lang maglaro ng basketball. “Kaibigan ko din si Ara noh!” sabat ni Cris. Anak ng mayor dito sa bayan namin. “Mauna na ako. May pinapagawa si Mama," pagdadahilan ko nalang. Gusto kung tigilan na nila ang pagtatanong nila sa akin. Mga bagay na tungkol kay Tiara na ayoko naman talaga pag-usapan. Pero ang mga ito ay kasing kulit ng kabuti na paulit-ulit pa rin akong kinukulit dahil sa mga impormasyong interesado silang malaman. “Hoy, Ino ang aga pa. Mamaya kana umuwi.” Tinaas ko lang ang kamay ko at kumaway sa kanila habang naglalakad palabas doon. Napapagod na ako sa mga taong panay tanong ng tungkol dito. Ginagawa ko nga lahat ng paraan para hindi kami magkita pero sadyang nananadya yata ito at laging nandoon kung nasaan ako. Nasa labas palang siya ng court ay hindi na magkandamayaw ang mga lalaking pagkagulohan siya. Halos hindi na siya makaalis dahil sa dami ng mga taong gumuguyod sa kanya para sa mga walang kwentang katanongan. “Woi, Ara pwede bang samahan mo din kami minsan?” “Ara, baka gusto mong magswimming may lakad kasi kami bukas?” “Samin ka nalang sumama, Ara pupunta kaming bayan.” “Ara may sundo kaba ako na maghahatid sa’yo?” Sunod-sunod na tanong ng mga ito sa kanya. Meron ding mga babae na nakiki-agaw ng pansin niya siguro ay gusto din siyang kaibiganin. Habang pinapanood sila na pagkagulohan si Tia ay hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Walang espesyal sa kanya bukod sa anak siya ng pinaka maimpluwensiyang tao dito sa amin. Tsk! Napakunot ang noo ko ng makita siyang muntik ng matumba dahil sa pagkakagulo nila. Hindi ko alam pero kusang humakbang ang mga paa ko palapit doon at hinila siya palayo sa mga ito. Palayo sa kung saan walang makakalapit sa kanya at walang makakapagtanong ng mga bagay na wala namang kakwenta-kwenta. “Ino, where are you taking me?” hila niya sa kamay niyang hawak ko. “What are you doing?” inis kung baling sa kanya ng makalayo kami sa kumpol ng mga tao. “Sorry? Did I do something wrong?” nag-alala niyang tanong habang ngatngat na naman ang mga kuko niya. I saw that manner of her. “Bakit pumupunta ka sa mga ganitong lugar ng hindi kasama ang mga bodyguard mo? Halos dumogin kana nila kanina. Ano natutuwa ka sa ganoong atensiyon? Tsk!” “Ano bang sinasabi mo, Ino? They’re just being friendly since I’ve gone for how many years.” Naiinis akong napasuklay sa buhok ko habang pinapanood siya at pinapakinggan ang mga rason niya. Sobrang naïve niya ba at hindi niya alam na inaabuso na siya ng mga ito. “They are harassing you, and its okay? Damn it! Tiara you’re not in the US to be this liberated.” Frustrated kung singhal dito. Napakuyom ang kamao ko ng mapaatras ito dahil sa sinabi ko. I crossed the line again. Tahimik siyang sumakay sa jeep ko ng iparada ko ito sa harap niya. Kahit hanggang sa byahe pauwi ay tahimik pa rin ito at hindi nagsasalita. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at halos hindi ako lingunin. Gusto ko siyang iwasan. Pero sa tuwing iiwas ako hindi ko siya maiwan. Minsan gusto ko ng batokan ang sarili ko. Sinabi ko noon sa sarili ko na iiwasan ko na ng babaeng ito, sa oras na magkita kaming muli. Pero ang bwesit na tadhana hindi marunong makisama… Lagi pa rin kaming pinagtatagpo kahit hindi ko gusto. “Why do you hate me so much?” natigilan ako sa tanong na ‘yon. “Does it really bother you that I’m here?” Huminga siya ng malalim at tipid na ngumiti. “Don’t worry I wont stay here for too long, I’ll just a month, Camino.” Tiim-bagang ko siyang pinanood na naglakad palayo sa akin. I don’t hate you. Its just I can’t stand to stay with you, coz until now, since the day you left I haven’t moved on. Nandito pa rin ako sa kung saan mo ako iniwan, Tia. “Cris, san ka?” bungad ko ng mabilis niyang sagotin ang tawag ko. “Bahay. Ano atin?” “Nandito ako sa kubo. Shot tayo.” Iyon lang at binaba ko na ang tawag. Ayoko munang umuwi. Gusto ko munang maglibang at kalimutang ang babaeng muling gumulo ng buhay ko. Ayos na ako, nakalimot na ako eh! Ba’t kailangan niya pang bumalik dito? Bakit kailangan pa naming magtagpo? “Para saan ‘yon? Problema mo?” tanong ni Cris ng maabotan niya ang pagbuntong-hininga ko. “Wala namiss ko lang ang Manila.” “Ulol mo! Wag mo akong tino-talkshit, Ino. Baka iba lang ang namimiss mo.” Magdamag kaming nagkwentohan at naginuman ni Cris. Hindi nga namin namalayang mag-uumaga na pala kung hindi pa tumilaok ang manok. Nang magising ako ay wala na si Cris. Lumabas ako sa likod bahay para mag-init ng tubig dahil ang sakit ng ulo ko. Pero habang sumasalok ng tubig ay isang bulto ang nahagip ko sa di kalayoan. Abala itong pinaglulunoy ang mga paa sa tubig. Agad akong naglakad palapit dito. “Miss, hinugasan mo ba ‘yang paa mo para ilublob diyan sa ilog? Marami ang gumagamit nito kaya hindi pwedeng basta ka nalang—” Nakagat ko ang sarili dila ko habang nakatingin sa babaeng nasa harap ko. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa akin na animo’y masayang-masaya siyang makita ako. “I didn’t know you’re that talkative” “Tia…” She smiled and looked at her feet playing the water. “I missed that name,” she whispered. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Piling ko ay namula ang pisngi ko kaya agad akong tumalikod. “Ahemmm… Umuwi kana delikado sa lugar na ito lalo na at mag-isa ka.” “I’m with Yaya Tasing. She’s just getting looking for some leaves to be our mat.” “Kahit na pareho pa kayong babae—” napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang tuwa. “You can stay if your that worried," mabilis niya sagot. Lagi akong napipipilan sa kanya dahil lagi rin siyang may naiisip na mga dahilan. Minsan ako na ang nauubosan ng irarason ko kung bakit ako masungit at lumalayo. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at sinundan siya ng tingin ng bigla itong tumayo at tumakbo sa gawi ko. Napaatras ako at muntik matumba sa kinatatayoan ko sa pag-aakalang sa akin ang punta niya. Nang mga oras na ‘yon gusto kung batokan ang sarili ko sa sobrang pagka assuming ko. Tang’na Ino, ang rupok mo! “Ino, nandito ka pala. Mabuti ‘yan ng may kasama kami nitong alaga ko.” “Napadaan lang po ako. Aalis narin po ako.” “Ah ganoon ba? Ang layo naman pala ng daanan mo may dala ka pang takure,” nakangising tukso ni Yaya Tasing. Wala akong nagawa kundi mapakamot sa ulo habang pahiyang-pahiyang nakatayo sa harap nila. “Yaya Tasing naman! Doon kasi ako sa kubo nakatulog. Gusto niyo doon nalang kayo maglatag may lamesa kami doon.” “Oh, that nice. Let’s go, Yaya I wanna try having a picnic.” Namamangha nalang akong pinanood silang dalawa na maglakad papunta sa kubo. Masayang-masaya kasi si Tia tumatalon-talon pa habang naglalakad. Akala mo ay hindi niya pa talaga nararanasan ‘yon. “Mabuti nalang, Ino at nandito ka. Itong alaga ko kasi kahapon pang nangungulit na pumunta dito sa ilog. Ayaw sanang payagan ng mag-asawa pero wala silang magawa kasi ayaw tumigil ni Tiara.” “Magtatagal po ba sila dito?” Wala sa loob kung tanong kay Yaya Tasing. Pero isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito habang matamang nakamasid kay Tia. “Siguro ang mag-asawa lang, gaya ng dati.” Tama gaya ng dati saglit lang ito at halos hindi lumalabas. Ngayon nalang siya pinapayagan ng mag-asawa na mag-ikot sa buong bayan. “Tia, bawal kang magbabad sa tubig. Sumilong ka muna at maaraw na, makakasama sa balat mo ‘yan.” Pati iyon ay bawal sa kanya? Samantalang nakalong sleeve nga ito kaya halos hindi maaarawan ang balat nito. Parang gusto ko ngang itanong kung hindi ba ito naiinitan sa suot nitong dress eh. “Talaga po bang maraming bawal kay Tia, Yaya? Pansin ko po kasi kahit sa pagkain ay halos hindi ito kumakain sa labas.” Iyon ang napansin ko sa kanya tuwing makikita ko siya kasama ang ibang kababata namin. “Oo, Ino. Pero ngayon baka hayaan na siya ng mag-asawa. Iyon kasi ang hiniling sa kanila ni Tia. Ang maranasan ang buhay na maging malaya at mamuhay ng simple.” Sa yaman at impluwensya nila imposibleng maranasan niya ang simpleng buhay. Tuwing lalabas nga lang siya ay pinagkakagulohan na siya ng mga tao. Tapos nangangarap pa siya ng simpleng buhay? I doubt it! “Uuwi na daw sabi ni Yaya Tasing, tigilan mo na yan.” Inporma ko dito na hindi man lang siya nililingon. “Pwede pakisabi kay Yaya na sandali pa?” “Tia, intindihin mo din si Yaya Tasing matanda na ‘yon at kailangan ng magpahinga kaya wag mo ng pagorin. Ba’t kasing ang tanda mo na lagi mo paring kasama si Yaya?” Naiinis kung baling sa kanya. Nagulat pa ako ng bigla itong humiga sa hita ko at itinakip ang sumbrero niya sa mukha niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. “What are you doing?” “Laying down. I’m tired.” “Then go home.” “Tsk! Mas fresh ang hangin dito kesa sa bahay. Ba’t ba ang sungit mo? “Hindi ako masungit. Umalis kana nga diyan, ang bigat mo nangangalay na ang paa ko. Tsk!” Pero hindi ito kumilos siguro ay nakatulog na. Tiningnan ko ang mukha niyang natatakpan ng sumbrero niya. Payapa itong nakahiga na akala mo ay pagod na pagod. Ilang oras ko na siyang kasama pero hindi pa rin ako mapakali na nandito siya sa tabi ko. Kanina ko pa pinapakalma ang puso kung parang anumang oras ay lalabas at puputok na. “Ino…” bigla niyang tawag. Kaya nataranta ako at agad napatingala sa langit. Ibig sabihin hindi siya tulog nakita niya kayang nakatingin ako sa kanya? “Hmmm..” “I’m staying here for a month. Can you please pretend that you’re not mad at me?” Saglit akong natigilan sa narinig mula sa kanya. Akala ko ay nagbibiro siya ng sabihing hindi siya magtatagal dito. Kung kaya ko lang maging mabait sa kanya matagal ko ng ginawa. Pero tuwing malalapit ako sa kanya ay para akong computer na nagma-malfunction. Palibhasa ay laging nangingibabaw ang nararamdaman ko kesa sa tumatakbo sa utak ko. “I’m not mad at you.” Sagot ko. Bahagya ko siyang nilingon pero agad din akong nagbawi ng tingin ng magtagpo ang mata namin. She smiled “but your keeping your distance from me. I wanted to spend this whole month meaningful and with the people I love.” “Tiaraaaa… halika na nandiyan na si Nanding.” Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya ng dali-dali itong tumayo at tumakbo papunta kay Yaya Tasing. Hanggang sa makauwi sa bahay ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya. Gusto ko ang sinabi niya, gusto ko ding mapalapit sa kanya gaya ng dati. Pero ang puso ko ay hindi nakikiayon dahil isipin palang na araw-araw kaming magkikita at magkakasama ay hindi na makapakali at nagwawala na ito. “Cris, anong meron?” tanong ko pagkababa ko ng jeep ko. Nandito kami sa taas ng burol. Nauna sila dito kasama ang iba naming kaibigan. “Wala naman. Tambay lang sana at konting catching up with Ara, kaso mga girls may dalang mga pagkain.” Nasa isang lamesa sila lahat at nag-aayos ng mga dala nila. Mukhang hindi naman yata nagkataon na nandito sila. At wala rin namang nasabi si Tia ng magkasama kami kahapon. Simula ng dumating siya ay walang araw na walang nag-iimbita dito na mga kakilala. “Ino koooo…” malayo palang ay dinig ko na ang tiling ‘yon. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino ang tumatawag sa akin noon. “Asia…” Natasha Sandoval ang anak ng Mayor ng Sariaya. At araw-araw na kumukuliglig ng buhay ko. Mula dito sa barrio hanggang sa Maynila ay nakabuntot ito sa akin. Kahit anong tago ko ay siguradong mahahanap niya ako, aso yata ang babaeng ‘to noong nakaraang buhay niya. “Ino ko, mabuti naman at pumunta ka. Hindi ko talaga pinasabi na pupunta ako para masurprise ka.” Pahayag niya habang lumilingkis sa braso ko. “Baka nga umuwi ‘yan si Ino sa sobrang surprise sa’yo,” tudyo pa ni Hans na sinabayan naman ng tawanan ng barkada. My eyes looked for one person around me. I found her looking at my arms. Instantly I get rid of Asia’s hands on my arm. I feel guilty doing nothing. “Asia, ang init na wag ka ng dumagdag pa,” inis kung baling sa kanya bago tinanggal ang braso niyang nakaangkla sa akin. “Ino, alam kung namiss mo ako, kaya ako na lalapit sa’yo kasi alam kung mahiyain ka. Diba guys?” baling niya sa mga kaibigan namin. “Oo nalang, Asia.” Tumatawang patol sa kanya ng mga boys. Mga pasaway talaga, kaya din mas lalong umaasa ‘to eh! Kahit ilang beses ko ng pinapamukha na hindi ko siya gusto ayaw pa rin patalo. Kahit ang layo ng lugar niya dito sa amin ay madalas pa rin siyang sumusulpot na para bang sa bayan lang siya nakatira. Kahit paulit-ulit ko pa daw sabihin ang mga salitang 'yon ay hindi ganoon kabilis magbabago ang nararamdaman niya. Hindi ko pa lang daw narirealize ang nararamdaman ko. Kung sana nga ay ganoon lang ang lahat ng 'yon. Pero hindi ko mababago kung ano ngayon ang nasa puso ko. I’ve already set my eyes on someone. That someone who never sees me as a man. Someone who never tried to know me, Someone who already rejected me before I can open my mouth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD