DAY 01

1620 Words
UNA Parang nabibiyak ang ulo pagbangon ko. Isang oras palang ang tulog ko pero kailangan ko ng bumangon dahil siguradong maririnig ko na ang bunganga ni Mama kung hihilata pa ako. Mas masakit ‘yon sa ulo kung mag-uumpisan siyang daldalan ako. “Inooo….” Ayan na kakasabi ko palang. Ang bilis talaga ng radar ng Nanay ko. “Anong oras na? Nag-inom ka na naman siguro kaya—” “Ma, eto na pababa na po.” Pagbaba ko ay naabotan ko na si Ate Dia na kumakain. Kakauwi niya lang din galing Manila. Tuwing bakasyon ay umuuwi siya dahil ayaw ni Papa na doon kami nagistay. Nauna akong umuwi sa kanya kasi ayoko siyang kasabay sa byahe ang daming demands. “Gising na pala ang alibugha niyong anak.” Irap sa akin ni Ate ng maupo ako sa harap niya. Akala mo naman sobrang bait niya din kung buskahin ako eh! “Diadora… nasa harap kayo ng pagkain,” Dinilaan ko siya ng sitahin ako siya ni Papa. Eto ang mga buwan na kailangan naming maging mabait at masunurin sa harap ng mga magulang namin. Ako ang black sheep ng pamilya sabi ni Ate, palobhasa siya itong matalino. Ako pang limang eskwelahan ko na yata ang pinapasokan ko ngayon. Kailangan ko ng magpakabait dahil may ultimatum na ako kay Papa. “Bilisan niyo kumain, marami tayong gagawin ngayog araw.” “Bakit, Pa? May okasyon ba? O may kikitain ka sa bayan?” tanong agad ni Ate. Kasi pag ganoon siguradong hindi kami makakaalis na hindi sila kasama. “Uuwi ang mga Buenavista.” Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi ni Papa. Ilang taon ng hindi umuuwi ang mga Buenavista, madalas pa ay ang mag-asawa lang. Kasama kaya ang anak nilang maarte? Ano na kayang itsura ‘nun ngayon? Maarte pa rin kaya? “Lahat sila?” Hindi ko na kailangang magtanong dahil si Ate na ang gumagawa noon para sa akin. “Yes, they’ll staying for vacation. I think Tiara need too rest.” Mama added while putting some bread on Papa’s plate. Tiara Bless Buenavista. After ten years kabisado ko pa rin ang itsura niya ng huli ko siyang makita. Buenavista and Estaquio were old friends since our great grand father. Pero ngayon magkaibang-magkaiba kami sa kinalakhan namin. Dahil mula ng mag migrate sila sa US hindi na namin nakita si Tiara. Pagdating namin sa Hacienda ng mga Buenavista ay nasa labas palang maingay na. Mukhang maraming tao ang nakaalam ng pagdating nila. Huminga ako ng malalim bago inayos ang suot kung kurbata, parang sinasakal na ako nasa byahe palang kami. Nasa hardin lahat ng mga bisita pero ang makikita mo lang ay ang mag-asawang Buenavista na si Don Emilio at Donya Diana na masiglang bumabati sa mga bisita. “Kumpadre… Kumadre!” Kuha ni Papa sa atensiyon nila. Nang lumingon ito sa amin ay nakadipa agad ang kamay ng Don at isang malaking ngiti ang iginawad sa amin. Sabagay mula pagkabata ay magkaibigan na si Don Emilio at si Papa, hindi na nakakapagtaka kung namiss nila ang isa’t isa. “Naku ito naba si Ino at Diadora?” “Dia po, Tito.” Pagtatama agad ni Ate sa pangalan niya. Ayaw niya talaga ng buong pangalan niya pang birhen daw, parang hindi gagawa ng kasalanan. Walang tigil na kumusta ang naganap kasama sila. Sumasakit na nga ang puwet ko at panga ko kakangiti eh. Hindi naman kami sumasama ni Ate sa mga pagtitipong ganito dahil bukod sa nakakainip ay puro kaplastikan lang ang mga tao. “Sinong hinahanap mo?” Siko ni Ate ng panay lingon ko. “Hinahanap mo si Tiara?” ngisi niya sa konklusyong naisip. “Hindi ba’t ko hahanapin ang maarteng ‘yon? Kailangan ko ng sumoba.” Inis kung sagot sa kanya bago pumuslit. Mag-uumpisa na namang mang-asar ang pito-pitong ‘yon pag hindi pa ako umalis. Malaki ang bakuran ng mga Buenavista. Kahit mga limang pamilya yata kayo titira dito ay hindi agad kayo magkakakitaan. Sabagay ang Hacienda nila ang pinakamalaki dito sa bayan namin. Hindi pa kasama doon ang mga lupain nila na nagkalat din. Pagpasok ko sa loob ng mansiyon ay walang gaanong tao bukod sa iilang mga tiga bantay at kasambahay. Sa kakaikot ko ay nakarating ako sa isang terasa na nakaharap sa tabing-dagat. Madilim ngunit kitang-kita mo doon ang mga buwang siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Kinuha ko ang sigarilyong nasa bulsa at sinindihan ito. Payapa kung pinanood ang paghampas ng alon sa buhangin sa ilalim ng liwanag ng buwan. Ito ang buhay na wala ako sa seyudad. Tahimik at payapa kung gaano kaingay ang kabilang banda ng mansiyon ay siya namang laking pinagkaiba dito. Para itong isang lugar na payapang namamahinga at nakakulong para iwasan ang magulong mundo. Ngunit habang pinapanood ang mga alon ay isang tanawin ang kumuha ng atensiyon ko. Isang babaeng nakaputing bestida ang sumasayaw sa gitna ng buhanginan sa ilalim ng liwanag ng buwan. Para itong nasa isang entablado at ginagawang ilaw ang buwan. Bawat galaw nito ay sinusundan ng buwan na siyang nagsisilbi nitong ilaw. Nakangiti ito habang umiindayog sa sarili niyang musika, kasabay ng bawat hampas ng alon at ihip ng hangin. Hindi ko namalayang, habang pinapanood ito ay ayaw ko ng alisin ang mga mata ko dito. “Woi, Ino...” Napalingon ako mula sa pinto at nakadungaw doon ang kapatid kung mukhang madami ng nainom. “Were leaving,” imporma niya sa inaantok na tono. Nang muli kung lingunin ang dalampasigan ay wala na doon ang babae. Saglit pang hinahanap siya ng mata ko sa paligid pero wala na ito doon. Namamalikmata na yata ako sa puyat! Habang pauwi ay tinanong ko pa si Ate kung may iba bang bisita ang mga Buenavista na kaedad namin. Pero sabi niya ay wala naman daw halos ng nandoon ay puro matanda. Baka nga imahinasyon ko lang ‘yon! “Ma, may pupuntahan kami nila Olan ah! Baka hanapin ako ni Papa.” Tumigil siya sa pag-aayos ng bulaklak at nilingon ako. “Naku, ikaw na bata ka! Wag kayong magpapagabi huh! At pwede ba umuwi ka ng maaga hindi umaga.” Agad ko siyang nilapitan at niyakap bago binigyaan ng halik sa pisngi. “Thanks, Ma, kaya love na love kita eh! Kila Cris lang kami. Love you, Ma!” “At nang-uto kapa talaga! Teka idaan mo pala ‘to sa Tita Diana mo. Nakalimutan kung dalhin kagabi.” Magpoprotesta pa sana ako, kaso baka sermon lang abutin ko kaya kinuha ko nalang ang inabot niyang bilao ng Biko. Madami silang katulong ba’t kaya kay, Mama pa sila nagpapagawa. Binuksan ko ang pula kung Ranger Rover at pinatong sa shotgun seat ang bilao. Naghanap pa nga ako ng tela na pwedeng ipatong dahil mainit pa ‘to baka maluto ang upoan ko noh! Mahal kaya pa overhauled dito. Ngayon lang ako muling makakapasok sa Hacienda ng Buenavista na maliwanag. Kagabi ay makikita mo lang ang madilim na mga daan at mga punog kahoy. Maraming tao sa bukana palang ng Hacienda, mukhang magtatagal nga sila dahil nililinis at inaayos ng husto ang buong paligid. “Magandang Tanghali po, Tay Roman.” Bati ko sa care taker ng Hacienda Buenavista. “Ikaw pala, iho. Dadalawin mo ba si Señorita Tiara?” “Naku hindi po. May pinapadaan lang si Mama. Nandiyan po ba si Tita Diana?” maagap kung saad. Grabi ‘to si Tay Roman sa imahinasyon! “Oo. Mukhang napagod sa party kagabi kaya hindi umalis. Tuloy kana doon, sabihan mo nalang ang mga kasambahay.” Agad akong umalis pagkapaalam ko sa kanya dahil baka iba na naman ang maisip niya. Malayo pa ang bukana ng hacienda sa pinakamain gate ng Mansiyon. Kung lalakarin mo ay susumahing isang oras din mula sa bukana. Samantalang sa Manila ang gate ay halos isang hakbang nalang mula sa pinto sa sobrang liit ng lugar, minsan pa ay wala na ngang gate. Pagdating ko sa Mansiyon ay sinalubong agad ako ng mayordoma nila at dinala sa hardin kung nasaan ang mag-asawa. “Too bad, Bless is with her friend,” ngiti lang ang sinagot ko sa sinabi niya dahil wala naman akong interes alamin kung nasaan ang anak nila. Pagdating ko sa bakuran ng mga Del Mundo ay boses na agad ni Crisanto ang naririnig ko. Crisanto Del Mundo is my best friend. Anak siya ng Mayor dito sa bayan namin at isa ding sakit sa ulo ng pamilya niya gaya ko. “Del Mundo ang ingay mo!” agad kung sigaw pagkapasok ko sa hardin. Pero napakamot ako sa ulo ng hindi lang si Cris ang naabotan ko doon. Nandoon ang mag-asawang Del Mundo, si Imee ang nakababatang kapatid ni Cris at isang babaeng ngayon ko lang nakita. “Ino, wala ka paring pinagbago.” Nakangiting saad ni Tita ng makalapit ako. “Sorry po. Ang ingay kasi ni Cris.” Nanigas ang balikat ko ng maramdaman ko ang kamay na pumatong doon. “Sa susunod linawin mo kung sinong Del Mundo ang maingay huh!” Nakagat ko na ata ang sarili kung dila sa sobrang hiya kaya agad akong napatayo na siyang dahilan ng tawanang pumuno sa hardin. Pero isang mukha ang nagpatigil ng mundo ko habang tumatawa ito. Isang babaeng may hanggang balikat na buhok at kulotan ang dulo. Tumatawa itong halos nawawala na ang mga mata. Ngayon ko lang ito nakita pero parang nababato balani ako sa bawat halakhak niya kaya diko mapigilang mapatanga nalang dito. Kung ganitong mga ngiti siguro araw-araw ang makikita ko ayos ng magmukha akong tanga sa harap niya. “Oi, natulala kana! Masyado bang maganda si Ara?” Natigilan ako at kunot noong nilingon si Cris. “Don’t you remember her? Tiara Buenavista.” Sinundan ng mata ko ang babaeng tinuro niya na nakangiti sa harap ko. Ang babaeng estranghero nagkaroon ng pangalan, ngunit hindi ang pangalang pinaka-aayawan ko. “Hi, Camino… Its been a while.” And just like that I feel like my whole world stop… Standing in front of me is the first girl who broked my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD