Day 13 HINDI ko alam kung anong oras na kami nakatulog. Basta matapos kung iayos sa kwarto nila si Tia ay bumalik na ako sa labas at hinayaan ko na si Ate na linisan at bihisan ng bagong damit si Tia. Si Crisanto naman ay inis na inis sa kapatid dahil halos kumandong na ito kay Marcus sa sobrang kulit nito ng malasing. Alam niya naman daw na may gusto ito kay Marcus pero hindi niya naman inaasahan na magmumukha na itong despirada sa ginagawa. Hindi na kami umabot sa kwarto dahil dito na kami nakatulog sa sala sa sobrang kalasingan namin. Mabuti nalang at maagang nagising si Kuya Otep para ayusin ang mga kailangan naming dalhin papunta paakyat ng Mt. Ulap. Doon sana kami magoover night kaso bawal daw kaya maaga nalang kami aakyat para bago magdilim ay makabalik din kami. “Gising ka na,

