Day 14 TIARA MULA NANG makababa kami galing Mt. Ulap ay hindi na naman ako kinakausap ni Camino. Alam ko masyado akong nagiging brutal sa kanya pero may mga dahilan ako kung bakit koi to ginagawa. Hindi lang ito dahil sa gusto ko o trip ko lang. Hindi ko pa masabi sa kanila pero sana kapag nalaman nila ay maintindihan nila ako at hindi husgahan base sa kung ano ang nararamdaman nila. Kanina pa ako nagising dahil hindi naman talaga na ako nakakatulog ng mahaba. Madalas akong nagigising sa madaling araw at muli nalang nakakatulog pero ilang oras lang din ang itatagal noon. Kanina po pa nariring ang pagbukas sara ng pintoan sa banyo at sa mismong silid na tinutuloyan namin. Ito ang pangatlong araw namin sa Baguio at balak nilang mag-ikot muna dito bago kami pumunta ng Benguet. Sinilip

