Chapter 21
(JR's POV)
ILANG beses akong napakurap-kurap habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Legit ba?" Intriga kong tanong kay gurang pero nakatingin pa rin sya kay Eren. Kita mo tong matandang toh, nagka-eksena lang hindi na ko pinansin!
Napakamot ako sa bunbunan ko dala ng pagkalito at gulat habang palipat-lipat pa din ang tingin sa kanila. Sa gagong tatay nya na hindi naman pala nya tatay, kay Eren at sa pabidang si tatang na ang alam ng lahat ay hindi nya tatay pero tatay nya pala talaga.
Grabe, maka-eksena lang, ginulat pa kaming lahat dyahe. Totoo! Hindi ko inasahan na may mga pasabog pala tong matatandang toh, tae, ang tatanda na pero ang da-drama pa ren.
Napako tuloy yung tingin ko kay Eren.
I want to get near him. Gusto ko syang lapitan at alalayan para makita kung gaano kalala yung mga galos at sugat nya sa mukha pero hindi ko magawa. Hindi pa muna dahil base sa nakikita ko ay naguguluhan sya ng husto, pero habang tumatagal na nakikita ko syang ganyan ay kumukulo yung dugo ko. f**k.
"Tell him!" Entrada nanaman nung tatay nya kuno, "Sabihin mo sa kanya kung ano yung totoo. Aminin mo na kasalanan mo kung bakit nya dinadanas yung lahat ng toh, kasalanan mo, Zion. Kasalanan mo ang lahat."
Kumunot yung noo ko, "Puta manong, oks good ka lang? Anong meron? Bakit pinapasa mo kay gurang yung mga kasalanan mo? G na G ka ah."
"Wag kang makisabat dito!"
"Sasabat ako hangga't gusto ko, General. Kingina kung ayaw mong marinig yung mga sasabihin ko edi takpan mo yung mga tenga mo. Basic."
"Bastos ka!" Alam kong gigil na gigil na sya saken base sa nanginginig nyang daliri na nakaduro saken at namumulang mukha, "Wala kang modo! Wala kang respeto!" Nanlalaking matang sigaw nya kaya pinandilatan ko din sya.
Aba't pumapalag pa den! Kakaiba talaga ang isang toh, ka-level talaga ni tatang tsk tsk!
Malakas akong natawa tsaka humalukipkip dahil doon na ikinataka nya. Patawa sya eh.
"Generaaal, wag naman tayo maghugas kamay dito. Kung bastos ako, walang modo at walang respeto, ano pa kayang tawag sayo?" Lalong lumakas yung tawa ko habang nasa bewang ko yung kaliwang kamay ko at yung kanang kamay ay nakahawak sa labi ko.
Ramdam kong umiinit ng husto yung dugo ko sa kanya, lalo na nong nalingunan ko si Eren na nakayuko na at tila tulala habang si tatang naman eh nakatingin sa kanya na may malambot na ekspresyon.
Wala sa sariling tumaas yung kilay ko bago tumalim yung mga tingin ko sa kanya tsaka ako ngumisi.
"Wag nyo ng dagdagan pa yung init ng ulo ko dahil higit pa sa pagiging bastos yung kaya kong gawin kapag napupuno ako." Dumako yung tingin ko doon sa nakababatang kapatid ni Eren na babae, "Hoy ganda."
Gulat syang napapiksi matapos ko syang ituro.
"A-ako?"
"Oo, wala ng iba." Nilabas ko yung susi ng jeep ko at ibinato sa kanya na nasalo nya naman, "Nakaparada sa isang gilid yung jeep ko, dalhin mo dito para maisakay na yung kuya mo."
"O-okay!"
"Ezra!" Habol netong matandang toh pero hindi sya pinansin nung Ezra. Nice.
Dahil doon ay mas lalo syang nagngitngit sa galit at mabibigat ang paang naglakad patungo sa mismong tapat ko tsaka walang habas na kinwelyuhan ako.
I can feel the hatred on his grip on my uniform's collar, his hands are trembling and his face is reddened. He's mad.
Gusto kong matawa. Galit sya? Pwes mas galit ako.
Imbes na atrasan sya at mag-iwas ng tingin ay sinalubong ko pa ng blankong tingin yung kanya. He's frowning while I'm just looking at him with a blank face.
"Talagang ginagalit mo ko, babae."
I scoffed, "Buti naman, atleast hindi ako nag-iisa."
Mas humigpit yung hawak nya sa kwelyo ko dahilan para mas sumikip yung nasa bandang leeg ko pero hindi ako nag-react.
Alam ko, kating-kati na syang patulan ako.
"You don't know me."
"You don't know me either." I grinned.
"Wag mo kong yabangan dahil kayang-kaya kitang patumbahin!"
"You sure? Mas bata at mas malakas sayo yung mga anak mo pero pinatumba ko lang ng ilang segundo."
"Mayabang ka!"
"Hah! Talaga! Bobo nalang ang hindi nakakaalam nyan!" I proudly said kaya ayon, gigil sya lalo.
"Well who the hell do you think you are!? Some sort of a hero that saves that fuckin bastard in distress!?" He laughed in a tone of mockery, "Think again missy, babae ka lang. Anong magagawa mo kapag pinatulan kita?"
I can't help but to grin.
"Babae ako, General. Wag mo kong nila-lang lang." Hinawakan ko yung kamay nyang nasa kwelyo ko at padarag na inalis, "Kapag ikaw ang pinatulan ko mapapaaga yung pagbisita mo sa impyerno."
"You bitch...!" He raised his hand as if ready to smack me, kaya mas lalo akong ngumisi.
Isang lapat lang ng palad neto sa balat ko eh talagang babalian ko toh ng buto. Pwera biro, wala akong pakielam kahit na tatay o tatay-tatayan ni Eren toh dahil kapag talagang dumikit maski daliri nito sa mukha ko eh sisiguraduhin kong dadausdos toh sa sahig.
Kung si Eren nagagawa nyang saktan at hindi sya magawang gantihan, pwes ibahin nya ko.
Wala akong respeto sa mga taong malakas manggago.
"EDMOND!"
Kusa syang nahinto sa gagawin nya sana dahil sa sigaw ng isang matandang babae na kalalabas lang mula sa loob ng mansyon.
Kahit na matanda na ay elegante pa rin ang suot neto, may maid na naka-alalay sa magkabilang gilid nya habang hirap na naglalakad sya nang may tungkod.
Hindi na ko magtataka, malamang eh lola ni tofu boy toh. Kahawig netong lalakeng toh eh, nanay nya siguro.
"M-mamá."
Binitawan nya ako nang makalapit yung matanda sa amin. She's not happy but she's not mad either. Just having a blank emotionless face while looking at us.
"Anong nangyayare dito?" She asked with squinted eyes, "Katanghaliang tapat, nagkakagulo kayo."
"I'm just trying make them leave that's all, mamá. You don't have to worry."
"Leave mo ulo mo." Pang-aasar ko na tumalab naman dahil bumalik yung inis sa mukha nya.
"You wench---"
"Magsitigil kayo." Maotoridad na anya ng matanda pero sumama lang yung tingin ko sa lalakeng toh.
Mataman nyang pinasadahan lahat ng nandito bago nahinto yung tingin nya kay Eren na ngayo'y inaalalayan ni tatang at July pati na din nung kapatid nya pasakay sa loob ng jeep ko. Bahagya syang natigilan bago bumuntong hininga at umiling.
"Edmond, bitbitin mo na ang mga anak mo papasok sa loob." Tukoy neto sa dalawang kupal na tulog, "Kiko, Shaun, tulungan nyo si Edmond. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila." Utos pa nya sa dalawang guard na agad namang tumalima.
"B-but mamá---"
"Sundin mo yung utos ko."
"But they are my business! She hurted my sons! Sila ang nagsimula ng gulong toh kaya ako na ang magpapaalis sa kanila kasama ng isang yan." Turo nya kay Eren kaya hindi makapaniwala ko syang tinawanan habang nagngingitngit yung ngipin ko sa galit. Ibang klase talaga! Bakit parang kasalanan pa lahat ni Eren!?
"Ginagago mo ba ko?"
"W-what!?"
"Tinatanong ko kung ginagago mo ba ako!" Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses dala ng galit, "Kung hindi mo sinaktan si Eren edi hindi sana pumlakda sa sahig yang mga anak mo!" Sarkastiko kong tugon.
"Shut up you disrespectful woman!"
"Don't fuckin tell me to shut up because I'll never ever shut my fuckin mouth just because you told me to do so!"
"Kung hindi pa kayo aalis ay magtatawag na ko ng tao from the village's security team para makaladkad kayo paalis!"
Huminga ako ng malalim para kontrolin yung sarili kong wag syang saktan lalo na't may kaharap na mas matanda sa kanya.
"Kesehodang magtawag ka pa ng isang batalyong militar General Gonzales ay wala ho akong pake," I said as I clenched my jaw and fist out of anger, "Kapag sinubukan nyo pa ulit na saktan yung asawa ko ay makikipagpalit na kayo ng mukha sa semento."
We both stared on each other with our sharpest glares. Punyeta, sinong nagsabing magpapatalo ako dito!?
"Ikaw---"
"Edmond, ang inuutos ko." Muling tawag nung matanda.
"P-pero---"
Isang matalim na tingin yung iginawad ng matanda kaya sapilitan syang sumunod. Nginisihan ko lang sya nang tignan nya ko ng masama bago tumulong na kunin yung dalawang kupal na anak nya tsaka pumasok sa loob ng bahay. Kahit papano, nabawasan yung inis ko.
Nalipat yung tingin ko sa matandang babae na ngayo'y nasa akin na ang paningin. Sinenyasan nya yung mga umaalalay sa kanya kaya nagsi-alisan ang mga iyon. Kunot na kunot yung noo nya habang pinapasadahan ako ng tingin kaya umayos ako ng tayo tsaka bahagyang yumuko bago bumati nang nakakunot ang noo.
"Magandang tanghali."
Tumikhim sya, "Kung ganon... Kasal na pala si Zerenel." Her eyes bored on me, "At ikaw ang asawa nya."
"Ako nga."
Sunod-sunod syang tumango, na para bang nasagot nga yung tanong na nasa isipan nya.
"Gusto kong malaman mo na wala akong kinakampihan sa gulong ito." Lumitaw ang isang ngiwi kasabay ng ma pagkakasalubong ng mga kilay nya, "At hindi ako natutuwa sa ginawa mo sa anak at mga apo ko."
Dinilaan ko yung ibabang labi ko tsaka ako napahawak doon habang ang isang kamay ay nasa bewang ko.
"Aaminin ko, hindi rin ako natuwa sa ginawa ko sa kanila, dahil kung ako lang ang masusunod eh lulumpuhin ko silang tatlo."
"Hmn... Sa tingin ko'y masyado kang agresibo, hindi ka dapat nanghihimasok basta-basta sa gulo ng pamilya ng asawa mo."
Nawala yung ngisi ko at napalitan ng seryosong ekspresyon dahil sa sinabi nyang yon habang nanatili naman syang kalmado.
"Hindi ako manghihimasok sa gulo nila kung kinausap lang nila ng mahinahon si Eren."
"Away ito sa pagitan ng mga lalake iha, sana ay maintindihan mo iyon."
"Naiintindihan ko yung punto nyo pero hindi nyo nauunawaan yung galit ko." My jaws clenched as I grit my teeth inside, "Sinaktan nila yung asawa ko ng emosyonal at pisikal, hindi ako yung tipo ng babaeng tatahimik lang. Sa dami ng kagaguhan na pinaggagagawa ng pamilya nyo kay Eren ni minsan hindi nya naisip na gumanti kahit na kung tutuusin ay kaya naman na nya kaya kung pang-unawa at pang-intindi lang rin naman ang hanap nyo eh wag nyo sakin hanapin yon dahil nawawalan ako non kapag nakikita kong nasasaktan yung asawa ko."
She heaved a sigh.
"Siguro ay ganon na nga, pero mali pa rin yung ginawa mo sa mga apo ko."
"Dahil wala din namang ginawang tama yung mga apo nyo sa asawa ko." Ngumiwi ako.
Muli kaming nagkatitigan at naputol lang yon nang may kamay na tumapik sa balikat ko.
"JR tama na yan, umalis na tayo."
Nilingon ko si tatang, "Nasaan si Eren?"
"Nawalan sya ng malay sa backseat ng jeep mo. Tara na." Yaya nya.
"Zion."
Pinagmasdan ko si tatang na seryosong tumango sa matanda.
"Ako na ang humihingi ng pasensya para sa gulong nangyare, Donya Cecilia."
"Nauunawaan ko."
Umingos ako at humalukipkip, "Babalik kami dito bukas kaya pakitalian na ho yung anak at mga apo nyong tahol ng tahol." Anya ko.
Naramdaman ko namang pasimple akong siniko ni tatang kaya umirap ako.
"Magtigil ka nga."
"Totoo naman yung sinabi ko."
"Hayaan mo na, Zion." Tumango-tango ang matanda tsaka mahinahon akong hinarap ulit, "Pagpahingain mo si Zerenel, pwede kayong bumisita dito anumang oras at araw."
Matapos non ay kay tatang sya ulit tumingin, "Zion, alam mo na ang gagawin mo."
"Opo."
Tinalikuran ko na sila pareho at nagtungo nalang sa jeep ko, dumiretso ako agad sa driver's seat tsaka nilingon sila sa likod.
Doon ay naabutan ko si July at yung Ezra na nasa backseat at inaalalayan si Eren na ngayo'y tulog. Kinagat ko yung ibabang labi ko habang pinagmamasdan yung sugat at galos na natamo nya.
Damn, Eren. Umaalis din naman ako noon at inaabot ng buwan bago makauwi pero never ka namang nagkaganyan, tas ngayong apat na araw lang akong nawala nabangasan ka na?
Inabot ko yung mukha nya at marahang hinaplos yung pisngi tsaka paulit-ulit na napamura. f**k. Look at those bruises and cuts, there's plenty of them! And his nose, it was bleeding earlier.
"Kingina talaga." Napahampas ako sa manibela dahil doon.
Mukhang napansin naman iyon ni tatang na kakaupo lang sa tabi ko dahil bumuntong hininga sya tsaka muling tinapik yung balikat ko.
"Magiging maayos din si Eren."
Umismid ako tsaka tinanggal yung kamay nya doon at ini-start ang sasakyan, "Wag mo kong hawakan dahil kumukulo din yung dugo ko sayo."
Bumuntong hininga lang sya ulit at hindi na muling nagsalita pa.
***
Minaneho ko ang sasakyan patungo sa mansyon namen. Pinagtulungan din naming maalalayan si Eren paakyat sa kwarto namin habang si July naman ay inutusan kong maghanda ng kahit anong makakain, nagpresinta ding tumulong yung Ezra kaya pinabayaan ko lang.
Lumabas ako sa banyo bitbit ang first aid kit at maliit na plangganang may maligamgam na tubig kasama ang malambot na bimpo.
Naabutan ko si tatang na nakaupo sa gilid ng kama, tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Eren.
"Oh." Anya ko matapos ibato ang first aid kit sa kanya na agad naman nyang nasalo.
Inilapag ko sa bedside table yung planggana tsaka nameywang, walang salita namang inumpisahan ni tatang ang paglinis sa mukha ni Eren gamit ang basang bimpo.
Kitang-kita ko sa paraan ng pagdampi ng bimpo sa mukha ni Eren kung gaano kaingat si tatang sa pagpunas ng mukha neto, na para bang natatakot sya na magkamali ng pahid at baka masaktan nanaman ito. Nakakunot din ang noo nya pero halata sa mga mata nyang nag-aalala sya ng husto para dito.
Walang duda, anak nga nya si Eren.
Humugot ako ng malalim na hininga, "So he's your biological son."
He nodded followed by a deafening silence.
Hindi naman awkward yung aura ng paligid pero hindi rin okay.
Kaya imbes na magstay ay tumalikod na ko para sana iwan silang dalawa sa kwarto nang magsalita sya.
"Jhayrein..."
Nilingon ko sya, nag-angat sya ng tingin saken. Doon ko napansin yung namamasa nyang mga mata, napagtanto kong mga luha yon nang basta nalang magbagsakan pababa ang mga yon sa pisngi nya.
And there, tatang did the last thing that I've ever think that he'll do.
He smiled.
"Thank you."
Wala akong naisagot kundi tango bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
(Third Person's POV)
Nagising si Eren nang makaramdam ng mga daliring humahaplos sa buhok nya, it's like someone's combing his hair by the use of it's hands kaya agad syang nagmulat, only to see tatang sitting on the bed beside him.
Mukhang nagulat pa ang matanda nang magtama yung tingin nila, mabilis nitong inalis yung sariling kamay sa ulo ni Eren at tumikhim. Parang nahihiya din base sa pag-iwas nya ng tingin.
"Gising ka na pala."
Tanging pagtango lang ang naisagot ni Eren dahil napako na yung tingin nito sa kanya. Nararamdaman nya yung hapdi at kirot mula sa sugat na nasa mukha nya, parang may pasa din yung mga braso nyang pinangharang sa mukha, yun kasi yung pinagsusuntok ng kuya Edwin nya. Nahihinuha na tuloy nya yung itsura nyang bugbog sarado.
He noticed that Eren is just staring at him, dinig na dinig ng binata yung pagbuntong hininga nya bago ito napakamot sa batok.
"Uhm... Masakit pa ba? A-ang ibig kong s-sabihin, yung m-mga sugat mo."
Tumango si Eren, "Makirot pero kaya ko namang tiisin."
Then they went silent while Eren's still staring at him. Ilang segundo din ang lumipas bago muling bumuntong hininga si tatang, nakayuko sya habang pinaglalaruan ang mga daliri, tila naghahanap ng mga salitang sasabihin.
"I just want to say sorry."
"Sorry saan?"
"For everything." Tatang sighed and combed his own gray hair with his fingers, "Kung kinuha lang kita sa kanila mula ng ipanganak ka ay hindi mo sana dinanas lahat ng yon. I'm sorry, Eren. I thought leaving you to your mother would be the best for you, g-gusto ko lang na b-bigyan ka ng kumpletong pamilya. I want you to grow up into a complete family, a family that has a father, mother and siblings. Kung alam ko lang na ganon ang dadanasin mo sa kanila hindi na sana kita iniwan."
Tatang frustratedly held Eren's hands with teary eyes and soft expression on his face. Bahagya pang nanginginig yon dahil sa emosyon na nararamdaman matapos sabihin ang mga iyon.
He gasped as the tears started flowing down to his cheeks while looking at his son's wounded and swollen face, "I'm always there. Eversince you we're a child I'm always there, watching you from a far filled with contentment. Wala ako sa mga pagkakataong nakakapagsalita, nakakapaglakad, nakakatakbo, at nakakapaglaro ka na pero noong unang beses na pumasok ka sa eskwelahan hanggang sa makapagtapos ka ng highschool, sa mga okasyon na dinadaluhan mo, sa mga palarong sinasilahan mo at sa bawat selebrasyon ng kaarawan mo, nandoon ako." Ngumiti sya, "Pero wala ako noong mga panahong sinasaktan ka na nila."
Nanatiling nakatitig si Eren sa kanya habang humigpit naman ang hawak nya sa kamay neto.
"Akala ko masaya ka sa kanila, ni wala akong ideya na ganon pala ang ginagawa nila sayo. Kung hindi mo pa kinwento sakin noong unang beses tayong magkita eh hindi ko pa malalaman."
"Meaning, nandoon ka lang talaga when daddy ordered me to leave the mansion?"
Tatang nodded, "I was just passing by in front of your mansion, hoping that I could take a glimpse of you but I was shocked when you got out of the mansion." Kinamot nya yung ulo nya, "Naglakad ka paalis, I'm confused because you never left the house without being serviced with a car kaya sinundan kita hanggang sa bumagsak ka nalang bigla sa kalsada. I can't help but to take you with me. I'm worried as hell because you're burning hot in high fever but I'm mad as f**k when you told me about what that scumbag did to you."
Dumilim at sumama yung mukha nya habang inaalala lahat ng kwento ni Eren tungkol sa pamilya neto, ang pambubuyo ng dalawang nakatatandang kapatid, ang pang-iignora ng ina at ang pananakit ng kinikilala netong ama. Kuntodo pigil noon si tatang na sugurin ang mga ito para lang komprontahin, mabuti nalang at hindi nya ginawa dahil kung hindi baka nakulong pa sya dahil hindi nya alam kung hanggang saan lang aabutin yung pagtitimpi nya.
"Why didn't you tell me then?"
"I'm afraid that you'll leave me once that you find out about the truth." Bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ni Eren at pinaglaruan ang sariling daliri, "I'm sorry. Takot lang akong mawala ka that's why I kept it as a secret for a long time while I'm enjoying being your talent manager because I can be with you."
And as if on cue, Eren's eyes watered as he stare on his father with an emotionless face. Nakaramdam tuloy ng takot at lungkot si tatang dahil doon, ang pinakakinatatakutan nyang mangyare ay ang kagalitan sya ng sariling anak. Sa tagal na panahon nilang magkasama ay ni minsan ay hindi pa nangyayare yon at hangga't maaari ay ayaw nyang mangyare yon pero sa nakikita nya kay Eren ay mukhang hindi iyon maiiwasan.
'I deserved it, anyway.' Saad nya sa isipan nya habang nasa anak pa din ang paningin.
"You should have told me."
"I know."
"Don't think that I'll be okay with it."
He sighed and nodded in agree, "I understand if you're mad at me. Alam ko, mali yung ginawa ko. I'm really sorry for being a coward, not telling the truth even though I have so many chances. I'm just afraid to lose you, na baka layasan mo ko dahil hindi ako naging mabuting ama sayo."
"Just give me a hug and we'll be quits."
Natigilan si Zion sa biglang saad na yon ni Eren na nagpupunas na ngayon ng luha habang nakangiti.
"W-what?"
"Just a hug." Ngumuso si Eren tsaka inangat ang mga kamay, "Daddy never hugged me before, well, thank God that he didn't. Atleast my first hug will be from my real father."
"A-aren't you mad at me?" Lalong namasa ang mga mata nya, "You should be mad."
"Why would I? I'm grateful to have you as my father, tatang. Bakit pa ko magagalit? Sobra-sobra ka pa sa pagiging isang ama sakin. Besides, this is what I really want right from the start, even when I still didn't know the truth, you don't know how many times I prayed to God asking him if I can be your real son."
"W-why?"
"Because you're a real good father." Eren let out a bright smile, "Not just to me, but also to July. Laging kang nandyan para sa amin, inaalagaan, pinoprotektahan at sinusuportahan kami. You don't have to say sorry for not telling the truth, alam kong natakot ka lang din and that's just normal because you love me. You're afraid to lose me that's why I understand. You're a good father to us, tatang and I'm proud to have you as my real father."
Hindi nakapagsalita si Zion habang pinagmamasdan ang ngiting-ngiting si Eren na naka-angat pa rin ang mga kamay.
"Now give your handsome biological son a hug to ease the pain that's being a burden in our hearts for a very long time."
Walang ano-anong umupo si Eren at sya na ang yumakap sa ama na ngayo'y tahimik na umiiyak habang yumakap sa kanya pabalik.
"There, there, stop crying po, bawas angas." Eren chuckled while caressing his father's back, "Tatawanan ka ni July at JR kapag nakita ka nilang ganyan."
"I don't fuckin care! I'm crying because of joy!"
Natawa sya dahil doon tsaka mas hinigpitan pa ang yakap sa ama.
(Eren's POV)
Humugot ako ng malalim na buntong hininga para kumuha ng sapat na hangin bago ako tuluyang lumusong pahiga sa ilalim ng malamig na tubig sa tub.
I can feel the soothing effect of the icy cold water on my swollen face. Kumalma yung sistema ko kahit papaano, ramdam kong yung mukha ko sa lamig ng tubig.
Makirot at masakit pa rin yung mga sugat at galos na nasa mukha ko, ganon din yung mga braso ko na malamang ay may mga pasa pero kaya ko namang tiisin. Ilang araw lang din at mawawala na din ito, mabilis lang naman akong maka-recover.
Ayoko munang isipin lahat-lahat ng nangyare ngayong araw, sasakit lang yung ulo ko kakaisip. Masakit na nga yung mukha ko, sasakit pa yung ulo ko.
Nang maramdaman ko na ang kakapusan ng hangin ay agad na akong umahon mula sa tubig at hinawi yung buhok ko, I just stopped when I felt some presence beside me that's why I turned my gaze and there, I saw her sitting on the tiled floor while her arms are resting on the edge of the tub, the tip of her fingers are brushing on top of the cold water.
"Anong ginagawa mo?" She asked, her eyes are darted on mine.
Ngumuso ako, "Naliligo."
"Tanga," Umismid sya, "Naliligo walang sabon? Nagbababad ka lang."
"Kasi nga magsasabon palang ako."
Sunod-sunod syang tumango na para bang nakuha nya yung ibig kong sabihin tsaka tumayo kung saan doon ko palang napagmasdan na suot pa rin nya yung military uniform nya.
Napatitig ako nang hubarin nya lahat ng damit nya at tinanggal yung pagkakatirintas ng buhok nya, I cleared my throat as she walked towards my direction, naked. Lumusong sya sa tubig ng bathtub at naupo sa pagitan ng mga hita ko, now her back is resting on my body while my hands are wrapped around her waist.
"Hala gagi ang lamig pala!" She hissed that made me chuckled, "Gago wag kang tumawa!" Anya tsaka naglagay ng liquid bath soap sa tubig kaya nagkaron ng maraming bula yung tubig.
I hugged her tighter and placed my chin on her right shoulder, sniffing her usual fragrant manly scent out her of favorite perfume. Pilit nya ding siniksik yung sarili nya padikit pa lalo saken habang ang kamay ay nakahawak sa mga braso kong nasa bewang nya.
"Nagkausap na kayo?" She asked as I reached for her cheek and started planting small kisses on it.
"Hmn..." I hummed before licking her neck, "Hindi nya sinabi saken lahat dahil gusto nyang kay mommy ko marinig yung dahilan kung bakit kami nagkaganito."
"Ah. Ge, babalik tayo bukas."
"Sasama ka?" Gulat kong tanong na sinegundahan naman nya ng palatak at mura.
"Nagtatanong ka pa talaga!" Pabiro nyang hinila yung bangs ko, "Malamang sasama ako! Kame! Aba kung ikaw lang mag-isa ang pupunta baka maabutan kita sa labas na gumagapang pauwe!?"
I chuckled because of that, "Opo. Tokwa ka, ang init ng ulo mo." Hinalikan ko yung gilid ng ulo nya tsaka muling bumalik sa pisngi't panga nya.
"Paanong hindi iinit yung ulo ko? Sabi mo magiging okay ka lang habang wala ako tapos kingina madadatnan kitang nagpapabugbog sa kupal na yon!?"
"Si kuya Edwin yon."
"Apat na araw, Eren. Apat na araw palang akong wala tapos nabugbog ka na mga gagong yon!?"
"Si kuya Edwin nga yon."
Inis syang naupo ng maayos at humarap saken nang may masamang tingin kaya napalunok ako, lalo na noong itulak nya yung balikat ko.
"Gago!"
"A-aray." Ngumuso ako matapos nyang ulitin yung pagtulak nya, "Bakit?"
"Wala akong pake kung sino yon!"
"E-eh kuya k-ko nga k-kasi sya eh."
"Ano naman kung kuya mo yon!?"
"M-masamang lumaban sa m-mas nakakatanda d-diba---ouch! Tokwa ka! M-masakit yung pisngi ko!" Pinisil nya kasi yun eh may mga sugat at pasa nga!
"Tanga! Punyeta ka Eren, sa pisil ko uma-ouch ka pero nong sinusuntok ka nong gagong yon daig mo pa ang punching bag sa hindi pagpalag! Nanggigigil na talaga ako sayo ah!"
"Eh b-bakit ka ba k-kasi nagagalit dyan?" Nguso ko, "Wag ka ng magalit."
"Panong hindi ako magagalit? Pinag-alala mo ko ng sobra!"
I stiffened because of that, "Nag-alala ka?"
She irritatedly scratched her head. Parang inis na inis kasi tinatanong ko pa yung obvious.
"Sinong hindi mag-aalala sayo? Iniwan kita ng buo, tas madadatnan kitang may bangas? Tsk." Sabay ismid, "Anong nang mangyare sayo kung hindi kami dumating?"
Napangiti ako habang nagngingitngit naman sya sa galet. Hehe. Wala lang, ang kyut nya lang magalit tsaka isa pa eh kinikilig ako. Napaka-protective nya saken.
Nakakatuwang malaman na nag-aalala sya saken.
"Sorry na." Pagpapakyut ko pero lalo lang syang nagalit, parang takureng umuusok yung mukha nya. Konting inis pa at pipito na sya.
"Sorry-sorry! Ulitin mo pa yan, Gonzales. Ako mismo lulumpo sayo."
Kinamot ko nalang yung ulo ko dahil wala akong masabi, tama naman sya eh. Dapat pumalag ako, kaso ay duwag nga talaga siguro ako dahil kahit kaya ko naman ay hindi ko ginawa.
Pero grabe din yung lulumpuhin nya ko. *POUT*
Pasimple kong hinila yung bewang nya para mapayakap sya saken kaso sinamaan nya lang ako ng tingin. Hmp. Damot.
Tinusok-tusok ko nalang yung bewang nya habang nakaharap saken.
"Paano mo nga pala nalaman na nandoon ako?"
Mayabang syang suminghal tsaka humalukipkip, "Ay sus, Ako pa ba? Tsk."
"Ano nga?"
"Tinanong ko kay July kung may pasok kayo, sabi nya wala kaya didiretso dapat ako dito ang kaso binanggit nya na baka pumunta ka sa bahay ng parents mo kaya don ako dumiretso kayna tatang para magpasama." Bumalik nanaman yung galit nyang mukha, "Susurpresahin nga kita kaso taena ako ang na-surprise, Eren."
Wala akong nagawa kundi ang sapuin ang mukha nya at dampian sya ng kiss.
"Sorry na po."
Pinagpatuloy ko yung pagdampi-dampi ng halik sa labi nya pero nanatili syang nakasimangot kaya diniinan ko na.
It took me several seconds in kissing her before she finally responded. Marahan kong kinagat yung kanyang ibabang labi na naging dahilan para bumuka iyon.
My tongue entered and started savoring the taste of her mouth when she also held my face that made me winced in pain.
Napansin nya naman yon kaya napahiwalay sya saken, "Sorry." She apologized and bit her lip.
Akmang hahawak sya sa leeg ko nang hawakan ko yung mga kamay nya, nanlaki yung mga mata ko matapos mapagmasdan yon.
"A-anong nangyare sa mga kamay mo?"
Sinipat nya din yon habang nakatutok don yung mata ko. May mga sugat yung kamao nya, doon mismo sa mga buto. Yung sa kanan bago pa yung mga sugat at namumula pa pero yung sa kaliwa pagaling na, nagva-violet din iyon na tila mga pasa.
Tokwa, hindi ba sya nasasaktan doon? Paniguradong mahapdi yon dahil may iilang sugat na malalaki talaga, parang hiwa ganon.
"Ah, yan ba?" Kinuha nya yung kamay nya at kinlose open pa na para bang wala lang iyon, "Etong kanan yung pinang-hello ko sa mga kuya mo kanina."
Lumunok ako, "E-eh bakit itong kaliwa meron din!?"
Kinabahan ako nang bigla syang ngumisi ng pagkaloko-loko na para bang meron syang ginawang malaking kalokohan.
"Hulaan mo."
Muli akong lumunok habang naniningkit na tinitigan sya. Yung titig na sinusuri talaga kung ano yung ginawa nya nang bigla akong may marealize. Lumaki yung butas ng ilong ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko.
"J-jhayrein..."
"Oh?" She c****d an eyebrow.
"P-paano ka nakauwi ng maaga?"
I can't help but to gasp when she smirked wider and became more wicked, naghinala pa ko lalo nang magsimula syang humalakhak na para bang may naisip na nakakatawa.
I pointed my index finger on her, "S-suspendido ka nanaman ano!?"
"Tumpak." Lumakas yung tawa nya habang nakahawak pa sa tyan na nasa ilalim ng tubig, natatakpan ng bula at tubig yung dibdib nya.
"Ano nanamang ginawa mo at suspended ka nanaman!?"
Yung huling suspension nya eh dahil sa pagkakasapak nya sa mismong General ng British Armed Forces nila sa di malamang dahilan, ayaw nyang sabihin kung bakit nya sinapak ih. Ngayon, ano nanamang kayang ginawa nya!?
"Sabihin na nating, hindi lang General ang tinabla ko."
I think nasagad na yung pagkakalaki ng mga mata ko. Meaning she punched another person!?
"Did you punched the Queen of England!?"
Pinandilatan nya ko, "Sira ulo mo! Bakit ko gagawin yon!?"
"S-sabi mo hindi lang yung General ang sinapak mo!"
"Oo nga! But I didn't say that I did that to the Her majesty!" She yelled, "Sira ulo ka, kung ginawa ko yon edi buong United Kingdom yung kalaban ko!? Baliw!"
I pouted. Malay ko ba? Eh syempre nanghuhula lang din ako, tokwa sya, sabi nya hulaan ko eh.
"Hayaan mo na." Sumenyas-senyas sya habang pumapalatak, "Halika rito."
"Anong gagawin?"
I was shocked when she pouted her lips and point her finger on it. Tokwa. She's so cute.
"Bilisan mo na't halikan mo ko bago pa uminit yung ulo ko sayo." Naiinis nyang utos kaya natawa ako.
I didn't waste time, I immediately pulled her nape and started kissing her again, this time rougher and deeper.
A moaned escaped in her lips when my hand touched her bare back and started caressing it up and down. Mas hinila ko pa sya kaya nagdikit yung mga katawan namin sa isa't isa.
Now she's like sitting on my legs, she wrapped her own legs on my waist and her arms around my neck.
We kissed. A breath taking hungry kiss. Rough, hard and deep. Sucking and biting each other's lips out of longing.
"I miss you." I moaned when she bit my lower lip and slightly rubbed her body on mine soaked under the water.
"You must've felt how much I miss you too."
I nodded before sucking her tongue which made her moan.
"Pinto?"
"Locked." She simply answered.
"Good."
Pakiramdam ko lasing na lasing ako sa paghalik sa kanya. I miss this. Her kisses, her touch and her taste. I miss everything about her even though she's been gone for about four days only.
This is bad. Really, really bad, but I'm still loving it.
***
Sabay kaming bumaba ni JR galing sa kwarto. Naka-spaghetti strapped sando sya na pula at pareho kaming naka-jogging pants na grey habang yung damit ko eh oversized pastel blue shirt na may printed kawaii fries sa harap.
Nang makababa kami ay agad na hinanap ng mata ko si Ezra, sabi kasi ni JR eh sumama din sya dito.
"Baka nasa sala." Nguso ko habang hawak-hawak yung kamay nya tas yung isa nyang kamay nasa bulsa nya, "Tara."
Hinila ko sya para magtungo sa sala.
"Chix pala yung kapatid mo." Tumango-tango ako bilang pag-sang ayon.
"Lumaki syang maganda at mahubog, paniguradong marami syang manliligaw hehehe."
Dinig kong pumalatak sya, "Damn, Eren. Kung nauna ko lang syang nakilala kaysa sayo malamang sya na yung pinakasalan ko."
"Ano!?" Gulat kong anya na nagpahinto saming dalawa sa paglalakad.
Kalmado naman syang nagkibit-balikat na tila hindi malaking bagay yung binanggit nya. Tokwa sya! Anong pinagsasabi nyang yon!? Ano napipilitan lang syang pakasalan ako!? Ah okay! Napilitan nga kaso bakit kailangan pa nyang ipamukha!?
"Hoy, naniningkit na yang mga mata mo." Turo nya sa mata ko, "Ano nanamang tumatakbo dyan sa maliit mong utak?"
"A-anong---sinong may maliit na utak!?"
"Ikaw."
"Napaka mo! Hindi maliit yung utak ko!"
"Pano mo nasabe?"
Umingos ako at inirapan sya, "Basta! Hindi maliit yung utak ko!"
Pumalatak nanaman sya na tsaka ako tinitigan na para bang wala na ako sa sarili kaya lalo akong nainis. Ang ayos-ayos ng ano namin tapos biglang ganto! Napaka talaga!
Binitawan ko yung kamay nya tsaka ako naunang naglakad.
"Hoy, bumalik ka dito." Dinig kong tawag nya saken pero di ko sya pinansin.
"Ayoko!"
"Bumalik ka sabi eh."
"Ayoko nga!"
"Ge wag kang bumalik dyahe ka, dyeta saken yang big bird mo."
Masama ang loob kong naglakad palapit sa kanya habang ngising-ngisi sya.
"Akin na nga yan!" Hawak ko ulit sa kamay nya, pinagsalikop ko pa yung mga daliri nya saken bago ako umismid, "Dyeta-dyeta." Bulong ko.
I heard her playful chuckle, "Takot matigang nampotek."
Alam kong namumula na yung pisngi ko dahil sa sinabi nya pero nag-make face nalang ako na tinawanan nya naman bago kami muling naglakad.
"Ez---" Naputol yung pagtawag ko sa kanya dahil tinakpan ni JR yung bibig ko at sumenyas na manahimik.
Hindi nga ako nagkamali nang maabutan namin si Ezra na naka-upo sa sofa kasama si July pero nanlaki yung mata ko nang ma-realize yung pwesto nung dalawa.
Sobrang lapit nila sa isa't isa habang magkaharap at nakakagulat na nakahawak si July sa batok ni Ezra! Kumunot yung noo ko dahil nakapikit pa sila pareho at dahan-dahang naglalapit yung nakatagilid nilang ulo sa isa't isa!
Tokwaaa! They're going to kiss each other!
Halos mapugto yung hininga ko nang isang dangkal nalang ay magdidikit na yung labi nila. Noooooooo!
"HULE!"
"Ay kabayo/Tofu!" Sabay nilang saad matapos sumigaw ni JR na ngayo'y nakangisi.
Kitang-kita ko pa mismo na patalon pa sila palayo sa isa't isa habang namumula yung mga mukha. What the!?
"A-anong ginagawa nyo hah!?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
But looks like they are shocked too, lalong nagsipulahan yung mga mukha nila tsaka naglumikot ang mga mata na para bang naghahanap ng sasabihin.
"Uhm... T-tawagin ko lang m-muna si tatang sa labas." Sabay nagmamadaling tayo ni July.
"Y-yung ano pala... y-yung niluluto k-ko s-sunog na yata." Ganon din si Ezra na mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo patungo ng kusina.
My jaw dropped in disbelief. Seriously!? What's that!? What is the meaning of that!? OMG! Ang to-tokwa nila! Ano yoooon!?
"T-tokwa. T-totoo ba yung nakita ko?" Lumunok ako bago kunot noong nilingon si JR na tumatawa nanaman, "Wag ka ngang tumawa! Hindi yun nakakatuwa!"
"Tofu daw eh." Sabay tawa ng mas malakas kaya sumimangot ako, "Magkapatid nga talaga kayo."
"Nakita ko yon! Magki-kiss dapat sila!"
"Alam ko, may mata din ako, Gonzales."
"Bakit sila magki-kiss!? Hindi sila dapat magkiss!" Maktol ko.
"Aba anong malay ko." Pagkikibit-balikat nya.
"Masyado pang bata si Ezra, hindi sila pwedeng magkiss! Tsaka baliko si July! Bakit may kiss!? Saan galing yung kiss!?"
"Puta baliko!?" Napahawak sya sa tyan kakatawa, "Ano yon, pako!? Baliko!? HAHAHAHAHAHA!" Mas nainis ako sa tawa nyang yon. Nakakainis! Ang seryo-seryoso tapos ayan nanaman!
"Eh bakit ba tawa ka ng tawa!? Parang tuwang-tuwa ka pa!"
"Because they are so fuckin adorable." She laughed so hard before giving me a quick kiss, "But you're way too cuter than them." Sabay tapik ng daliri nya sa tungki ng ilong ko.
Umismid nalang ako dahil alam kong mahaba-haba pa yung itatawa nya pero nauwi sa ngiti yung ismid ko habang pinagmamasdan sya.
She's so beautiful in my eyes. Mula noong unang beses naming pagkikita hanggang ngayon, walang nagbago. Yung mga mata nyang malapusa, ngising nakakaloko, kilay na laging salubong, nakakatuwa lahat-lahat sa kanya.
I admit. I already fell for her and I love everything about her. Bad and good sides, I love every corner of her personality.
Too bad, how I wish she feels the same way to me.