Chapter 22

4978 Words
Chapter 22 A/N: This chapter is dedicated to @BorderEx ♡ Sorry kung hindi sa mismong dedication section kasi naka-phone lang ako ? Anyway thank you sa support at pagbabasa ng stories ko! Thank you very much! ♡♡♡ (Eren's POV) "GOODMORNING po." Bati ko sa dalawang guard na bumati pabalik sa amin, iginiya nila kami na pumasok na agad dahil kanina pa naghihintay si lola sa loob kaya atubili naman kaming naglakad patungo doon. I gasped. I'm here again but this time, I'm not alone. Kasama ko sina tatang, July, Erza and of course, Si JR na akala mo may kaaway dahil sa sobrang pagkakasalubong mga kilay nya. Hindi naman sila nag-stay sa bahay namin ni JR kahapon, umuwi sina tatang at July, ganon din si Ezra na may sariling condo unit. Dito lang kami nagkita-kita sa mismong tapat na ng mansyon ng mga Gonzales. Ramdam ko nanaman yung kaba at paninikip ng dibdib habang nakatingin sa dating tinitirhan ko but unlike yesterday, I'm less nervous now. Dumako yung tingin ko kay JR nang marinig ko nang pasinghal syang bumuga ng hangin, para syang galit sa mundo dahil sa itsura nya. "Nakatali na kaya yung aso nila." Bulong nya na nagpakunot sa noo ko dala ng pagtataka. Anong sinasabi nyang aso? "Wala naman kaming aso dito." Nguso ko. "Meron." "Wala nga." "Meron nga." "Baliw. Wala ano! Allergic kaya si daddy sa aso." Anya ko at nagtaka naman ako nang bigla syang tumawa. "Pwede pala magka-allergy ang aso sa kapwa aso." Sarkastiko nyang sambit na bahagya pang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko, ramdam na ramdam ko tuloy yung bendang nilagay ko sa mga kamao nya dahil sa sugat sa mga buto. Lalo akong naguluhan sa sinabi nya habang sya naman ay nang-aasar na ngumisi, dinig kong natatawang umingos si tatang sa tabi kaya nagpalipat-lipat sa kanila yung tingin ko. Hindi ko ma-gets. Hanggang sa marating namin yung double doors ay hindi ko pa rin na-gets, nabaling nalang yung atensyon ko kay lola na nakatayo sa mismong gitna ng sala na tila ba kanina pa talaga nya kami hinihintay. "Lola, goodmorning ho." Sambit ko tsaka nagmano sa kanya, sumunod naman sina July at Ezra. Tulad ng nakagawian nya ay tumango lang sya at ginulo yung buhok ko. Di ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan sya. Bakas sa kanya yung pagiging istrikta noong kabataan nya pero hindi rin naman ganoon kanakakatakot syang tignan. "Kamusta na ho kayo?" "Humihinga pa ko." Pantay na umangat yung mga kilay nya, "Kaya sa tingin ko ay ayos naman ako." Natawa ako sa sinabi nyang yon bago ko sya niyakap. She didn't pushed nor hugged me back, she's just standing there while her right hand is caressing my back. "Hindi ko na kailangang tanungin kung kamusta ka dahil base sa nakikita ko ay mukhang okay ka na rin naman na." I nodded before pulling myself away from her, "Opo." I smiled, "Okay na okay po." "Mabuti kung ganon." Muli syang tumango na para bang nauunawaan nya yung ibig kong sabihin bago bumaling sa mga kasama ko. "Ezra, Ihatid mo na sila sa kwarto ni Carol." "Opo." Agad silang tumalima sa utos ni lola kaya naiwan kami ni JR na nakatayo sa harap nya. Hindi kami nag-uusap ni lola noon pa man, hindi sya ngumingiti pero hindi din sya sumisimangot. She's always expressionless but atleast she never said something against me or anything that might hurt me. Lolo and lola, they are my grandparents in my daddy's side---I mean, sila yung parents ng kinilala kong daddy. I've never met my grandparents in my mother side, nasa Australia daw ang mga ito sabi ni mommy. I'm close to my lolo but he already died when I was in my last year in highschool, sya lang yung kakampi ko noong mga panahong nakatira pa ako dito. He's always protecting me against my dad and elder brothers that maybe was one of the reasons why they are really mad from me aside from the truth. Lola cleared her throat before examining us by her stares one by one before looking back at me. "Hindi sinabi ni Zion ang lahat ng katotohanan sayo." It's more like she's stating instead of asking. "Opo. Ahm. Kay mommy ko nalang daw po itanong." Napapakamot kong sagot. Humugot lang sya ng malalim na hininga bago dumako ang tingin sa katabi ko---which is si JR na ngayo'y nakapamulsang inililibot ang tingin sa paligid pero nang mapansin nyang nakatutok yung tingin namin sa kanya ay natitigilan syang lumingon kay lola. "Oh?" Tokwa! Anong 'oh'!? Ambad! Gulat ko syang siniko pero ginantihan nya ko ng masamang tingin, "Lintek ka, gusto mong sikuhin ko yang ngala-ngala mo!?" Napatakip ako sa ngala-ngala ko tsaka ngumuso. Grabe. Ang brutal nya talaga. "Ano kasing 'oh'?" Mahina at mahinahon kong bulong, "Tokwa ka, Lola ko yang kausap mo kaya ayos-ayusin mo naman." Umingos sya, "Maayos naman yun ah! Diba tanda?" Anya pa nya kay lola na naging dahilan para pandilatan ko sya. Tanda!? Tinawag nya si lola na tanda! "A-ah hahahaha." Pabiro kong pinisil yung pisngi ni JR, "P-pasensya na po sa kanya, uhm, palabiro lang po talaga sya." Sira ulong tokwa! Anong maayos dun!? Nasaan ang maayos doon!? Tsaka bakit ba kung kausapin nya si lola para syang nakikipag-usap lang sa ka-edad nya! Baliw talaga! Tinawag nyang tanda si lola! "Nauunawaan ko. Hindi mo kailangang magpaliwanag sakin." Ani nya pero na kay JR pa rin nakatutok ang paningin, "Pinaalis ko sila rito gaya ng gusto mo." Tumawa ng malakas si JR bago inakbayan si lola na ikinalaki ng mata ko. Gusto kong himatayin sa sobrang pag-aalala nang tusuk-tusukin nya yung pisngi ni lola gamit yung hintuturo nya habang nakangisi. "Ayan naman ang gusto ko sayo tanda! Pinabibilib mo ko ng husto!" Tumawa sya lalo, "Alam mo? Magkakasundo tayo! HAHAHAHAHAHA!" "Magtigil ka nga!" Hatak ko sa kanya tsaka nag-aalalang tumingin kay lola, "Sorry po! Sorry! Aakyat na po kami!" Patuloy pa din sya sa pagtawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto nina mommy, tokwa tong babaeng toh. Wala nanamang katapusan yung pagtawa nya. Nakakainis! Kung ano-anong ginagawa nyang kalokohan! "Astigin yang lola mo ah! HAHAHAHAHA! Gusto ko yon! HAHAHAHA!" "Tumigil ka nga! Tokwa ka!" "Oh baket? Vibes kame ni tanda eh." "Wag mong tawaging tanda si lola!" "Kingina alangan namang tawagin ko syang bata!? Eh apat na beses ang tanda nun saken ah!" Napasabunot ako sa buhok ko dahil doon. Ugh! Ang hirap paliwanagan! Nakakainis! Kung sasagutin ko pa sya hahaba pa yung pagtatalo namin! Tokwa talaga! Kinalma ko nalang yung sarili ko tsaka pinihit yung seradura ng pinto at dahan-dahang binuksan. Kay mommy agad dumako yung paningin ko, nasa tabi nya si tatang na nakaupo sa isang upuan. Wala naman sina July at Ezra. Ilang beses akong lumunok nang makita ko syang nakaupo sa kama habang ang likod ay nakasandal sa headboard. Ilang taon na rin mula nang huli kaming nagkita, tulad ni daddy ay naglalabasan na din ang mga puting buhok nya, litaw din yung mga guhit sa mukha nya dala ng pag-edad, yun nga lang at mas namayat sya n konti kaysa dati pero natural na maganda pa rin si mommy. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang bigla nalang syang umiyak matapos magtama ng tingin namin. "E-eren." I smiled, "Hi mommy." Lalo lang syang naiyak habang naka-angat ang mga kamay, tila inaaya ako para lumapit sa kanya at yakapin sya kaya ganon nga ang ginawa ko. "Eren... I'm s-sorry... I'm so sorry, anak." "Okay lang po, stop crying na." I caressed her back but she just cried harder. Hinayaan ko syang umiyak ng umiyak hanggang sa kumalma sya. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ko sya ng ganito. Nakakatuwa lang. "Tahan na po." I pulled away from her and started wiping her tears on her cheeks, "Kamusta ka na mommy? May masakit ba sayo? Bakit namamayat ka yata." Suminghot-singhot sya, "No. I'm fine, anak. I'm fine." "Are you sure?" She nodded that made me sigh, "Okay. Stop crying na, sisipunin ka nyan." Sunod-sunod syang tumango tsaka bumaling kay tatang na ngayo'y seryosong nakatingin sa kanya pero agad ding nag-iwas ng tingin at nakahalukipkip na umismid. "I bet your father told you already." She said. "I didn't told him everything." Lumunok si mommy, "Bakit? Sana ipinaalam mo na sa kanya lahat." "It's not my sin to tell." Tatang said sarcastically that made me confused. "But it's your sin too." Mommy whispered na ginantihan lang ni tatang ng pasinghal na pagbuga ng hangin. "Don't put the blame on me. We have been dating for months back then but you didn't even told me that you're already married." Pumalatak sya, "If I knew from the start that you're already taken by someone I'll never date you. You lied to me, Carol." "But if I told you the truth then you'll gonna leave me!" "Because that's the right thing to do." Tatang said, "May asawa kang tao at dalawa na ang anak mo. I completely understand on why your husband is so damn mad at me, lumalabas na sinira ko yung pamilya nyo kahit na wala naman akong ideya na pamilyado ka naman na pala." Muli nanamang naiyak si mommy tsaka yumakap saken. Tila nanuyo naman yung lalamunan ko dahil sa mga narinig ko. So... that's why tatang is as bitter as a bittergourd when it comes to women. He's traumatized by the idea of cheating because of my mom's lies. I raised my hand that caught their attention, "Uhm, If you don't mind me asking, ahm, where did the two of you first met?" Tatang began to scratch his chin while looking at the ceiling, as if trying to reminisce those memories of their past. "Well, we met while I'm on my duty." Mom answered, she already refrained from crying too much and her eyes are now swollen, "The government is associated with one of the most dangerous organization here in the Philippines at kasama ako sa mga nakipag-negosasyon sa mga myembro ng ilegal na organisasyon na yon." She looked at tatang, "Your father was one of the members of that organization." My eyes widen, "Talaga?" She nodded, "He's the 7th rank on their organization that time. That's how we met." "She's right," He agreed, "But anyway, it doesn't matter. I completely understand on why your mother can't resist me eversince she met me." Ngisi bigla ni tatang, "I'm handsome as fuckin hell, talagang habulin ako noong mid twenties ko kaya hindi ko din sya masisisi." Nagulat kami nang bigla nalang umakto si JR na tila nasusuka sa gilid ni tatang. Tokwa, andyan pa nga pala sya. I totally forgot about him. Umubo-ubo pa sya habang tinatapik ang sariling dibdib, "Habulin? Pota ng ano? Habulin ng aso? PWE!" "Manahimik ka dyan!" Siko nya kay JR na nag-make face lang kaya napabuntong hininga ako at muling ibinaling ang atensyon kay mommy. Nakanguso kong hinawi yung buhok nya, dumidikit na kasi sa pisngi nya. "I'm really sorry anak, I admit k-kasalanan ko t-talaga." She sobbed, "If it weren't for me, You'll never suffer like this." "Okay lang po." "It's really my fault. I only did that just because Edmond and I we're always fighting over such little things, nagsasawa na ko dahil paulit-ulit nalang, hindi na ko masaya sa kanya. There's no more excitement and sparks anymore." Mali na ipagpalit si daddy at maghanap ng kasiyahan sa piling ni tatang. Maling-mali dahil bukod sa kasal na sya at may mga anak na ay nadamay pa si tatang na wala namang alam talaga sa totoong nangyare. He just want to love my mom with all his heart and be loved but mom gave him a heartbreak, mainly the reason of his bitterness towards women. And about dad, nauunawaan ko na kung bakit galit na galit sya saken. He loved my mom, earned her trust and love before did a vow in front of everyone on their wedding day that they will love each other for better or worst but it turns out that mom don't feel the same anymore. It must have been really hurt. Being cheated by your own wife just because she's not happy anymore, even though you exerted so much effort just to give her everything only being replaced by someone that she just met. That's... just too cruel. Malamang, mas masakit yon sa kahit na ano pang bagay na naranasan ni daddy. Pero hindi ko rin naman kayang pangaralan si mommy, wala ako sa posisyon para pagalitan o pagsabihan sya. Napaisip tuloy ako. What if saken mangyare yung bagay na yon? I mean, JR always cheated on me, before noong hindi ko pa nare-realize yung totoong feelings ko towards sa kanya but what if mag-cheat sya ulit? What if bumalik sya sa pagiging babaero? Napabuntong hininga nalang ako. I shouldn't think things like that, she didn't have any idea about my feelings so bakit pa ako mag-a-assume? "Nauunawaan ko." I bit my lip as I stare at her, "Pero mali yung ginawa nyo kay daddy at tatang." "I'm sorry. I didn't intend to hurt them." Lumingon sya kay tatang at hinawakan yung kamay neto, "I didn't intend to hurt you." Tatang scoffed, as if it doesn't really bother him anymore but I can see that he's still affected. "That was a long time ago, I already moved on." Nagkibit balikat sya, "But it hurts tho." He stated but we are all shocked when JR suddenly stood up and waved her hand like some kind of a star. "It really hurts!" Biglang anya, "Ang magmahal nang ganito, Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo! Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin, na sa puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangki---ARAY! BAKIT MO KO BINATUKAN GURANG!?" "Bakit mo ko kinakantahan ng kabet!? Sira ulo ka ah! Lumabas ka nga dito! Punyeta ka! Layas!" Napakamot nalang ako sa ulo ko habang pinagmamasdan silang mag-away ni tatang. Wala na, sira na ang eksena. Kulang nalang magsapakan sila. Kung magsigawan sila eh parang isang daang metro yung layo nila sa isa't isa. Ay ewan. But I also want to thank her, the sad atmosphere is gone and replaced by her wackyness. Pasaway. Mom held my wrist and leaned on my ear, "Who is she anyway?" "Ahm, She's Liutenant Colonel Jhayrein Arriane Gonzales from the British Armed Forces." "Liutenant Colonel Gonzales?" She curiously asked again, "Same surname?" "Uh, no." "Then what?" Pinaglaruan ko yung mga daliri ko, "Ano, uh. She's my wife hehehe." Hindi na ako nagulat nang lumaki bigla yug mga mata nya dala ng gulat, napanganga pa habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay JR na nakikipagpalitan ng sigaw kay tatang. "Oh my God, seriously?" Nangiti ako, "Opo." "Omg." Natutop nya yung bibig nya, "She kinda looks familiar though." "Maybe you saw her somewhere." I said kung saan tumango lang sya. She looked at her with disbelief and shock, di ko naiwasang hindi mangiti lalo na ng bitbitin sya ni tatang mula sa kwelyo sa likuran at sapilitang hinagis palabas ng pinto. "Anak ka ng---" Naputol ng malakas na pagsara ng pinto yung sasabihin nya. "Dyan! Manahimik ka dyan sa labas!" Sigaw ni tatang na nilock pa ang pinto, "Nyetang batang toh, wala talagang modo!" "NARIRINIG KITA AH!" "Oo at wala akong pake!" Huminga ako ng malalim bago naiiling na sumandal sa headboard ng kama ni mommy. Paniguradong aawayin ako ni JR matapos neto dahil ni hindi ko man lang sya tinulungan. De bale, susuyuin ko nalang sya. (JR's POV) Inis kong sinipa yung pintong padabog na sinara ng gurang na yon, aba't maswerte sya at di ko sya pinalagan! Kung nagkataon lang na mainit yung ulo ko eh talagang babali-baliin ko yung mga buto nya sa katawan! "Buset, bakit ba naging father in law ko pa yun!?" Umakto akong nasusuka sa nasabi kong yon, "KADIRI!" Legit. Para akong masusuka sa katotohanang yon. YAK! Umiling-iling ako bago inumpisahang maglakad sa mahabang pasilyong ito, inabala ko nalang yung sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid. Ayos naman pala tong bahay nila eh, modern yung style, black and white ganon tsaka minimalist lang. Hindi masyado marami yung mga gamit. Karamihan lang din ng nakadisplay bukod sa paintings ay picture frame, marami silag kanya-kanyang frame yung nga lang at wala ni isang litrato si tofu boy. I frowned. Do they really hate him that much? Maski pictures noong kabataan man lang nya wala. Hanggang sa nahinto ako sa pinakamalaking frame which is yung family portrait nila. Doon ako pinakamatagal na tumitig. Eren's not in there too. I heaved a sigh, "You deserve to be in that family portrait too." "Sinunog ni Edmond ang lahat ng litrato ni Eren mula nang umalis sya dito." Ramdam kong tumabi sya saken at nakimasid sa portrait na tinitingala ko. They all look respectable, they all look happy but their smiles didn't even reach on their eyes. "Magmula sa mga gamit at damit, ang lahat ay ipinasunog ni Edmond bilang tanda na hinding-hindi na nya tatanggapin pang muli si Eren." I shrugged, "Tutol ako sa ginawa ng ama-amahan nya pero ano pa bang magagawa ko? Nangyare naman na." Tumango sya bilang pagsang ayon at nagkatinginan kami. "Are you up for a tea?" Tumaas yung sulok ng labi ko, "How about a bottle of beer?" *** Malakas kong inilapag sa mesa yung bote ng nagyeyelong beer matapos tunggain ng straight, nakalahati ko lang naman agad. Mukhang matatagalan pa si tofu boy sa pakikipag-usap sa mga magulang nya, ano na kayang pinag-uusapan nila? Syempre curious ako kasi tae, biruin nyo yon may pumatol sa masungit na tatang na yon? Sobrang shocking amputa. HAHAHA. Padaskol kong pinunasan yung basang labi ko gamit yung braso ko bago ko nasalubong yung blanko nyang tingin habang hawak-hawak ang tasa ng tsaa. "Pasensya na kung hindi kita masasabayan sa pag-inom ng alak." Paliwanag nya matapos ibaba ang sariling tasa sa mesa, "Masyado na akong matanda para uminom." "Wala yon." Natatawa kong sambit sa lola ni Eren. Tumango-tango sya bago bumuntong-hininga. She's like preparing herself to talk. Alam ko naman na talagang kakausapin nya ko kaya nya ko niyaya dito sa malawak na balkonahe ng second floor nila. Wala naman akong magawa kaya sumama nalang din ako, tutal wala naman akong ginagawa eh. Natigil ako sa iniisip ko nang may maalala ako. Taena, hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanya. "Ako pala si Jhayrein Arriane Herrera-Gonzales, Liutenant Colonel ng British Armed forces." Kita kong napukaw ko yung atensyon nya matapos kong sabihin yon, oh maayos yung pagpapakilala ko ah!? Kingina baka bastos nanaman yung labas non. "I'm Cecilia Gonzales." Inalok nya yung kamay para makipagkamay na agad ko namang tinanggap pero mabilis lang yon. "Gusto kong malaman kung ilang taon na kayong kasal ni Zerenel." Straightforward si tanda HAHAHA. "Six years." I took a sip on my beer before continuing, "Anim na taon na kong Gonzales." She nodded, "I see." Pinakatitigan ko sya pero wala naman sa akin yung tingin nya, kundi nasa maaliwalas na langit kung saan natatakpan ng makapal na ulap yung nakakasilaw na liwanag ng araw. "Ang batang yon." Muli syang humugot ng malalim na hininga, "Paano mo nagustuhan ang batang yon?" I felt myself stiffened because of her question. Paano? I cleared my throat several times. Takte, pano ko sasagutin yung tanong na yon? Eh maski ako hindi ako sigurado kung gusto ko na ba talaga sya o hinde!? Hindi ko naman pwedeng sabihin na biglaan lang ang kasal namin, aba! Baka i-chika pa nya sa iba yare na, masisira yug career ni Eren. Umiling ako dahil don. Tsk. Kailangan ko ng matinong isasagot. Bumaling saken yung tingin nya na tila sinusuri ako, parang inaalam nya kung ano yung isasagot ko sa pamamagitan ng tingin kaya alanganin akong natawa. "P-panong 'paano' ba? Hehehe." She shrugged, "Hindi naman lingid sa kaalaman mo na hindi sya katulad ng ibang kalalakihan dyan." Tumango ako, "Alam ko, pero hindi naman ganon kahirap magustuhan si Eren. He's loved by plenty of women around the world." "Yun ay dahil sa pagiging artista nya, but you can't hide the truth that he's as feminine as a woman." She stated, "He can't even fight against his older brothers." "Hindi naman nakakabawas sa p*********i nya kung hindi sya lalaban sa mga kapatid nya." Sumandal ako at pinagkrus ang mga braso ko sa ilalim ng dibdib ko, "He doesn't need to fight to be a man. I can fight for him instead." "But you're a woman." "Wala sa kasarian yon." "Pero hindi naman sa lahat ng oras ay maipagtatanggol mo sya." May pinalidad na anya na tinanguan ko naman bilang pagsang ayon dahil tama pa rin naman ang punto nyang iyan. Tulad nalang ng nangyare kahapon, kung hindi ako dumating ay malamang nga bugbog sarado na talaga sya kaya may punto talaga tong lola nya. "Kahit papano ay kailangan nyang maging matapang, maging malakas at maging matatag bilang isang lalake." "Para sakin ay matagal na syang matapang, malakas at matatag base sa mga nalaman ko tungkol sa mga dinanas nya sa poder nyo." I said that made her c****d an eyebrow. "Hindi dapat sya umaakto na parang babae." I squinted my eyes on her, "Let him do anything that he wants. Katawan naman nya iyon, buhay naman nya iyon, wala tayong karapatan na punahin o pagsabihan sya sa kung anong dapat nyang gawin lalo na't nasa tamang edad naman na sya." "Are you not bothered? Na baka tuluyan na syang maging malambot imbes na maging tigasin sya." Bakas yung pag-aalalang sabi nya na ginantihan ko lang ng malakas na tawa na ikinataka nya. Tae. HAHAHA. "Anong nakakatawa?" "Ikaw." "Huh? Ako?" "Oo." Pinahid ko yung luha sa mata ko dala ng sobrang tawa, Sumilay ang isang ngisi sa labi ko, "Kingina, kahit siguro rumolyo pa ng pagkakabaluktot yung apo nyo eh saken pa ren naman yon titigasan! HAHAHA!" Mas lalo akong natawa nang pantay na umangat yung mga kilay nya ngunit maya-maya ay humagalpak din ng tawa na tila ba yun nalang ulit yung pagkakataon na tumawa sya. Panes. Napatawa ko si tanda. Sabi senyo vibes kame eh, di lang halata. Sinabayan nya pa yung tawa ko kaya hindi na ako nagtaka nang makita ko yung ilang maids na gulat na nagtungo sa pwesto namen. Syempre, makita mo ba namang halos matumba na sa upuan tong si tanda kakatawa eh. "Hoy, tama na." Saway ko, "Ang tanda mo na pero kung makatawa ka dyan para kang bente." Uminom ako sa boteng hawak ko habang tinapik-tapik naman nya yung balikat ko. "Pilya kang bata ka." "Mas pilyo yung apo nyo!" I smirked, "Manyakis yon, makita lang ako, kahit saan basta nalang inaabutan ng init ng katawan! Biruin nyo maski sa loob ng jeep ko gustong gumawa milagro!?" Umalingawngaw nanaman yung tawa nya kaya napagmasdan ko sya. Nawawala yung pagiging mukhang istrikta nya kapag tumatawa sya eh. Ayos toh ah, g na g sa mga usapang pilya HAHAHA. Hay nako, matatanda talaga. Humawak sya sa dibdib nya kaya hinagod ko yung likuran nya, aba baka hikain toh bigla ako pa masisi, "I haven't laughed so hard like this ever since my husband died." "Ah, sya ba yung close ni Eren?" "Yes." Naalala ko kasi yung kwento ni Eren dati. Close daw nya yung lolo nya pero namatay na nga noong 4th year sya. "Ang asawa ko ang natatanging pinaka-malapit kay Eren." Anya, humupa na mula sa kakatawa. "Naikwento nga nya." Bumuntong hininga sya. "Masyado na syang maraming dinanas na hindi maganda sa loob ng pamamahay na toh at wala akong ginawa para ipagtanggol sya sa kanila." Lumamlam yung mga mata nya, parang biglang may naalala, "Ayokong ipagtanggol sya dahil lalabas na mas pinapaboran ko sya kaysa sa totoo kong anak at mga apo. Mas lalalim ang galit ni Edmond at ng mga anak nya kung ipagtatanggol ko pa si Eren mula sa kanila kaya imbes na malungkot noong umalis sya dito ay natuwa pa ako dahil sa wakas, hindi na sya mapagdidiskitahan pa ni Edmond at nong dalawang panganay nya." Muli syang bumaling sa langit bago nagpatuloy sa kine-kwento---teka nga? Bakit ba panay sa langit ang lingon nya? Don ba sya humuhugot ng lakas para mag-flashback? Ayt de bale na nga. "Kahit na anak sa labas si Eren ay hindi iyon naging dahilan para kamuhian sya ng asawa ko. Mahal na mahal nya si Eren, nakakagulat nga na imbes na magalit sa pagiging lambutin neto eh mas natutuwa pa sya. Sya din ang nag-udyok sa batang yon na tumaliwas sa pagiging sundalo kung hindi naman talaga neto gusto, palibhasa'y ayaw nyang matulad si Eren sa kanya at sa mga anak namin na napilitan lang din magsundalo dahil sa yon na ang linya ng pamilya namen." "Ah." Ganon naman pala. Medyo may pagkakapareho pala si Eren at ang lolo nya. Inakbayan ko si tanda habang nasa kabilang kamay ko yung bote ng beer, "Alam mo tanda, kung buhay lang yung asawa mo, paniguradong vibes din kame." "Tama ka." Bigla syang umismid, "Sa kagaspangan at kakulitan mo palang paniguradong magkakasundo kayo dahil hindi naman nagkakalayo yung ugali nyo." Tumawa ako sa sinabi nyang yon. Para kasing base sa sinabi nyang yon eh bagets-bagets yung lolo ni Eren nong nabubuhay pa ito. "Gusto kong magpasalamat sayo." Pakiramdam ko magsusuntukan na yung mga kilay ko sa sobrang pagkakasalubong matapos marinig yung sinabi nyang yon. "Para saan?" "Para sa pag-aalaga mo sa apo ko." Lumitaw nanaman yung nakakasilaw nyang ngiti, tae, uso ba sa pamilya nila yung nakakasilaw na ngiti? Ganon din kasi si Eren minsan. Pero ano daw? Pag-aalaga? I scoffed, "At kailan ko naman inalagaan yong abnoy na yon?" "Bakit, hindi ba?" She asked curiously that made me chuckled. "Puro sakit ng ulo lang yung binibigay ko sa apo nyo, nasan ang pag-aalaga don?" Tumawa ako nang maalala ko yung mga kalokohan ko, "Simula ng makasal kame, yung apo nyo lagi ng nakasimangot at nakukunsumi dahil sa dami ng kalokohan ko." Nilingon ko sya, "Lahat yata ng kagaguhan eh nagawa ko na sa kanya kaya pano ko sya aalagaan? Malaki na kame pero sya tong nag-aalaga saken." "Pero iba yung nakikita ko sa mga mata nya." Sambit nya na nagpangiwi saken, medyo ayoko sa mada-dramang linya eh. Hinawakan nya yung mga kamay kong may benda at pinakatitigan yon, hinayaan ko naman syang gawon kung ano man yung ginagawa nya. "Ano bang pinupunto mo?" "Mahal na mahal ka ni Eren." Sabi nya na naging dahilan ng biglaang paglaki ng mata ko sa gulat, pakiramdam ko nahigit ko bigla yung hininga ko! "Whoa! Kalma ka lang tanda!" Lumayo ako ng konti sa kanya, "I think you've drink enough tea for today, baka pang-sampung tasa mo na yan at kung ano-ano nalang yung nasasabi mo!?" "Aba't hindi ka naniniwala?" Taas kilay nyang tanong na sinamahan pa ng ismid. "Hinde." "At bakit naman hindi?" "At bakit naman ako maniniwala? Taena." Nag-iwas ako ng tingin bago humawak sa dibdib ko, punyeta! Ang lakas ng kabog ng puso ko! It's like my heart wants to get out of my ribcage! Pilit kong pinakakalma yung sarili ko pero ayaw talaga! Mas lalo lang naghuhurumentado yung puso ko habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko yung linyang yon! Bumalik sa mga mata ko yung tingin nya, "Kilala ko si Eren. Nakikita ko sa mga mata nya kung masaya ba sya o hindi, expressive sya at emosyonal. Para syang librong nakabukas dahil napakadali nyang basahin." "Alam ko! Pero hindi ibigs sabihin non eh ganon nga yung nararamdaman nya saken!" Lumunok ako ng ilang beses, "M-matatanggap ko pa kung crush nya ko eh, pero yung mahal-mahal na yan?" Umingos ako, "Imposible." "Kung hindi ka nya mahal edi ano pang silbi at nagpakasal kayo?" Natigilan ako. s**t! Oo nga pala! "Ibig sabihin ba eh hindi talaga seryoso yung kasal nyo?" "Syempre s-seryoso. A-ano bang s-sinasabi mo dyan?" Maang-maangan ko pero napapiksi ako bigla, "Ano ba!? Bat nanunundot ka!?" Paano ba naman kasi bigla nyang sinundot-sundot yung bewang ko! "Ano ba talaga? Seryoso o hindi?" "Seryoso nga!" "Edi mahal nyo ang isa't isa?" "Sinong nagsabing mahal ko yung abnoy na mahilig sa pink na yon!?" Bigla syang sumimangot, "Edi peke nga ang kasal nyo." Suminghap ako, ramdam kong nag-init at namula yung buong mukha ko. Punyeta. Kinagat ko yung labi ko bago sukong bumuga ng hangin. Taena, parang nakalimutan kong huminga ng ilang segundo dahil sa sinabi nyang yon! Lumunok muna ako bago seryoso syang binalingan, "Okay, inaamin ko, hindi talaga seryoso yung rason tungkol sa pagpapakasal namin pero totoong kinasal kame." Ngumiwi ako, "Inaamin ko din na m-may nararamdaman na ko para sa kanya pero h-hindi yon sing lalim ng kung ano mang iniisip mo---" "Bakit mo pinipigilan yung nararamdaman mo?" My eyes began to blink, "A-ano?" "Nagsisinungaling ka sa sarili mo." Balik sa dati yung tono at blankong ekspresyon ng mukha nya, "Nahulog ka na, itinatanggi mo pa." Gusto kong sumagot pero wala akong maisip na sasabihin. Dyahe. Umiling-ling sya tsaka humugot ng malalim na hininga, "Nauunawaan ko, marahil ay naguguluhan ka o hindi ka pa sigurado pero alam ko kung ano ang nakikita ko." Ngumiti nanaman sya, "De bale, ang gusto ko lang naman ay ang hindi na masaktan pa ang apo ko." "Hindi ko naman hahayaang mangyare yon." Mahinang saad ko bago bahagyang yumuko. "Sana lang talaga at hindi mangyare yon." Nasundan yon ng mahabang katahimikan kaya inubos ko nalang yung laman ng bote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD