Chapter 23

5197 Words
Chapter 23 (Eren's POV) "CONGRATULATIONS guys! Finally! After so many months natapos din natin sya sa wakas! Give yourselves a round of applause!" Ngiting-ngiti akong nakisabay sa malakas nilang palakpakan matapos i-anunsyo yon ni direk, bakas yung saya sa mukha ng mga kasamahan ko dahil lahat sila ay nakangiti at kanya-kanyang hiyawan. Ito na kasi ang panghuling taping namin, yung mismong ending nalang talaga yung shinoot namin kaya maagang natapos, hindi din kami nagpaulit-ulit ng take kaya talagang we did a good job nga. Patuloy pa din ako sa pagpalakpak nang bigla nalang may dumamba ng yakap saken mula sa likuran kaya gulat akong nilingon kung sino iyon. "Yvette!" Nagulat ako, akala ko kung sino na, "Ginulat mo ko." She smiled brightly from cheek to cheek and tightened her hug, "Congrats satin, Eren!" Di ko napigilang hindi matawa dahil ang cute nya lalo na nung halos pumikit na yung mga mata nya sa pagkakangiti. "Congratulations din!" Sabay gulo ko sa buhok nya na ikinatawa nya din. Natigil lang ako nang maghiyawan sila, doon ko lang napansin na nasa amin na pala yung atensyon nila. Panay picture nila samin habang nagchi-cheer at paulit-ulit na fina-fan chant yung love team name namin ni Yvette. Binalingan ko naman si Yvette na ngayo'y pulang-pula na ang pagmumukha dahil sa hiya, but still even though she's embarrassed she still managed to smile especially noong magkatinginan kami ulit. I can't help but to smile wider before guiding her beside me. Inakbayan ko sya tsaka ako humarap sa mga phones nilang naka-on cam at nagpeace sign. I'm sure ipo-post nila yan sa IG and Twitter, magte-trending nanaman kami. Panigurado ding mas malakas ang fan chant ng mga fans kapag nag-movie showing na kami. Nae-excite na ko. Huminto sila sa pagkuha ng litrato nang sabihan silang magligpit ng mga props at materials. Masayang nagpaalam naman saken si Yvette bago lumapit sa manager nya habang ako naman ay ngiting-ngiting lumapit kay tatang. He's also smiling before giving me a hug, niyakap ko din naman sya pabalik kaso yung kanya may kasamang tapik. "Congrats!" Bumitaw sya at proud na ginulo yung buhok ko, "Another successful movie of yours, proud na proud ako sayo, anak!" 'Anak.' Tokwa! Ewan ko ah pero pakiramdam ko nawala yung pagod ko at mas gumanda pa yung pakiramdam ko. Ganyan kasi lagi yung nararamdaman ko kapag tinatawag nya kong anak, ang sarap lang sa pakiramdam na matawag kang anak ng magulang mo. Tokwa! Lalo naman ang marinig mula sa kanya na ipinagmamalaki nya ko! Feeling ko ako na ang pinakamasayang tao sa tuwing naririnig ko yun! Hehehe. "Nakakaloka! May payakap na nagaganap pero hindi nyo man lang ako niyayaya!?" Dumako yung tingin ko kay July na syang nagsalita, natawa kami nang makitang nakahalukipkip sya habang hawak-hawak ang phone at nakasimangot. Parang badtrip na badtrip na ewan, yung mukha nya konting gusot nalang eh para ng papel na nilumukos. Inilahad ni tatang yung braso nya at sinenyasan si July, "Lumapit ka na dito, ang dami mo pang inarte dyang bata ka." Ngising saad nya. July rolled his eyes, "Imbyerna mo ko tatang pogi ah!" "Ano na? Yayakap ka ba o hinde!?" "Enebe! Eto na nga eh!" Sabay pabirong nagdadabog na lumapit samin tsaka yumakap ng napakahigpit. Sa totoo lang, nagyayakap din naman kaming tatlo noon pero hindi ganito kasarap sa pakiramdam. Maybe because tatang is not hiding any secrets from me anymore, kaya siguro ganon. Tumayo na ako ng maayos matapos ng yakap na yon sa kanila, inutusan ako ni tatang na magbihis kaya sumunod naman ako. Dalawang araw na ang lumipas mula nang binisita namin si mommy sa bahay, balik na lahat sa dating gawi pero mas naging mas masaya nga lang. I can visit my mom anytime I want, yun nga lang ay dapat sabihan ko muna si Ezra para daw mapaalis ni lola sina daddy at kuya sa bahay. Ayaw nilang magpang-abot nanaman kami. Aside from that, everything else is fine and back to normal. Masaya ako ngayon pero ayokong maging sobrang saya, pakiramdam ko kasi bigla nalang babawiin ng lungkot yung sayang dinadanas ko kaya sa mga ganitong pagkakataon ay kinakalma ko yung sarili ko. Chilled na tokwa lang na naka-stock sa chiller ng ref ganon. "Nga pala Eren, nasan ba yung asawa mo?" Biglang tanong ni tatang pagkasarang-pagkasara nya sa pinto ng dressing room ko, "Magmula nang mag-umpisa yung shooting mo di ko nakita yon ah!" "Oo nga fafs! Nasaan na ba ang regular sized na lamok?" Dagdag pa ni July habang pinapagpag yung damit na nagamit ko na kanina, pang-apat na palit ko na kasi tong suot ko. "May pinuntahan lang po pero susunduin nya din naman ako after." Hinubad ko na yung t-shirt ko at pinalitan ng bago, basa kasi ng pawis. Kinausap kasi ako ni JR kanina noong pinasundo nya ko kay tatang, sabi nya ay hindi nya ko masasamahan dahil aalis sya at pupunta kay Charlotte kasi may kukunin sya. Hindi naman nya sinabi kung ano yon basta sabi nya sya naman daw ang magsusundo saken dahil uuwi kami sa dati kong unit para kunin yung mga damit ko doon at iilang gamit. Pero para saken eh mabuti na ding hindi sya sumama dito, panay kulit saken ni Jayson kung nasaan sya eh, pati number at address ni JR gusto nyang hingin. Tokwang bilasa sya, gamuntik ko na nga syang bigwasan, buti nalang nakapagpigil pa ako. Kulit kasi ih. Tinapik ako ni July at inabutan ng bagong shirt, "You know what? May chika ako!" "Ano nanaman yang chika-chika na yan!? Chismosa ka talaga kahit kailan!" Inis namang sagot ni tatang kaya napangiti ako, sinimangutan naman sya ni July. "Ano ba yan tatang!? Nagsusungit ka nanaman! Parang kanina lang niyayakap-yakap mo pa ko ah!" "Oh sige halika rito." "Whut? Hug mo nanaman akes? Lab na lab mo talaga ako papi." "Hinde! Hahambalusin lang kita ng dyaryo! Tanghaling tapat nambi-bwiset kang bata ka!" Sabay labas nung dyaryong binili nya kanina sa kalsada. Natatawa ko nalang silang pinanood, mabilis pa kasi sa alas kwatrong tumakbo si July papunta sa likod ko para magtago. Mga pasaway. "Pero kasi nga mahalaga tong i-chichika ko!" Umilag sya at humawak sa mga balikat ko, "Nasa headlines na kaya toh! Tungkol toh dun sa mga nawawalang dalaga sa syudad!" I stiffened, "Missing women?" Ramdam kong tumango sya mula sa likuran, "Padami ng padami yung mga dalagitang eba na nawawala, karamihan mga nasa highschool o college pero meron ding mga babaeng nasa bente singko ang edad ganern." Kinabahan ako bigla para kay Ezra, though kaya pa rin naman nyang ipaglaban yung sarili nya eh babae pa rin sya at nasa bente kwatro lang ang edad. "Oh eh nasan ang chika mo don!? Eh yan din ang balita sa TV eh!" Ungot ni tatang. "So ayon na nga tatang kasi diba? patapusin mo muna ako." Umismid sya bago nagpatuloy, "Ayern, yung chika ko is bali-balita na yung mga babaeng nawawala is binebenta sa black market para maging alerm nye ne! Slaves ganern! Kaya super nakakakilabot talaga!" Lumunok ako. I heard about those kinds of incidents before but hearing it again is giving me some goosebumps. Syempre di ko maiwasang di matakot, I suffered from being beaten by an armed guys six uears ago, alright? Doon pa nga kami nagkakilala ni JR and they are planning to sell me for billions. Kung hindi kaya dumating si JR, naibenta na kaya ako? Naging slave na din kaya ako? Bumuntong hininga nalang ako. "Eren, sabihan mo yung kapatid mo." Biglang saad ni tatang, "Sabi ng nanay mo mahilig pa namang lumabas yon sa gabi para mag-bar hopping tapos kung sino-sinong lalake ang kasama." "Opo." Lumingon ako kay July na nasa likuran ko na ngayo'y nakakunot na ang noo. Pumalatak si tatang pero katulad ko ay na kay July na din ang paningin, "Delikado pa naman ang panahon ngayon, sabihin mo laging magpasama sa boyfriend nya." "May boyfriend sya?!" He suddenly asked kaya tumaas yung kilay ko. Napaigik ako nang hawiin ako ni July para lang makaharap si tatang kaya napahimas tuloy ako sa braso ko. Anong nangyare dito!? Ang sakit humawi ah! May kasamang pisil! "Oo, may boyfriend sya." Ako na ang sumagot, nakita ko kasi yung senyas ni tatang gamit ang tingin. "Anong itsura?" "Ahm, ano," Nag-isip ako kunware, "Gwapo tapos matangkad tsaka astigin hehehe." Gawa-gawa kong saad. Sinilip ko ang reaksyon nya at napangiwi. Ayun, lalong nagdilim yung mukha nya at gumalaw-galaw pa yung panga kaya napapalatak ako habang inaalala yung eksena doon sa bahay namin ni JR kung saan magkalapit yung mga mukha nila. May tama yata toh kay Ezra eh. Naiinis ako pero ayoko namang maniguro, baka mamaya naglolokahan lang sila eh. Bading kaya si July! Imposibleng may namamagitan sa kanila ni Ezra! Dahil kung meron man, yare sila saken. Inabala ko nalang yung sarili ko pag-aayos at hinayaan syang nakabusangot, nanahimik sya eh. Bala sya dyan. Kasalukuyan kong sinusuklay yung buhok ko nang biglang bumukas yung pinto at ngiting-ngiting pumasok yung nagbukas non. "Zerenel!" I was about to smile because I thought she's JR, pero dismayado ako nang makitang si Irene iyon but I still gave her my smile anyway. Baka isipin pa nya ayaw kong nandito sya. "Hey." I immediately hug her, "You're here again." She chuckled, "Of course! Nag-drop by ako because of the invitation for the party tomorrow." Ang katas talaga ng british accent nya. "Party?" Nag-nod sya bago ibinaba yung mga paperbags na bitbit at tsaka nilabas mula sa bag nya yung isang pulang envelope na may seal. Tinanggap ko iyon matapos nyang iabot saken, "Ah, oo nga pala." Sa sobrang daming nangyare netong nakaraang mga araw eh nawala na sa isip ko na may event pa pala akong a-attendan and wala pa akong damit na maisusuot. I should shop some clothes later. Binuksan ko yung sobre at binasa ang card na nasa loob, muling kumunot yung noo ko. Nabasa ko kasing pang-party ang tema ng event, yung tipong parang nasa bar lang. May inuman, sayawan at may date auction din na magaganap kung saan mga piling artista ang i-o-auction. Bukod sa mga actors and actresses ng entertainment company ay kasama din ang mga models, directors, singers, dancers at iba pang mga empleyado ng kumpanya. Nakasulat din na hindi na required na may date o wala dahil party nga iyon, you can dance or be with anyone you like. Edi hindi na kami partner ni JR? I pouted. "Akala ko formal dinner lang?" Irene groaned and let out a smug face, "Leah suggested it to her father so the formal dinner turned into a party blast." Inis syang umismid pa lalo, "You know, that bitchy cousin of mine just wants to find another hottie to flirt because you're not giving her a chance, geez." Sinundan ko ng tawa yung sinabi nyang yon. "I'm taken na kasi." And before I knew it, she's already squealing and smacking the hell out of me. Tokwa. Ang bigat ng kamay. "Oh my gosh, Eren! Who's the lucky girl!?" "Shhh shh! Wag kang maingay dyan!" Natatawa kong pigil sa kanya pero lalo lang syang nagtitili, "Irene!" "Hay nako mamsh, makikilala mo din si ateng!" Singit ni July na nakitili na din, balik na sa normal yung pagiging maingay, bilis ng moodswings ah! "Ang babaeng lamok na nakakapagpatumba sa isang Zerenel Gonzales!" "Lamok?" She asked, "As in, mosquito?" "Ay oo mamshie! Kung makakagat kasi ang ateng gurl akala mo naninipsip ng dugo!" "For real!?" I felt my cheeks burned because of that, lalo na nang naniningkit ang mga matang nakatitig saken si Irene as if she's teasing me by the way that she looked at me! "A-ano ba hindi naman ganon yon---" "Tapos mamsh alam mo ba..." Bumulong si July sa kanya na naging dahilan para biglang ngumisi si Irene na sinabayan nya ng malutong na tawa kaya lalo akong namula. "July naman!" Ano naman kaya yung binulong nya kay Irene? I'm curious! Baka kung ano-ano na yung mga pinagsasabi nya kay Irene na hindi naman totoo! Irene laughed so hard as if she heard something so ridiculous, konti nalang ay maluluha na sya kakatawa. "Just oh my freaking gosh, Eren!" She's holding her tummy out of laughing hard, "My tummy aches because of so mucu laughing!" "Ano ba kasi yun? Tokwa kayo pareho!" "You modeled for a magazine with a seductive theme!?" Tumawa nanaman sya ng malakas, "Oh gosh! I want to see that magazine and that partner of yours!" Umingos si tatang, "Napaka-iingay nyo!" Sinamaan nya kami isa-isa ng tingin tsaka pinag-ekis ang mga braso habang nakaupo sa sofa, "Magkikita din naman si Irene at JR bukas dahil paniguradong sasama yung babaeng militar na yon lalo na't isasabay sa event yung launching ng magazine nila ni Eren! Ano pang tinitili-tili nyo dyan!?" Irene suddenly stopped laughing that made me frown, para kasi syang nakarinig ng kung anong bagay na hindi kapani-paniwala sa panidinig nya na talagang ipinagtaka ko. "JR?" "Yep!" Si July ang sumagot, "Yun yong guardia civil netong si fafs!" Nagkikikislot sya na tila bulateng inasinan, "Bodyguard with benefits!" Wala namang nagsalita sa amin bukod kay July na ngayo'y takang pinagmamasdan kami. "Ay? Anyare na?" I stared at her for a couple of minutes because of her reaction before she shook her head and gave me a smile. A different kind of smile. "I see." She leaned on me and gave me a quick peck on my cheek, "I'll see you tomorrow night with your girl then." "Yeah. See you." Sinundan ko sya ng tingin nang mabilis nyang dinampot yung mga paperbags na bitbit nya at nagmamadaling lumabas. Nagkatinginan tuloy kami nina tatang at July dahil sa pagkalito. *** "I-text mo ko kung naka-uwi na kayo mamaya." Bilin ni tatang kaya nakangiti akong tumango. "Opo." Nagpaalam na sya kasama ni July tsaka nagmaneho paalis habang naiwan naman ako dito sa entrance pero hindi tulad noon ay iba ang guard na naka-duty ngayon, siguro ay pang-gabi ang shift nya. Sinilip ko yung relo ko para i-check ang oras. Ala-una na. Nagtanghalian na ko, si JR kaya? Pinukaw ng malakas at mahabang busina yung atensyon ko kaya napalingon ako. I immediately smiled because of the excitement that I felt when she got out and started walking towards me but agad din iyong nawala at napalitan ng gulat matapos kong lingunin yung sasakyang pinanggalingan nya. "Anak ka ng tokwa." I uttered as I stared on the luxury sportscar parked in front of me. Iba yon sa huling sportscar na ginamit namin noong firstdate naming dalawa, kung yon ay violet something eto naman shining metallic pink ang kulay. I can't help but to amazed on how beautiful that car is, I bet it costs a lot of money just by looking at it but JR is more beautiful. Dumako na yung tingin ko sa kanya. Her long hair is swaying every time that she's taking a step, wearing a highwaist fitted tattered jeans and yellow tube crop top revealing some of her skin on the abdomen then wearing her signature boots and of course her dogtag. Nakasukbit din sa balikat nya yung itim na leather jacket. She stopped in front of me and removed her sunglasses before looking at me with a smirk. Sunod-sunod tuloy akong napalunok. Oh God, she's so hot. "Gusto mong saluhin ko yang panga mo para sayo?" I made a smug face, "Tokwa ka." "Muntik na kasing sumayad sa lupa yung panga mo sa sobrang pagkakanganga." "Hindi naman ako nakanganga ah!" "Nakanganga ka." "Hindi kaya!" "Oo." "Hindi nga---" Tinaasan nya ko ng kilay tsaka ako dinuro, "Isa pang tanggi mo't hahalikan na kita." Mabilis kong itinikom yung bibig ko bago tumulis iyon kasabay ng pagkunot ng noo ko. "You don't want my kisses anymore?" Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. It's not that I don't want to, It's just that if she's going to kiss me I'm afraid that I can't stop myself from kissing her hard and rough here in an open area. And that would be bad, baka may ibang makakita. "Bakit ganyan yung suot mo?" Pinasadahan nya ng tingin yung sarili nya, "Bakit? Panget ba?" Ngumuso ako, "Nakakainis ka. Ang sexy-sexy mo sa paningin ko." Tawa lang naman ang naging sagot nya bago hinawakan yung kamay ko at marahang hinila palapit sa sasakyan nya kaya mas lalo lang akong humanga doon. "Ang ganda." Kagat labi kong sinilip yung loob mula sa semi tinted na bintana, "Wow." Nakikita ko kasi mula sa labas yung kulay sa loob. Kulay puti yung interior design pero di katulad don sa Mclaren nya na may neon something pa bilang design, ito purong puti lang at konting itim para sa iba pang detalye. Ang cute din kasi nakita ko na may tatlong maliliit na stufftoys na nakapatong sa mismong dashboard, magkakatabi iyon at kulay pastel green, pink at blue. Mga pots na may succulent plants then may doodle ng cute na mukha at bibig yung stufftoys. "Ano? Maangas ba?" I pouted before standing properly beside her, "Ang ganda-ganda naman." "Naman." Inakbayan nya ko at hinawi yung mahaba nyang buhok, "Ako pa ba?" "Ang hilig mo sa sportscar, pinang-gagala mo lang naman." "Syempre sasakay ka eh." I c****d an eyebrow to her, "Eh ano naman kung sasakay ako?" "Pasasakayin ba naman kita sa pipitsuging sasakyan lang, Eren?" Sabay kindat na ikinapula ng mukha ko sa hiya. Alam kong namula agad yung mga pisngi ko matapos nyang sabihin yon, lalo na nang mas umangat yung sulok ng labi nya na tila ba libang na libang syang tignan yung reaksyon ko kaya nag-iwas ako ng tingin at muling kinagat yung labi ko para pigilin yung pagngiti. Nakakahiya, baka isipin nya patay na patay ako sa kanya kahit totoo naman. Kaya bading na bading yung tingin nya saken ih. "Anong brand neto? Diba McLaren yung sportscar mo na violet?" Pag-iiba ko nalang ng usapan. Tumango-tango sya tsaka tinapik yung bubong non, kainis. Ang ganda talaga ng kulay. "Aston Martin Vulcan." Nag-angat sya ng tingin saken kaya nginiwian ko naman sya kunwari. "Bumili ka nanaman ng bago mong kotse." "Who the f**k says that its mine?" Namilog yung mga mata ko, "Hah!? Edi kanino!?" Hindi kanya pero minamaneho nya? Sira ulo talaga! Ngumisi lang naman sya bago nilahad yung palad ko at may dinukot sa bulsa ng cargo pants nya. She placed something on my palm kaya tinignan ko iyon. My eyes grew wider in surprise when I saw a car key with a cat key chain on it. "A-ano toh?" Gulat pa rin akong bumaling sa kanya nang nakawan nya ko ng halik sa labi at sabay na kinurot yung magkabilang pisngi ko. Napakurap-kurap tuloy ako. "It's yours." I may be exagerrated but my jaw really dropped, not literally pero talagang napanganga ako. Son. of. a. tofu. "Are you crazy?" Tanging saad ko dahil wala talaga akong masabi dala ng sobrang gulat at hindi ako makapaniwala. "Hindi pa naman." She whispered before her eyes darted on my lips that's still parted, "But if you keep on leaving your mouth parted sexily I might go crazy and devour those luscious lips of yours, honey." I cleared my throat before pouting pero mas lalo lang naningkit yung singkit na nyang mga mata dahil don so I just pressed my lips together as if I zipped it. Wala talagang kupas. "B-bakit mo ko b-binibigyan ng kotse?" She shrugged, "Why not?" "JR." "Ano?" "I don't really need a car." Nagpapaliwanag kong saad, bahagya pa kong nakanguso. Sinundot nya lang yung pisngi ko gamit ang hintuturo nya tsaka mahinang natawa. "Of course you do." Bumuga sya ng hangin, "Hindi pwedeng nagpapasundo ka nalang lagi sa tatay mo, hindi din naman sa lahat ng oras ay maihahatid kita so you really need this car okay?" "I swear. You don't really have to do this. Kaya ko namang mag-taxi or any rentable private cars out there." She scoffed, "As if namang papayagan kitang sumakay doon." "P-pero kasi b-baka mahal ang p-pagkakabili mo---" "Just don't ask the fuckin price." Kinurot nya yung tungki ng ilong ko, "Tara." Binuksan nya yung pintuan para saken at tsaka ako giniya papasok kaya hindi na ko nakasagot pa. Kagat labi naman akong naupo sa loob habang umikot naman sya para makasakay sa tabi ko. I felt my face burned even more as I scan everything inside the car. Everything looks so cool and elegant inside, kahit na may cute stufftoys sa harap eh astig pa ding tignan. This is so cool! "You like it?" Humarap ako sa kanya at ngiting-ngiting tumango, "I love it." She grinned, "That's good to hear." "Thank you." She leaned on me and gave me a peck of kiss before fixing my seatbelt, "Welcome." tumulis nanaman tuloy yung nguso ko. I noticed this past few days that she's fond on kissing me, ewan ko sa kanya pero panay ang kiss nya saken. Kinikilig tuloy ako. Hahaha! "Okay." She said after fixing her own seatbelt, "C'mon, drive it." I gasped and swallowed the lump on my throat as I inserted the key on the keyhole and finally started the engine. Di ko mapigilang hindi mangiti nang maramdamang bumukas na iyon, lalo na ng ilagay ko yung mga palad ko sa manibela at nahawakan yung puting leather na cover non. Hindi ko pa man sinisimulang manehuhin eh natutuwa na ko! Tokwa. I'm so excited to drive it! "s**t, Jhayrein." "Oh baket? Tinigasan ka?" Pinandilatan ko sya ng mata dahil sa sinabi nyang yon, sira ulo talaga! "Tokwa ka! A-anong h-hard ka dyan!? S-sinong nagka-hard!?" Tumaas yung kilay nya, "Malamang ikaw, alangan namang ako?" Ngumisi sya, "Kabahan ka kapag ako ang tinigasan sayo eh wala naman akong birdy, HAHAHA!" "A-ano ba! H-hindi naman ako na-hard!" Sumama na yung mukha dala ng sobrang hiya. Ambastos-bastos nya! Ang tino-tino ng eksena tapos biglang magtatanong ng ganon! "Ay, hindi ba?" "Hindi!" "Nagmura ka kasi eh, kala ko horny ka nanaman." TOKWA TALAGA! "A-anong akala mo sakin, p-pervert!?" "Hindi naman." Hindi ko sya nilubayan ng tingin kaya umismid sya at napahawak pa sa ulo na tila sumasakit iyon, "Punyeta, sige, aaminin ko, medyo." "JR!" "Ano!?" Balik nyang sigaw kaya sinamaan ko sya ng tingin pero patay malisya nya kong tinitigan na para bang nababaliw na ko---oo! Mababaliw na ko! Malapit na kong mabaliw sa pinagsasabi ng babaeng toh! "Anong ano!?" "Anong 'Anong ano'!?" "Anong 'Anong, anong ano'!?" Lalong lumaki yung mga mata ko, pakiramdam ko pati ilong ko lumaki sa hiya at inis kaya napapadyak ako, "Jhayrein naman eh!" "Kingina, ano nanaman ba!?" Singhal nya, "Panay ang sigaw mo, naririndi na ako sayo ah!" "Ikaw kasi eh! Kung ano-ano nanamang sinasabi mo dyan!" "Anong kung ano-ano---" Inis nya kong hinarap habang nakahalukipkip, "Hoy! Para sabihin ko sayo, totoo yung sinasabi ko! Ang taas ng libido mo! Kahit saan, kahit kailan---basta tinigasan, gusto mo kong patungan!" "JHAYREIN!" She squinted her chinky eyes, "Isa pang sigaw mo at kakaltukan ko na yang tonsils mo!" I pouted but she just made a smug face before crossing her arms. Isa pa tong mabilis mag-swing ng mood. Ang ayos ng pag-uusap namin kanina tapos... tapos... Hmp. Ang bad. (JR's POV) Natatawa ako na naiinis habang pinagmamasdan syang manehuhin yung sportscar na binili ko. Parang batang binigyan ng bagong laruan eh, makangiti wagas pero nakakainis yung tinis ng boses nya, parang laging may kaaway eh. Pero kahit na ganon eh hindi ko pa rin naman maiwasang hindi mapasulyap sa kanya. He looked genuinely happy. Yung tipong sa sobrang saya nya eh pati mata nya ngumingiti na? Ganon, ganon yung itsura nya. I can't help but to smirk. Buti naman at masaya sya, nahirapan akong bilhin tong sasakyan ah. I even asked my older brother's opinion about some of the car models, so far ito ang pinakanagustuhan ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang lingon-lingunin sya habang nasa byahe, medyo inaantok ako kasi ang malumanay nyang magpatakbo dyahe kahit na pang karera tong sasakyang toh. "Nandito na tayo!" Dumako sa labas ng bintana yung paningin ko. Tae, nandito na nga. Akmang bababa na ko nang mauna syang bumaba saken, umangat pa yung kilay ko nang pagbuksan nya ko ng pinto at hinawakan pa yung kamay ko para alalayang makalabas. Hanep, ang bait ah! Natatawa tuloy akong umiling habang sya naman ay hawak kamay akong hinila papasok ng dati nyang condiminium. Parang bata lang. Alam ko, alam ko. Nagtitinginan kami ng mga tao pero tong lakakeng toh parang wala ng pakielam sa career nya at panay lang lakad habang ini-sway-sway pa yung kamay ko. "Zerenel, nakatingin sila saten." Tukoy ko sa mga taong nadadaanan namin. "Ignore them." Nagkibit nalang ako ng balikat. Saktong paglapit naman namen sa elevator ay kalalabas lang ng mga tao kaya pumasok kami agad. Tignan mo nga naman at dalawa lang kami dito oh. Walang gustong sumabay? Tsk tsk. Hinayaan ko nalang yung mga tao na parang ayaw talagang sumabay dahil nakatanga lang sila sa harap namen kaya pinindot ko na yung button sa floor ng unit ni Eren. "JR?" "Oh?" "Ano pala yung kinuha mo kay Charlotte?" Tumaas yung kilay ko sa tanong nya pero nagpatuloy sya, "Yung kotse ba?" I scoffed, "Hinde." "Eh ano?" "Bakit gusto mong malaman?" "Wala naman. Gusto ko lang malaman." Lumingon ako sa kanya at nakitang tumulis nanaman yung nguso nya kaya ngumisi ako. Aba, may gustong malaman. "Tsismoso ka ah." "Huy, hindi naman." Natigilan ako nang lumusot yung mga braso nya sa bewang ko at niyakap yon. I can't move because of him, wrapping his arms possesively around my waist and now started nuzzling my left cheek and neck. It made my heart race and I'm not stupid not to know what does it mean. Clingy as f**k. Humugot nalang ako ng malalim na hininga. Okay. Hindi ko dine-deny pero s**t lang dahil ayoko din namang magpakasiguro dahil baka mamaya okay na ko tapos hindi pa pala. I'll only hurt him. "Sama ka bukas ah?" I frowned, "Saan?" "Sa party ng entertainment company namin, kasabay din ng launching ng magazine nating dalawa." He said before biting my neck that made me winced, "I want you to meet my friend." "Friend?" Ngumiwi ako, " May friend ka pa bukod kay Jace?" "Oo naman. Don't worry, she's kind and friendly---" "She?" Gulat kong tanong. "Yup." Sinilip nya ko mula sa likod at nagtama naman ang tingin namin, "Irene is a good friend of mine." Pakiramdam ko huminto yung pagtibok ng puso ko matapos nyang banggitin yung pangalan na yun. Fuck. It can't be. Huminga ako ng malalim at inis na tumitig sa pinto ng elevator. I looked so affected when he said the name Irene which is wrong. I shouldn't be affected. Maraming Irene sa mundo, it's impossible for us to see each other. "Ayos ka lang?" Biglang tanong nya bago sumiksik sa leeg ko lalo kaya napipilitan akong tumango. "Yeah." Kalma, JR. Masyadong maliit ang mundo kung iisa lang ang Irene na kilala ni Eren at kilala mo. It'll be so troublesome for the both of us. I just hope that I'm wrong. (Eren's POV) Pansin kong meyo nawala sya lalo sa mood kaya nang marating namin yung unit ko eh nanahimik nalang ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala, may nasabi kaya akong hindi nya gusto? Hanggang sa makapasok kami sa unit ko eh wala pa rin syang imik kaya hinayaan ko nalang sya at dumiretso naman ako sa sala nang bigla akong matigilan. I'm looking at the sala table wherein a cage is placed there. I gasped when I realized what's inside of it! "J-jhayrein!" I hysterically called her, "Hala! JR! JR!" "Ang ingay mo naman." She finally answered. Lumapit sya doon at binuksan yung cage at tsaka kinuha yon. Ilang beses akong lumunok nang maglakad sya pabalik sa harap ko habang bitbit yon sa mga kamay nya kaya natutop ko yung bibig ko sa gulat. It's so cute! Super duper cute! Sunod-sunod akong napapamura dahil doon. "Is t-that mine?" I asked hesitantly, tinaasan nya naman ako ng kilay. "What do you think?" Nahigit ko yung hininga ko habang pinakatitigan iyon. The kitten suddenly looked up at me innocently that made me see it's gray doe eyes! Aww! SO CUUUUUUTE! Ngumisi sya, "Sabihin mo, salamat shoppee!" "OMG! Is this for real!?" Tumango sya habang nakangisi pa rin kaya madali ko syang pinupog ng halik sa labi at pisngi, "Thank you, Jhayrein! Thank you! Thank you!" Bumaling ako doon tsaka sabik na hinimas yon, "Hi baby! I'm your handsome daddy! Sabihin mo, dad-dy!" "Gago! Kingina baka tumakbo ka kapag sumagot yan!?" Malakas akong tumawa bago kinuha sa kanya yung napakacute na kuting. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng sobra habang hinihimas yung malambot na balahibo nya. Awwwiiieeee!!! "Kay Charlotte galing yan." Biglang saad nya, "Nanganak yung mga pusa ng mama nya kaya pinamimigay nya yung ibang kuting, ayan kinuha ko." "Thank you!" Tutok yung paningin ko don sa kuting. OMG! Tokwa ang cute talaga! "Nagustuhan mo ba?" Umawang yung labi ko, "Are you kidding me?" Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya, "I love it!" "Talaga?" "Yup!" "Sigurado ka ah." Nakangisi nyang saad kaya mabilis akong tumango, Napayuko naman ako ng konti dahil umakbay nanaman sya saken. "I'm sure!" "Mabuti naman, gulpihin sana kita kung hinde eh." Hinimas nya yung ulo non, "Kinginang tukmol toh ah, mas gusto mo toh kaysa sa kotseng bigay ko?" Umakto akong nag-iisip kunwari kaya natawa ako nang marinig syang pasinghal na bumuga ng hangin. "Hanep ah? Talaga bang pinag-isipan mo pa?" Ngumuso ako, "Bakit naman hindi?" "Ibang klase." Sarkastiko nyang anya na sinabayan pa ng tawa, "Anong mas gusto mo? Yung kotse o yung kuting?" "Sasagutin ko yan?" "Oo." Natigilan naman ako nang sumeryoso yung bigla yung ekspresyon nya, na para bang matter of life and death yung itinatanong nya. Lumunok ako, "Seryoso?" "Yung kotse o yung kuting?" "JR..." "Ano?" "Bawal dalawa?" "Isa lang." "Pano kapag higit sa isa?" "Isa nga lang." Tinignan ko yung kuting tsaka yung susi ng kotse na parehong hawak ko. *POUT* Bakit pa mamimili kung pwede namang lahat nalang? "Ano na?" "Ang hirap naman." Umingos sya, "Mamimili ka lang ng kung anong mas gusto mo eh---" "You." Kitang-kita ko kung pano sya nahinto at natitigilang lumingon saken habang napalunok naman ako. Tokwa, nadulas. "A-anong... a-ako?" And for the first time ever, I saw her chinky eyes grew wider, as if she already realized what I'm going to say next that made my heartbeat race out of nervousness. Jace is right. I know the possibility that I might got hurt after this but there's also no turning back. Ilang beses akong lumunok bago sya seryosong pinakatitigan. "Ikaw lang ang gusto ko, Jhayrein Arriane."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD