Chapter 12

4692 Words
Chapter 12 (Charlotte's POV) "KUMUHA ka ng tatlong kahon ng vodka don sa cellar naten at ubos na yung nakadisplay dito after that pwede ka ng umuwi." Utos ko sa isa sa mga tauhan ko na agad namang sumunod. "Beer." Automatikong tumaas yung kilay ko nang marinig yung boses nya kaya nakaismid ko syang nilingon. As usual, nakatulala nanaman habang nakapatong ang mga braso sa counter. Abnormal, ilang araw na yang ganyan. Dumampot ako ng malamig na bote ng beer mula sa freezer box na nasa tagiliran ko lang. "Alam mo naman sigurong mag-a-alas-kwatro palang ng madaling araw ano?" Inis nyang kinamot yung ulo nya, "Beer lang ang hinihingi ko, Charlotte, hindi ko hinihingi yung sermon mo." Anya na sinundan pa ng palatak. Nalukot yung mukha ko dahil doon bago padabog na nilapag sa harap nya yung bote ng beer na hinihingi nya. "Heto na po, Madam." Sarkastikong saad ko habang nakangiti ng peke. Letse sya. Pinagmasdan ko lang kung paano nya lagukin yung alak na akala mo umiinom lang ng tubig. Yan, ilang araw ng ganyan yan eh. Parang abnormal na ewan. Dadating sa bar ko kung kailan kasasara ko palang, tapos nakasuot sya ng purong itim, akala mo ninja tsaka hihingi ng beer. Bumuntong hininga nalang ako bago ako dumampot ng sarili kong beer at lumabas sa mula sa loob ng counter tsaka naupo sa katabi nyang stool. "Ikwento mo na." Ramdam kong natigilan sya ng konti dahil doon. Alam ko namang may problema sya kapag ganyang parang wala sya sa sarili pero hindi na ko mapakali. Kapag gusto nyang magkwento ay kusa syang nagkukukuda dyan pero ngayong nananahimik sya ay wala din naman akong balak na pilitin sya ang kaso lang ay hindi naman pwedeng magtagal sya ng ganyan. Hindi ako sanay na walang bumibwiset saken. "Bilisan mo na at na-aaksaya yung oras ko sayo, matutulog pa ko." Ngumiwi sya bago umiling. Tinungga nya muna yung laman ng bote nya bago sya nagsimulang magkwento habang mataman naman akong nakinig sa kanya. Si Eren pala ang pinoproblema netong letseng toh, akala ko naman na kung ano. Kung makapagmukmok inabot na ng isang linggo akala mo namatayan na ewan. So far wala namang kakaiba sa kwento nya, tumatango-tango ako habang umiinom sa bote ng beer ko. Nangunot lang talaga yung noo ko nang sabihin nya na parang napikon si Eren sa kanya. "Bakit mo naman kasi pinipilit na makipag-date?" "Ang punto ko lang naman eh hindi ko sya pinagbabawalan, okay? Nagtataka lang ako na wala syang dini-date na iba samantalang hindi ko naman sya binabawalan." Tumaas yung kilay ko, "So gusto mo syang makipag-date?" "No!" Agad nyang sagot na ikinangisi ko. Hule ka pero di ka kulong. Kung may contest lang para sa mga taong manhid nako etong dalawang toh ang tatanghaling kampyonato, anim na taon na hindi pa rin nila alam na may gusto sila sa isa't isa, mga gago ang mamanhid namputsa. Sarap sapatusin eh. Mukhang nagulat naman sya sa sinagot nya kaya nag-iwas sya ng tingin, "I mean, no kasi artista sya, magkaka-issue sya kapag nakipagdate sya sa iba." May pa-hand gestures pa sya. "Oh eh ano naman? Artista nga sya diba? Sanay naman na sya sa isyu-isyu na yan." "Kahit na, hindi pa rin pwede." "Sus, ang unfair naman kung ikaw lang ang nambababae diba? Dapat sya din tutal open naman yung relasyon nyo." "Hindi nga pwede." "Pwede yan, papuntahin mo sya dito at ako mismo ang maglalakad sa kanya sa mga magagandang babaeng nagagawi dito sa bar ko." "Hindi nga sabi pwede eh!" Lalong tumaas yung sulok ng labi ko, "Ah, yan pala ang hindi pinagbabawalan ah?" Nalukot ng husto yung mukha nya bago nanahimik kaya humagalpak ako ng tawa. Kita kong nairita sya kaya mas nilakasan ko pa yung tawa ko para madagdagan lalo yung inis nya. Yan ang gusto ko! Yung mapipikon sya ng husto, bihirang mangyare yon kaya kapag ganitong sinusumpong sya eh sinusulit ko na. "He doesn't want to date anyone unless it's f*****g me." Tila ba gulat na gulat pa rin habang binabanggit nya ng dahan-dahan ang mga salitang yon, "Hindi sya nakikipagdate kasi hindi ako ang ka-date nya. Punyeta." "So what's your reaction?" "I was dumbfounded at first." Hinatak nya yung sariling buhok na para bang frustrated na frustrated sya, "And then I started telling him things that even I didn't expected that I could actually say to him!" "What did you told him?" "I fuckin said fine! Tapos tsaka ko sinabing ide-date ko sya! Tangina diba!?" Ngumiti ako bago umayos ng sandal sa stool at hinawi-hawi yung buhok kong humahaba na, "That's nice." "That's not nice for me!" "Well, it is to me." "f**k you." "Atleast faithful sya sayo." "Faithful?" She frowned, "Hindi ba loyal?" "Faithful is much more deeper than being loyal. It's just the same, but also different." "..." I sighed bago ako humalumbaba sa counter habang nasa estante ng mga alak ang tingin. "I don't want to lecture you about being faithful and loyal because that's not what really matters the most, Eren is someone whose willing to stay with you no matter how hard it is to be with you. Yan ang pinakamahalagang bagay sa ngayon." Inikot-ikot ko yung boteng wala ng laman bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi lahat ng tao magse-stay sayo. May ibang tao na hindi kayang magtiis kaya piniling umalis, may iba namang pilit na pinaalis kahit kaya namang magtiis pero iba na ang usapan kapag ang taong yon ay napagod na sa pagtitiis kaya napilitang umalis." Hindi sya sumagot. Bahagyang tumulis tuloy yung nguso ko bago nagpatuloy. Lis-lis, lahat ng sinabi ko tugma sa lis nampotek. "Staying without asking for anything in return is something that you should appreciate, Jhayrein." I smirked, "Because if that person got tired from staying, he'll leave and will never come back again." (Eren's POV) "Medyo aggressive yung concept ng photoshoot natin today and hindi sya basta typical na aggressive lang since ang magmumukhang aggressive dito is yung female model instead na si Eren. We are aiming to capture photos today that presents female domination towards men kaya we need you to pose as a submissive type." "Narinig mo yung sinabi nya, Eren?" "Uhm, fafs?" "OUCH!" Sigaw ko nang hampasin ako ni tatang ng dyaryo sa ulo---teka! Bat parang kumapal yung bitbit nyang dyaryo!? Manipis lang yun ah! Tokwa ang sakit tuloy ng ulo ko! "Tinatanong ka kasi namin pero nakatanga ka dyan!" Singhal nya tapos ay pinaghahampas ako sa braso kaya napangiwi ako, "Ano ba!? Nakikinig ka ba!? Bat lutang ka nanaman jusmiyo! Kailan ka ba magtitino!?" Doon ko lang napansin na nakatingin na sa amin ang lahat, yung mga co-models ko, mga assistant photographers pati na din yung ilang make-up artists nakatingin samen kaya napapakamot sa ulong yumuko nalang ako. Okay, kasalanan ko naman. Hindi kasi ako nakikinig. "Sorry, I'm just a little bit tired." Palusot ko nalang na mukhang kumagat naman dahil tinapik lang ako ni July sa balikat habang si tatang naman eh inismiran ako. Huhu katakot. Bigat ng kamay. "Naku it's okay, pasensya na advance din akong mag-explain kahit hindi pa naman start." Ngiting paliwanag nung photographer, sya yung photographer last time. Nginitian ko nalang sya. "It's fine. Kasalanan ko din talaga." "We're really sorry on about what happened last time, Eren. Some of the models whose watching your photoshoot witnessed that you're doing nothing againsts the other models kaya we cut ties with them." "Aba't tama lang yon!" Eksena ni tatang, "Punyetang mga babaeng yon, ke-arte-arte! Kung nandito lang ako noong araw na yon eh malamang higit pa sa tatlumpong kutos ang inabot non saken!" "Opo. We're very sorry about our model's unprofessionalism." Hinging tawad nung photographer habang bahagyang nakayuko, "Especially today, late ang pares ni Eren." "Ah hahaha ayos lang, I can wait." Pag-a-assure ko sa kanya kaso ayaw paawat ni tatang sa tabi ko. Nagstart na syang mag-rap, konti nalang talaga at bubuga sya ng apoy. Di ko tuloy maiwasnag hindi mapa-ismid. "Talaga yang mga babaeng yan! Mga punyeta! Ang daming inarte sa buhay pwe! Di nyo ayusin buhay nyo jusko imbes na magtino kung ano-anong ginagawa nyo! Anong tingin nyo sa sarili nyo mga magaganda kayo!? Hah!? PWEEEEE! UTOT NYO!" "Tatang ano ka ba!? Nakakahiya ka talaga ay oo!" Awat ni July kay tatang na unti-unti nyang inaakay palayo samin, sinenyasan nalang ako na ilalabas nya lang si tatang para magpahangin. Dinig ko yung tawa nung photographer habang kinakamot yung sariling batok. "I guess your manager holds some grudge against women." "Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ko sa kanya. Binilinan nya kong maupo nalang muna habang naghihintay sa babaeng model na ipa-partner saken kaya napatango nalang ako bago muling nagbalik-tanaw sa eksenang nagpapalutang sakin. 'I'll never date anyone unless it's you.' Basta nalang lumabas sa bibig ko yung mga salitang yan, tokwa talaga kasi maski ako hindi ko yun inasahan! Kaya naman nag-alala ako na baka nagalit sya or nailang kasi hindi sya nagsalita tapos pinakatitigan lang ako na para bang may nasabi akong sikreto na hindi dapat mabunyag. 'Fine.' Anya yan matapos manahimik ng ilang segundo, mukhang nakabawi na sa sinabi ko, muling nag-ekis yung mga kamay nya sa ilalim ng dibdib, 'I'll date you.' Doon na ko napanganga, 'T-talaga!?' Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko tuwang-tuwa ako na ewan! Aaaaah! Tokwaaaa! Ide-date nya ko!? She nodded, 'Yup,' She confirmed popping the letter 'p', 'but for now I'll take this...' Saad nya bago kinuha yung mini cake na galing kay Yvette tapos may dinampot syang malaking plastic sa isang monoblock na ngayon ko lang napansin, '...and you'll take these.' Inabot nya saken yon at nalanghap ko agad yung nakakagutom na amoy nung pagkain sa loob. Isang bucket ng spicy fried chicken iyon, apat na double patty cheeseburger, apat na float at dalawang extra large fries! Ngumisi sya ng pagkalaki-laki bago kinurot yung pisngi ko, 'Eat well, babe.' Tsaka sya naglakad paalis. Ramdam kong umawang yung labi ko nang umalingawngaw sa isip ko yung mga pinag-usapan namin nung huling beses na magkita kami ni JR. Actually yan lang talaga yung laman ng isip ko netong nakalipas na isang linggo, hindi kasi ako maka-move on don sa sinabi ko at sa mga naging sagot nya. Paulit-ulit na nagpe-play yan sa utak ko! Yan lang at wala ng iba! I'll never date anyone unless it's her!? Para ko na ding sinabi sa kanyang 'I want nobody nobody but you'---kinanta mo ba? Ako kasi kinanta ko, pero huhuhu! Grabe talaga! Ang tokwa ko! Bakit ganon yung sinabi ko? Parang sinabi ko na din na sya lang ang gusto kong maka-date talaga!!!---na totoo naman, pero kahit na! Bakit kasi ganon yung mga tanungan nya!? Wala sa hulog! Tapos pinagpipilitan pa na pwede naman akong makipag-date kesyo ganito ganyan! Eh malay ko ba sa date-date na yan eh never ko pa namang naranasan yan!? Pero... hindi ba sya kinilig don? Nakakakilig yung sinabi kong yon ah! B-bakit parang ako ang mas k-kinilig? Ako lang yata ang kinikilig samin. *Pout* Kaso alam mo yung mas nakakatokwa don? Yung sagot nya saken matapos kong sabihin yon! She'll date me!? Seryoso ba sya don!? Aaaaah! Baka mamaya niloloko nya lang ako! "Ugh... Pinasasakit mo ulo ko." Bulong ko habang sinasabunutan yung patilya ko sa magkabilang side ng mukha ko, hindi kasi pwedeng magulo yung buhok ko dahil sinuklay na yon ni July kanina at may konting hairspray na yon. Isa pang iniisip ko ay si Yvette, mas naging close kami netong nagdaang linggo. Sa tingin ko ay isang linggo pa at matatapos na ang shooting namin ng pelikula, dalawang buwan na din mula ng umpisahan namin yun eh ngayon eh matatapos na. Wala kaming taping ngayon kaya nasa isang photoshoot ako, hindi nila ako pinalitan bilang model---yung mga ipapares saken ang pinalitan imbes na ako hehehe. Mabait si Yvette, sobra. Sweet sya at maalaga, kitang-kita ko yun sa paraan ng pakikitungo nya sa mga kasamahan nya. Napaka-humble nya at friendly kaya naman lahat kami ay kasundo nya. Nakakatuwa talaga sya sa totoo lang. Humalumbaba ako habang ang mga siko ko ay nakapatong sa ibabaw ng tuhod ko, ginagalaw-galaw ko yung upuan kong mataas na stool, umiikot-ikot kasi yung mismong upuan non. Ayon balik sa topic! Kung biro lang talaga yon...bakit nya sasabihin yon ng ganon ka-seryoso!? Kung hindi naman biro yon...bakit isang linggo mahigit syang hindi nagpakita saken!? Ano yon!? Prank!? Lumunok ako tsaka bumuntong hininga, "Siguro nga biro nya lang yon." Pagpapakalma ko sa sarili ko, tinapik-tapik ko pa yung balikat ko para marelief ako, "Tama, Eren. She's just kidding. She's joking, trying to make you laugh so you should laugh! Ha ha ha ha ha ha ha!" Mabagal at mahinang tawa ko. "Parang tanga lang ah." Nahinto ako sa pagtawa, para kasing narinig ko yung boses ni JR, pero isinawalang bahala ko at itinuloy yung pagtawa ko. Baka nabubuang na ko. Nagulat nalang ako nang may pwersahang nag-ikot ng inuupuan ko, huli na ng napagtanto kong si JR ang gumawa non, natulala kasi ako nang magkaharap kame. Nakayuko sya ng husto sa akin, isang maling tulak ay sasadsad sya sa mismong mga labi ko. Sobrang lapit. "Anak ka ng tokwa, Eren. Isang linggo lang akong hindi nagpakita sayo ganyan na agad ang epekto!? Tangina paano pa kaya pag bumalik na ko sa serbisyo ko!?" Bakas yung pagiging kunsumido sa boses nya kaya napalunok ako. Naka-camouflage varsity jacket sya, as usual mas malaki yun sa kanya parang panlalake yung size tsaka naka-angat yung sleeves mon hanggang siko. Tapos naka-fitted white v-neck sya sa loob, naka-tuck in yon sa highwaist na ripped jeans nya at mukhang bumili sya ng bagong boots, ngayon ko lang kasi sya nakitang nag-boots na may makapal na takong, lalo tuloy syang tumangkad, siguro pantay na kami kapag tumayo ako. Syempre hindi mawawala yung hairstyle nya, pero isang diretsong fishtail lang yon. Ang lapit-lapit nya... at ang bango-bango. Mas matapang pa yung amoy lalake nya kaysa saken. "Hoy! Ano!? Tanga-tangahan!?" Tuluyan akong nagising matapos nyang pumitik ng ilang beses gamit ang daliri sa mismong tapat ng mukha ko. "S-sinong tanga-tangahan!?" "Ikaw malamang, alangan namang ako?" Sarkastiko nyang sagot na para bang napaka-obvious non na maski kinder na bata eh alam yon! "Hindi ako nagtatanga-tangahan!" "Oo na, daming satsat." Lalo pa nyang nilapit yung mukha nya saken, "Ayos ka lang?" Pumula agad yung mukha ko dala ng sobrang hiya, "L-lumayo ka nga ng konti, JR." Pero di sya nakinig. Marahan ko syang tinutulak sa balikat pero lalo lang syang yumuko, halos magdikit na yung tungki ng ilong namin kaya nanlaki yung mga mata ko, "Jhayrein!?" Mahinang bulong ko. "Problema mo?" "M-may mga nakakakita." Nilibot ko yung paningin ko, "A-akala ko ba a-ayaw mo ng atensyon?" Nanatili lang syang nakatitig sa mga mata ko habang ako naman ay nag-iwas ng tingin. Yung puso ko naghuhurumentado! Aaaah! Ano bang nangyayare saken!? Halos lahat sila eh nasa amin ang tingin, yung iba sumusulyap habang may pagtataka sa mukha, yung iba naman ay nakangiti, may iba ding nakatapat ang camera ng cellphone sa amin! Paniguradong kinukunan kami ng litrato! Nag-hmn lang sya bago tuluyang umayos ng tayo tsaka namulsa tulad ng lagi nyang ginagawa. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. "Bat ganyan yung itsura mo?" Kunot-noong puna nya habang nakatingin saken. Pinasadahan ko ng tingin yung sarili ko. Naka-pants lang kasi ako na itim with belt. Wala akong pang-itaas na damit kaya lantad na lantad yung katawan ko, bukod doon ay may props na parang posas sa kanang pala-pulsuhan ko, hindi naman sya mabigat at hindi ko din alam kung totoong posas yon pero gayon pa man ay hindi ako kumportable doon. May parang dog collar din na nasa leeg ko, alam nyo yun? Yung nilalagay sa leeg ng aso tas hahawakan ng may-ari yung tali? Ganon, may suot akong ganon tapos may maliit na platinum plate yon na may naka-engrave na pangalan ko. Tapos yung buhok ko gulo-gulo tsaka nilagyan din ako ni July ng konting red lipstick sa sulok ng labi ko na ini-smudge para magmukhang marahas na hinalikan ng kung sino. "Uhm... Ito kasi yung concept ngayon kaya ganito yung itsura ko." Medyo nilalamig na nga ako kasi kanina pa ganito yung itsura ko, ang tagal kasing dumating nung partner ko, airconditioned pa naman dito. I saw how she licked her lower lip as her eyes flickered with something, she's looking straight on my lips not on my eyes. "Who smudged that?" Tukoy nya sa labi ko kaya napahawak ako doon. "Si July, pinahid nya kanina." "Want me to fix that for 'ya?" Ngumiwi ako, "Wag na, okay na ko." "I'll do it with my lips, still a no?" I pouted and turned away my gaze, "Tokwa ka, manahimik ka nga dyan." Nahihiya kong tugon, ayokong maalala yung mga kiss namin, kung ano-ano yung pumapasok sa isip ko dahil doon eh. Both of her eyebrows raised, "Now you're refusing my kisses." Namilog yung mga mata ko at muli akong namula, "Jhayrein! Ano ka ba!? Baka may makarinig sayo dito!" Saway ko sa kanya habang ginagala ko yung paningin ko, chine-check ko kung may nakarinig ba samin na mukhang wala naman dahil busy sila kakanood samin mula sa malayo. Eto naman eh imbes na sumunod ay nagkibit balikat lang, na para bang wala lang iyon. "Bahala ka, your lost not mine." Umiling nalang ako. Akala ko ba ayaw nya ng atensyon? Ang tagal na naming napagkasunduan na hindi sya madadamay sa buhay artista ko tapos sya tong gumagawa ng eksena? Ay ewan. Pinagmasdan ko syang hubarin yung camouflage designed na varsity jacket nya at natigilan nang ipatong nya yon sa mga balikat ko, inayos-ayos pa nya yung harap para takpan yung pagkakalitaw ng dibdib ko. Nalantad tuloy yung suot nyang hapit na hapit na puting v-neck, nakasabit doon yung sunglasses nya tapos suot nya din yung dogtag nya. Hilig nya talagang magsando, minsan oversized shirt kaya nakakamanghang makita sya ngayon na naka-suot ng hapit na v-neck t-shirt, bumabakat yung hubog ng katawan nya. *GULP* Tokwa talaga. Namula tuloy ako. "B-bakit mo sinuot saken yung jacket mo?" "Nilalamig ka." "H-hindi ako n-nilalamig." Akmang huhubarin ko na nang hawakan nya ako sa balikat, "Jhayrein..." Pinisil-pisil nya yung balikat ko habang unti-unting nalulukot ang mukha, "I hate the way on how they stare at your naked body, it's fuckin irritating me so just shut up and cover, okay?" "P-pero pano ka?" "I'm fine, sanay ako sa malamig." Then she flashed an evil grin, "Unless you want to make me feel hot?" Wala sa sariling napa-iling ako kaya ngingisi-ngisi naman nyang pinisil yung tungki ng ilong ko. *BLUSH* Tokwa talaga. "May problema tayo---ay, kanina ka pa dito ateng?" Bungad ni July matapos pumasok kasunod si tatang na mukhang kalmado naman na. "Hindi naman." Sagot ni JR, "Kadarating ko lang, Baket anong problema?" Nagpalipat-lipat yung tingin ni July samen, halatang nanunukso kaya sinamaan ko sya ng tingin kaso hindi natinag. Tumigil lang sya ng lumapit din samin yung photographer. Hindi kumikibo si tatang, nakasimangot lang sya. "Yung model na partner ni Eren hindi makakarating, emergency daw." Saad nung photographer na tila namomroblema, "I'm so sorry, pinaghintay ko kayo sa wala." "Ayos lang, ganon talaga, we can't blame the model if it's emergency." Ngiting sagot ko. Panay ang hingi ng tawad ng photographer at sinabing mas mabuti nalang siguro kung ica-cancel ang shoot today, wala kasing present na model na babagay ipartner saken sa concept na toh. "Kung meron lang talagang pwedeng mag-proxy sa model edi sana hindi sayang ang pag-attend mo ngayon, Eren. I'm really sorry." "It's okay, stop apologizing. It's fine." Nagulat kami nang bigla nalang itulak ni tatang si JR palapit saken, buti nalang at hindi sya nadiretso kundi matutumba kami pareho. "Tangina, anong trip yan?" Bakas ang pagka-irita sa boses nya matapos humarap kay tatang. "Proxy." Walang kimeng sagot ni tatang, nakaturo kay JR kaya namilog yung mata namin. Kasama si JR syempre. "ANO!?" Sabay-sabay naming saad. (Third Person's POV) Matamang naghihintay si Eren habang naka-upo sa kama na nasa gitna ng kwartong pinagdadausan ng pictorial nya. Malaking kama iyon na may kulay pulang bedsheets at kumot, eleganteng-elegante ang uri ng kamang yun dahil madalas itong makita sa master's bedroom ng mga mansyon. May parang bubong pa kasi yon at kurtina sa gilid-gilid na nakapulupot sa apat na poste ng kama, sobrang lambot ng kutson at mga unan, kung pwede lang matulog ay kanina pa nya ginawa kaso baka hambalusin lang sya ng tatang ng dyaryo na araw-araw nitong bitbit. Nanonood kasi ito sa isang gilid, nakabusangot habang panay tapik ng paa sa sahig. Una syang kinuhanan habang si JR ay nasa dressing room nya kasama si July. Kahit gulat pa rin silang lahat ay pumayag na rin naman si JR, anya'y kaysa naman daw masayang ang pagpunta ni Eren at kawawa naman daw kung hindi matutuloy, baka biglang maglupasay. Kaya ayon, sumama sya kay July para magbihis at mag-make up na din. Hindi pa rin naman makapaniwala si Eren pero pumayag na rin sya, tutal payag naman si JR kaso nga lang eh kinakabahan sya. Ito kasi ang unang pagkakataon na magpo-pose sya kasama si JR, wala pa silang totoong picture ni isa na magkasama, may pictures sila noong kasal nila pero pilit lang yon dahil pakitang tao nilang dalawa. He's busy doing several poses on top of the bed, trying to make himself look more innocent and vulnerable by laying on the soft mattress while his ankles are chained on the post on the both sides of the edge of the bed. Totoong kadena iyon kaya medyo nabibigatan yung paa nya sa pagkilos-kilos, nahihiya din sya ng kaunti dahil hindi nya tuluyang maisara yung mga binti nya dala ng maikli lang ang kadena. Pumapailanlang ang di kalakasang tugtog sa buong kwarto kaya hindi masyadong boring ang pictorial. "Eren, you need to look more submissive." Puna ng photographer matapos ng huling shot, "Innocent and submissive, willing to submit to the dominant partner." "Okay, okay." Buntong hininga nya. Naka-ilang ulit na kasi sila ng kuha pero namomroblema lang sila dahil hindi nya nakukuha yung tamang expression ng mukha, hindi sumasakto yung badboy expressions nya sa concept ng photoshoot kaya talagang nahihirapan sya. Nanonood pa naman sa kanya ang lahat ng nandoon, mga models na naunang matapos sa kanya kanina at mga assistants, lahat ng mata ay sa kanya nakatutok. "Sige another---oh, she's here." Kita nya kung paanong kumislap yung mata ng photographer habang nakatingin sa pintuan, halos magsilaglagan naman ang panga ng mga nanonood at nakarinig pa sya ng pagkabasag ng baso sa kung saan. Everyone went silent that made Eren confused. Dala ng kuryusidad ay kunot-noo nyang nilingon yung pintuan na nasa bandang kanan nya sa likuran at doon sya tuluyang natigilan. Saktong umalingawngaw yung kumakantang boses ni Ariana Grande ng chorus ng kantang 'God is a woman'. He literally got frozed while still sitting on the middle of the bed, his eyes are glued on his wife and he knows that he cannot take that off from her. Nope, he's not going to take his gaze off. Sanay syang nakikita si JR na pagala-gala sa unit nya ng naka-sports bra at shorts lang, anim na taon na syang sanay kaya hindi sya masyadong tinatablan doon. Balewala sa kanya ang nakikita nya sa babae pwera nalang pag nagkakadikit sila ng balat. Pero ang makita si JR na nakasuot ng pulang lacey lingerie na tube jumpsuit style ay talaga namang may kakaibang epekto sa kanya. That lingerie made some of the features of her body more visible and defined, though hindi naman lacey na see through yon dahil nagsilbing design lang talaga ang lace na tela. She's literally smoking hot on everyone's eyes, it fits on her perfectly from breast down to waist, it suited on every curve in her body and that red choker on her neck made her more alluring and seductive. Her semi-white skin looks more whiter than the usual because of the color of the lingerie. Some of the models envied her for having a natural long legs that looks so soft. Plus the fact that she's walking her ass off comfortably while wearing a five inch red stilleto is a shock to him. JR hates heels, she loves rubber shoes, sneakers and boots instead. Her hair that is always braided are now on loose, sumasabay sa bawat paggalaw ng bewang nya yung mahaba nyang buhok na naging maalon ng konti dala ng pagkakatirintas kanina. What's more shocking is that she's actually wearing a make up that made her look so perfect, hindi naman iyon heavy make up dahil kung tutuusin ay parang ang mata at bibig lang neto ang nalagyan, it's just a simple make up. Alam ni Eren na hate na hate ni JR ang mga make up dahil naiirita ito sa mga powder-powder na nilalagay sa mukha though maganda naman ang babae kahit walang make up. A smokey type of eyeshadow that suits on her cat-shaped eyes, her pinkish cheeks, more defined brow but her lips is the most remarkable one. It made him feel the need to claim those lips filled with red matte lipstick. He's stunned just by looking at his wife, he's eyeing her from head to toe, staring at a whole new level version of Jhayrein Arriane. Like a new Victoria's secret model. And he knew, that this new version of his wife is giving him a lustful vibe. Sunod-sunod na paglunok ang nagawa nya nang huminto ito sa mismong harap nya. Nakasimangot itong nameywang habang nakalingon sa photographer. Her manly yet fragrant scent is invading all of his senses. "Hoy wag kang mag-tanga-tangahan dyan," Pukaw nya sa atensyon ng kumukuha ng litrato na tila nagising naman ang diwa at nahihiyang tumingin sa kanya, "Ano na? Kingina, sabihin mo na kung anong gagawin ko nang matapos na agad. May gagawin pa kong importante." Itsura lang neto ang nagbago, pero hindi ang angas at mabilis pa sa alas-kwatro kung mag-init ang ulo. "A-ahm. You just need to pose as if you're dominating him, think of him as your submissive partner, make him submit to you." "Ah. Basic." She scoffed. Hindi nakagalaw si Eren matapos sumampa ni JR sa kama at agad na umupo sa puson ng asawa. Everyone was shock because of what she did, especially Eren except from tatang whose observing the both of them thoroughly. Pakiramdam nya ay malapit na talaga syang mabato, lalo na ng kunin nya ang dalawang kamay neto at inilagay sa ulunan ni Eren, inilusot ang isang kapares ng posas mula sa bakal na headboard ng kama bago inilock ang isa pang kamay ng lalake doon tsaka nya hinawakan ang leather na tali na nakakonekta sa collar sa leeg ni Eren. Ipinulupot nya ang taling yon sa kamao at walang ano-anong hinila iyon dahilan para mapa-igik si Eren habang napipilitang inangat ang ulo para magsalubong ang tingin nilang dalawang mag-asawa. She glanced at him. Eren looks like a yaoi character came out straight from a manga book, a bottom one. Chains suited on him, no need to tell him to look submissive because now he's literally submitting himself to Jhayrein, not because he has no choice or because he needs to, but because he wants to. Eren can see the desire flickering on his wife's eyes. Then Jhayrein let out a real lustful smirk while looking down at his husband heavily. "Now, beg."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD