Chapter 11

5620 Words
Chapter 11 (Third Person's POV) MAANGAS na bumaba si JR sa jeep nya matapos patayin ang makina. Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng jeep para pagbuksan ng pinto si Eren. "Thank you." Nakangiting anya ng lalake matapos nya itong alalayan na makababa mula sa sasakyan, medyo madilim kasi sa parking lot kaya mahirap na baka matapilok pa ang Tofu boy nya, siguradong sisinghalan sya ng gurang na manager neto kapag nagasgasan tong si Eren. Tumango lang sya bago binaba ang sunglasses at isinuksok ang isang lollipop sa bibig, "Bilisan mo ng maglakad, paniguradong umuusok nanaman yung ilong ng gurang mong manager dahil late ka na." Kinuha nya mula sa asawa ang duffel bag na naglalaman ng extra netong mga damit at iilang gamit, binitbit nya ito na para bang nakasukbit sa likuran nya habang nakapamulsa sa pants tsaka sila sabay na naglakad patungo sa loob ng gusali. He scratched his head, "Ang tagal mo kasing maligo sa banyo eh." "Di mo ko masisisi, nahirapan akong magkuskos ng leeg ko." Maka-ilang beses syang pumalatak, "Sa tindi ng kamandag ng laway mo kumapit ng husto sa balat ko, tsk." Pumula naman ng husto yung mukha ni Eren matapos maalala yung tumulo nyang laway kanina, hiyang-hiya sya eh, hindi nya din alam kung bakit ganon yung laway nya eh, minsan naman eh hindi ganon yung amoy kaso grabe yung kanina, kala mo bomba. "Grabe ka naman saken!" Namumulang anya matapos nilang pumasok sa loob ng elevator. "Oh bakit? Totoo naman eh." She scratched her nape while looking at the ceiling of the elevator, "Damn, Eren, kumakain ka ba ng tae habang tulog?" Anya na para bang kunsumidong-kunsumido sa lalake habang nanlalaki naman ang mata ng kausap. "Ang salbahe mo! S-sinong kumakain ng poop!?" "Ikaw." "H-hindi ako kumakain ng p-poop!" He squinted his eyes, "I-ikaw nga dyan eh kapag tulog ano eh... a-ano..." "Ano?" Hamon nya. She crossed her arms under her breast and leaned her shoulder while staring at her husband, Her eyes are now filled with confusion and amusement because of the guy's reaction. Halata kasing nag-iisip ito ng ipang-aasar sa kanya pabalik, kundi ba naman isip-bata. "Ano..." Nilaro nya ang mga daliri habang nag-iisip ng pang-rebat. "Ang tagal naman." "Teka lang kasi nag-iisip pa ko!" Kinamot nya yung ulo nya, "Ah! Nag-fa-fart ka habang tulog!" "Narinig mo?" "Oo!" "Oh eh ano naman? Normal lang yon." "Mabaho po yung fart mo!" Conyong sabi nito, may tono pa sa dulo. "Talaga?" "Talaga!" "Talagang-talaga?" "Talagang-talagang-talaga!" "Ambaho naman ng laway mo." Biglang banat nya na ikinabilog n mata ni Eren, malamang lalong nahiya. "Jhayrein!" Umangat yung sulok ng labi nya, "Amoy tae." "Ano ba!" "Oh ano? Napikon ka!?" Sarkastiko nyang anya bago malakas na tumawa, "Gago wag kang mapikon dahil di naman kita inaasar, sinasabi ko lang yung totoo." Sumingkit muli yung mga mata nya, tila isang batang nagmamaktol, "Ang sama mo talaga." "Honest lang." "Ewan ko sayo." Saad nya bago nagdadabog na lumabas matapos makarating sa tamang floor. "Kita mo tong..." Bumuga ng hangin si JR tsaka hindi makapaniwalang tumawa, "Lakas makipag-asaran saken pero pikon naman amputa." Umiling sya bago muling nilagay sa likuran ang hawak na duffel bag at naglakad para sundan ang lalake. Agad nyang nyang naagaw yung atensyon ng lahat pagkalabas palang sa elevator. Paanong hindi? Para lang naman syang may reresbakan sa porma nya kaya napapatingin sa kanya ang mga tao from toe to head, yap yap, toe to head everyone. Naka-heavy boots na itim sya today na apat na pulgadang mas mataas sa ankle nya, maroon na cargo pants at itim na over-sized printed sando na dating t-shirt, ginupit nya lang yung manggas at tinastas ng konti kaya ang angas nyang tignan kahit nakikita yung sportsbra nya dahil sa laki ng pinagtanggalan ng manggas habang ang oversized din na dark green nyang jacket ay nakatali sa bewang. Syempre bonus na don yung dogtag na lagi nyang suot, ang signature hairstyle nya mala-Lara Croft na tirintas, ang lollipop at ang sunglasses. "ZERENEL!" Dumagundong yung sigaw ng tatang sa buong hallwag matapos silang makita, dahilan para magtinginan dito ang mga staffs at iba pang workers na may kanya-kanyang ginagawa. Saktong kalalabas lang kasi neto sa isang kwarto nang magtama ang tingin nila kaya ayon. "Yare tayo." Bulong ni Eren bago pekeng ngumiti habang papalapit sa manager. She scoffed, "Ikaw lang, wag kang mandamay." "Hmp. Oo na." Sagot ni Eren, "Goodmorning tatang!" Kasunod naman nya si JR na sumisipol-sipol pa habang naglalakad sa likuran nya. Umiikot yung leeg ng bawat taong madaanan nya para lang lingunin sya, especially yung mga lalakeng staffs habang sya naman eh parang wala lang na nakasunod kay Eren, bumubukol-bukol yung lollipop sa pisngi. "Walang good sa morning ko dahil late ka nang bata ka!" Sermon neto pagkalapit nila, umuusok ang ilong at tenga sa sobrang inis, "Anong oras ka ba natulog at tinanghali ka ng gising!?" Ngali-ngali sya netong hampasin ng dyaryo kaya panay iwas sya. "Sorry po. Alas-otso talaga ako nagising," He pouted, "Nagkataon lang na traffic." Palusot nya. "Traffic-traffic! Pumunta ka na sa dressing room at magpalit ng damit! Magpaayos ka na din kay July! Bilisan mo!" Sabay tinulak-tulak si Eren papasok ng dressing room neto. "A-ah pero tatang---" "Bilis! Bilis!" Hindi na naka-palag pa si Eren nang tuluyan syang naitulak neto papasok ng kwarto. Naiwan si tatang sa labas ng dressing room kung saan nilingon nito si JR na nasa likuran nya at pinaningkitan ng mata. "At ikaw!" "Ako nga." Walang kakwenta-kwentang sagot nya. Nanggigigil na dinuro sya ni tatang gamit ang dyaryo---ang daily props nya, pero di man lang natinag si JR kundi bumaba lang ang tingin nya doon. "Bakit nawala ka kahapon sa set!?" Ngumisi sya, "Bakit tanda? Namiss mo ko?" "Miss mo mukha mo!" Nanlalaking mata na sagot ng matanda, pikon na pikon sa sinabi nya kaya napailing sya, "Hindi mo ginagawa ng maayos yung trabaho mo! Bodyguard pero di mahagilap kung saan!?" Hindi sya sumagot. Ngumiwi lang sya habang pinaglalaruan ng dila nya ang lollipop na nasa bibig nya kaya lalong namula sa inis si tatang. 'Baka namana ni Eren yung pagiging pikon nya sa matandang toh!?' Saad nya sa isip nya. "Ano!? Bakit hindi ka sumagot!? Hindi mo inaayos yung trabaho mo! Sagutin mo ko!" She frowned, "Hoy, wag kang pakasiguro ah, hindi mo nakita kung paano ko ginampanan yung trabaho ko." "Aba't talagang sumasagot ka pa ah!?" "Anak ka ng..." She did a face palm first before putting her hands on her waist while looking at Eren's manager with disbelief and irritation, with her widening eyes and scowling expression on her face, "Kanina galit ka kasi di ako sumagot---ngayong sumagot ako galit ka pa den!? Eh daig mo pa yung asawa ko kung toyoin ah! Papasuyo ka din pre!?" Bakas ang sarkasmo at inis sa tono nya. "Loko ka talagang---Huk!" Umubo-ubo sya matapos saluhin yung duffel bag na initsa sa kanya ni JR, "Sira ulo ka ah!" "Tsk! Alam ko, alam ko." Sagot ni JR tsaka tumalikod at kinaway-kaway ang isang kamay patalikod habang ang isa ay nasa bulsa ng cargo pants, "Ge na, maglalakad-lakad lang ako." Sabay naglakad na palayo. Kahit nakalayo na sya ay dinig na dinig pa din nya yung mga reklamo't sentimyento ni tatang, syempre paanong hindi? Painitin ba naman nya yung ulo eh. Ang totoo eh kaya sya maglalakad-lakad ay para humanap ng pwestong walang tao dahil kanina pa nagva-vibrate yung phone na nasa bulsa nya, hindi nya lang pinapansin kasi tinatamad syang sagutin kaso makulit kaya ayon, di na nya matiis. Maswerte namang nakakita agad sya ng CR na pambabae kaya agad syang pumasok don, wala namang tao kaya dumiretso sya sa dulong cubicle, ibinaba ang takip ng toilet bowl tsaka naupo doon bago dumekwatrong parang lalake. "Sino ka?" Bati nya matapos sagutin ang tawag, hindi nya tinignan yung caller eh. She also pulled the lollipop out of her mouth and throw it on the trashcan. "Chryseis," Tipid na sagot ng taong nasa kabilang linya, dinig nyang medyo hinihingal ito na para bang tumatakbo, "What took you so long to answer my damn call!?" "Secret." "Vaffanculo!" Mura nito sa italyanong salita kaya natawa si JR. Mukhang may humahabol dito base sa ingay na naririnig nya sa kabilang linya. May mga boses kasi ng kalalakihan ang nagsasalita na parang sinisigawan si Chryseis, sunod-sunod din na putok ng baril ang naririnig nya. "Tumawag ka ba para murahin ako?" "Tsk! Kinda, it's not for you though." Tsaka sunod-sunod na nagmura. Ilang segundo muna ang lumipas bago muling nagsalita si Chryseis, natahimik na din ang ingay sa kabilang linya at napalitan ng tunog ng sasakyan, "I have some news for you dimwit kaya ako tumawag." Kumunot yung noo nya, "Oh ano yon?" "We ambushed one of the shipping vessels that ships illegal container vans and we got another set of female victims, majority are teens." "What? Kailan?" Bakas ang gulat sa tono nya. "I was in the Philippines yesterday, galing dyan yung barkong nagshi-ship ng container vans." Jhayrein clenched her teeth, "Bakit hindi mo ko tinawagan para tumulong?" "Uh because I don't need your help?" Chryseis answered sarcastically, "Anyway, one of the victims managed to get some of the perpetrator's DNA while trying to escape. I'll analyze it first before sending the whole details to you." "O-kay?" "You don't get it, do you?" Halatang disappointed na sabi nito. "Hinde eh." Kamot ulo nyang sagot kaya bumuntong hininga si Chryseis. "It means mas mapapadali ang paghahanap mo don sa sindikatong hinahanap mo, you just have to find the person na magma-match doon sa DNA na isesend ko sayo. No more observations personally, just get some strands of their hair, finger prints or any other things that we can run some test." Akmang magsasalita na si JR nang makarinig sya ng kalabog mula sa labas at impit na tili ng babae. "Call you later." Anya tsaka pinatay ang phone. Umakyat sya sa saradong toilet bowl para silipin mula sa taas ng pinto kung sino ang pumasok. Syempre, ususera eh. There are two women facing each other and based on their piercing glares, they are definitely not friends. Nope. Absolutely not friends. Inangat nya ng konti ang sunglasses na nasa mata nya at gusto nyang mapasipol matapos pasadahan ng tingin yung isan mukhang maldita. The woman is wearing a seductive skimpy red dress with above the knee length and a high stilletto, may sukbit din na handbag sa braso neto at nagkikinangan ang mga alahas na nakadisplay sa leeg, tenga at mga kamay neto. Nagsusumigaw ang bitchy vibes neto sa katawan, kilay palang nagmamataas na. Ito yung tipo ng babae na madalas makita sa mga palabas bilang kabit lalo na yung wavy netong buhok at red lipstick JR is sure that the woman is a walking dollar brand based on it's luxurious clothes, same kasi yon ng sinusuot ng tropa nyang CEO. Dumako naman yung tingin nya sa isa. The other woman is also wearing a dress but a cuter one, it's just a simple white dress with some embroidered leafy designs partnered with a simple white dollshoes. Medyo maliit lang din ito kumpara sa naunang isa at talaga namang cute na cute sya dito dahil sa mala-koryana nitong bangs. Mukha itong maliit na manikang naligaw lang sa Pinas. "So cute..." Bulong ni JR habang nakahilig pa rin sa taas ng pinto. She can't help but eyed the pretty girl in the white dress. "Ano bang problema mo?" Mahinahon ngunit naiinis na tanong ng babaeng naka white dress. But instead of answering the, the bitchy one slapped her and pushed her against the wall na ikinalaki ng mata ni JR. Nasugatan yung babae dahil sa kuko ng sumampal sa kanya. "Ano ba!" "Stop flirting with everybody! Stop taking the people's attention you b***h!" "I'm not a b***h!" "Yes you are!" "Damn, cat fight." Pumalatak si JR. Gusto nyang magtatatalon dun sa toilet bowl kaso syempre hindi pwede. Nae-excite kasi talaga sya kapag nanonood sya ng away ng mga babae, though babae din naman sya. Mas gusto nya lang talagang nakakakita ng mga babaeng nagkakalmutan, lugi maiikli ang kuko ganon. Nasasatisfy sya ganon eh, palibhasa never syang nakaranas makipag-away sa babae, puro lalake eh. "Ano ba kasing problema mo!?" The girl in white snapped, "I'm not trying to get anyone's attention here! Hindi naman ako ikaw para gawin ko yon!" JR gasped, "Burrrrn!!!" She whispered, isang tsismosang tunay. 'Ito ang literal na sabong ng mga babae, sa pula sa puti pero syempre dun ako pupusta sa puti, mukhang palaban kahit papano eh.' Pagmo-monologue ni JR sa utak nya. Naalala nya yung pinapanood nya dating palabas, yung Face-To-Face, legit yung rambulan don kaya inaabangan nya talaga dati para panoorin. "You...!" Said the seductive one while pointing her finger to the cutie, "Wag mo masyadong isipin na espesyal ka ng dahil lang sa sikat ka sa madla!" Pinasadahan nya ito ng tingin, "You're still nothing but a desperate slut trying to get into the lime light!" Tinapik nung nakaputi yung kamay netong nakaduro sa kanya, "I may be desperate but I'm not a slut! Unlike you who always stick around with different actors, offering your self as if your some kind of a class A w***e!? Nakakahiya ka!" Dahil doon ay namula ng husto yung mukha nung babaeng nakapula tsaka sinimulan sya netong itulak-tulak. Both of them are squealing and shrieking like a banshee while pulling each other's hairs, alternately rolling on the comfort room's floor, napapangiwi tuloy si JR dahil doon. Sumakit bigla yung mga tenga nya. "You think you can have him just by yourself!? Zerenel is mine! Only mine!" The woman in red yelled. Right after that they heard a loud and heavy sound as if someone just purposely jumped on the floor that made both them stopped from fighting. Their eyes darted on the last cubicle where the sound came from. As if on cue, the door of the last cubicle harshly opened after being kicked by the person inside and there, an unfamiliar woman came out. Hands on pocket while walking in a cool and cheeky manner. Definitely someone that the both of them had never seen before. Then she stopped right in front of the two whose still holding each other's hair and still on the floor but both eyeing the person who just came out on the cubicle. "So..." JR paused, took off her sunglasses and put it on the collar of her rugged sando. And she did her coldest and darkest death glare that gave the two women an instant chill from their nape down to their spine and they also shivered in fear when they heard the cracking of Jhayrein's neck while stretching it like a man. "Who the f**k among you said that Zerenel is already taken by someone?" Then she started cracking her knuckles. (JR's POV) Sabay pa silang tumayo at umatras ng ilang hakbang matapos kong itanong yon kaya kumunot yung noo ko. Nagtatanong lang naman ako. "Ano na?" Nagkatinginan pa sila kaya pumalatak ako. Ano pang tinitingin-tingin ng dalawang toh? Nagtatanong ako ng maayos dito tapos walang sumasagot, ano bang problema nila? Tsk. Then this b***h pushed the other again before walking straight towards me full of confidence. Huminto pa talaga sa mismong tapat ko, dumbass. "It's me!" Tapang-tapangan nyang sagot habang pinapasadahan ako ng tingin. "Ah," I also scanned her from head to toe, "Okay." "Who the hell are you ba!?" Sinundot-sundot ko yung tenga ko, "Ang ingay mo naman." "What the hell!?" Kitang-kita ko kung gaano sya kapikon na pikon saken, yan, magaleng, dagdagan pa natin yang inis mo. "Don't you know who I am!?" Pinasadahan ko sya ng tingin. Damn this woman, she's the epitome of fakeness. I can tell just by looking at her nose, bust and back. Halatang pinagawa, and here I thought that she's sexy as hell. Sa malayuan lang pala. Kung tutuusin mas matangkad pa ko sa kanya, I'm wearing a flat heavy boots while she's wearing high heels, kapag tinanggalan ko ng sapatos toh eh hanggang mata ko lang yung tangkad nya. But she's looking down on me, that makes me want to laugh in mockery. "Well, FYI! Ako lang naman ang nag-iisang anak ng CEO ng entertainment na kinabibilangan ni Eren." She flipped her hair and crossed her arms under her fake breasts, "And to tell you the truth, we've been secretly dating for weeks now---" Napalitan ng tili yung pagsasalita nya nang dakmain ko yung leeg nya. "Wala akong pakialam kung anak ka pa ng presidente ng Pilipinas." I told her pero panay kawag at tili. Kingina talaga. Ang sakit sa tenga. "A-ano ba!" She continued to squirm while my right hand is still gripping her neck. I glared at her before I pulled her and slammed her back on the nearest wall. I can see the pain in her face while whimpering, malamang, mabuti nga't isinandal ko lang sya eh, what more if I bang her head on the wall, right? It'll be more painful. I leaned on her ear to whisper, "Manahimik ka kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo dyan sa pader." Before slightly squeezed her neck for a second, "May mga bagay kang dapat na malaman." Ramdam ko kung ilang beses syang lumunok kaya pinagmasdan kong muli yung mukha nya. This is so fun. "Walang ibang nagmamay-ari kay Eren bukod sa sarili nya. Nobody owns him. He owns himself. He's not yours and he will never be yours." My hand is slowly tightening the grip on her neck that's why she's trying to get my hand off of her, "Hangga't nandito ako na nakatayo't humihinga ay wala kang karapatang angkinin sya." The fear that is visible on her face is very satisfying. That's the same fear that I always see on those people who tried to harm Eren. Nice. "Kung gusto mong makuha si Eren kailangan mo muna akong patumbahin..." My lips curved into a smirked, "...na alam naman nating pareho na imposibleng mangyari." Mukhang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa, namumula na yung buong mukha nya habang panay pa din ang tapik sa kamay kong nakasakal sa kanya, hinigpitan ko yun lalo na ikinatirik ng mga mata nya. "Pakakawalan lang kita kung nagkakaka-intindihan tayo." Mabilis pa sa alas-kwatro syang tumango na para bang ilang segundo nalang ay malalagutan na sya ng hininga kaya binitawan ko na sya. Agad syang napasalampak sa sahig matapos yon, hawak ang leeg nyang sa tingin ko'y mamamarkahan ng pula dala ng ginawa ko. Ilang beses syang umubo habang gegewang-gewang na pilit na tumatayo, nasa akin ang tingin kung saan mababakasan ng takot. Ipinasok ko sa bulsa ko yung mga palad ko tsaka sya tinaasan ng kilay, "Oh ano pang ginagawa mo?" Minuwestra ko yung pinto, "Batsi na." Walang salitang tinakbo nya ang daan palabas, nagkanda tila-tilapid pa habang nagmamadaling maka-alis. Di ko maiwasang hindi mapangiti, duwag naman pala eh, nasan na yung pagiging maldita nya kanina? "Tss. Sira ulo." Umiling ako pero aksidenteng nabaling yung tingin ko sa babaeng nakaputi. Mukhang kanina pa sya mariing nakatitig saken. Nakahawak sya sa gilid ng sink, alalay yata para makatayo sya ng maayos. Di hamak na mas maliit pa tong isang toh kaysa doon sa nauna kanina, malamang hanggang ilong ko lang toh kung tatanggalan ng sapatos. "Sabihin mo lang kung type mo ko," Ngisi ko, "Pumapatol naman ako sa bata eh." Kumunot lang yung noo nya bago sya tumuwid ng tayo. Aba matapang den. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo matapos ng mga narinig kong sinabi mo kay Leah." Nagkibit lang ako ng balikat bago naglakad palapi sa kanya, "Tell me anything you want," Umatras sya pero agad ding napahinto nang wala na syang maatrasan dala nang pader na din ang nasa likuran nya, kinorner ko sya gamit ang mga brasong iniharang ko sa magkabilang gilid nya tsaka ako ngumisi, "My ears are always active on listening especially if the one whose talking is as gorgeous as you, babe." Panandalian syang hindi umimik pero ang mga mata'y nakatitig saken. She looks like a doll, a feisty kind of doll. Huminga lang sya ng malalim bago ngumiti. "Anong relasyon mo kay Eren?" Bahagya akong natigilan sa tanong nyang yon pero agad din akong nakabawi, ngumisi ako sa kanya, "And here I thought that you might be interested on me." Sabi ko nalang para hindi halatang nagulat ako sa biglaang tanong nya. Dyahe, naglaho yung ngisi ko doon ah. Sya naman ang nagkibit balikat, "Gusto ko si Eren." "Whoa, whoa, whoa, easy, hold it right there woman." Lumayo ako ng bahagya sa kanya, "Narinig mo naman lahat ng sinabi ko kanina diba?" "I heard it all perfectly." "That's great then, you should stop whatever you're thinking right now because that will not change anything." "I'm not afraid of your threats miss...?" "Jhayrein Arriane..." Nagtatagis ang mga ngiping sagot ko habang nakatitig sa kanya, "Just call me JR." Ngumiti sya, "Well, Miss JR. Tulad ng sabi ko, hindi ako natatakot sayo. Aaminin kong pagdating sa pisikalan ay wala akong binatbat sayo but I think what I need to do is to get Eren's attention, right?" Inipit nya ang ilan sa buhok nyang tumatabing sa pisngi nya patungo sa likod ng tenga nya, "I'm sincere with my feelings towards Eren." I lick my lower lip not because I'm turned on, but because she's starting to piss me off big time, "I'm also sincere with my threats towards you." It came out almost a whisper. "I know, pero it is my freewill to express my feelings to the guy I like. Just like what you said a while ago na walang sino man ang may karapatan na umangkin kay Eren," Her doe-eyes squinted, as if she's serious as hell while conversing with me, "Wala ka ring karapatan na pigilan ako sa pagco-confess ko ng feelings ko kay Eren." Silence filled the four corners of the bathroom right after saying those words. Kahit na wala ni isa man sa amin ang muling nagsalita ay hindi naman naputol yung pagtititigan naming dalawa. She's not mocking me, not even boasting. Talagang kalmado lang sya the whole time na nag-uusap kami. She's talking to me as if this is a professional thing between us. Talking to me like she's not really threatened by my presence is really pissing me off, it's like I'm not frightening enough to scare her. Kaya ko pang tagalan yung titig ko sa kanya pero sya din ang unang sumuko, tumikhim sya kaya lumayo na ako sa kanya para bigyan sya ng daan. She fixed her dress first before started walking towards the door, lalagpas na sya pero intensyonal syang huminto at nilingon ako. "By the way, It's nice conversing with you Miss JR." Bahagya syang yumuko, "I'm Yvette Mariano, by the way." My jaw clenched just by hearing that. So that's why she's confident on her self, huh? Di ko mapigilang hindi mapangisi bago naglakad katapat nya. She's eyeing me with confusion in her eyes because of my sudden change of mood. "I'm advising you to stop being so cocky and take my threats seriously." I said after stopping in front of her, "You should beware, I didn't even properly introduced myself to you. Don't make me do it." I grinned at her bago ko sya nilampasan para mauna akong makalabas mula doon. My grin faded as soon as I started walking away. My mind can't help but to think those stupid things that she said earlier that made me clenched both my jaw and fist. "Ang gg masyado." (Eren's POV) "30 MINUTE BREAK MUNA!" Anunsyo nung isa sa assistants. Inilibot ko agad yung paningin ko matapos umalis sa lugar kung nasaan yung green background. Nag-umpisa ng magsi-kilos yung mga tao para gawin yung kanya-kanya nilang gawain. "Tokwa, nasaan na yun?" Hindi ko makita si JR. Sa totoo lang eh mula nang mag-umpisa yung shooting eh hindi ko na sya nakita. Ilang oras na din ang nakalipas, pero wala talaga. Di ko tuloy mapigilang hindi mapanguso. Siguro hindi sya interesadong panoorin ako. "Naku fafs, on the way palang yung pinadeliver kong pagkain, okay lang ba na maghintay ka?" Salubong ni July matapos lumapit saken kaya nginitian ko sya saka ginulo yung buhok nya. "Ayos lang, walang problema." "Naku pasensya na talaga fafs." Angkla nya sa braso ko tsaka nagkikisay, "Traffic daw kasi eh." Natawa ako sa kanya, lalo na ng sigawan sya ni tatang na tumulong sa pag-aayos ng mga gamit. "Sige na, tawag ka na ni tatang hahaha! Doon lang ako sa dressing room." "Okay... Sorry talaga fafs huhuhu." Tumango nalang ako bago pinagpag yung damit ko, may kokonting dumi kasi nagpagulong-gulong ako sa sahig kanina. May dahon-dahon kasing isinaboy samin kanina habang nasa tapat ng malaking electric fan, yung tipong parang hinahangin kami ng bagyo ganon kaya ayun ang dami kog maliliit na dahon sa katawan. Hays. Baka nabored na talaga sya, wala naman kasi syang gagawin dito kundi ang bantayan ako, pero bakit kasi sakin pa sya sumasama kung mababagot din naman sya? Pero tokwa talaga, gusto ko ding nakikita sya kahit na hindi sya manood. Kahit maupo lang sya dyan. Gusto ko syang nakikita. Akmang maglalakad na ko palabas para magtungo sa kwarto ko nang bigla akong sinalubong ni Yvette kaya agad ko syang nginitian. Tulad ko eh medyo madumi din yung damit nya. "Eren." Tawag nya nang may ngiti, lumalabas tuloy yung dimples nya dahil doon. Nasa likuran nya yung mga kamay nya. "Hi," Inabot ko yung iilang dahon na nasa ulo nya, "May dumi ka sa buhok." Huh? Bat namumula sya? Tumabingi yung ulo ko habang nakatitig sa kanya, tokwa hindi kaya naiinitan sya? "Are you okay?" "H-hah?" Kinamot nya yung batok nya, "Oo naman." Sinapo ko yung magkabilang pisngi nya tsaka pinasadahan ng tingin yung buong mukha nya. Kumunot tuloy yung noo ko, sabi nya ayos lang sya pero lalong nag-init yung mukha nya, tapos lalo syang namula. "Are you really okay?" Umawang yung labi nya para sumagot pero natabunan yon ng malakas na hiyawan tsaka iilang flash ng camera kaya ginala ko yung tingin ko. Nasa amin na pala ang atensyon ng lahat. "Grabe talaga yan! Mga galawan ni Eren!" "Bagay na bagay talaga sila!" "Yieeeeh~ Totohanan na ba? HAHAHAHA!" "Iba talaga pag si Gonzales gumalaw!" Bumitaw ako kay Yvette at napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa kanya-kanya nilang mga kantyawan. Oo nga pala, mabenta kami sa madla. Nagsitigil lang sila nang sawayin sila ni tatang at tsaka ng direktor kaya bumalik din sila sa mga gawain nila, yun nga lang at panaka-naka nila kaming nililingon at nginingitian. "Nga pala, Eren, heto oh." Ilang beses akong kumurap nang iabot nya saken ang isang di kalakihang kulay pink na box na may design na mga pusa. Tokwa ang kyuuuut! "A-ano toh?" Nagpapanggap akong hindi masyadong naapektuhan sa bigay nya, masisira ang tough image ko pag may naka-alam na mahilig ako sa mga ganitong kulay at bagay! "Mini cake yan." Ngumiti nanaman sya, "Nagbake ako kahapon ng mga cake, masyadong marami kaya ipinamigay ko yung sobra kanina dito sa mga staffs pwera sayo kaya... ayan. Sana magustuhan mo kahit alam kong on-diet ka." Pakiramdam ko nagningning yung mga mata ko dahil doon. Cake. Gusto ko ang mga cake! "Thank you!" Humigpit yung hawak ko sa kahon habang tinititigan yung cute designs non, "Thank you, Yvette." Ulit ko tsaka pinisil yung pisngi nya kaya muli nanaman syang namula. Bahagya lang syang tumango bago nakangiting nagpaalam saken. Kakain din kasi sya. After nun eh tuluyan na kong naglakad palayo. Okay! May cake ako! Hahaha! Nakakatuwa naman at makakakain ako ng cake na gawa ni Yvette, marunong pala syang mag-bake? Hindi ko alam yon ah. De bale, hindi kasi kami nagkaka-kwentuhan, next time siguro? Pwede kaya akong magpaturo sa kanya? Hehehe. Hindi kasi ako marunong kaya gusto kong matuto para maipagbake ko si JR sa tuwing birthday nya, lagi nalang kasi akong bumibili ng mga customized cakes sa mga bakery, gusto ko sanang sa susunod eh ako na mismo yung magbibake ng cake para sa kanya. Tapos tokwa yung design, isang malaking cake na hugis tokwa! Ngayon palang nakikita ko na yung kunot-noo nyang ekspresyon kapag binigyan ko sya ng ganong klaseng cake! Hahahaha! Paniguradong kakainin din naman nya bandang huli. Inangat ko yung kahon at sininghot-singhot, "Hmn... Amoy strawberry." Huminto ako sa tapat ng dressing room ko at akmang pipihitin yung seradura nang kusa iyong bumukas, hindi ako nakapagsalita nang may humatak sa akin papasok tsaka agad akong isinandal sa likod ng kasasara lang na pinto. Dumako yung tingin ko sa taong gumawa non na ngayo'y blankong nakatingin saken. Teka, mukha syang galit! Saken ba sya galit? Eh bakit sya nagagalit? "Nandito ka lang pala." Halos pabulong kong saad, ang lapit-lapit nya kasi saken. Isang maling tulak lang eh magdidikit na yung mga labi namin, naka-korner pa ko sa pagitan ng mga braso nya. Amoy na amoy ko yung pabangong gamit nya. Amoy lalake talaga sya, tinalo pa yung pabango ko sa tapang ng sa kanya. Imbes na sagutin ako eh bumaba lang yung tingin nya sa kahon na hawak ko, tumabingi pa yung ulo nya, parang ini-eksamina yon. "Kanino galing yan?" Mababakas yung inis sa tono ng boses nya, pero bakit? Bakit sya naiinis? "K-kay Yvette." Ilang segundo bago sya tumingala saken at pinakatitigan ako ng seryoso. Nahihinuha kong may hindi magandang nangyare base sa mga tingin nyang yon, kilala ko yung mga klase ng tingin nya at itong isang toh ay paniguradong badtrip sa di ko malamang dahilan. "Are you..." Huminto sya, tila tinatantya kung itutuloy ba ang sasabihin pero ginawa din naman nya, "Are you dating someone?" Parang nahulog yung panga ko sa tanong nya. Anong klaseng tanong yon!? "Wala ah! Bakit mo naman naitanong yon?" "Really?" Ako lang ba o kuminang yung mga mata nya nang sinabi ko yon? "Oo nga!" Nanguso ako, "Ano ba namang tanong yan." Nagkibit sya ng balikat, "Wala lang. I'm just curious, baka kasi may dine-date ka na o nagugustuhang babae pero hindi mo lang sinasabi saken." Ani nya kaya sumimangot ako. "At bakit mo naman naisip na gagawin ko yon?" "At bakit naman hindi mo gagawin?" Lalo akong nainis dahil doon, "Lalake ka, malay ko ba kung may natitipuhan kang babae dyan." "Wala akong nai-date, wala akong dine-date at wala akong ide-date." Umalis sya mula sa pagkaka-korner saken at kunot noo akong pinagmasdan habang naka-halukipkip. Dumilim yung awra sa paligid nya at sumama yung timpla ng mukha nya, parang may naalalang hindi maganda. "Yung anak ng CEO ng entertainment company nyo." I frowned, "Si Leah?" Umismid sya kaya kinamot ko yung pisngi ko, ano ba kasing kinaiinis nya? "Yeah, that banshee, whoever she is." Senyas-senyas nya na para bang wala syang pake sa pangalan ng babae, "You didn't date her?" Hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko. Ugh, maghahalo ang balat sa tinalupan kung ide-date ko yung babaeng yon, sa ingay palang nya naririndi na ko tapos ide-date ko pa? Ew. Tsaka isa pa, kung kani-kanino sumasama yon, bakit ko maiisipang makipag-date sa ganong klaseng babae? Mamatay nalang akong mukhang bakla kaysa i-date ko yon. Maingay pa sa kambing yon, ang tinis ng boses. "Ayoko sa kanya." Pag-amin ko, "Ang baho ng pabango nya at ang sakit sa tenga ng boses nya." Napansin kong medyo nabawasan yung talim ng tingin nya at medyo umangat pa yung sulok ng labi nya. Ano ba talagang problema nya? Bigla-bigla nalang nagtatanong ng mga ganyang klase ng bagay. Sya yata talaga tong abnoy samin eh! "Eh kay Yvette?" Mahina lang na bulong yung pero sapat na para marinig ko, "May gusto ka ba sa kanya?" Anya na ikinalaki ng mata ko, ano ba naman!? Kung ano-ano mga tinatanong nya! Ugh. "Wala." Natigilan sya, "Wala?" "Bakit? Gusto mo meron?" Sarkastiko kong sagot na ikinangiwi nya, bumuntong hininga nalang ako, "Wala akong gusto kay Yvette, kaibigan ko lang sya, ka-trabaho tsaka katambal sa pelikula." "Why?" "Anong bakit nanaman?" Sya naman ang bumuntong hininga bago bahagyang yumuko, "You're allowed to like any other girls, date how as many as you want just like what I'm doing." Kinagat nya yung ibabang labi nya tsaka di pa rin makapaniwalang tumitig ulit sa akin, "Hindi seryoso yung kasal natin, hindi din naman kita pinagbabawalan but still, Why are you not doing it?" "Dahil kasal na tayo, mag-asawa tayo." "Mag-asawa lang tayo sa papel, Eren." "Mag-asawa man sa papel o hindi eh ganon pa rin yon." Muling nagsalubong yung mga kilay ko, "Kahit anong sabihin mo asawa pa rin kita. Wala akong interes na magkagusto o ni tumingin sa ibang babae dahil asawa na kita, kasal na tayo." "Pero hindi naman kita pinipigilang makipag-date sa iba, It's like we're having an open relationship---" "Stop pushing that idea to me." I cut her, "Hindi kita minamanduhan na tumigil sa mga pambababae mo sa mismong unit ko kaya sana wag mo din akong manduhan sa mga desisyon ko. Your my wife and I'm respecting you that's why I'm not doing it." Nanlaki yung mga mata nya, "Eren..." "I'll never date anyone unless it's you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD