Chapter 6

5911 Words
Chapter 6 (JR's POV) "Eren! What do you mean by that!?" Tinuro ako ng matandang manager ni Tofu boy, "Eto talaga!? Your bodyguard!? How can you be so sure that she can protect you from danger!? She's just a mere woman!" Tinapik ko yung daliri nyang nakaturo saken, "Hoy, Anong sabi mo, gurang?" Lumaki yung mga mata nya, "A-anong..." Tinuro naman nya yung sarili nya, "T-tinawag mo ba talaga akong gurang?" "Oo, baket? May angal ka?" Nginisihan ko sya, "GU-RANG?" "Ikaw talagang...!" "A-ah t-tatang! W-wag!" Eren stopped him before that old hag could hit me, I didn't even move an inch, pinasok ko lang yung mga kamay ko sa bulsa ko, kala nya natatakot ako sa pambabatok nya? Kaltukan ko pa ngala-ngala nya eh. Kitang-kita ko kung paano mamula yung mukha nya sa inis. Well, ano pa bang bago? Anim na taon ko na ding kaaway tong gurang na toh eh. Manager sya ni Eren pero daig pa nanay nya kung makasermon kala mo nagra-rap. Nagkasalubong kasi kami matapos namin lumabas sa fire exit dahil marami daw fans na nagkakagulo sa mismong main entrance kaya doon kami dumaan. Madami din talagang literal na bodyguards na nakapalibot sa building. Ayon, ayos naman kung hindi lang talaga lumitaw tong matandang toh at nagsimulang pumutak. "Tatang, hayaan nyo na. Wala kasing masyadong ginagawa si JR since she's been out of her duty as a soldier kaya pumayag na din ako para may pagka-abalahan sya." "She's just a woman! Women are weak, vulnerable and fragile, how can she protect you!?" I scoffed, "Just a woman, huh." Pinag-ekis ko yung mga braso ko sa ilalim ng dibdib ko. Aba't talaga namang lintek sa pang-iinsulto tong gurang na toh, kaya talagang hindi nakakapagtaka na wala pa rin syang asawa eh, sinong tatagal sa ganitong klaseng lalake? "You shouldn't look down on women, they are strong, tough and unbreakable and no, she's not just a woman, Tatang. She IS a woman." My body froze and my head automatically turned to face him whose standing beside me. Seryosong-seryosong mukha nya habang nakatitig sa manager nya. Whoa, he's really a feminist. Trying to empower women. Hmn... Sabagay, he's supporting both genders nga pala so it's not just feminity that he's empowering but also masculinity. Ngumisi ako, nice. Wala ng mas ha-hardcore sa lalaking toh pagdating sa pagiging advocate ng gender equality rights or whatsoever na sinusuportahan nya. Tinitigan din sya nung gurang bago masama ang tingin na nilingon ako na para bang napakalaki ng kasalanan ko, so I just smiled at him, yung ngiting nakakakagago para lalo syang mabwiset. Haha. "You!" Duro nanaman nya saken, "I don't really trust you but for the sake of Eren I'll accept you as his personal bodyguard! Hmph!" Sinadya pa nyang banggain yung balikat ko at hindi nakaligtas sa pandinig ko yung binulong nya bago nya kong tuluyang nilagpasan. "If you ever hurt my child I swear, I'll take him away from you as far as I can." Di ko tuloy napigilang hindi sya lingunin nang may pagtataka. Anong pinagsasabi non? Hurt who? Si Eren? Sasaktan ko? Psh. What the hell is he freakin saying? Sira ulo amp. Bat ko naman sasaktan tong tukmol na toh? Eh baka nga umiyak agad toh pag kinaltukan ko balun-balunan neto eh. I shook my head as I look at Eren, only to see his twinkling eyes while eyeing me that made scoffed again. Eto pa isang sira ulo, manang-mana sa tatay-tatayan nyang gurang na manager. Masyadong deds na deds saken. Pano ko sasaktan toh? Hindi ako nananakit ng may saltik. "Fafs! Gora na tayis sa van! Malelate ka na sa fan meeting mo! Malayo pa naman don." Tawag ni July. "Okay!" Nginitian nya ko, "Sundan mo nalang yung van namen." Akmang aalis na sya nang pigilan ko sya sa pamamagitan ng paghawak sa pulsuhan nya. I felt him stiffed so I just shrugged. Laging naninigas toh sa kinatatayuan ah, tinitigasan din kaya saken toh? "He's going with me." Anunsyo ko kay July bago hinila tong lalakeng toh patungo sa jeep ko. Binuksan ko yung pinto ng passenger seat para makapasok sya sa loob bago ako umikot para maupo sa driver's seat. Nilagay ko yung seatbelt ko bago ini-start yung makina. "Hoy, mag-seatbelt ka." Utos ko nang makitang nakatanga lang sya saken. "Oh, o-okay." Pinagmasdan ko sya, nanginginig yung kamay nya habang pilit na isinusuksok yung seatbelt pero hindi pumapasok kaya kunot noo akong lumapit sa kanya. "Ako na." Kinuha ko yon at inayos yung pagkakalock. I accidentally inhaled his scent. I smell some sweet candy instead of a manly scent. Tae, bakla ba toh? Mas lalake pa yung pabango ko kaysa sa kanya ah. But even though he smells sweet, I can't stop from inhaling his scent. It's lingering in my nose, kalat yung amoy nya eh and I know that his scent is coming from his neck. It makes me want to bury my face there and inhale more of his fragrant scent. Damn. Babaeng-babae ang amoy. Agad na kong bumalik sa kinauupuan ko bago ko pa man maisipang gawin yung nasa isip ko, the f**k with me? Nagdedeliryo yata ako. Tumikhim ako para mawala ng konti yung kung anong nakabara sa lalamunan ko. "So it's a fan meeting." Panimula ko para hindi naman masyadong tahimik habang nagda-drive ako. Sinusundan ko yung van nina July. "Yep." Medyo may kahinaang sagot nya kaya sinulyapan ko sya. Pinaglalaruan nanaman nya yung mga daliri nya habang nakayuko. Mukhang may iniisip na kung ano, tsk. Ano nanamang problema neto? "May sasabihin ka ba? Kung meron, sabihin mo na ngayon. Tumatahimik ka kapag may tumatakbo dyan sa maliit na utak mo eh." Kita ko kung paano lumaki yung butas ng ilong nya, pikon HAHA. Taeng ilong yan, galit yung butas. Umuusok eh. "Sinong may maliit na utak!?" "Dyahe, tinatanong pa ba yan?" "Ako ba!? Ako ang may maliit na utak!?" "Syempre, sino pa ba?" "Grrr! JR!" "Oh?" "Anong oh!?" Pumalatak ako, "Bakit ba lagi kang nakasigaw? Para kang tandang na tilaok ng tilaok katanghaliang tapat eh." "Ikaw kasi eh..." Biglang hina ng boses nya kaya nginitian ko lang sya. Nag-iwas naman sya ng tingin matapos yun kaya bumuntong hininga ako. Wala talaga kaming matinong pag-uusap. "So ano nga? May sasabihin ka saken eh." Eren went silent for a few seconds kaya pasulyap-sulyap ako sa kanya. Balik nanaman sya sa paglalaro ng mga daliri nya. He looked at me with hesitation written in his face, "Sigurado ka bang gusto mong maging personal bodyguard ko?" Sus. Yun lang pala, kala ko kung ano na, "Oo naman, why not?" "It'll be hard for you to be my bodyguard, I mean may tiwala naman ako sayo, I know that you're fit for this work but why? Don't you have other things to do while you're resting here?" Resting ka dyan, I'm not resting, I'm working my ass off and this work is connected on your entertainment industry---pero syempre di ko sinabi yun! "Wala akong mapaglibangan. Isang buwan pa bago ako makabalik sa serbisyo dahil sa suspensyon saken. Tsaka isa pa, curious ako sa ginagawa mo bilang artista kaya ako nagpresintang maging bodyguard mo." Pagsisinungaling ko. "Ganon?" "Yeah." I took a glance on him, "Why? Ayaw mo ba?" "Hindi ah, gusto ko syempre---I m-mean... curious l-lang din kasi ako." Sabay dausdos pababa ng konti sa kinauupuan nya habang nakasandal. Umarko yung kilay ko nang takpan nya yung mukha nya ng mga palad nya. Tsk tsk. Nagpupulahan nanaman yung tuktok ng tenga nya kaya umiling ako. Binuksan ko nalang yung radyo bago inabot mula sa isang compartment yung isang balot ng lollipop at ibinato sa kanya na ikinagulat naman nya. "A-ano toh?" Sipat nya don. "Lollipop." Tumalim nanaman yung tingin nya saken, hehehe pikon ampupu. "Alam kong lollipop toh!" "Oh alam mo naman pala eh, nagtatanong ka pa? Tanga-tangahan ka nanaman." Pasinghal nyang tinitigan yung plastic, "Eh ano ba kasing gagawin ko dito?" "Pagpraktisan mo kung pano sumipsip habang nasa byahe para di ka mabato dyan." "Tokwa ka, bat ko naman gagawin yun? Ang weird mo." Taka nyang tanong habang binubuksan yung supot ng lollipop. "Sipsipin mo yan, imaginine mong dila ko yan." Unti-unting umangat yung sulok ng labi ko, "Para sa susunod na dumampi tong labi ko sayo, alam mo na kung anong gagawin mo." He stopped aand look at me in disbelief, "S-sira ulo ka ah!" I shrugged, "What? I'm just helping you to learn how to french kiss faster." "JHAYREIN!" He yelled as his face turned red out of embarrassment and eyes also widening because of shock. And again, just like earlier, natigilan ako habang namamanghang sinulyapan sya ng tingin. Ang weird, iba yung impact kapag tinatawag nya ko sa first name ko. Para talagang kinikiliti yung tyan ko...o baka natatae lang talaga ako? Dyahe. Bat kasi ganon? Iba yung dating kapag tinatawag nya kong Jhayrein. Fuck. This is getting weird. Unang araw palang na kasama nya ko sa trabaho pero kung ano-ano ng kababalaghan yung nangyayare saken. And what the hell did I say? Does it mean may balak akong halikan sya ulit? Stupid, sabi ko kanina hindi na dapat maulit pero ano nanaman toh JR? "Sige na. Kumuha ka nalang ng isa, pampalipas oras mo." Sabi ko nalang. s**t. Mag-fo-focus nalang ako sa trabaho ko. Napilitan naman syang sumunod. Nakanguso syang kumuha ng isa para balatan bago agad na isinubo, kulay pink pa talaga ah. Nakakatawa talaga, namumula pa din yung mukha nya hanggang ngayon, lalo na yung tuktok ng tenga nya, pulang-pula eh. Parang batang malapit ng umiyak eh. Nagtaka ako nang kumuha sya ng isa pa, binalatan din gaya ng nauna at tsaka inumang sa bibig ko. Kulay red naman yon. "Oh." Umarko yung isang kilay ko, "Ano toh?" "Lollipop." Gaya-gaya amputa. "Alam ko tanga." Ngumiwi ako, "Bat inaabot mo saken? Wag mong sabihin ako pa sisipsip nyan para sayo? Kingina, ang tamad mo naman." Pinigilan kong matawa nang makita kung paano manlaki yung mga mata nya. Kabaklaan. "Hindi ganon yon! Kahit kelan talaga napaka-ewan mo!" "Oh eh bakit galit ka nanaman? Konting ano lang nagagalit ka." Gigil na gigil sya oh, "Eh ikaw kasi! Ang ayos-ayos ng pag-uusap natin kung ano-anong pinapasok mo!" "Anong pinasok ko sayo? Wala naman akong maipapasok sayo ah." I grinned at him, "Ah, anong klaseng pasok ba kasi ang gusto mong mangyare, babe?" "AAAAAH!" Sigaw nya habang nasa tenga ang mga palad, "Ayoko na! Tokwa ka! Wag ka nalang magsalita! Ayoko ng makinig sayo! Tokwaaaa!" Doon na ko tuluyang humagalpak ng tawa. Para nanamang tanga eh. Ewan ko ba dito, nakaka-entertain talagang asarin tong lalaking toh. Neto ko lang sya tinawag na babe, malay ko bang maaasar sya ng ganito? Kung alam ko lang edi sana matagal ko ng ginawa. Ang dami nyang pinagbubulong habang nakatakip pa rin yung mga palad sa tenga, buti nga't hawak nya yung isang lollipop at himala talagang hindi nahuhulog yung nasa bibig nya, puro reklamo lahat, kesyo napaka-ganito ganyan ko daw. Bumubukol sa pisngi nya yung subo-subo nyang lollipop kaya napangiti ako, he's fuckin cute. Papasa ng chihuahuang nakalunok ng pingpong ball. Natahimik lang sya nang hilahin ko yung lollipop na subo-subo nya tsaka ipinasok sa bibig ko. The sweet taste of the candy immediately bursted on my tongue right after putting it inside my mouth. Hmn... Strawberry. Tastes great. "A-akin yun eh... May laway ko na yun eh..." He uttered in a childish tone with a hint of disbelief. Ramdam kong nakatitig sya saken, hindi ko naman inalis yung atensyon ko sa daan. "Mine." Simpleng sagot ko. Hindi naman na sya umimik pero nanatiling namumula yung mukha nya. Yung hawak nalang nyang red lollipop yung sinubo nya bago muling dumausdos sa kinauupuan, he crossed his arms on his chest like a kid having a tantrums. I shrugged. Cute. *** "EREN! EREN! EREN!" "Hi, it's been two hours already and fifteen minutes before break, I hope that you can wait for me to finish the first ones. Thank you." "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" Sumama yung mukha ko matapos ng malakas na tilian na yon. f**k, nag-hi lang at konting message tae kung makatili tong mga toh parang ginagahasa na? Damn. Ang sakit sa tenga. Nakakairita din yung flash ng mga camera, puta picture ng picture eh iisa lang naman ang mukha netong si Tofu boy. Binaba nya yung mic saka muling bumalik sa pagpipirma ng nga bagay-bagay na inaabot sa kanya ng mga nakapila nyang fans. Medyo naiinip na ko kasi syempre wala naman dito yung mga taong dapat kong imbestigahan pero wala eh, I need to go with the flow. Alam ko naman na yung schedule nya para bukas kaya alam ko na din kung sino ang sunod kong oobserbahan, may guesting sya sa isang variety show at yung host doon ang isa sa mga pinaghihinalaang sindikatong hinahanap ko kaya sasama ako bukas syempre. Ngumiwi ako. Ang dami nyang regalong natatanggap, tae, ano toh, alay? Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng kilay habang nakahalukipkip na pinagmamasdan sya sa tabi. Iba talaga ang personalidad nya sa harap ng ibang tao. A thousand of girls are admiring him but unfortunately, he married me. Hmn... Malas nya. He looks like a womanizer in public, smirking and grinning at girls, wearing manly clothes and doing masculine gestures. Kamusta naman kapag nasa unit na? Kingina, halos lahat ng damit na sinusuot nya sa loob ng unit nya kulay pink, parang babaeng paikot-ikot sa loob kakagawa ng gawaing bahay, mas madalas pang ngumuso at magmaktol. I sighed while looking at him, I'm standing beside him. Bilin ni July na wag syang iiwanan mag-isa kahit na madaming bodyguards sa paligid, sabi nya may nakakalusot daw minsan na mga baliw na fans o di kaya nama'y mga haters. Hindi talaga ako ang dapat na nandito kundi ang head ng security nya pero dahil ako na ngayon ang personal bodyguard nya ay ako na ang pinapwesto ni July sa tabi nya ans f**k, two hours na din akong nakatayo, tae sa dami ng fans tong hayup na toh punong-puno yung arena, mukhang aabutin ng gabi toh. Sa tingin ko nasa lagpas isang daan tong mga toh, bale lagpas isang daan din yung pumupukol ng masamang tingin saken minus yung mga lalaking fans na curious ang uri ng titig nila. Taena, iniisip yata nilang nilalandi ko tong hinayupak na toh. Well, sorry sila, kahit di ko landiin eh asawa ko naman toh HAHAHAHA. Isang malaking pakyu sa kanila, napikot ko yung idol nila. "Next." Napatingin ako sa sunod na fan na humarap sa kanya at umangat yung pareho kong kilay nang makitang halos kasing edad lang namin yon and it's not a girl. It's a guy. A chubby guy, definitely a year older than ours mga nasa 30's but he's cute. Amputi-puti at singkit na singkit, damn, may nakikita pa ba toh? His eyes are so chinky na akala mo nakapikit. "H-hi..." He greeted while scratching his nape, bakas ang hiya. "Hello." Eren smiled before taking the guy's things, it's an album, a poster and a notebook then he started signing those with a marker. Album, huh? So hindi lang talaga sya basta artista, singer din sya. He really is a superstar. "What's your name?" "D-daryll..." "Cool name! How are you, Daryll?" Bahagya syang yumuko, "I'm f-fine..." "Well, that's good to hear." Eren flashed a bright smile, "I hope you're having a good day today, maganda yung panahon ngayon so cheer up, no need to hide your face or what. By the way I love your fashion sense, bagay sayo yung polo mo." I whistled. Wow, ang lambing naman sa fans. Magaling makipag-usap sa ibang tao, he knows how to make a conversation so well pero bakit pag ako kausap nya para syang natatanga? Dyahe. Hindi kaya bakla talaga tong si Eren? Or paminta? I grimaced. f**k, nakapangasawa ako ng paminta, ganon? Buo? As in buong paminta? Hindi pino, hindi durog? Kingina. "Uhm... Thanks." Kinuha nya ang album at poster pero yung notebook ay ibinalik nya, "P-pwede bang humingi ng pabor?" Nag-angat ng tingin si Eren, "Sure! What is it?" "Ah... P-pwedeng pakisulatan ng motivational message yung notebook ko?" He bit his lip out of embarrassment, "C-can you write something there s-so I could lose weight too?" "Huh? P-pero bakit?" Oo nga, bakit? HAHAHA. Eme. Hindi naman kasi sya matabang bilog, malaman lang sya tsaka hindi naman sya punggok, malaking tao sya. "I'm fat and I want to lose some weight." "But you're not fat. Chubby ka lang talaga." Lalong yumuko yung lalake habang kinakamot pa rin yung pisngi. Hmn. Wag mong sabihing magda-drama sya? Tsk. "I've read your autobiography book. N-nakarelate ako doon ng sobra." My body got stiffed for a second, what the f**k? He has a book? May sarili syang libro!? and say what? Nakarelate!? Nagugulat ko syang nilingon. Does he mean na mataba si Eren noon!? "I've been bullied since I was a kid for having a fat body and people are always body shaming me, telling me to lose weight just like you. I don't have any motivation so... c-can you give me some motivational message? I badly need it." My mouth formed an 'O'after hearing those. Maya-maya ay binaha na ng kung ano-anong question yung utak ko, tangina, mataba sya noon!? Seryoso!? B-bakit... bakit di ko alam!? Nilingon ko tong Tofu boy na toh nang manahimik sya. Nagsimula syang magsulat don sa notebook, sinubukan kong silipin pero nakaharang yung ulo nya. Maya-maya ay sinara nya iyon tsaka nakangiting ibinalik sa lalake. Taeng ngiti yan, nagkikinangan yung mga ngipin. "Gusto kong basahin mo yang nakasulat dyan kapag desidido ka na. Sa ngayon ay umuwi ka muna at pag-isipan ng mabuti pero kahit ano pang maging desisyon mo eh susuportahan kita." Kahit naguguluhan ay ngumiti nalang yung chubby guy bago tumango, nagpasalamat sya at naglakad paalis kaya sinundan ko yon ng tingin. Somehow, I can imagine Eren being a fatty like him. Having an oh so chubby red cheeks, fluffy arms, thighs and torso. I can also imagine how soft he is if I could hug him so tight. So fluffy. Naiimagine ko kung pano sya ngumuso kung sakaling chubby din sya at putangina, ang cute nya sa imahinasyon. I bit my lip, sarap sigurong kagatin. "JR?" "Oh?" Lingon ko, naputol yung imagination ko dyahe. Nagtatayuan yung ibang tao. Mukhang inannounce na nya yung break. Nakatingala sya saken, may nababasa akong kung ano mula sa mga mata nya pero di ko matukoy kung ano eh. Bumaba yung tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa laylayan ng polo ko na agad naman nyang tinanggal. "Nangangawit na ba yung mga binti mo? Kanina ka pa nakatayo dyan." "Ayos lang ako---" Hindi ko natapos yung sasabihin nang tumayo sya. Sinundan ko sya ng tingin, kumuha lang pala sya ng extrang upuan mula sa bandang likuran nya bago ibinigay saken. "Upo ka muna. Baka manakit yung mga binti mo." Tinapik-tapik nya yung upuan. Uupo na sana ako nang marinig ko yung pagtunog ng tyan nya. Hahagalpak sana ako ng tawa nang maalala kong marami palang nakakakita, tae ang epic ng mukha nya. Namula yung buong mukha nya habang nanlalaki ang matang nakatingin saken. "Gutom ka na ano?" Nag-iwas sya ng tingin, "H-hindi ah." Ngumisi ako, "Gutom ka na nga." "A-ano ba! Ano naman kung gutom ako!?" Hindi naman ako sumagot at tinitigan lang sya, ang gago, hindi man lang naalalang maraming tao ang nakakakita. Nakalimutan yatang maraming tao ngayon dito amputa. Tumahimik yung mga fans nya habang nakatingin sa kanya, nagulat siguro kasi nagmamaktol yung idol nila. *TING* Tangina may naisip akong bigla. Bumuntong hininga nalang ako bago hinagilap ng tingin kung nasaan si July. Hindi naman ako nahirapang hanapin sya dahil nasa gilid lang naman sya, sinenyasan ko syang lumapit kaya agad naman syang sumunod. "Bakeeeet commanderrr?" "Tabihan mo tong lalakeng toh." Tinuro ko yung upuan sa tabi ni Eren. "Ay? Why naman?" July asked kaya hinawakan ko yung magkabilang balikat nya tsaka ko sya sapilitang iniupo doon. "Bantayan mo saglet, lalabas lang ako." Paalis na sana ako nang maramdaman ko yung paghawak nya sa palad ko kaya agad akong napalingon sa kanya, nakatitig sya saken. "S-saan ka?" Kumurap-kurap sya, "Uuwi ka na?" "Tss. Sira." Umiling ako tsaka ngumisi at binitawan ang kamay nya, "Bibili ako ng meryenda mo." I saw how his eyes glisten in bliss kaya napailing nalang ako ulit. (☆▽☆) - His face went like that. "Uhm... Okay." Ngumiti sya, "P-pero wag ng sweets at salty foods kasi kaka-work out ko lang kahapon. B-baka manaba na ko." Ah kaya pala nag-lollipop sya. "Here commanderrr, heto ang diet plan ni Eren sa loob ng isang buwan." Inabot ni July ang isang papel, "Sabi nya nag-cheat day na sya ngayong week so bawal na ulit ang kahit anong matamis at maalat." "Okay." Ipinasok ko yung magkabilang kamay ko sa bulsa ko tsaka naglakad palabas. Pagkalabas na pagkalabas ko mula sa pinto ay agad kong nilabas yung cellphone ko at idinial yung numero ng bestfriend ni Vero. "What the f**k do you want, Hererra?" "Gonzales." Pagtatama ko sa binungad nyang yon. "Ah, oo nga pala, you're married already." He scoffed, "So what the f**k do you want, Gonzales?" "I need four bucket full of french fries, two gallons of icecream, and four orders of your double cheeseburgers. Ihatid mo dito sa arena." I heard some bumping sounds on the other line, parang nahulog sa sahig. "Ouch, my back." So nahulog nga sya sa sahig, "Anong problema mo? Buntis ka din ba? Is it one of your cravings too?" "Theo gago ka ba?" Ako? Mabubuntis? Kingina. "Ang dami mong order! That's one of Vero's cravings! You know what? Five months akong naging supplier nya ng fatty foods bago ako pinahinto ni Seph dahil nananaba na sya---and now you! Tell me! Did you two have s*x already!?" Wala pa nga!? Excited!? "Ah, gago ka nga." Hinilot ko yung noo ko, "Ang dami mong dada! Ihatid mo nalang yung order ko dahil si Eren naman ang kakain nyan!" "WHAT!? SI EREN ANG BUNTIS---" Pinatay ko na yung tawag. Siraulo amp. Di talaga matinong kausap yung taong yon. Tinitigan ko yung diet plan ni Eren tsaka napangisi, tumatakbo na sa utak ko yung itsura nya pag nanaba sya. f**k, I can't wait to pinch his chubby cheeks. "Cheat day? Bibigyan kita ng cheat week, Tofu boy." Tumawa-tawa ako bago sunod na idinial yung numero ni Charlotte. "Tangina, ano nanaman? Sino nanamang basher ni Eren ang kikidnappin natin? "Isa ka pang gago," Ngumiwi ako, "May ipapabili sana ako sayo, daanan ko dyan sa bar mo mamayang gabi." "Tsk. Sya-sya, sabihin mo na kung ano, bilisan mo at may gagawin pa ko." (Eren's POV) "Ang tagal naman nya." Sinubukan kong silipin yung pinaglakaran nya kanina kaso hindi ko naman makita dahil nakaharang yung mga bodyguards. Bat kaya sya natagalan? Hindi kaya kumain na din sya habang bumibili ng kakainin ko? Nagutom na din siguro sya kaya medyo natatagalan sya, sana kumain na sya doon. Aabutin pa kasi kami dito ng gabi panigurado dahil sa dami ng tao. Sumandal nalang ako sa kinauupuan ko tsaka humalumbaba sa mesa, nginingitian ko nalang yung mga fans kong nakatingin saken. *Stomach growling* (o.o)!!! (>.///<)!!! "Hoy, dahan-dahan, matutumba ka sa ginagawa mo eh." Tumingin ako sa taong nasa likuran ko. Nakatayo sya doon habang nakangisi, sya pala yung umalalay sa likod ko pero sya din yung dahilan kung bakit ako nagulat! "Ano ba kasi bat ka nanggugulat?" Binaba ko yung mic tsaka sumimangot, "Ano ba yung dinikit mo sa pisngi ko?" "Eto?" Itinaas nya yung plastic na hawak nya at yung pamilyar na maliit na timba, "Icecream yon. Heto fries, may burger din dyan." Halos tumulo yung laway ko sa pagtutubig ng mga bagang ko pagkalapag nya non sa harap ko. Dalawang gallon ng icecream yun na strawberry flavor tapos dalawang bucket full of fries na may tag-isang double cheeseburger. (*⌓*) Ang mga paborito kooooo---ang kaso lang... I cleared my throat and looked at her. "Tapos na cheat day ko..." Imbes na sumagot ay humatak sya ng bangko patungo sa gitna namin ni July at tumabi sa akin. Dumekwatro sya ng parang lalake habang binubuksan yung plastic ng burger. "JR, tapos na cheat day ko." "Alam ko." Inabot nya saken yon pero nag-aalangan kong tinanggap yon. "Alam mo naman pala. Kasasabi ko lang kanina eh, dapat salad nalang binili mo." She scoffed and shook her head, "Bakit kita pakakainin ng damo? Hindi ka mabubusog don." Sabay subo ng maraming fries sa bibig. "Pero..." Tinitigan ko yun, nakakatakam kaso, "...tataba ako..." Nagulat ako ng kurutin nya bigla yung pisngi ko. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko habang nag-iinit yung bawat sulok ng mukha ko. She's staring directly at my eyes. Para akong nabingi sandali dahil wala na akong marinig na kahit ano mula sa paligid. Bumibilis nanaman yung t***k ng puso ko. Tokwa... "De baleng manaba ka, ang mahalaga busog ka." Tinulak nya yung gallon ng icecream pati yung french fries, "Tara, sabay tayong tataba, Tofu boy." Sabay subo ng fries sa bibig kong bahagyang naka-awang. Kumurap-kurap ako at napatitig sa kanya. Ingatan ang sarili para hindi ma-fall ng mas hard, okay?! Masakit mahulog ng walang sumasalo. Ingatan ang sarili para hindi ma-fall ng mas hard, okay?! Masakit mahulog ng walang sumasalo. Ingatan ang sarili para hindi ma-fall ng mas hard, okay?! Masakit mahulog ng walang sumasalo. Ingatan ang sarili para hindi ma-fall ng mas hard, okay?! Masakit mahulog ng walang sumasalo. Ingatan ang sarili para hindi ma-fall ng mas hard, okay?! Masakit mahulog ng walang sumasalo. Masakit mahulog ng walang sumasalo. Hinawakan ko yung parte ng dibdib ko kung nasan yung puso kong tumitibok ng napakabilis. *GULP* Tokwa. Mukhang kailangan kong mag-ingat. (Third Person's POV) "Hey." Bati ni JR kay Charlotte matapos umupo sa mataas na stool. Tinaasan lang sya ng kilay ni Charlotte habang nagpupunas ng baso. Nasa loob sya ng bar counter kung saan nakadisplay sa likuran nya ang mataas at mahabang shelf ng iba't ibang klase ng alak. Pumapailanlang yung malakas na tugtog sa loob at ilang hiyawan ng mga taong nag-sasayaw sa halos bawat sulok ng lugar, may iba naman na kung ano-ano ng kababalaghan ang ginagawa pero may iba na talagang nagsasaya lang. "Beer nga." Charlotte grimaced, "Bakit ganyan yang mukha mo?" Sabay kuha ng bote ng beer at binuksan bago iniabot sa kanya. "Bakit? Ano bang itsura ko?" Takang tanong nya. "Panget, as usual." Charlotte shrugged. Tinapunan naman sya neto ng matalim na tingin. "Gago. Ano nga?" Anya bago tinungga yung laman ng bote. "Mukha kang nakipag-s*x---PUTANGINA KA TALAGA!" Paanong hindi sya magmumura? Binugahan lang naman sya ng beer ni JR dala ng sobrang gulat. Nakahakot tuloy yon ng iilang atensyon mula sa mga customers pero agad din namang nagsibalikan sa kanya-kanyang ginagawa. "Arggh! Tissue! Tissue! Lumabas sa ilong ko yung beer, taena!" Utos ni JR habang hawak ang ilong. Binato naman sya ng kung anong tela ni Charlotte kaya pinunas nya agad yun sa mukha nya kaso mabilis nya ding tinapon palayo. Nasinghot nya lahat ng nang-ga-gangster na amoy galing dun sa tela eh. "Kingina ka! Bakit ganon yung amoy!? Ambaho!" "Basahan sa counter yon, baket!? May angal ka!?" "Grrr! Hayup ka talaga!" Gigil nyang anya bago hinubad ang polong suot, leaving her wearing a spaghetto strapped sando only. Pinunas nya yon sa mukha nya. "Dugyot ka namang gago ka!" Hinubad naman ni Charlotte ang suot na apron at yun ang pinunas sa sariling mukha. "Ginulat mo kasi ako!" "Pakyu ka, anong kagulat-gulat don!? Eh totoo namang ganon ang tingin ko sa mukha mo dahil ganon ang itsura mo kada lalabas ka ng VIP room kasama mga babae mo!" "Bat di mo nalang sinabing mukha akong pagod!?" "Ganon din kasi yon!" Binato nya ang apron sa counter, "Nakakapanggigil ka! Anong tingin mo sa mukha ko? Sahig!? Lagi nalang ganito, Jhayrein!" Natigilan si JR at mariing tumitig kay Charlotte na naiinis pa ding nagpupunas ng sarili. "Ano nanaman!?" Maangas na singhal ni Charlotte nang makitang nakatitig sya sa kanya. She blink a lot first before tilting her head, "You called me in my first name..." She even pointed herself. "Eh ano ngayon?" Charlotte asked while givin her a deadpan look. "Tawagin mo nga ulit ako." Her friend frowned, "Bakit ba?" "Basta." "Jhayrein." Napipilitan nitong tawag sa kanya, nakasimangot pa din, "Jhayrein Arriane. Oh, ano na?" JR scratched her nape. Confusion is written on her face kaya maski si Charlotte ay naconfused na din sa inaasal nya. "That's strange. Bakit kapag iba ang tumatawag saken ng Jhayrein nawawala ang amusement saken? Pero kapag si Eren..." Her lips pursed, "Weird." Natatawa nalang na umiling si Charlotte, "Alam mo? Anim na taon ka ng bobo." She gave her a piercing glares, "Anong pinagsasasabi mo dyan?" "Wala." Charlotte whistled, may kinuha syang isang di kabigatang malaking box mula sa ilalim at ipinatong sa counter sa gilid ni JR, tinapik-tapik nya iyon, "Heto na yung mga pinabibili mo, nandyan sa loob yung resibo kaya ipasok mo nalang sa bank account ko yung bayad mo." "f**k yeah." Sagot nalang nya tsaka inumpisahang kalkalin yung laman, "Wow. This many?" Manghang anya. "Oo, kasama dyan yung mga pelikula nya bago mo pa sya makilala. From oldest to latest pwera syempre sa ginagawa nyang pelikula ngayon. Ganon din yung magazines na ang asawa mo ang cover. Yung sa mga album naman nya eh kumpleto yung volumes na nandyan, nagpatulong pa ko kay Morgan maghanap ng mabibilhan nyan." "Nice." Binuhat na nya yung kahon ng walang kahirap-hirap, "Sa VIP lang ako." "Tatawag na ba ako ng kalaro mo?" Tukoy neto sa mga babaeng madalas netong isama sa loob ng VIP room. "Wag na, pagkain nalang. Magpapahinga lang ako don habang nanonood netong mga toh." Sagot nya na ikinabato ni Charlotte. Pinanood sya neto hanggang sa mawala na sya sa paningin ni Charlotte. Nagmamadali nyang kinuha ang phone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan nila. "What!? What the f**k is it, b***h!? Can't you see we're having s*x here and you fuckin disturb us---Vero, hindi mo na kailangan pang sabihin yon---No! She need to know it since this b***h is disturbing our kinky time!" She face palmed after hearing her friend's unfiltered mouth while of course, talking to it's boyfriend. "What now!? Talk! You b***h!" "Veronica, code red." "..." "Si JR, tumanggi sa babae." "Gather our squad tommorow. Meeting at my unit, 7:30 am." Sabay patay sa tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD