Chapter 5

3982 Words
Chapter 5 (Eren's POV) "Layuan mo na ko!" She said before pushing me with all her strength. Anger is visible in her eyes as she shot me with her fiery glares. I can feel her rage just by starin at her beautiful eyes. "Arriane..." Sunod-sunod akong umiling bago sya mariing tinitigan, "Please... Listen to me, okay? Nasa panganib ang buhay mo kaya kailangan lagi tayong magkasama." She frowned, "Are you kidding me?" Pagak syang tumawa, bakas ang pagiging sarkastiko sa tono non, "Ikaw ang dahilan kung bakit ako hinahabol ng mga sindikatong yon! Nasa panganib ang buhay ko dahil lagi tayong magkasama kaya pwede ba!? Leave me alone!" Parang dinudurog yung puso ko nang magsimula na syang maglakad palayo saken kaya imbes na tumayo lang at panoorin sya ay agad ko syang hinabol. She shrieked out of shocked right after I wrapped one of my arm on her waist and my other hand cupped her face then I did the right thing to do. I kissed her. She tried to resist but I held her jaw tighter and deepen the kiss. Seconds later she's responding to my kiss making me enter my tongue inside her steamy hot mouth. I can see her beautiful face on my mind while kissing me, sending a few amount of voltage on my spine. I can picture her, wearing only my boxer shorts and an oversized shirt, her hair is tied in braid as usual, sitting on my lap and her arms are on my nape while feelig the heat coming from each others body. As we share this deep and rough kiss a warm feeling is building up inside my body as if something wants to get out. "JR..." I whispered while savoring the kiss that we're sharing. My grip on her waist tighten because of the unusual sensation that fills my mind, wala tuloy sa sariling nakagat ko yung ibabang labi nya na naging dahilan ng mahina nyang pag-ungol This heat is sinful. It makes me want to claim her whether she likes it or not. I'm wanting her. "EREN!" That made my eyes open and stared at the woman in front of me whose blushing. Nagising yung diwa ko nang marinig yung tawanan at hiyawan ng mga staffs na nandoon at nakakita ng eksena. Nanlaki yung mga mata ko bago napa-atras sa gulat, ramdam ko yung pamumula ng buong mukha ko. Tokwa! "Eren! Ano ka ba naman!?" Sigaw ng direktor kahit nakalapit na sya sa tapat namen, nakapameywang ito habang ngi-ngisi-ngising nakatitig saken, "Maganda yung kissing scene nyo, perfect! Pero kapag sinabi ng cut, hinto na agad!" Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang isang palad, "S-sorry direk!" Hingi ko ng tawad, tokwaaaaa! Anong ginawa ko!? Hindi ko narinig yung salitang 'cut'! Nakakahiya!!! *BLUSH* A-akala ko si JR! M-masyado ko syang iniisip n-netong mga nakaraan kaya ngayon nawawala ako sa focus! I even mentioned her name! Shemayyy! "Ayos lang yan, maganda naman yung pinakita nyo sa eksena. Both of you did a great job!" Tinapik-tapik nya yung balikat ko kaya nagpasalamat ako, inanunsyo nyang tapos na ang taping sa araw na toh kaya nagsimula ng magligpitan ng mga props ang mga staffs. Kahit nagsisimula na silang magsiligpit ay panay pa rin yung kantyaw nila samen, lalo na sakin kaya nginitian ko nalang sila. Huhuhu. Agad kong nilingon yung leading lady ko na si Yvette na gumaganap bilang Arriane sa pelikula namin. She's still blushing and so am I, malamang ay di nya din inaasahan ang nangyari, maski naman ako noh! Dyahe. Nakakahiya talaga! Kasalanan toh ni JR eh! I composed myself and bit my lip before plastering a shy smile on my face, "I'm sorry. I didn't intend to do that, I... I was just carried away..." Naiilang syang nag-iwas ng tingin tsaka nahihiya ding ngumiti, "It's okay." Ngayon ko lang napansin yung malalim nyang dimple sa magkabilang pisngi, ang cute naman pala talaga nya. Kaya siguro ang dami nyang fans na nasa labas kanina bago magsimula yung taping. Maliit lang si Yvette, hanggang balikat ko lang yung height nya pero ang hindi sya mukhang punggok, bagay sa kanya yung bangs at wavy nyang buhok, mukha syang manika eh. Sa totoo lang eh malayong-malayo yung ugali nya sa character na pino-portray nya. Nginitian ko sya, ang cute nya eh. Pulang-pula yung mukha nya. May sasabihin pa sana sya nang tawagin na sya ng manager nya, tumalikod naman na din ako para magtungo sa sarili kong kwarto kung saan sinalubong ako ni July sa hallway habang nagkikikislot na parang bulate. Napakamot nalang ako sa ulo ko bago napabutong hininga. Huhuhu grabeng kahihiyan yon. Siguradong natakot na din sya saken tulad ng ibang babae dyan. "Oh my goooosh! Grabeng kissing scene yon fafa Eren, ang intense!" Salubong saken ni July habang naka-angkla sa braso ko, hindi naman halatang kinikilig sya ano? "Nakakahiya July," Bulong ko sa kanya habang nagsisimula ng mamula ulit yung mukha ko, "N-nadala ako masyado, k-kinagat ko yung labi nya." "Gaga! Alam ko noh!" Gulat ko syang nilingon, "A-alam mo?" "Alam naming lahat ng nandito." "W-what!?" Takip ko sa bibig ko, tokwaaaa! Nakita nila kung pano ko kinagat yung labi nya!? Waaaah! "Loka-loka ka papsh! Malamang! Nanonood kaya kaming lahat dito!? And FYI, kinukunan yung eksena nyo right? Kaya kitang-kita namin sa screen sa tabi ni direk kung pano mo kinagat yung lips ni Yvette! Kaloka toh!" Hinampas-hampas nya ko, oo nga pala, nanonood din sila. Huhuhu. "Grabe fafa Eren, no wonder mag-click yang movie nyo. Kaka-imbyerna yung chemistry nyo! Papatok panigurado!" Nilabas nya ang phone at nagtipa kunwari, "At the taping, new couple to ship. Hashtag, kilig to the maximum level sagad sa muscles papasok sa bones, hashtag Eren, hashtag Yvette, hashtag YvEn." "Even?" "Nope, YvEn as in, capital Y, small v, capital E, small e." Kumunot yug noo ko. "YvEn?" "Yap yap!" "What's that?" "Ship name nyo," Bored nyang sagot habang pagtitipa pa rin sa phone nya, "Yvette plus Eren fafs!" Inilingan ko nalang sya bago kami tuluyang pumasok sa kwartong inupahan ng team namin kung saan nagsisilbi iyong dressing room ko. Sa isang studio lang kasi yung setting ng eksena ngayon para sa CGI effects, may pagka-scifi kasi tong new film namin. Marami-rami ang bantay na guards mula sa labas hanggang dito sa loob kaya imposibleng hindi sya harangin ng guards. Wala si Tatang doon sa loob, malamang ay nakikipag-usap nanaman sa kung sino sa labas. "OH to the EM to the G!" Ang OA naman ni July. "Bakit?" "It was just seconds since I tweeted it pero look at that!" Lumapit sya saken at pinakita yung nasa phone nya, "Grabe ang impact sa netizens fafs! Ang bilis! Mukhang bet na bet ng fans mo!" Binasa ko yung post nya, picture namin yun na magkausap kanina. Ang dami agad reacts tapos comments, ang dami ding nag-retweet ba yon? Hindi kasi ako gumagamit ng accounts ko eh, si July lahat nagmamanage. ** lang alam kong gamitin eh. Tumango-tango ako bago inumpisahang hubarin yung pang-itaas ko. Kailangan kong magbihis dahil may lakad pa ko. "Nga pala fafs, bat parang lutang ka kanina? Sa sobrang lutang mo ni hindi mo narinig yung sigaw ni direk." Bumuntong hininga ako habang inaalala yung dahilan kung bakit ako lutang. Sa tuwing naaalala ko yun eh para akong ewan na namumula na parang kamatis! Paano ba namang hindi? Yun ang unang beses na hinalikan nya ko! Hindi naman sa nag-iinarte, curious din kasi talaga ako kung paano sya humalik pero ngayong naramdaman ko na eh ayoko ng maulit! Kakaiba yung pakiramdaman na hatid saken ng simpleng halik na yun! Nakakainis! Kiss lang yun eh! Pero bakit nagkaka-erection agad ako!? Huhuhu. "Si JR kasi eh." Umismid ko nang maalala kung bakit ako lutang netong mga nakaraang araw, "Kasalanan toh ni JR." "At paano namang naging kasalanan ko?" Literal akong napatalon pagkarinig noong maangas na boses nya. Doon, nakasandal sya sa likuran ng pinto na ngayo'y padabog nyang isinara. *GULP* Patay. Mukhang kanina pa sya don. "A-anong ginagawa mo dito?" "Hindi mo sinagot yung tanong ko." *GULP* "H-hindi mo din naman sinagot yung tanong ko." "Wag ka ngang tanga. Nauna akong nagtanong, diba?" Kinagat ko yung labi ko para pigilan yung sarili ko na ngumuso. Grabe. Paano ba toh nakapasok dito? Eh bawal ang outsider dito eh. Naka-ekis yung mga kamay nya habang naglakad patungo sa mismong tapat ko, tsaka tinanggal ang shades. She never failed to amuse me in every clothes that she wear, wala lang, ang boyish kasi talaga ng style nya. Baka yun talaga yung sikreto ng kamandag nya kung paano nya nahahatak yung mga chix kahit na babae din sya, kahit sino kasing makakakita sa kanya eh magkaka-girlcrush. Naka-puting spaghetti strap na sando kasi sya tas may pares yun na military green na cargo pants tapos yung paborito nyang heavy boots, nakasukbit sa balikat nya yung isang oversized shortsleeve polo na may disenyong camouflage. Suot nya din yung pinalit nyang dogtag na sa di ko malamang dahilan ay imbes hugis oblong ay hugis bilog iyon, yung lumang dogtag nya ay nasa akin. Yung buhok nya eh nakatirintas pero imbes na sa magkabilang gilid eh mula sa kaliwa patungo sa kanan naman ang style non ngayon, naka-fishtail pa! Sino naman kaya ang inistorbo neto para itali yung buhok nya!? "Hoy, sagot." Sinalubong ko yung titig nyang halos tunawin na ko, tokwa kasi! N-nakaka-intimidate yung tingin nya. Medyo kakaiba. "A-ah..." Lumingon ako kay July para humingi ng tulong pero pekeng ngiti lang ang isinagot nya bago dinampot yung mga damit kong nakahanger na may plastic. Kita mo tong...! Iiwan nya ko! "Andito na pala ang legal wife, hehehe~ Gora na ko sa van natin fafs, sasabihan ko na rin si tatang." Aba't talagang umalis nga! Ang duga! Ngayon naiwan ako dito sa babaeng toh. Tokwa din talaga toh eh, ilang araw na hindi umuwi sa unit ko matapos ng ginawa nya saken tapos ngayon bigla syang susulpot? Wala akong maayos na tulog dahil sa kanya! Laging sumusulpot sa isip ko na parang mushroom yung kiss namen! *BLUSH* K-kasalanan nya talaga toh! "Hoy ano na? Wag ka ng mag-monologue dyan sa utak mo dahil kahit isumpa mo pa ko eh wala namang magbabago, mukha ka lang tangang na-estatwa dyan." Grabe! Sinong mukhang tanga!? Ako!? Salbahe talaga! "S-sobra ka ah!" "Talaga." "Ang sama mo!" Tumaas yung sulok ng labi nya, "Thank you." Ilang beses muna akong lumunok ulit bago kunwaring galit na pinameywangan ko sya habang pilit kong kinunot yung noo ko at sa iba tumingin. Kunwari galit. "Ano na nga? Sabi mo kasalanan ko kung bakit ka lutang." "O-oh!? M-may sinabi ba akong k-kasalanan mo!?" "Oh baket, wala ba?" "W-wala!" "Talaga?" "Oo!" "Oh eh bakit nagagalet ka?" "H-hindi ako galit!" Hindi sya sumagot kaya nilingon ko sya. Ayun, nakahawak nanaman sya sa ibabang labi nya habang nakangisi, parang manghang-mangha saken. Sira ulo toh ah! B-bakit ganyan sya makatingin!? "Ayos ah, paano ka naging sikat na artista kung hindi ka man lang maka-arte ng maayos sa harap ko? Ganyan ba ang hindi galet? Sumisigaw?" Lumaki yung mata ko, anong sinasabi neto!? Iniinsulto nya ba yung acting skills ko!? "H-hoy! H-hindi nga sabi ako galit! T-tsaka hindi ako sumisigaw!" Kumunot yung noo nya, "Ah talaga?" "Oo nga!" "Tsk. Hindi daw sumisigaw amp." "Ano!?" May binulong sya eh, hindi ko lang narinig. Baka mamaya minumura na nya ko! "Wala, sige lang kako." Sumipol-sipol sya na ikinainis ko lalo. Nang-aasar nanaman sya! "I'm serious here!" "Seryoso naman ako ah." Maang-maangan nya habang sinisipat yung kabuuan ko sabay ngisi nanaman, "Grabe, kakaiba ka din naman talaga ano?" "B-bakit!?" Kakaiba yung ngisi nya eh, medyo kinabahan ako. She's creepy. Nginuso nya ko, "Dami mong natututunan sa pag-a-artista ah. Binabalandra mo na yung abs mo saken, baket? Inaakit mo ko ano?" Uminit yung buong mukha ko matapos nyang sabihin yon, napa-igtad pa ko nang sundot-sundutin nya yung bewang ko. Nakanang tokwa! *BLUSH* A-anong pinagsasasabi neto!? Sinong nang-aakit!? Sino!? A-ako!? A-ang kapal naman! "Ang k-kapal naman ng m-mukha mo!" Hinugot ko damit na hinubad ko kanina para ipangtakip sa katawan ko, "L-lumabas ka nga!" "Oh? Pinapalabas mo na agad ako, babe?" (>///<) "A-anong babe!? Babe ka dyan!?" Ang init-init na ng mukha ko! Tokwa naman kasi tong babae toh! Babe-babe-babe!!! Bakit bini-babe-babe nya ko!? Nagtaas-baba yung kilay nya, "Hindi ba sapat yung halik ko nong nakaraang araw---ah, alam ko na." Umakto syang tila may napagtanto, mukhang tanga na ewan na tumango-tango pa. "Ano nanaman!?" "Kaya ka lutang kasi iniisip mo yung halik ko." Lumaki yung butas ng ilong ko bago yung mata dala ng gulat at kahihiyan. Sira ulo! "A-alam mo naman pala eh!" Singhal ko, "B-bakit kasi ginanun mo ko!? H-hindi tuloy ako nakakatulog ng maayos!" "Bakit? Kulang ba?" Napasinghap ako nang maramdaman yung pag-ikot ng mga braso nya sa bewang ko habang bahagyang naka-tingala dahil mas matangkad ako ng konti sa kanya. Sunod-sunod akong napalunok dahil ramdam ko yung init ng palad nyang naka-lapat sa likuran ko. "You want more, babe?" Mahinang bulong nya sa tonong nang-aakit pero tila lalakeng nagtatanong. TOK...WA. Binuka ko yung bibig ko para magsalita pero walang lumabas don na salita kundi puro lunok lang. Nanatili akong nakatitig sa mga mata nya na parang kumikislap sa di malamang dahilan. Tokwa naman tong babaeng toh, pinabibilis yung t***k ng puso ko! Ni hindi ko nga alam kung bakit ganon yung nararamdaman ko eh! Tsaka bakit nya ko tinatawag na b-babe!? Halos mapugto yung paghinga ko sa sunod nyang ginawa. "JR!" Sigaw ko matapos umatras palayo sa kanya habang namumula ng husto ang mukha. Paano ba namang hindi ako sisigaw!? Dinakma nya yung ano ko! Yung nasa ano! Dinakma nya! Tapos sya tawa naman ng tawa sa ginawa nya, sira ulo talagang tokwa! Anong akala nya sa ano ko, public property!? Pwedeng hawak-hawakan!? Nakakainis! "W-why did you t-touch me!?" "Bakit? Bawal ba?" Maangas yung tanong nya, nanghahamon. "Of course! You shouldn't have done that! That's not funny!" Pero imbes na tumigil ay lalo lang lumakas yung tawa nya na para bang sobrang tuwang-tuwa sya sa ginawa nya. "Ang arte ah." Sinamaan ko sya ng tingin nago ako lumapit sa kanya para hawakan sya sa magkabilang balikat at iginiya patungo sa pinto. "Lumabas ka na nga! Magbibihis ako!" "Okay, okay. Kalma ka lang, hindi ka na mabiro---" "Ang pangit ng biro mo!" "Sus. Kunwari ka pa, tinayuan ka nga eh---" "JHAYREIN!" Tawag ko sa first name nya kaya namamangha syang tumingin saken pero pinandilatan ko sya bago ko bahagyang tinulak para maisara ko yung pinto. "Hoy! Hanep ka ah! Tinu-tulak-tulak mo na ko ngayon!? Kingina ka, subukan mong lumabas dyan at makikita mo yung hinahanap mo!" Napapikit nalang ako sa sunod-sunod na katok nya sa pinto. Sumandal ako doon tsaka dumausdos paupo sa sahig, tsaka ko sinapo yung dibdib ko. "Bakit ba ang bilis nanaman ng t***k mo?" Ngumiwi ako, "Hindi kaya may sakit ako sa puso? Ilang taon na toh ah." (JR's POV) Loko talaga tong Tofu boy na toh, sukat ba namang itulak ako palabas!? Tsk. Pasalamat sya at goodmood ako kung hindi tatamaan talaga saken ang isang yon. "Psh. Ano bang problema ng isang yun?" Ipinasok ko sa bulsa ko yung mga kamay ko tsaka sinipa yung pinto nya, "Sira ulo. Parang dinakma lang eh, maka-inarte kala mo naman napisil." Naalala ko yung pagrehistro ng hiya at pamumula ng mukha nya nang ipaalala ko yung halik namin nung nakaraan. Psh. Weak, konting kiss nagkakaganon na sya? Bahhh! That's only a kiss, what if I did more than that? Baka nagkikikisay na sya dyan. "Well, that kiss also bothers me a lot, but why the f**k did I even did that?" Hinawakan ko yung labi ko, until now I can still feel his soft lips unto mine even though it's been days already--- Fuck. Hindi pwede toh, I'm a lesbian. I should think some other things to forget that kiss. It's just a kiss, JR, stop thinking about it, but to think of it, this is the first time that he called me in my first name. He always address me as JR just like everybody does, Eren calling me Jhayrein made something on my tummy. Kingina, parang nagkakarambolang sasakyan yung pakiramdam sa tyan ko, is this what they call butterflies on my stomach? "Gago, baka natatae ka lang." I whispered. Umiling-iling ako bago sumandal sa gilid na pader at tinapik-tapik yung paa ko sa sahig habang gumagala ang paningin ko sa paligid. So sa ganito pala ginagawa yung mga computer effects ng mga action stunts nya, balita ko may halong science fiction yung bagong pelikula nya. Nasilip ko yung kwartong pinagsho-shootingan nila kanina eh, though silip lang talaga dahil may iba akong inasikaso. Wala naman talaga akong balak puntahan sya kung hindi lang talaga kailangan. Bakit ba naman kasi may kinalaman sa showbiz yung taong hinahanap ko? Tsk. Wala talaga akong choice kundi ang dumikit-dikit kay Eren sa tuwing magtatrabaho sya. Ang pinunta ko talaga dito ay yung isa sa mga artista na may cameo role sa pelikula. Kanina ko pa sya inoobserbahan at base sa mga nakita ko ay mukhang hindi sya ang hinahanap ko pero syempre hindi ako papasiguro, baka mamaya ay nagpapanggap lang yan. Ang taong hinahanap ko na nagmula sa London ay kaliwete, pala-yosi, pala-uwi ng babae, 6ft ang tangkad at may tattoo ng tatsulok sa leeg kaso itong taong inoobserbahan ko ay kanang kamay lagi ang gamit, hindi nagyo-yosi, may nobya at nasa 5'7 lang ang tangkad. Wala din syang tattoo tulad ng sabi ng nakatakas na biktima. Pumuslit din ako sa dressing room nya at naghanap ng kahina-hinalang bagay na pwedeng ibedensya na sya nga ang hinahanap ko kaso wala akong nakita. Tsk. Mukhang mahihirapan ako dito. Kailangan ko nga talagang buntutan tong Tofu boy na toh kahit saan pa sya magpunta. "Nakakainis, pano ko ba padadaliin toh? Tsk." Kasalukuyan akong nag-iisip nang malalim nang lumabas na sya sa wakas. Iba na ang suot nya ngayon, naka-simpleng cargo shorts nalang at plain dark green shirt. "Oh bakit sambakol nanaman yang mukha mo?" Puna ko sa mukha nyang nakasimangot na parang bata, imbes na sumagot ay ayun nginiwian lang ako bago nag-umpisang maglakad. Tignan mo lang talaga tong---nako, kung hindi ko lang talaga kailangang dumikit-dikit dito eh kanina ko pa sya hinalik---tinadyakan! Nyeta ah. "Bwiset talaga." Napasabunot nalang ako sa dulo ng nakatirintas kong buhok, "Dapat talaga dinecline ko nalang yung misyon eh." Ilang beses muna akong pumadyak sa sahig bago sya sinundan, "Hoy teka lang!" "Why are you here? Do you need anything from me?" Tanong nya agad nang makalapit ako sa tabi nya kaya medyo natigilan ako, aba-aba. Marunong makiramdam, nase-sense nyang may kailangan ako sa kanya. "Tsk. Masama bang puntahan ka?" "No, it's not that. Nakakapagtaka lang kasi na puntahan mo ko sa oras ng trabaho ko ng wala ka man lang kailangan. Magpapaluto ka noh? Di ka pa yata nagtanghalian eh." Medyo kalmado na, nakakanguso na eh pero ano daw? "Sira ulo mo ah, parang sinasabi mong pagkain lang ang kailangan ko sayo ah." That's a truth tho. Hindi kasi ako ganon kagaling magluto di katulad nya. He's good at cooking. "Eh kasi ikaw eh..." "Tsk! Wag kang mag-alala, kumain na ko!" Unti-unting dumako yung paningin ko sa labi nyang nakanguso. Damn, it's seducing me to kiss those soft lips again. "Oo na, wag ka ng magalit. Ito naman..." Fuck. I licked my lower lip as he bit his own lips, did he put some lipbalm on his lips? It's kinda shining. Pumalatak nalang ako ulit tsaka nag-iwas ng tingin, kabadtrip. Nang-aakit. "So ayaw mong puntahan kita, ganon?" "Uy hindi ah," He said while waving his hand, "Ayos lang naman saken. Nakakapanibago lang talaga." "Edi masanay ka na." "Huh? Bakit naman?" Tinuro ko yung mukha ko, "You'll see this amazing face of your wife everyday, Gonzales." I smirked, "I'll accompany you in everywhere you go." Doon sya huminto at nakangangang tumitig saken kaya nahinto din ako, he's covering half of his face by the use of his hand. Baliw. "I-ikaw?" Tinuro nya ko, "S-sasamahan mo ko? Kahit saan?" "Yeah." Wala sa sariling sagot ko, paano kasi naka-awang yung mga labi nya. So cute. "R-really!?" I cleared my throat, "Oo nga! Paulet-ulet!?" "Oh God..." Humawak sya sa mga pisngi nya. Kumunot yung noo ko, Teka? Ba't namumula mukha neto? Kinikilig ba toh? Tae, lakas ng tama neto saken ah. Sabagay, sino ba namang hindi? Ako ba naman ang makasama araw-araw eh malamang talagang kikiligin toh. Pinagmasdan ko pa yung itsura nya. Parang tangang ewan eh, ang laki ng mata parang sobrang di kapani-paniwala yung sinabi ko. "I'll be your bodyguard from this day onwards." Pabiro kong sinuntok yung dibdib nya kaya napahawak sya doon, "Ayos ba?" Tumango sya. "Talaga bang you'll go with me everywhere?" Conyo nampotek. "Oo nga eh, bakit ba paulit-ulit ka?" Nag-iwas sya ng tingin, "Naniniguro lang." Pinaningkitan ko sya ng mata. Para nanaman syang demonyong bumubulong-bulong sa gilid eh sabay ngingiti. *Umiling-iling* Baliw. Minsan naiisip ko na baka may sapak talaga sa utak toh eh, parang ewan alam mo yun? May tingkuling lang. Bumuntong hininga nalang ako bago namulsa. Kailangan matapos ko agad tong misyon na toh sa loob dahil babalik na ko sa serbisyo sa susunod na buwan. Sa ngayon eh didikit-dikit muna ako dito sa lalaking toh, it's easy to find the fugitive if I'm with him but f**k, I need to compose myself. I'm not used to kiss a man, I should not kiss him again. Simula nang mahalikan ko yung mga labing yun ni hindi na ko makatulog ng maayos, ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magpakita ulit dhail kung magsasama nanaman kami sa unit nya baka lamutakin ko lang yung labi nya. Lesbiana ako! I should not kiss a man ever again---especially Eren, it will only stir my thoughts. I scratched my nape, "Kalma ka lang." I whispered to myself, "You can't just kiss him whenever you want, Jhayrein, It will only make him confused and that would be awkward as hell." (Someone's POV) "I have some news." "Spill." "The CIA sent an unknown person in order to find you." "Unknown?" "Yes." Sinalubong neto ang malamig nyang tingin, "According to our spy, hindi CIA agent ang ipinadala nila kundi isang part-timer lang. She's working for the CIA for the mean time and now assigned to look for you." Agad na napahinto ang lalaking nagbabasa ng dyaryo at nag-angat ng tingin sa taong nakayuko sa harapan nya. Bakas ang pagkamangha sa mukha nya habang nakatingin sa tauhang nagbabalita sa kanya. "It's a 'she'?" "Yes, Sir. It's a woman." Umawang ng kaunti ang mga labi nya, "From what agency this 'person' came from?" "The spy said that this person is working part-time for several international organizations like CIA, InterPol, FBI and such and has no particular profile." Pareho silang natahimik matapos iyon pero agad din namang natawa ang lalaki bago itiniklop ang dyaryong hawak at sumandal sa kinauupuan. "Interesting." "What's our plan, Sir?" "Let her be." "Pardon?" "I said let her find me." Agad na nag-alala ang tauhan, "B-but sir---" Ngumiti sya, "Don't worry, I already have a plan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD