Chapter 2

4714 Words
Chapter 2 (Eren's POV) "AALIS ka?" Tanong nya matapos lumabas sa banyo. Sandali akong natigilan mula sa pagsusuklay nang makita mula sa repleksyon ng salamin na naka-tapis lang sya ng twalya, pero hindi yun ang dahilan kung bat ako natigilan. Yung twalya kasi, nasa bewang nya nakatapis tapos naka-sports bra sya sa itaas. *BLUSH* Agad ko syang tinalikuran habang sapo-sapo ang mga pisngi kong nag-iinit. Tokwa, wala talagang pakielam tong babaeng toh! "Hoy, tinatanong kita." "Tokwa a-ano ba! Ano ba! B-bakit ka ba nanggugulat!?" Paano ba naman kasi bigla nalang syang humawak sa balikat ko! Napalingon tuloy ako! Nakita ko yung cleavage nya! "Sira ulo mo?" Gulat nyang anya, nakatingin sya saken na para bang nasisiraan na ko ng bait! "Nasaan ang panggugulat doon?" Pinandilatan ko sya, "Wag mo kasi akong hawakan! Why do you have to touch me kasi!? Nagtatanong ka lang hahawak ka pa!" "Praning amputa." Anya tsaka pumalatak. Ako!? Praning!? "S-sinong praning!? H-hindi ako praning!" "Abnormal." Naiiling nyang sabi bago nakabukakang naupo sa upuan na katapat ng salamin. "Hah. This is too much, grabe." Nameywang ako habang hindi makapaniwalang nakatingala sa kisame, "Ako pa ang abnormal? Grabe talaga. Grabe." Kita kong tumaas yung kilay nya habang ang isang kamay ay nasa ulo, tinutuyo nya yung mahabang buhok nya gamit yung isa pang twalya. Para syang lalakeng nakapameywang sa harap ko. Ano ba naman toh, hindi talaga makaramdam! Ang aga-aga eh! "Tokwa talaga..." Bulong ko pa din habang masama ang tingin sa kanya. "Hoy, tigil-tigilan mo nga yan, para kang demonyong bumubulong-bulong dyan. Akin na yung suklay." "What?" Kita mo tong babaeng toh, hoy ng hoy! Kung maka-hoy saken parang utusan nya lang ako! Tsaka sinong demonyo!? Ang bait-bait kong tao tapos ihahalintulad nya lang ako sa isang demonyo!? Nasaan ang hustisya don!? "Yung suklay kako, ano ba? Lutang ka ba?" "Of course not!" Tinitigan nya ko na tila nawiwirduhan saken. Pilit ko namang iniwas yung tingin ko sa dibdib nya. "Alam mo? Kulang ka sa tira, tigang ka na talaga eh." Pinasadahan nya ng tingin yung buong katawan ko tsaka umiling na para bang may nakikinita sya sa akin na hindi maganda, " Kailangan mong kumanti ng babae para mailabas mo naman yang semilya mo kahit papano kasi parang umaakyat na sa utak mo eh, alam mo yon? Nagiging ganito ka oh." Umawang yung labi ko ng sumenyas sya ng iniikot ang hintuturo sa gilid ng ulo, tila sinasabing nababaliw na ko. Tokwa talaga sya! "ANO!?" Napatakip ako sa bibig ko, grabe talaga! As in, grabe! Bakit ganyan katindi yung bunganga nya!? "Anak ka talaga ng..." Hinilamos nya yung kamay nya sa mukha nya, "The f**k, Eren? Kanina ka pa ang aga-aga sigaw ka ng sigaw daig mo pa ang babaeng ginagangbang sa ingay mo." "Sinong matinong tokwa ang hindi sisigaw sa inis!? Ikaw ba naman makakita ng mga nagkalat na mga p-panty ng kung sino-sinong babae sa loob ng unit mo hindi ka magsisisigaw!? Tapos ako pa ang praning!? Ako pa ang abnormal!? Ako pa ang baliw!? Hah!" Dinuro ko sya, "Tsaka ano? G-gangbang---hoy! P-pwede ba!? Dahan-dahan naman sa pagsasalita!" Ngumisi sya, "Pa-ra kang gi-na-gang-bang---" "Aaaah! Shut up! Shut up! Shut up!" Gusto kong sabunutan yung sarili ko sa inis dahil literal nyang binanggit yung mga salitang yon ng dahan-dahan! Nakakainis! Ang lakas talagang mang-asar! "Huy, kalma. Yung mga tokwa mo sasabog na." Tumatawa pang saad nya. "Umayos ka kasi! B-baka nakakalimutan mong lalake din ako!" Huminto sya sa pagtutuyo ng buhok at tila nagugulat na humarap saken kaya napa-atras ako. Mahirap na, baka bigla nya kong dambain at ibalibag, sundalo pa naman toh. Naranasan ko na yun nung isang beses syang mapikon saken noon, tatlong linggo akong absent sa trabaho dahil kinailangan kong magpahinga sa ospital at ayoko ng maulit pa yon! "Talaga? Lalake ka?" Inosente nyang tanong. Kita mo lang talaga tong...! Aaaargh! "Of course! Lalake ako! Ano ba sa palagay mo!?" Kulang nalang ay magpapapadyak ako sa inis. "Waw. Di ako na-inform." Pumalatak sya bago tumayo at nameywang pa, nagulat ako ng haltakin nya yung kwelyo ko, tokwa! Ibabalibag na ba nya ko!? Jusko wag naman sana, may taping kami bukas! "A-anong gagawin mo!?" Imbes na sumagot ay ngumisi lang sya bago dahan-dahang lumapit ang ulo saken kaya bigla akong kinabahan habang namimilog ang mata sa gulat. H-hahalikan nya ba ako? Totoo ba? T-tulad ng mga e-eksena sa pelikula? Y-yung hinahalikan p-para patunayang hindi b-bakla? Ganun ba? P-pero kung ganon nga eh h-hindi ako ready! Sa totoo lang never kaming gumawa ng kababalaghan bilang mag-asawa, mas madami na ang naging away namin kaysa sa pagiging magkasundo. Problema ko kasi talaga yung pag-uuwi nya ng babae sa unit ko. Kaya kung hahalikan nya ko ay hindi ko kakayanin! Kahit pa sanay ako sa mga kissing scenes! Waaaaah! Pumikit nalang ako tsaka pasimpleng ngumuso. Ayos lang naman siguro ano? M-mag-asawa naman kami eh, diba? S-siguro naman ayos lang? Huhuhu tokwa. F-first time naming magki-kiss, marunong naman ako, mas lalo naman sya. P-pero okay lang naman talaga diba? Kung sakali, i-ito ang first time kong mangki-kiss ng hindi umaarte. Ngawit na akong naghihintay sa pagdikit ng mga labi namin sa isa't isa pero hindi yun nangyare. Naramdaman ko nalang na hinaklit nya yung suklay mula sa isa kong kamay bago ako tinulak. Doon ako napadilat. "Aray! B-bakit ka ba nanunulak!?" Ang sakit! Ang bigat talaga ng kamay nya kahit kailan! "May papikit-pikit ka pa kasi dyan para kang tanga." Sabay balik sa pagkakaupo at nag-umpisa ng suklayin yung mahaba nyang buhok. Alam kong pumuputok na sa pula yung mukha ko, hindi lang dahil sa hiya kundi sa inis dahil sa mga pinagsasasabi nya. Kakaiba talaga, kung umasta sya parang wala syang ginawang kalokohan. Nakakagigil talaga ang babaeng toh kahit kailan. Tsaka malay ko bang mali yung iniisip ko!? Nakakainis! May palapit-lapit pa kasi, nami-misinterpret ko tuloy! Buti nalang hindi nya napansin yung pagnguso ko! Nakasimangot ko syang pinanood habang nagsusuklay. Wala talaga syang paki kung makita ko lang syang nakabra or boxershorts araw-araw, kung anong gusto nyang suotin eh yun talaga ang susuotin nya. Batas talaga ang babaeng toh. Bumuntong hininga nalang ako bago lumapit sa likuran nya tsaka muling inagaw sa kanya yung suklay. Sinimulan kong hatiin sa gitna yung buhok nya para itirintas sa magkabilang gilid tulad ng lagi kong ginagawa kapag nandito sya. "Ako na, may lakad ka pa diba?" Aagawin nya sana ulit pero inilayo ko. "No, I'll do it. Photoshoot lang naman yon, it can wait." Nag-umpisa na kong itirintas yun buhok nya, dikit iyon sa anit para hindi hassle sa kanya, panigurado kasing kung saan-saan nanaman gagala toh. Hindi naman na sya nagsalita pa at sumandal nalang sa kinauupuan nya. Ang astig nya talagang kumilos, paano ba naman ay dumekwatro sya na panlalake habang naka-krus ang mga kamay sa dibdib tsaka pumikit. Walang pinagbago, kung ano sya noong una kong makilala ay ganoon pa rin sya hanggang ngayon. Ako lang din ang hinahayaan nyang humawak sa buhok nya para talian sya, ewan ko ba dyan. Ang selan, ayaw pahawak ng buhok sa iba pero pag sakin sige patali ng buhok parang ewan. Anim na taon na mula ng ikasal kami, well, kasal-kasalan para hindi mapahiya yung pamilya nya sa mga bisita noon. Pumayag ako kasi sya ang nagligtas sa buhay ko noon, kung hindi sya dumating dati edi sana naibenta na ko. Huhuhu. Buti nalang talaga. Medyo mabait naman si JR. Oo, medyo lang. Kunsumido kasi ako dito sa babaeng toh, ang lakas kasing mambabae kahit kababaeng tao. Gabi-gabing may inuuwi sa unit ko at alam nyo mas nakakainis pa don? Dun nila ginagawa kung kaharutan nila sa kama ko. Ugh. Papalitan ko pa nga pala ng bedsheet yon, amoy ewan eh. Tsk! Pero kahit naman salaula tong si JR eh may konting kabaitan din, yun nga lang yung natitira nyang bait eh minsan lang lumitaw madalas kasi tinotopak toh. Ganyan naman eksena namen araw-araw eh. Sigawan sa umaga hanggang gabi, tumatahimik lang ang unit ko kapag wala kami pareho pero mas lugi ako kung tutuusin. Alipin kasi ako sa sarili kong unit huhuhu. (T^T) Ako gumagawa ng gawaing bahay, lahat-lahat maski underwears na naiiwan ng mga kabi nya nilalabhan ko pa. Kuwan ay isasauli nya pa daw ih. Kahit naman ganon ay hindi ako nagsisisi na ikinasal ako sa kanya. Wala naman akong nagugustuhang babae eh, hindi ko nga alam kung anong pakiramdam ng magkagusto eh? Kaya pumayag na din naman ako, wala namang maapektuhan saken. "Hoy." Heto nanaman sya sa 'hoy' nya, nagmo-monologue ako dito eh, "Sinabi saken ni Charlotte yung balita." "What news?" "Yung issue tungkol doon sa model na inirereklamo ka ng s****l harassment." Tumahimik lang ako habang patuloy sa pagtatali ng buhok nya. Mga ilang segundo muna ang lumipas bago ko narinig yung buntong hininga nya. "Eren, tumingin ka nga saken." Syempre wala naman akong ginawa kundi ang tumingin sa kanya mula sa salamin kasi takot ko lang sa kanya diba? Seryosong-seryoso yung ekspresyon ng mukha nya. Madilim. Ganyan, ganyan yung mukha nya pag badtrip sya. "Alam naming hindi totoo yon. Hindi kami naniniwala doon." Ngumiwi sya, "Wag mong masyadong isipin yon, maliwanag?" Napatitig ako sa kanya. Masaya ako sa mga ganyang asta nya. Pakiramdam ko kasi nag-aalala sya kahi hindi naman talaga. Wala lang, bibihira lang kasi ang may mag-alala saken eh. Nakakatuwa lang na kahit papano may pakielam sya saken. Pinilit kong ngumiti ng masigla, "I'm used to it. There's nothing new about that, ganon naman talaga sa trabaho ko. Tsaka, lilipas din naman yung balitang yon." Balewala kong sagot para lang matahimik na sya. Isa si JR sa iilang tao na nakakaalam ng tunay na ugali ko sa likod ng camera, alam na alam nya kung gaano kalaki yung pinagkaiba ng image ko sa totoong ugali ko kaya masaya ako dahil kahit ganito kami eh kilala na nya ko. Kaya hindi ko kayang pakawalan sya. "Nga pala yung pink na panty ni Joanna nahanap mo b---" "WALA!" Tokwa! Ganda na eh! Siningit pa talaga yung panty ng babae nya! (>3<) Panira amp! (Third Person's POV) "Few more shots! Jia, dumikit ka pa lalo kay Eren, you need to look like an intimate couple. Yung seductive and wild." Utos ng photographer sa modelong mestisa. Tumango si Eren sa narinig nya kahit hindi naman sya ang direktang sinasabihan. Gusto na nyang matapos agad ang photoshoot kaya inaayos nya ang bawat pose nya. Hindi kasi sya kumportable sa suot nya. Suot nya kasi ang isang ripped jeans, yung tipo ng ripped jeans na nasa tuhod lang ang ripped, tapos pinaresan iyon ng puting polo shirt na nakalaylay ang kaliwang bahagi habang nakatuck-in ang kanan. Tapos nakabukas iyon hanggang sa ika-apat na butones dahilan para lumitaw ang dibdib nyang naghuhumiyaw ang ripped din na muscles. Ang buhok naman nya ay naka-hawi paitaas, bumagay sa kanya ang nilagay na konting dark eyeshadow at brown eyeliner, mas tumapang yung features nya. Hindi naman kalakihan yung katawan nya, kumbaga payat at matangkad sya na may muscles ganon. Si July ang nag-ayos sa kanya kaya ayon ang baklang PA ay tuwang-tuwa, pinagpapantasyahan nanaman ang kagwapuhan nya. Badboy kung badboy. Napansin naman ni Eren ang pagiging balisa at takot ng babaeng modelo sa kanya. Alam nya kung bakit ganoon nalang ito kailag sa kanya, ganoon din ang iba pang modelong nakapares nya kanina simula nang mag-umpisa ang photoshoot. Hindi naman na bago sa kanya ang ganoon. Kaya imbes na pakalmahin ito ay nginisihan pa nya ito na naging dahilan ng lalong paglayo neto sa kanya kaya ipinulupot nya ang isa nyang braso sa bewang neto bago ito marahang hinila para pakandungin sa isang hita nya. Ramdam nya pa ang pagkagulat neto sa ginawa nya. "W-wag kang masyadong d-dumikit saken." Mahinang bulong ng modelo. Imbes na mainis ay natawa nalang sya sa sinabi ng babae. Naaasar sya pero wala naman syang magagawa. "So you knew about the news, huh?" Maangas nyang tanong dito habang nakangiti sa camerang panay ang flash. Iniiba nya ang bawat angulo ng katawan at mukha kada magfa-flash ang camera. "You harrassed her." Nilingon nya ito. Gusto nyang itama ang impormasyong alam neto pero di nya ginawa, wala din namang maniniwala sa kanya dahil lalake sya. Tsaka sa sinabi palang neto eh parang totoong-totoo yung alam nya. Kaya nginisihan nya nalang ito ulit bilang pang-asar. Pinaninidigan nalang nya ang tingin ng iba sa kanya. "So?" Gumalaw sya para ayusin ang pagkakakandong neto sa kanya para hindi ito mahulog mula sa pagkakaupo pero bigla nalang itong tumayo at tinulak sya. "D-don't touch me!" Umatras ang modelo habang nakahawak sa katawan, "P-please, don't." Nahinto naman ang lahat sa ginagawa at napalingon sa kanila. Syempre sya din mismo ay natigilan. Kung tignan kasi sya ng babae ay para bang may balak syang masama dito. Gusto nya tuloy na matawa. Yung sobrang lakas na tawa. "You think I'll harass you too?" Walang pakielam nyang tanong na ikinalaki ng mata ng babae. Ganon din ang mga taong nakakarinig. "W-what?" Nauutal na tanong ng babae, naiiyak na ito, "Why? Hindi ba? You're touching me inappropriately!" Doon sya tuluyang natawa, "You're funny. Ni hindi ko nga hinimas yung balat mo." "You made me sit in your lap and you touched my waist!" "The theme of this photoshoot is being intimate and seductive at the same time, what do you expect me to do? Pray for you? Or do you expect me to pose ten feet away from you? Where's the 'intimacy' on that?" Umiling sya, "Hindi ka dapat nag-model kung mag-iinarte ka lang rin naman. That's so unprofessional." "You're so rude!" Sarkastiko nalang nyang nginitian yon, "Oh honey, everyone knows it, did they not inform you?" Gusto nyang magsorry nang makitang iiyak na ang babae pero pinigilan nya din ang sarili. Baka lalo itong magwala pag inalo nya, kung ano-anong balita nanaman ang lalabas kapag nangyare yon. Alam nyang nagsisimula ng magbulungan ang mga taong nasa loob ng studio pero hindi nya nalang iyon pinansin. Tumayo nalang sya bago dumiretso sa pwesto ni July na nag-aalalang nakatingin sa kanya. "W-wait, Mr. Gonzales? We need a few more shots." Pigil sa kanya ng photographer habang naka-hawak sa pulsuhan nya kaya masama ang tingin na nilingon nya ito. Agad namang napapahiyang bumitaw sa kanya ang photographer. "I don't care. Find another male model and replace me if you want, I'm leaving." Tsaka sya muling tumalikod. Nagmamadali syang sinalubong ni July. Bitbit nito ang isang bag at ang mga damit nakahanger at may balot na plastic cover, bakas ang pag-aalala sa mata neto. "Naku fafa Eren, okay ka lang ba?" Nginitian nya lang ito bago kinuha ang bitbit na bag ng PA at sya na ang nagdala non. Sabay silang naglakad patungo sa pinto nang bigla syang huminto at muling nilingon yung pwesto ng babae na ngayo'y takot pa ding pinagmamasdan sya. "You're not that pretty, harassing you would be only a waste of time for me." Sabay ngisi bago muling tumalikod para tuluyang maglakad paalis. *** "HEY hey, slow down, eat slowly bud." Hindi naman pinansin ni Eren si Jace na bestfriend nya at ipinagpatuloy lang ang pagkain ng french fries na nasa malaking mangkok. Naiiling nalang syang pinanood ng kaibigan. Alam naman neto kung bakit ito kumakain ng marami eh, nagsi-stress eating ang bestfriend nya. Siguradong puno nanaman ng frustration ito sa katawan dahil nakita naman na nya ang balita. Nalilito tuloy sya kung ipagpapatuloy ba nya ang pagbabasa ng mga reports ng kumpanya nya o kakausapin ang kaibigan. Sa mismong kumpanya nya kasi sya pinuntahan ni Eren, wala naman syang magawa kundi ang papasukin ito sa opisina nya. Kabisado na nya ito, alam nyang may may dinadamdam ito kaya hindi na sya nag-atubili pang magpadeliver ng sandamakmak na frenchfries na may kasamang cokefloat. Eto paborito ni Eren eh, tsaka alam nyang kagagaling lang neto sa trabaho dahil ganon pa rin ang itsura at suot neto. Nasisiguro nyang nagkandahima-himatay nanaman ang mga empleyado nyang babae sa baba nang makita ang kaibigan nya, nangyayare yun tuwing sinusugod sya ni Eren sa kumpanya. "Uy ano ba? Baka mabulunan ka." Saway ulit neto sa kanya pero imbes na makinig ay isinalaksak nya lang ang dinampot nyang mga fries sa bunganga nya tsaka walang pakundangang nginuya iyon. Bumuntong hininga si Jace, "I know that you're frustrated but please, dahan-dahan naman. Hindi ka mauubusan, okay?" Mabilis na nilunok ni Eren ang laman ng bibig bago uminom sa baso netong may cokefloat at sinaid ang laman non. Matapos yon ay padabog nyang ibinaba ang baso sa mesa na naging dahilan ng pagkagitla ni Jace. "Jace, tell me." Nagtaka naman sya sa seryosong tono ni Eren pati na din ang madilim na mukha habang bahagyang nakayuko kaya lumunok muna sya tsaka bumwelo ng tanong din, "T-tell you what?" Nagtama ang tingin nila at di na sya nagulat nang makita itong parang batang inagawan ng kendi dahil sa nagtutubig nitong mga mata. "Do I look harmful?" "Uh..." Pinasadahan nya ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago alanganing pinakatitigan sya ulit, "How should I suppose to answer that?" Ngumuso ito tsaka isinandal ang ulo ng patagilid sa sandalan ng upuan. Patagilid kasi syang nakaupo sa upuan, ang likod nasa kanang armrest habang ang dalawang binti ay naka-patong sa kaliwang armrest kung saan nakalaylay ang paa nya. Tila bata syang nagpapapadyak habang naluluha. Yakap-yakap pa ang malaking plastik na mangkok kung saan nakakalahati na ang laman na fries. "Everyone viewed me as a bad person! As in sobrang bad na talaga, can you imagine me? Harassing someone?" May patapik-tapik pa sa dibdib na akala mo naghihinagpis kung makapag-drama, "I don't even know how to do those things that they're accusing to me! I can't even kill an innocent tiny ant! I'm not a bad guy! I'm not harassing anyone! I'll never ever gonna do that! No! I don't! Never! N-E-V-E-R! Ne-ver!" Sabay padyak ulit, baby Eren na nagta-tantrums. "Okay, okay, relax ka lang." Pagpapakalma ni Jace kahit napapakamot na sya sa ulo, "It's your choice naman kasi, sinabi ko na sayo noon pa eh itigil mo na yang badboy image mo, bakit kasi kailangang ganyan pa kung pwede naman na simpleng ikaw lang diba? Use your real self as your image." Ngumiwi sya, "I can't." "Why not?" Kunot-noong balik ni Jace, "Ilang taon ka na sa showbusiness, ilang taon ka na ding ganyan. You should stop being a fake you know? Show the world who you really are para matigil na yung bad publicity mo." Hindi naman sumagot si Eren, bagkus ay bumalik ito sa pagsalpak ng sangkatutak na fries sa bibig at nakasimangot na nginuya iyon. Mukha syang baby na nagtatampo or pwede ding bulldog na malaki ang mata at nagpapaawa. Wala namang nagawa si Jace kung hindi ang umiling at humalumbaba sa mesa para panooring lumamon ang kaibigan. Nasisigurado nyang kinabukasan ay magbabawas nanaman ito ng timbang dahil panay lamon ng pritong patatas ang binata. (JR's POV) Isa, dalawa, tatlo---isa, dalawa, tatlo---isa, dalawa, tatlo. s**t, I want some action hindi yung puro ganito. Gusto kong pagpawisan sa totoong bakbakan. "Teka, tangina ka napapagod na ko kakasalo ng suntok mo." Reklamo ng panget na toh kaya sinadya kong padaplisin yung kamao ko sa pisngi nya, ayun nanlaki yung mata ni gaga, "Hoy! Tangina mo bakit mo ginawa yon!?" Tumawa lang ako bago umatras patungo sa sulok ng ring at doon sumandal habang ang mga braso ko ay nakapatong sa magkabilang tali. Ang sarap asarin ni Charlotte, lumalaki kasi yung butas ng ilong nya kapag nagagalit. "JR!" "Ano nanaman? Daplis lang naghihimutok ka dyan? Tsk." Nakangisi kong pang-aasar. Kaya ayon, nagdadabog na binato ni pikon yung suot nyang gloves na pinangsasalo nya sa mga suntok ko bago patalong bumaba mula sa ring. Loko talaga, kahit kailan ang pikon. Naalerto ako nang maamoy yung pamilyar na pabangong matamis. Shet, nandito si Vassy! Hindi nga ako nagkamali. Paglingon ko kasi ay saktong pumasok si Vasselisa na may bitbit na dalawang twalya. "Vassy!" Kaway ko kahit may gloves pa ang kamay, nakangiti naman syang kumaway pabalik. Holy f**k, ang ganda talagang ngumiti ni Vasselisa. Parang may nagkakantahang anghel sa paligid nya. Tamis. "Hi," Bati nya matapos umakyat sa ring, "here oh, baka matuyuan ka ng pawis." Mabilis naman akong lumapit lalo sa kanya. Sinimulan nya kong punasan ng pawis gamit ang isa sa mga twalyang dala nya kaya napangiti ako. f**k, she smells real good. Ang bango-bango nya talaga, walang tatalo sa amoy ni Vassy! "Bakit ka nandito? Pinuntahan mo ko, Vassy?" Malambing kong tanong pero nginitian nya lang ako. "Sabi ni Charlotte may emergency daw kaya pumunta ako dito." Sumimangot ako. Buset, akala ko ako ang ipinunta nya dito pero de bale! Atleast nandito na sya hehehe. "Ikaw? Bakit ka nandito?" Taka nyang tanong, "Hindi ba dapat limang buwan ka sa Iraq?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil doon, pinaalala pa. "Nako, suspendido sa serbisyo yan. Ginulpi yung general nila eh." "Hindi ko sya gugulpihin kung wala syang ginawang katarantaduhan saken." "Sus. Yan din yung sinabi mo ng sapakin mo yung sergeant mo eh." "Shut up! Wag kang epal dyan!" Bwiset na Charlotte, panay ang sabat! "So nasaan na yung 'emergency' na sinasabi nyo?" Nakangusong saad nya habang nakahalumbaba sa tali ng ring na nagpabalik sa ngiti ko, ang cute-cute talaga. "Sabi ni Morgan eh on the way na sya, lets just wait nalang." Dinig kong sagot ni Charlotte. Inabala ko nalang yung sarili ko sa pagtitig at pagpantasya kay Vasselisa. She's not my type nor my crush or what, it's just that she's so cute that I love treating her as a baby. Ewan ko ba, ang nerdy type nya kasi tsaka ang inosente, kabaligtaran sa ate nyang pakarat. Sa lahat ng kaibigan namin itong si Vassy ang pinakapaborito ko, sya lang matino sa mga kaibigan ko eh. Si Charlotte pikon na panget, si Veronica malanding panget, si Chryseis galang panget tapos si Morgan astiging---sige astigin lang wag nating lagyan ng panget. Ayokong makipag-away sa isang yon. Naputol lang yung pagpapantasya ko nang makarinig ako ng malakas na tili kasabay ng pagbukas ng pinto kaya napunta doon yung atensyon namin. There's Morgan, casually walking while her other hand is on her pocket and the other is dragging nonchalantly the familiar woman. Suot ang usual na blankong ekspresyon ng mukha na tila ba wala lang syang hinihila. "Let go of me! Aaaah! Help! b***h let me go!" Tumabingi yung ulo ko habang nakatingin doon sa babae. She's beautiful and sexy like damn, she's enough to warm my bed tonight---I mean, well, technically it is Eren's bed but I'm the one whose using it so, yeah, it is my bed too. Mukhang hindi waterproof yung mascara na ginamit ng babaeng toh kasi kumalat na sa pisngi at ibaba ng mata nya eh, siguro kanina pa toh umiiyak. Paanong hindi eh kinakaladkad sya sa buhok ni Morgan? Tsk tsk tsk. Napangiwi ako nang mas lumakas yung palahaw nya. Kaladkarin ba naman paakyat hagdan patungong ring eh. Sakit siguro non sa katawan. "Oy, grabe naman yan. Bitaw na." Awat ni Charlotte kay Morgan na agad namang sumunod pero pabatong binitawan ang babae, ayun subsob. "Oh, I know her. She's a model diba?" Inosenteng anya ni Vassy kaya tumango ako bago namin ibinaling ang tingin sa babaeng nasa gitna ng ring at tarantang tinignan kami isa-isa. "W-who are you people!? What do you want from me!?" Lalo syang umiyak, "What do you want! I'll give it to you just let me go!" "This would be fun if Veronica and Chryseis would be here too." Natawa ako sa sinabi ni Vasselisa. "Wala eh, buntis si Vero tapos si Chryseis naman nasa Mongolia." Nagkibit sya ng balikat na para bang nanghihinayang. Tama naman sya eh, this would be fun if Chryseis and Vero would be here too, knowing those two, they will laugh their ass off while watching. "Kalma ka lang, hindi ka naman namin sasaktan eh---" Huminto si Charlotte sa pagsasalita bago nakasimangot na itinuro ako, "Pwera sa kanya, sya nagpakuha sayo eh." Hindi ko sya pinansin at nilingon si Morgan na prenteng nakasandal sa tali ng ring habang malamig ang tingin sa babae. Naka-ekis ang mga braso sa ilalim ng dibdib. Tinanggal ko yung suot kong gloves at tinira yung bendang nasa magkabilang kamao ko. "Saan mo napulot toh?" Turo ko don. "Bar." Kinamot ko yung ulo ko bago naglakad patungo sa babae, lumuhod ako sa harap nya kapantay sya. "Uy ganda, wag ka ng umiyak dyan." Sinamaan nya ko ng tingin, "What the hell do you want from me!?" "Wala naman, I just want to talk to you, that's all." Kibit balikat kong sagot. Hindi naman na ko nanibago nang makatanggap ako ng mas masamang tingin sa kanya, well wala namang magagawa yung tingin nyang yon. "What the hell did I do to you!? I don't even know you! Why are you doing this to me!?" Ilang segundo ko syang pinakatitigan ng blanko. This woman is hilarious, but not that funny enough to make me laugh genuinely. Pinaiinit nya lang yung dugo ko sa tanong nya. "What the f**k did Eren do to you?" Tanong ko na nagpahinto sa kanya sa pag-iyak, "He don't even fuckin know you, so why did you do that?" Saglit syang natahimik bago ngumisi, "I filed a case against him, s****l harassment! That's what I did!" "I know, napanood ko yung balita." "Then why ask me!? Alam mo naman pala---ah! L-let me go!" Imbes na bitawan yung buhok nya ay mas lalo ko yung hinatak, bumalik sa pag-iyak ang gaga. Tsk. "Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka nagsinungaling?" I gritted my teeth and I can feel my jaw moving out of anger, "I knew him. He'll never do that to anyone, so tell me..." I pulled her hair even more making her flinch in pain, "Why did you fuckin lie?" Hindi sya sumagot. Nanatili syang nakatitig saken habang umiiyak, siguro dahil sa sakit ng pagkakahila ko sa buhok nya. Dumagdag yung sa inis na nararamdaman ko kaya pabalya ko syang binitiwan bago tumayo. "Walang ibang pwedeng manakit kay Eren bukod saken." Sinenyasan ko si Charlotte at Morgan na itayo yung babae na agad naman nilang sinunod. "What are you doing? B-bitawan nyo ko! Don't touch me!" Nagkakakawag sya sa hawak nung dalawa pero walang nakinig sa kanya. Panay sigaw nya kaya kitang-kita ko kung paanong ngumiwi yung tatlo, maski si Vassy na nasa sulok lang at nanonood ay ngumiwi. "You know what? Hindi naman ikaw ang unang taong nakaladkad papunta dito eh." Inayos ko yung pagkakabalot ng benda sa kamao ko, mas hinigpitan ko iyon, "Ah, pang-ilan na nga ba sya?" "Ewan, basta marami na." Walang kwentang sagot ni kupal kaya umirap ako. "There are many people like you out there, majority of them are female, mostly yung mga babaeng hindi pinagtuunan ng pansin ni Eren so they are spreading fake news for their own sake. I bet you have the same reason with them. Getting the public's side by using your feminine charm, eh? Ganon naman yon diba? Mas maraming kakampi ang babae kaysa sa lalake, lalo na kapag umiyak, madaling makakuha ng loob kasi mukhang mahina, madaling ma-agrabyado." Ngumiwi ako, "Ilang bobo na ba ang gumawa ng pekeng kwento at nagsampa ng kaso kay Eren? Kung mapapansin mo kasi, halos lahat sila inurong yung kaso," Nameywang ako habang diretsong nakatitig sa kanya, "May ideya ka naman na siguro kung bakit ano?" Humikbi sya, parang tanga iiyak tas tititig saken. Abnoy. "W-why are you doing this?" "Simple lang," Ngumisi ako, "No one messes with my tofu boy and gets away with it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD