Chapter 3

6167 Words
Chapter 3 (JR's POV) "Oy, nandito na tayo." Pilit kong idinilat yung mga mata ko, kinusot ko pa tsaka tinanggalan ng muta yung sulok-sulok. Tangina inaantok pa ko. Humikab muna ako bago bumaba sa sinasakyan naming jeep ko. Si Charlotte ang pinagmaneho ko dahil inaantok pa ko, si Morgan naman eh may sariling motor kaya di namin sya kasama. Inilibot ko yung paningin ko sa paligid, tsaka nag-inat-inat. Nasa airport na kame kung saan may iba't ibang klase ng sasakyang pamhimpapawid ang nakaparada doon. Madilim pa, paano eh alas-tres palang ng umaga. "Aaah! Grabe!" Inikot-ikot ko yung mga braso ko, "Nasaan na yung tropa nating galang panget?" "Ah, my middle finger salutes to you, Hererra." Dumako yung tingin ko sa taong nagsalita tsaka ngumisi, tinapatan ko ng pakyu din yung kamay nyang naka-pakyu saken, "I miss you too, Faustin." Saad ko kay Chryseis na nakasimangot saken bago ko sya tinapik sa balikat, "Hererra no more. Anim na taon na kong Gonzales, nakakalimutan mo pa den?" Umirap lang sya bago ako tinulak, "Nasaan ang bagahe?" Sumandal muna ako sa jeep ko bago sinenyasan yung dalawa. Automatikong binuksan ni Charlotte yung pinto ng backseat at walang habas na hinatak naman ni Morgan ang bodybag na nandoon. Napasipol kami ng nahulog yun sa sahig. Ohh, masakit yun. Lumapit si Chryseis sa tabi ng bodybag at binuksan ang zipper non, doon tumambad yung umiiyak na chix na kinausap ko kagabi. Mukhang puyat din toh ah, paano ang itim ng palibot ng mata. Hindi ko naman sya kinanti sa kama pero mukhang pagod na pagod, tsk tsk. Di tuloy nakatulog dala ng pag-uusap namin kagabi sa gitna ng ring. "Teka, model ng Victoria's secret toh ah?" Takang tanong ni Chryseis bago tumingin saken, "What did you do to her?" Mukha kasing ginulpi yon, well hindi ko naman talaga 'ginulpi', nag-usap lang kami yun lang. Malay ko bang mahina sya sa 'usapang babae' na version ko kaya ayon, nagkablack eye. Sumipol-sipol ako, "Model ba? Akala ko punching bag eh." Pasimple kong sinilip yung babae at nginisihan, "Idispatsa mo na." Humalakhak ako nang magkakawag yung babae sa loob ng body bag pagkarinig non. Oh, isa pang praning amputa. Gagagawa-gawa ng kagagahan tapos takot mamatay? HAHA. Abnoy amp. "Grabe ang sama talaga ng ugali nya." Dinig kong bulong ni Charlotte kay Morgan na tumatango-tango na parang robot, paano eh wala pa ring reaksyon eh. "I agree." Pinagpatuloy ko yung tawa ko. Eh sa nakakatawa eh! Tae akala mo talaga mamamatay na sya eh. Nilagyan ko din kasi ng packing tape yung bibig nya at piring sa mata para intense. Sayang lang talaga ang chix na toh, kung hindi lang sya gumawa ng kagagahan edi sana napormahan ko pa sya. Sayang. "Tsk. What a fucker." Anya tsaka naiiling na tumayo, "Tell her everything that she needs to do, you only have five minutes. Ihahanda ko na yung private plane ko." Sabay talikod para magtungo sa isang pulang private plane. Umi-squat naman ako para makalapit sa babaeng toh na umiiyak nanaman. Dyahe, kagabi pa iyak ng iyak toh ah? Hindi ba nauubos yung tubig neto sa katawan? "Hoy," Sinundot-sundo ko yung pisngi nya kaya huminto sya sa pagkislot, "Gusto kong tandaan mo tong mga sasabihin ko, bukod pa toh sa pinagkasunduan natin kagabi." Tumango-tango sya kaya tinanggal ko yung piring nya sa mata at tape na nasa bibig nya. Takot syang tumingin saken kaya nginitian ko sya ng matamis. "Meron kang tatlong bagay na dapat mong dalhin hanggang sa hukay mo." Pinakita ko yung tatlong daliri ko, "Una, wala kang nakita." Tinuro ko yung mata nya, "Pangalawa, wala kang narinig." Then yung tenga nya, "At pangatlo, walang kang pagsasabihan." Hinaplos ko yung pisngi nya pababa sa baba nya. Inangat ko yon para magkaharap kami lalo, nakatitig ako sa labi nyang namumutla na mula pa kagabi dala ng takot, "If anyone finds out about this, expect that you'll see me again and the next thing I'll do to you is to gouge your eyes, stab your ears and cut your tongue." Ngumisi ako, "Nagkakaintindihan ba tayo, Miss beautiful?" Mabilis syang tumango, "Y-yes! I understand! I'm s-sorry!" Nginitian ko sya tsaka ako tumayo. Alam na naman ni Morgan ang gagawin nya kaya ayon, hinatak nya patayo yung babae palabas ng body bag tsaka tinanggalan ng tali sa kamay at paa bago inalalayang maglakad patungo sa private plane ni Chryseis. Sumandal nalang ako ulit sa Wrangler kong jeep. Ang baby jeep ko. May kinuha naman si Charlotte mula sa loob at may binato saken na agad ko namang nasalo---canned coffee pala. "So, anong kondisyon yung binigay mo don?" Nagkibit balikat ako habang binubuksan yun, "Bagong bahay sa Massachusetts, bagong mercedez benz, isandaang libong dolyar at ang hindi ko paglibing ng buhay sa kanya." Nilingon ko sya, "Kapalit ng katahimikan at pagbawi nya sa kaso." Pagak syang tumawa kaya napatitig ako sa kanya, umiling-iling pa sya. Anong inu-ungot-ungot neto? Hindi ko nalang sya pinansin at uminom nalang sa canned coffee na binigay nya. Tukmol eh. "Are you inlove with him already---AAARGH! JHAYREIN!?" "S-sorry! Sorry!" Hingi ko ng tawad habang pinupunasan ko yung bibig kong nabasa din ng kape matapos kong maibuga yung iniinom ko dala ng gulat, "Tangina mo kase! Parang gago yung tanong mo!" "Puta anong kagago-gago don sa tanong ko!? Nagtatanong ako ng maayos dito tapos---aaargh! Tangina mo!" Imbes na maawa ako sa kanya dahil basang-basa ng kape yung mukha at damit nya eh natawa pa ko. Ang epic kasi ng mukha nya, she looks stupid and fuckin pissed off at the same time. "Ano ba naman kasing klaseng tanong yan? Ako? Maiinlove sa lalaking yon na daig pa ang babae kung makapag-inarte?" Lalong lumakas yung tawa ko habang umiiling-iling pa, "Hell will freeze If that happens." Anya ko tsaka uminom ulit sa canned coffee pero syempre nilunok ko na agad, baka mamaya may sabihin nanamang kalokohan tong babaeng toh talagang ibubuga ko na ng sadya sa mukha nya yung kapeng nasa bibig ko. Sira ulo eh, kung ano-anong iniisip. Ako? Magkakagusto kay Eren? Tsaaaaa! Nakakadiri. Daig pa baby non eh, iyakin tapos isip-bata. "So that explains the cold weather in hell." Singit ni Morgan na kababalik lang. Still blank face. "Wag ka nga, isa ka pa. Nakakagago yung tanong nyo." "Ano ngang nakakagago doon!? Eh kung proteksyunan mo yung asawa mo eh akala mo nanganganib yung buhay nya, samantalang media at bad publicity lang naman ang kaaway nya! Yung mga issue na lumalabas laban sa kanya na nawawalang parang bula eh kasalanan mo, tapos yung mga taong nagkakalat ng maling balita tungkol sa kanya eh ginugulpi at tinatakot mo." Sabay turo doon sa private plane ni Chryseis, "Yung chix puro pasa at galos, paniguradong ginulpi mo yon sa sobrang inis pagka-alis namin! Sige nga, sabihin mong wala kang gusto sa asawa mo!" Tinawanan ko sya, "Ginagawa ko toh dahil asawa nya ko sa papel. Pinakasalan nya ko nang dahil lang sa paghingi ko ng pabor, ginawa nya kahit di nya ko ganon kakilala noon. Dapat lang naman sigurong proteksyunan ko sya ano? Isipin mo nalang na pagtanaw ko ng utang na loob toh sa kanya lalo na't pinatutuloy nya ko sa unit nya, pinapakain at kung ano-ano pa." "Just to pay-back?" Tanong ni Morgan kaya nginitian ko sya. "Yeah. Just a pay-back." "You're doing this 'pay-back' thing eversince you two got married?" "Why not?" Nagkatinginan silang dalawa tsaka sabay na ngumiwi. "Tsk! Meron na yan, Morgan, maniwala ka saken." "I know. I'm just waiting for her to realize it." "Oh c'mon cinnamon mamon!" Nag-face palmed ako, "Wala akong gusto kay Eren, okay? Ginagawa ko toh kasi para na rin kaming mag-bestfriend. Isa pa ay iyakin yon, ayoko sa maingay lalo naman sa iyakin, tae." Muli silang nagkatinginan bago ako sinamaan ng tingin kaya medyo napa-atras ako pero wala akong maatrasan tangina. Nakasandal nga pala ako sa kotse ko. s**t, bakit ang talim ng tingin nila saken!? Totoo naman yung sinabi ko ah! "Parang bestfriend?" Tanong ni Charlotte kaya tumango ako. "Oo. B-bestfriend." "Eh gago ka pala eh! Dinudukot mo lahat ng mga kumakanti dyan sa asawa mo, ginugulpi mo at pinapadala mo sa ibang bansa, binibilhan mo ng sariling bahay at lupa, bagong sasakyan at may suhol pang one hundred fuckin thousand dollars para lang manahimik! Tapos bestfriend!? Bestfriend lang!?" Tinuro nya yung sarili nya, "Eh ako nga na kaibigan mo ng higit pa sa anim na taon---ni minsan hindi mo ko nalibre! Ang dami mo pang utang sa bar ko tapos---" Namewang sya, "Alam mo? Tangina ka." Nag-peace sign ako, "Iba ka naman kasi syempre." "Pakyu!" "Pakyu too." Tinaas ko pa gitna kong daliri pero tinulak nya lang din ako. Mana kay Chryseis. "Here." Nagulat ako nang may iabot saking papel si Morgan, medyo nanginginig ko pa yung tinanggap bago binasa. Gusto kong tanggalin yung eyeballs ko at punasan gamit ang panyong nasa bulsa ko matapos basahin yon, what the f**k!? "Ano tong 4.5 billion!?" Inangat ko yung papel, "Morgan!" "It's a receipt." "Resibo saan!?" "A receipt of all the services that I've done for you in the past six years and oh," May tinuro sya don, "It comes in dollars, not peso." Nanlulumo kong tinignan ulit yung papel. f**k, seryoso? Saan ako kukuha ng ganong kalaking pera? "Bayaran mo muna lahat ng utang mo sa bar ko bago mo bayaran si Morgan!" Tinignan ko sila pareho, "Pero wala akong pera." "BULLSHIT!" Sabay nilang sagot. "Oo nga! Gipit ako ngayon!" Kakamot-kamot kong saad. Mahirap lang kaya ako. Mabuti nalang at dumating si Chryseis kaya doon ako nagtago sa likod nya. Iritable nya naman akong sinimangutan bago dinutdot yung noo ko. Puta, nakakahalata na ko ah! Kung hindi tulak, dutdot! "Ipapadeliver ko nalang sa bahay mo yung pinabili mong pastel pink bedroom set." Pakiramdam ko kuminang yung mata ko, "Sige sige, akin na pipirmahan ko yung receiving form." Agad naman nyang binigay yung papel para pirmahan ko. "WHAT!? MAY SARILI KANG BAHAY!?" Nagkatinginan naman kami ni Chryseis bago nya nilingon ito. Bakit ba galit na galit sya!? "You don't know?" "Nobody knows except you, obviously." Sagot naman ni Morgan na masama na talaga ang tingin saken. "Ah, so she didn't tell you." Tumango-tango sya bago nakangiting tumingin saken, "She built a house three years ago. A two storey house filled with color pastel pink and white furnitures." Galit silang lumingon saken kaya nagtago talaga ako sa likod ni Chryseis. "Kay Eren ka tumutuloy samantalang may bahay ka naman na pala!? At pink pa talaga! Akala ko ba itim ang favorite color mo!?" "Wala kang pake!" Nandidilat kong belat sa kanya. "Looks like someone can't live in an empty house." Sinamaan ko lang sila ng tingin. Yung matinding tingin na nanunuot sa pagkatao. Tae! bakit ba galit na galit sila saken!? Ano naman kung may bahay ako! "Anyway, this is for you." Hinampas nya sa dibdib ko ang isang brown envelope na nagpakunot sa noo ko. "Ano toh?" "The CIA is asking you to do them a favor." Tumahimik naman kami agad. Seryoso ko syang tinignan, ganon din sya saken. "Nanaman?" Pumalatak ako, "Kailan pa toh dumating?" "Kanina ko lang nakuha mula sa HQ." "Ah, so nagpa-part time ka pa rin pala sa CIA." Nakangiwing singit ni Charlotte habang nakahalukipkip kaya inirapan ko sya, "Ang laki na ng kinikita mo sa pagsusundalo tapos nagtatrabaho ka pa sa CIA, tapos wala palang pera ah?" "Maliit lang kita ko don." "Very funny." Pikon na sagot ni Morgan tsaka siniko si Charlotte na pekeng nakangiti. "Hahahahahahatdog palaman cheesedog kalahati sunog!" Sarkastiko nyang tawa. Kinamot ko nalang yung ulo ko dahil sa kalokohan ni Charlotte, "Alam ba nilang hindi pa ko umaalis sa serbisyong militar ko? I'm still in the army, suspendido nga lang pero panay ang tawag nila saken. Isa pa ay hindi ako myembro ng CIA." Ngumiwi ako, "Sa SIS ako myembro." "Alam nila yon. Kaya nga sinasamantala nila habang suspendido ka sa serbisyo mo, mabenta ka sa CIA eh kaya binubugaw ka na ng SIS, kita mo nga pati InterPol hinahabol ka. Isa pa eh ikaw lang ang nasa Pinas." Ngumisi sya, "That one would be easy since you're married to a superstar but It'll be also hard for you because you need to do it carefully." Natigilan ako dahil doon at tinitigan sya. Lalo lang syang ngumisi. "What do you mean?" "It's a special mission, a very confidential one." Nginuso nya yung envelope, "You'll know what I mean once you accept the mission." Humigpit yung hawak ko sa envelope bago sya sinamaan ng tingin. "Fine. I'll work on this." (Eren's POV) "Iniurong ng isang sikat na modelo ang kaso laban sa aktor na si Zerenel Gonzales sa hindi malamang dahilan. Ayon sa abogado neto, agad na umalis ng bansa ang sinasabing biktima ng wala man lang paalam sa kahit na sinong kakilala neto at doon ipinahayag ang pag-urong sa kasong isinampa neto. Ang biglaang pagbawi ng modelo sa kaso ay nananatiling malaking palaisipan sa lahat---" Kinamot ko yung ulo ko dala ng pagtataka matapos kong tapusin yung panonood ng balita. Ang aga-aga eto bubungad saken? Tsaka ano yun? Abnormal ba yung babaeng yon? Magsasampa ng kaso sabay urong? Hindi naman sa nanghihinayang ako ah? Tokwang bilasa sya, dapat lang naman na i-atras nya yung kaso laban saken, eh hindi ko naman sya inaano eh? Sya tong lapit ng lapit saken tas kung saan-saan ako niyayaya tapos nung tinanggihan ko---ako pa tong kinasuhan ng s****l harrassment? Tokwa. Ang gulo talaga ng mga babae. Umiling nalang ako bago tinapos yung almusal ko. Kung almusal nga bang matatawag toh (T^T) Nilagang itlog at saging lang kasi kinain ko, kailangan kong magdiet kasi ang dami kong kinaing frenchfries kahapon at ininom na cokefloat. Baka tumaba ako---pero nagugutom ako. Huhu. Narinig ko yung maingay kong ringtone kaya agad kong kinuha yung phone ko mula sa mesa at sinagot, nagbabakasakaling si JR yung tumatawag. "Goodmorning!" "Bata!" Ay, akala ko si JR, "Napanood mo ba yung balita sa TV!?" Medyo inilayo ko yung phone mula sa tenga ko, ang lakas kasi ng boses ni tatang! Akala mo may kaaway! "Yes po, napanood ko." "Hah! Ang baliw na babaeng yon matapos magsampa ng kaso biglang uurong!? Mabuti naman at naisipan nyang gawin yon dahil kung hindi ay talagang makakatikim sya saken! Blah blah blah..." Nangiwi ako dahil ang haba ng mga sentimyento ni Tatang, sya yung manager ko. Ganyan talaga sya sa tuwing may mga issue na lumalabas tungkol saken, saken nya ibinubuhos yung gusto nyang sabihin kasi di nya mabash ng harapan yung mga yon. Plastik sya sa madaling salita. "Tatang? May schedule po ba ako today?" Singit ko nalang para matahimik naman sya kahit papaano. "Wala! Kinansela ko lahat!" "Huh!?" Aba himala yun ah! Simula kasi ng mag-artista ako eh halos araw-araw puno yung schedule ko. Kaliwa't kanang fansigning, photoshoots, taping, modelling tapos biglang cancel nya? Hehehe. Ayaw pa naman ni tatang ng ganon kasi sayang pera kaya himala talaga. (*o*) Ang saya, day-off. "Ah, bakit mo kinansela tatang?" Kunwaring nanghihinayang na tanong ko. Syempre kunwari lang, ang dami ko kayang gagawin ngayon. Hinihintay ako ng labahin ko pero bago yon mag-go-grocery muna ako. Wala ng sabon sa laundry room. "Kinwento ni July yung ginawa sayo ng isa pang modelo sa photoshoot mo kahapon kaya kinansela ko lahat ng appointments mo sa modelling agency na yon! Yung tungkol naman sa taping ng pelikula eh cancelled talaga yon ngayon kasi may sakit yung leading lady mo!" Ang sweet ni tatang, kahit mukhang pera ang sweet nya pa rin. Kahit laging pasigaw magsalita hehehe. "Oh, that's sad." Eme lang, "Pasabi naman na magpagaling sya." "Oo na! Oo na! Tsk! Oh sya sya! Magpahinga ka! Day-off mo ngayon!" Hindi na ko nakasagot kasi agad na nyang pinatay yung tawag. Ngiting-ngiti naman akong tumayo para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng pink na hoodie jacket na may disenyong unicorn, sweatpants tapos leather na tsinelas. Sinuklay ko pababa yung buhok ko tsaka sinuot yung pink nike na cap pati na din ang pink na face mask, imbes na sunglasses ay salamin na malaking bilog ang isinuot ko para hindi agaw atensyon masyado. Hindi naman ako bading, gusto ko lang talaga yung kulay na pink. Bitbit ang ecobag na may laman pang mga ecobag, cellphone at wallet ay lumabas na ko ng unit ko para magtungo sa elevator. Hindi man lang nagtext o tumawag yung tokwang yon, sabagay! Bat nga naman nya gagawin yon eh kahit kailan hindi nya ginawa yon? Paano ba naman kasi, hindi sya umuwi kagabi. Ewan ko don! Ni hindi man lang nagsabi kung saan matutulog, sayang tuloy yung hapunan na niluto ko kagabi kaya ayun tinabi ko nalang sa ref. Hindi na ko magtataka kung sa kung saang hotel na yun natulog kasama ang bago nyang babae, tama lang yun na doon sila gumawa ng kalokohan kaysa naman sa unit ko! Napanguso ako, "Pero kahit na! Dapat magsabi man lang na di sya uuwi para alam ko kung mag-isa akong kakain o hindi." Ay ewan! Tokwa sya! Malaking tokwa na sya kaya bahala na sya sa buhay nya! Alam naman na nya kung paano aasikasuhin yung sarili nya eh, mag-asawa lang naman kami sa papel eh kaya bakit ba nag-aalala ako ng sobra!? Hindi naman mapapahamak yun! Kung hoholdapin man yun eh mas maaawa ako sa holdapper. *POUT* Nang tumunog yung elevator ay lumabas na ko, isa-isa kong nililista sa isip ko yung mga bibilhin ko para mamaya. "Sabon na powder, sabon na bareta, fabric conditioner, liquid dishwashing soap, shampoo---ah! Paubos na din pala yung mantika, bibili na din ako ng toyo at suka, may patis pa naman doon kaya wag muna yon. Ano pa ba?" Nahinto ako sa paglalakad sa lobby nang mamataan ko sya sa labas ng condominium entrance mismo! At ang tokwa, nambababae nanaman! Ayun sya oh, malapit sa kotse nyang itim na Wrangler jeep na nakaparada sa gilid, nakasandal sa poste ng ilaw na parang lalaking pormadong-pormado samantalang simpleng oversized shirt at jogger pants yung suot nya! Ang ganda pa ng ngisi nya, tokwa sya! Nagtago ako sa likod ng malaking paso ng halaman di kalayuan sa entrance, dinig na dinig ko yung mga panlalandi nya. "Hi miss, are you new here?" Wow, umi-english sya kapag kausap nya mga babae nya tapos kapag ako tagalog na tagalog tapos mura pa? "Actually no, napadaan lang ako, why? Do you need help?" Tinitigan ko yung babaeng kinakausap nya. Mukhang may lahi, ang sexy sexy kasi tapos amputi-puti tapos yung buhok brunette, halata din sa accent nyang baliko managalog. *SQUINTED EYES* Ayan yung mga tipo nyang babae, maikli manamit yung tipong parang panyo nalang ang suot. Madali daw kasing hubarin. "Ah yes, as you see, I'm new in this city and I'm lost." Whaaaat!? New!? Eh anim na taon na syang dito dumidiretso kapag umuuwi sya galing ng ibang bansa!? (>333<) Eh hindi naman dumikit sa papel yung tintaaaaa! "What? Pero brandnew yan." "Talaga?" Binalik nya yung ballpen sa babae kasama yung notepad, "Try mo ngang isulat yung number mo." Sabay kindat nya kaya humagikgik yung babae na ikinaduwal ko na talaga. As in totoong duwal kaya ayon gulat silang napatingin saken kaya nag-peace sign nalang ako. Tokwa, nakakasuka. Pinanood ko pa silang maglandian. Grabe, nakalimutan nyang kasama nya yung asawa nya. Psh! Dapat di ko nalang sya sinama eh! Kung maglalandi lang rin naman sya edi sana hindi na nya pinapakita ng harap-harapan saken! Mambababae nalang, sa harap ko pa talaga!? Mga di na nahiya. "Sukli nyo po." "Thank you." Inabot ko yung sukli tsaka nagmamadaling binitbit yung mga anim na ecobag paalis. Dinig ko namang tinatawag nya ko pero di ko nalang sya pinansin. Busy sya sa pambababae diba? Bakit tinatawag nya ko? Bahala sya dyan. Basta ako, uuwi na ko. Maglalaba pa ko. "Hoy Eren!" Dumiretso nalang ako agad sa labas kung saan may terminal ng taxi. Akmang papara na sana ako nang may biglang humigit sa pulsuhan ko at sapilitan akong iniharap sa direksyon nya kung saan sinalubong ko yung masamang titig nya. "Anong problema mo!?" "Wala. Bakit ka nandito?" Mahina kong sabi. "Ano?" Halatang naiirita na sya saken, "Sira ulo mo? Malamang nandito ako kasi hinabol kita! Baliw ka? Yung parking lot nandon sa kabilang daan pero dito ka dumiretso!?" Inis ko syang tinignan. Nakakainis, bakit saken sya nagagalit!? Aalis na nga ako eh para nga may quality time sila ng kabit nya tapos saken pa sya nagagalit!? Tokwa sya! "Busy ka kakabanat ng pick up lines sa babae mo diba? Kaya bakit mo pa ko sinundan!? Dun ka na! Bumalik ka na don sa babae mo! Magbanatan nalang kayo ng pick-up lines magdamag! Don na kayo matulog sa supermarket!" Luminga-linga ako para maghanap ng taxi na masasakyan habang patuloy sa pagsasalita, "Kabagin sana yung mga babae mong kinulang sa tela kakaharot! Pick up lines? Hah! Nagagawa mong bumanat ng mga baduy na linyahan sa mga babae mo samantalang ako na asawa mo ni minsan di mo ko tinanong ng pick up line! Kainis." Ngumuso ako. Ang aga-aga badvibes na ko. Kasalanan ni JR toh! Wala naman akong narinig na sagot sa kanya kaya nilingon ko sya. Medyo nagulat ako kasi nakangisi sya habang nakahalukipkip. Anong nginingisi-ngisi neto? "Oh baket!?" Dinilatan ko sya ng mata, yung dilat na dilat kaso baka di halata dahil sa rounded glasses ko. "Pick up line lang naman pala ikinauusok ng ilong mo dyan eh, bakit di mo sinabi agad?" "Bakit!? Ano namang gagawin mo kung sinabi ko sayo!?" Umangat lalo yun sulok ng labi nya, "Syempre babanatan din kita ng pick up line." Lumaki yung mata ko, "T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Medyo na-excite ako sa sinabi nyang yon, never pang may nagsabi saken ng pick up line kaya medyo nakaka-excite! Hindi ko alam yung feeling habang sinasabihan non eh! Hehe. "Oo naman." Nawala yung ngisi nya at napalitan ng simangot, "Yung tipo ng banat na sasakit yung katawan mo!" "Ano!?" Akala ko totoo na! "Anong ano!? Ang dami mong satsat! Hala sya, uwe!" Hindi ako nakapagsalita nang kunin nya mula saken yung apat na ecobags tsaka nauna ng naglakad palayo. Walang kahirap-hirap nyang binitbit yung apat na mabigat na ecobags tapos yung tinira nya saken dalawang bag lang. Gusto kong umalma sa ginawa nya pero itinikom ko nalang yung bibig ko. Mag-aaway lang kami panigurado. Sumunod nalang ako sa kanya habang nakasimangot. Ang salbahe nya. Sya tong babaera tapos sya pa tong galit. Bakit? Ako ba ang nambababae samin? Nakakainis. Hindi naman inaano tapos. Tokwa sya. Tokwa. Sya at ang mga babae nya. Mga tokwa sila. Mga bilasang tokwa. Ew. Tahimik kong nilagay sa backseat ng jeep nya yung mga ecobags bago tumabi sa kanya. Pinagdikit ko yung mga hintuturo ko tulad ng madalas kong gawin pag wala akong magawa. "Eren." "Hmn?" "Star ka ba?" Natigilan ako. Ano daw? "Hah?" Lingon ko sa kanya. "Star ka ba?" Nakahawak sya sa manibela habang diretso ang tingin sa harapan. E-eto na ba yung pick up line? B-bakit nae-excite ako!? Dali-dali akong humarap sa kanya, "Bakit?" Ngiting-ngiting tanong ko. "Kasi ikaw ang pinaka-kumikinang..." Lumaki yung ngiti ko, "Kasi ako ang pinaka-kumikinang na liwanag sa madilim mong mundo?" Panghuhula ko. Nakangiti nya kong nilingon, "Ikaw ang pinaka-kumikinang..." Tas ngumisi, "...pinaka-kumikinang-KINANG-INANG lalake na daig pa babae kung mag-inarte! Tangena kung makapag-drama ka dyan akala mo may matres ka! Ang arte ampota." Nawala yung ngiti ko at napalitan ng simangot, "NAKAKAINIS KA NAMAN EH!" "I know baby, I know." Humahalakhak na saad nya bago inistart ang kotse. Padabog nalang akong sumandal habang naka-ekis ang mga braso ko sa dibdib ko. Tuluyan na kong sumimangot dahil don. Nakakainis! Hindi naman yon pick-up line pero nag-iinit sa pula yung mukha ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD