Rated-18 Huminto ng ikot ang mundo ko nang makita ang mukha ng lalaking sobra kong minahal. Mas nag-mature ang mukha niya at mas lalong gwumapo. Nagbalik lahat ng ala-ala ko sa kanya. Gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko ang aking sarili. "Hi, Douglas." Pilit akong ngumiti. Sobrang tagal na ngunit parang kahapon ko lang ito minahal. "He-hello, A-angel." Nauutal na wika nito. Kagaya ko ay nagulat rin ito sa pagkakita sa akin. "Kumusta ka na?" s**t! Sobrang sakit parin. Ang sakit na pilit ka paring ngumingiti kahit sa loob-loob mo ay gusto mo nang patayin ang cellphone. "Okey, lang ako, ikaw kumusta ka na?" Pinilit rin ni Douglas ang maging casual na kausap. "Heto, ga-graduate na ako next year. Maraming salamat sa scholarship mo." Sana lang ay hindi nito mahalata na peke ang ngiti

