Rated-18 Isa lang ang pumasok sa aking isipan habang sini-seizure ako, iyon ay ang may sakit ako. Kung ano iyon, hindi ko alam, kanina agad akong kinuhanan ng laboratory test. Nai-ct scan na rin ako, sobra akong kinakabahan. Ang kanang paa ko medyo nanganawit at nanghihina. Napagdesisyunan kong doon nalang ako mananatili sa room ni Cedrix para hindi mahati ang pagbabantay nina Tiyang Abel. Kami pa dalawa ng anak ko dahil bukas pa ang balik nila Tiyang. "Mama, dalawa na tayo may dextrose." Wika ni Cedrix. Tipid itong ngumiti sa akin. Nakaramdam ako lungkot at kirot habang tinitingnan ang anak ko. Ayokong mag-isip ng masama ngunit nararamdaman kong hindi na ako magiging parte sa buhay ng anak ko habang lumalaki ito. "Oo nga, eh. Ang sakit ng karayom." "Ay si Mama nasaktan, parang kag

