“Whoever you are. Leave my highness alone. He don’t need a distraction, he will just waste his time in a woman like you.” HINDI PARIN makapaniwala si Maya sa nalaman niya mula kay Alexei na isang dugong bughaw, o prinsipe si YoRi. Hindi rin mawala sa isipan niya ang sinabi ni Alexei na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya, naging tahimik nalang si Maya sa biyahe nila hanggang maihatid na siya ni Alexei sa tapat ng apartment niya at bago pa ito umalis ay iniwanan siya nito ng babala. Maghahapon na pero iyon at iyon parin ang naiisip niya, sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga sinabi ni Alexei, at nagpapasakit din iyon sa puso niya. *FLASHBACK* Pagkarating nina Maya sa tapat ng apartment niya ay walang imik siyang bumaba ng kotse, isinara na niya ang pintuan at bahagyang yumuko ka

