HINDI MAPALAGAY si Maya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin kay Leroi na seryosong nakatingin sa wasak nitong kotse. Hindi alam ni Maya kung paano niya maipapaliwanag kay Leroi kung anong nangyari sa kotse nito gayong hindi niya nakita kung si YoRi ang nagsira ng kotse nito o hindi. Kanina pa siya nag-iisip ng kung anong paliwanag ang sasabihin niya, pero nakabalik na ito lahat wala parin siyang maisip na idadahilan dito. “Leroi…” “Are you hurt?” tanong ni Leroi na lumingon sa kaniya. “O-Okay lang naman ako, wala naman nangyari sa akin kaya lang ‘yung kotse mo…” “Don’t worry about my car, I can buy another one.” Ani ni Leroi na sinilip ang loob ng kotse niya at makita ang baseball bat sa loob. Kinuha ito ni Leroi at pinakatitigan, masasabi ni Leroi na expensive brand ang baseba

