TAHIMIK lang si Maya sa kinauupuan niya habang nakatingin siya kay YoRi na nakaupong nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata nito. Hindi parin sila umaalis sa hide out nina Leroi, nag stay sila roon habang hinihintay ang pagbalik ni Leroi sa kanila. Kahit papaano ay nag-aalala si Maya para kay Leroi, kaya piping nagdasal siya kanina na maging ligtas at bumalik si Leroi na wala kahit anong galos. Sa mga oras na nag-stay sina Maya at YoRi sa hide out na magkasama, malaking tanong para sa kaniya ang ikinilos ni YoRi. Gusto niyang tanungin si YoRi bakit siya nito hinalikan, kung bakit pinapaiwas siya nito sa paghawak ni Leroi sa kaniya. Hindi mapigilan ni Maya na maguluhan sa Ipinapakita ni YoRi sa kaniya, parang kanina lang ay pinaramdam nito na ayaw na siya nitong makita, pero tal

