Chapter 36: YOU'RE SAFE

4299 Words

SA MGA MOVIES na napapanuod sa sinehan o television, pag nasa panganib ang isang leading lady o bidang babae, gumagawa ng paraan ang leading man o bidang lalaki par mailigtas ay mailayo sa panganib ang babaeng mahal nila. Sa kaso ni Maya, natatakot siya sa mga oras na ‘yun dahil hindi niya alam kung sino ang puwedeng magligtas sa kaniya sa sitwasyon na kinahaharap niya ngayon. Sa kinalalagyan niya ngayon, hanggang binti na ang taas ng tubig at alam niyang sa mga oras na dadaan ay mapupuno na ng tubig ang kinalalagyan niya na maaring maging katapusan ng buhay niya. Hindi alam ni Maya kung paano siya makakalabas sa pinagkulungan sa kaniya, wala siyang makitang puwedeng gamitin para makatakas siya. Unti-unti ng pumapasok ang kaba at takot sa oras na mapuno na ng tubig ang kinalalagyan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD