“Siya nga pala anak, siya si Dada. Hindi ko nakuwento sayo pero malaki ang naitulong niya sa akin, lagi pa niya kaming dinadalhan ng pagkain pag hindi siya abala. Dada, siya ang nag-iisa naming anak, si Yo.”natutuwang pagpapakilala ni Aling Luisita kay Maya at YoRi. “U-Uhmmm, kilala---“ “Kinagagalak kitang makilala, Dada. Salamat sa kabutihan na pinapakita mo sa aking mga magulang.”pahayag na putol ni YoRi na bahagya pang yumuko sa kaniya na ikinatunganga ni Maya sa gulat dahil walang lamig sa boses ni YoRi sa mga sinabi nito, para itong normal na nakipag-usap sa kaniya at higit sa lahat ay nakangiti ito sa kaniya na ngayon niya lang nakita ang ganitong genuine na ngiti kay YoRi. Napatunganga si Maya kay YoRi na may lambing na binabati si Aling Luisita dahil kaarawan nito na sobrang bag

