HINDI MAITAGO ni Maya ang excitement niya habang hinahanda ni YoRi ang mga ingredients ng Russian dish na ipapaluto ni YoRi sa kaniya. Nakatayo lang siya sa harapan ng pupuwestuhan niya station habang nilalagay na ni YoRi ang mga gagamitin niya. Isa-isang pinapanuod ni Maya ang mga nilalapag na sangkap ni YoRi kung saan hindi niya maalis ang tingin niya sa mga ito. Aaminin ni Maya na hindi pa ganun kalawak ang kaalaman niya sa mga Russian cuisine, nag-aaral pa siya at ilan pa sa mga Russian dish ang hindi niya niluluto, kaya hindi pamilyar kay Maya ang kung anong ipapagawang dish ni YoRi sa kaniya. Ang mga abalang chef naman sa loob ay hindi maiwasang mapatingin sa kanila, lalo na si Matvei na hindi maintindihan kung anong naisip ng kanilang boss at ginagawa niya ang bagay na nakikita ni

