MABILIS NA napabangon si Maya sa kaniyang pagkakahiga at napahawak sa kaniyang magkabilang pisngi dahil hindi niya magawang makatulog ng maayos dahil pipikit palang siya ay halik ni YoRi ang agad pumapasok sa isipan niya. Kanina pa siya hindi nilulubayan ng labi ni YoRi sa kaniyang isipan, kaya kahit pagbalik niya sa kaniyang kanina ay wala siya sa kaniyang sarili na napanasin nina Misha, pero hindi niya masabi sa mga ito ang dahilan. Kanina pa din siya napapaisip sa ginawa ni YoRi, kung bakit siya nito hinalikan sa labi niya. Hindi niya inasahan ang ginawa nito, at nagulat siya dahil si YoRi ang unang lalaking nakahalik sa kaniya sa kaniyang labi at hindi niya maiwasang hindi maapektuhan. “Ba-Bakit niya kasi ako hinalikan? A-anong problema ng isang ‘yun at basta-basta siya nanghahalik?

