PAGKAPARADA ni YoRi sa kaniyang Ducati 1299 Panigle R Final Edition black matte motorbike sa tapat ng kaniyang bahay ay agad siyang bumaba doon at deretsong nilakad ang papuntang pintuan. Kakalapit niya pa lang sa may pintuan ng magbukas iyon salubungin siya ni Alexa ang kakambal ni Alexei na malawak ang ngiting sumalubong sa kaniya. “Vashe Velichestvo! (Your Majesty!)” masayang bati ni Alexa kay YoRi na walang salitang dumaretso ng pagpasok sa loob ng bahay nito na minsan niya lang uwian. Agad sinara ni Alexa ang pintuan at sinundan si YoRi na dere-deretsong umakyat sa hagdanan. “Natutulog pa kamahalan ang quadruplets, si Valerius naman ay sandaling lumabas dahil tumawag si Alexei sa kaniya.” Pagbibigay alam ni Alexa kay YoRi. “Why are you not at your place in the restaurant?” malamig

