PARANG TUOD at hindi makakilos si Maya sa kinauupuan niya habang pasulyap-sulyap siya kay YoRi na tahimik na nakadekwatrong nakaupo sa tabi niya. Nasa hall parin sila at hindi na nakaalis dahil hindi inasahan ni Maya na after the seminar ay may party iyon na kasunod, kaya na stuck sila ni YoRi doon dahil narin sa ibang mga chef at head president ng seminar na hindi sila hinayaan na makaalis, lalo na si YoRi na lahat ay namangha ng makita nila ito. Kahit si Maya ay hindi naiwasang magulat ng dumating ito, hindi niya inisip na pupunta sa hall si YoRi na naka suit na at guwapong-guwapo sa porma nito. Guwapo na ito sa simplehang suot, pero mas umangat ang kagwapuhan nito sa expensive na ayos nito, kaya karamihan sa mga kababaihan sa hall ay laging napapatingin sa mesa nila. Napabuntong hinin

