TULALA AT hindi makakilos si Maya sa kinauupuan niya sa lounge ng hotel habang kausap ni YoRi ang mga kapulisan ng Arizona District. Matapos ang ilang minuto na pagkakakulong nila sa loob ng elevator ay nakalabas din sila, nalaman nina Maya na nagkaroon ng kalakasang lindol kaya nagkaroon ng bahagyang problema sa system ng hotel. Imbis na ma-trauma si Maya sa nangyaring pagkakakulong nila ni YoRi sa elevator, at pagbagsak nito na kung hindi tumigil ay maaring nasa ospital silang dalawa, ay mas nagpapabalik-balik sa isipan ni Maya ang paghalik ni YoRi sa kaniyang labi. Naguguluhan si Maya kung bakit ginawa 'yun ni YoRi, sobrang bumilis ang t***k ng puso niya habang magkalapat ang labi nilang dalawa kanina. Gusto niyang magtanong pero hindi niya alam kung paano dahil after ng kiss na 'yun a

