Chapter 61: PAIN OF THE ABANDONED HEART SERIES 12: YO RINGFER TAHIMIK LANG si Gail sa kinauupuan niya sa loob ng kuwarto ni Maya habang nakatingin siya kay Misha at Nikolai na hindi umaalis sa tabi ni Maya na hanggang ngayon ay walang malay. Nakikita ni Gail na may mga kaibigan si Maya na talagang concern sa kaniya, at sa nangyari kay Maya alam ni Gail na sa ganitong sitwasyon ang tunay na kaibigan ni Maya ang kailangan nito. Saksi si Gail sa bawat Phantoms na nahahanap ang babaeng minahal ng mga ito, mula kay Balance hanggang kay Tad na talagang madaming sinakripisyo at pinagdaanan upang makasigurado ang mga ito na amakakasama nila pang habang buhay ang babaeng nagpatibok ng puso ng mga Phantoms na tinatanggioi ang pana ni kupido. At alam niyang may pagsubok na pinagdaanan sina Shawn a

