SA MADILIM, MADUMI at para sa mga pinapatawan ng kasalanan ng Romanov-Mikhailnov royal family ay tahimik lang si YoRi sa kaniyang puwesto, wala siyang pakialam sa kulungan na kinalalagyan niya dahil minsan na siyang dinala ni Damien dito. Ilang oras na rin siya sa kulungan matapos ang pagbalik niya sa palasyo ng kaniyang ama, hindi takot si YoRi kay Damien, pero natatakot siya sa tuwing may gagawin ito lalo na sa mga taong napalapit sa kaniya katulad ng ginawa nito kina Aling Luisita. Pero may palihim na siyang ginagawa para pasakitin ang ulo ng kaniyang ama, sa tuwing lihim niyang pinapasabutahe ang mga plano ng hari, na pinagagawa niya kay Alexei. Hindi naman pinapansin ni YoRi ang gilid ng labi niyang dumugo matapos siyang makatanggap ng malakas na sampal mula kay Damien, bahagya iyo

