DAHAN-DAHAN NA iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata, agad niyang naramdaman ang bigat ng kaniyang pakiramdam, at bahagyang panghihina ng kaniyang katawan. Akmang susubukan niyang bumangon ng may dalawang kamay na pumigil sa kaniyang balikat at dahan-dahan siyang ibinalik sa pagkakahiga niya. Nang tingnan niya ito isang magandang babae na may maamong ekspresyon ng mukha ang tumambad sa mga mata ni Maya. “Si-Sino ka? N-Nasaan ako?” nanghihinang tanong ni Maya dito ng mahagip ng kaniyang mga mata ang mga kaibigan ni YoRi, ang Phantoms na may kaniya-kaniyang puwesto sa loob ng kuwartong kinalalagyan nila. “You need to rest, Maya, nanghihina pa ang katawan mo dahil sa lagnat mo. Don’t force yourself dahil makakasama sa kalagayan mo.” Ani ng magandang babae na ikinabalik ng tingin ni Maya di

