Lynne’s POV Grabe ang saya ng bawat palabas. Bawat estudyante na naging participants ay nagpamalas ng kanilang angking galing at kakayahang. Sobrang nag enjoy rin kami sa ganda ng venue. Parang nasa Disney world talaga kami. Maganda ang disco lights, mga balloons decorations. May photo booth at red carpet. “Mga ginoo at binibini, ating anyayahan sa entablado ang ating butihing punong guro para i-anunsyo ang hinihintay ng lahat, queen and king of the night. Mrs Maranan come on stage please…” Malakas ang hiyawan at palakpakan. Kinakabahan ako. “Walang nang patumpik-tumpik pa, our king of the night is no other thang Mr—” Binitin pa ni principal ang announcement…. “Is?!” Iniumang niya ang mikropono sa mga estudyante at mabilis silang sumagot. “Dominic!” “Dominic!” “Dominic!” “The

