Lynne’s POV Pinaalis na Tsang Berta at pinapasok sa aking silid. Dinig ko na lang na pupuntahan nila si Tsong Cosme sa ospital. Dinig ko ang hagulgol niya. Mahinang katok ang umagaw ng atensyon ko. “Marialynne?” Tawag sa akin ni Aling Koring. Tumayo ako at lumapit sa pintuan para buksan iyon “Aling Koring, bakit po?” Tanong ko dito. “Umalis ang Tsang Berta mo pupuntahan daw ang Tsong mo sa ospital, gusto mo ba doon na matulog sa bahay? Kasi ikaw lang mag isa dito?” Nag alalang tanong niya sa akin. Ilang segundo rin akong nag isip. Bago sumang ayon. “Sige po kukuning ko lang po ang banig ko, unan at kumot.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Lumabas na ako sa aking silid at tumayo na rin si Aling Koring. “Tulungan na kita Marialynne.” Alok nito. Umiling ako sa kanya. Bago ak

