Lynne’s POV “Besh,” mahinang tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Sinugod niya ako ng yakap. Pagang-paga ang mga mata niya kakaiyak. “Besh!” Humagulgol siya nang iyak sa balikat ko. Niyakap ko siya. Kailangan niya nang karamay ngayon. Isang kaibigan. Hinagod ko ang likod niya para kumalma siya. “Paano mong alam na nandito ako.” Tanong niya tsaka kumalas ng yakap mula sa akin. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang ngumiti para ipakita sa akin na malakas siya. Hinawakan ko ang kamay niya. “Dom? Kasama ka pala?” Tila gulat na gulat pa si Tessa. “Hindi kasi ako papayagan kung hindi si Dominic magpaalam, besh.” Paliwanag ko. Baka bigyan na naman niya ng ibang kahulugan ang pagmamagandang loob ni Dom. Dom? Palayaw basis kana ngayon sa kanya? Sita ng mahaderang

