3rd PERSON’S POV “Berta! Berta Halika dito may naghahanap sayo!” Malakas na sigaw ng ale. Ininguso ako ng babae. Naka hoodie ako at naka mask. Hindi niya ako makikilala. “Kakausapin ka niya.” Nakakunot noong tumingin ang Berta na tinawag niya. “Anong kailangan mo?” Walang gana niyang sagot. Sumenyas akong doon kami sa labas mag usap. Tumango naman siya. Nauna akong lumabas, nakasunod siya sa akin. Nang wala na akong nakitang tao sa paligid tumigil ako at humarap sa kanya. “Anong kailangan niyo sa akin?” Kabadong tanong niya. “Fifty thousand pesos, payagan mong mag prom ang pamangkin mo, Marialynne.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Tumingin siya sa sobre na inumang ko sa harapan niya. Gulat na gulat siya sa alok ko. Kinuha niya iyon at binilang sa harapan ko. “Fifty thou

