Lynne’s POV NANG magamot ang sugat ni Dominic. Sabay din kaming bumalik sa room. Pero tinawag siya ng isa sa mga kaibigan niya kaya umuna na ako. Nang makarating ako sa room. Isang malakas na suntok sa siya tiyan ang tumama sa akin. Napaatras ako napa ubo ng wala sa oras. “Layuan mo si Dominic, Marialynne.” Banta niya sa akin. Hindi pa ako nakabawi, dinuro pa niya ako. “Ba—bakit Sharon, bakit hindi si Dominic ang pagsabihan mong lumayo sa akin?” Ramdam ko ang sakit sa sikmura. “Hindi ako ang tipong kakalabanin mo pagdating kay Dominic Marialynne. Hindi ikaw ang aagaw ng atensyon na dapat sa akin lang. Bata pa lang kami, kami lang meron ang isa’t -isa at wala kang karapatang agawin iyon! Naintindihan mo?” Mariin niyang saad sa akin. “Sige lang, Sharon, gawin mo lang.” Utos ko sa kanya

