CHAPTE 4-BALAK

1261 Words
Lynne's POV “Ang layo nang tingin mo, ah.” Binangga ni Tessa ang balikat ko. Mapakla akong ngumiti sa kanya. “May problema ba?” Tanong niya. Malungkot ang mukha niya na nakatingin sa akin. Umiling ako. “Puro na nga problema, Tessa eh. Hindi ko alam paano bumangon. Trese pa lang ako pero parang pasan ko na ang mundo sa balikat ko.” Sagot ko sa kanya. “Sumulat na ba ate? Ilang linggo na siyang umalis ah?” Naalala ko na naman ang araw na iyon. Ang araw na mag isa na lang ako. Umiling ako kay Tessa. Nandito na naman kami sa likod nang room. Sa nakalipas na ilang linggo, matinding pag iwas ang ginawa ko para hindi mapunta ang topic dito. Heto na naman. “Nag alala ako sa kanya Tessa. Magulo at malaki ang Maynila. Paano kung mapahamak siya doon. Paano kung malupit ang amo niya. Paano kung hindi siya nakakain sa tamang oras. Paano kung may sakit siya?” Napatakip na lang ako sa aking mukha. Napaluha na naman ako. “Besh naman! H’wag ka kaya mag isip ng ganyan sa ate mo! Kahit naman masakit ang salitang binitawan niya mahal na mahal ka noon!” Naiiyak na rin si Tessa. “Okay lang kayo?” Tanong ng isang boses na pamilyar sa akin. Ang baritonong tinig niya ang sarap sa tenga pero hindi ko magawang tanggalin ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko. Nakakahiya! Narinig ba niya ang kadramahan ko? “Panyo?” Dahan-dahan kong tinanggal ang palad ko at kinuha ko ang panyo na alok niya. Pinunas ko iyon sa aking luha. Ang bango, nanunuot pa sa ilong ko ang fabric conditioner noon at puting-puti iyon. “S—salamat,” matipid at nauutal kong sagot. Tumango naman siya. Sumandal sa pader. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa pockets ng pantalon nito. Pero tahimik lang. Parang may dumaan na anghel sa harapan namin dahil ni isa sa amin walang nagsasalita. Hanggang sa tumunog na lang ang bell. Tumayo na kami ni Tessa at naglakad na. Hindi ko magawang lingunin si Dominic kung susunod ba o hindi. Umupo na ako pero walang Dominic na sumunod. Napatingin ako sa panyo na pinahiram niya. Ilang libong beses kong pinigilan ang aking sarili na h’wag mapangiti. Kagat ang labi ko. “Ngumiti kana kasi!” tinampal ako ni Tessa sa braso. “Aray ko ha! Masakit iyon.” Sensitive na ako ngayon sa palo, dahil halos hindi ako makalakad nang maayos. Ang walis tingting na ipinalo sa akin ni Tsang Berta noong nakaraan halos maubos iyon. “Marialynne!” Inis na tawag sa akin ni Sharon. Buti wala pang titser namin. “Pwede ba kitang makausap?” Maldita niyang tanong. Palinga-linga ako sa paligid. Bago siya blangko kong tiningnan. “Bakit anong kailangan mo?” Walang emosyon kong tanong. “Nililigawan ka ba ni Dominic?” Sabay tingin niya sa panyong hawak ko. Kibit-balikat lang ang sagot. Lalong naging mataray ang mukha niya. “’Yan ba ang sabi niya sayo?” Tanong ko pabalik. “Hindi?” Maagap niyang sagot. “Iyon naman pala bakit mo pa ako tinatanong. Tsaka hindi naman yan ang priority ko yang ligaw-ligaw na iyan!” Dagdag ko pa. Biglang lumiwanag ang mukha niya na kanina lang para akong sasabutan. “Great! Iyon lang!” Parang may topak rin ang isang ito. “By the way, here! Iyan ang damit na ipapahiram ko sayo sa prom! Baka kasi wala kang pang renta.” Halata naman sa boses niya pang mamaliit sa kalagayan ko. “Hindi na kailangan sa Sharon, sayo na iyan. Hindi naman ako sasali.” Sagot ko sa kanya. Saktong pumasok ang titser namin kasunod si Dominic. Agad akong umiwas ng tingin. “Dom?” Ramdam ko ang paglingon niya ng tinawag siya ni Sharon. Hindi naman sa nagseselos ako pero pay kung anong kudlit sa puso ko ang aking naramdaman. Sa buong maghapon naming klase parang lutang ako. Wala akong naintindihan. Nasa kalagitnaan na kami ng topic namin sa panghuling asignatura ng maramdaman ko ang pagsiko ni Dominic sa akin. Napatingin ako sa notebook niya. Okay ka lang ba?” Iyon ang nakasulat doon. Tumango ako. Kinuha niya ulit iyon at nag sulat. Pero hindi ko nakikita. Hindi ko alam pero parang bigla akong na excite. Umiyak ka kanina? May problema ba?” Umiling ako. Kagat ang aking pang ibabang labi. Concern ba siya? Nagtanggal siya nang bara sa lalamunan at nagsulat ulit. Bumilis na ang t***k ng puso ko. Namamawis na rin ang aking mga kamay. Hawak-hawak ko pa rin ang panyo niya, at basang-basa na iyon. Pwede ba tayong maging magkaibigan? Iyon ang sunod na tanong niya. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Mas pinili ko ang umiling na lang. Sunod niyang sinulat ang sad crying face. Hanggang sa matapos ang klase namin. Iyon pa rin ang dino-drawing niya ang sad crying face. “Halika na Tessa,” aya ko. Hindi ako sumulyap sa pwesto Dominic. Nagmamadali akong lumabas ng room. Hila-hila ang kamay ni Tessa. Lakad-takbo ang ginawa ko baka kasi mangungulit na naman si Dominic. “Teka! Tenga nga sandali naman beshi! Makahila ka naman sa akin akala mo aso ako!” Sabay hila niya sa kamay niya mula sa akin. “Maka aso agad? Ang kupad mo kasi. Daig mo pa ang pagong! Rarampa ka ba?” “Eh Ikaw? Bakit ka nagmamadali? Para kang hinahabol? Bakit may utang ka ba sa bombay? Ano yun 5-6?” Diga niyang sagot. Napakamot na lang ako ng aking ulo. Sarap din tahiin talaga ang bibig ni Tessa manang-mana sa akin. Ang daldal! “Ah! Alam ko na! Umiiwas ka kay Dominic noh?” Bulalas niya. Agad akong umiwas ng tingin. Tumalikod at nagsimulang maglakad. “Hoy! Marialynne Torres, umamin ka nga sa akin! Crush mo ba si Dominic?” Napatigil ako bigla. Ganoon ba ako ka obvious? Lumingon ako at binalikan ko siya. “Hindi noh! Hindi ko crush iyon. Ayoko lang siyang kausapin kasi ang kulit niya crush agad?” Mariin kong tanggi. Nungkang aaminin ako dahil sigurado ako hindi yan titigil kaka tukso sa akin. “Weh! Hindi nga? Aminin mo na? Ilalakad kita doon. Para mamatay kaka selos si Sharon sayo! Kilala kita 'yang pag iwas-iwas mo na yan! Sign na iyan!” Proud na proud pa niyang sabi. “Tigilan mo ako Tessa. Hindi mangyayari yan!” Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hingal na hingal ako dahil lakad takbo ang ginawa ko. Para maiwasan ang tanong ni Tessa. Wala kaming kibuan hanggang sa maghiwalay kami sa kanto. Ilang beses ko siyang nilingon pero hindi na siya lumingon. Nagtatampo na siya sa akin. Pagdating ko sa bahay, walang katao-tao. Wala ang Tsong Cosme at Tsang Berta. Kahit paano nakahinga ako nang maluwag. Mabilis akong pumasok sa silid namin dati ni ngayon ako na lang mag isa. Mabilis kong ni lock at pintuan at nagbihis. Paglabas ko halos tumalon ang puso ko nang nakasandal ang Tsong Cosme sa gilid ng pintuan ko. “Tsong!” “Marialynne!” Ngumisi siya. Hinawakan niya ang balikat ko. Mabilis akong umiwas. “Ano ho ba ang kailangan?” Paatras kong tanong. Lasing na lasing na naman siya. Pasuray-suray siyang lumapit sa akin. “Ikaw Marialynne, ikaw ang kailangan ko.” Ngumisi siya. Gumapang ang kilabot sa aking buong katawan... “Magluluto na ho ba ako? Para makakain kayo?” Tanong ko dito na lalo niyang ikinangisi! “Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko Marialynne? Sariwa! Fresh! Virgin!” Oh, Panginoon ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD