Lynne’s POV
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Cosme!” Napalingon ako nang pumasok si Tsang Berta kahit paano nakahinga ako nang maluwag. Parang aatakihin ako sa puso sa sobrang takot at kaba.
“Berta! Mahal ko! Buti naman dumating ka!” Nilipitan ni Tsang Berta si Tsong Cosme at umakbay dito dahil parang babagsak na.
“Ano pa tinatanga-tanga mo mag luto ka na doon!” Singhal na utos niya. Agad akong tumalima ayokong makagalitan.
Wala akong ibang nakita sa ref kundi ay giniling na baboy at sitaw. Naisip ko na lang i-adobo iyon. Nagsaing na rin ako. Naglagay na rin ako nang bigas sa kaldero at hinugasan iyon ng dalawang beses.
Hinanda ko na rin ang rekado. Makalipas ang halos kwarenta minutos luto na ang sinaing ko at ulam.
Kumatok ako sa pintuan ng silid nina Tsang Berta pero nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang malalakas na kalampag ng kama. Kasabay ng malakas na ungol.
Gusto ko na lang takpan ang aking pandinig. Umatras ako at lumabas ng bahay para sa iwasan marinig ang mga ungulan nilang dalawa pero nagkamali ako.
“Putang ina Berta masarap ka pa rin! Sige ganyan nga igiling mo pa yang puki mo sa t**i ko ahh!” Ang malalaswang mura nila at bulgar na salita lalong nakakapanindig balahibo ko.
“Nakatakip na ang tenga ko pero naririnig ko pa rin sila. Lasing pa ang Tsong pero maka ungol parang hindi lasing. Ang lakas pa mag mura.
Hindi ko alam kung ilang minuto silang ng ganun. Siguro mabilis lang dahil naririnig ko na sila sa mesa.
“Marialynne, kumain kana dito!” Mabilis akong pumasok dahil ayaw na ayaw ni Tsang na tatawag siya ng makadalawang beses.
Kumuha ako ng kain at ulam at nakayuko na ako. Panay ang subo ko para mabilis akong matapos.
“Daha-dahan Marialynne! Mabulunan ka!” Sita sa aking ni Tsang.
“Ho?” Napaangat ako ng tingin.
“Ang sabi ko dahan-dahan mabulunan ka! Bingi ka ba? Alam mo na ayokong inuulit ang sinabi ko matatamaan ka sa akin!” Nakataas kilay nito. Himala maganda ang mood ni Tsang. Nadiligan kasi.
“Sorry po, Tsang.” Masarap naman ang ulo ko at wala silang reklamo.
Pero muntik kong mailuwa ang laman ng bibig ko nang pinisil ni Tsong Cosme ang tuhod ko! Napatayo ako nang wala sa oras.
“Tapos kana?” Gulat na tanong ni Tsang sa akin.
“O—opo Tsang.” Matipid kong sagot. Gumapang ang panlalamig sa buong katawan ko.
Nang matapos silang kumain agad kong Niligpit at hinugasan ang plato namin. Maayos naman ang buhay namin dahil may trabaho ang Tsang Berta bilang clerk sa isang kumpanya sa bayan. Pero sa tuwing weekend sobrang sugarol.
Kumuha ako ng maliit na kutsilyo sa kusina at iyon ang dala-dala ko tuwing gabi. Inilagay ko sa ilalim ng aking unan.
Pagkalinis ko ng aking katawan sa banyo doon na rin ako nagbihis. Mabilis kong inilock ang pintuan ko. Inilagay ko ang kutsilyong dala ko sa ilalim ng unan.
Bago ako humiga kinuha ko ang picture frame namin ni Ate Meredeth, pinunasan ko ang frame namin ni Ate. Sobrang namimiss ko na siya.
Napagakat ako ng aking labi dahil iiyak na naman ako. Hindi pa siya sumusulat sa akin. Sobrang nag aalala na ako sa kanya. Araw-araw takot ang sumasalubong sa akin. Takot sa Tsong Cosme sa balak niyang gawan ako ng masama. Takot baka sasaktan naman ako ni Tsang Berta konting pagkakamali ko lang. Takot para sa kalagayan ni ate.
Humiga na ako nakatingin sa madilim na kisame. Pero naitakip ko lang ang isang unan sa mukha ko. Para hindi makalikha ng ingay sa pag iyak ko. Hanggang sa nakatulugan ko na iyon.
KINABUKASAN maaga akong nagising para magluto. Bago ako pumasok sa school. Nagluto ako lang ako ng pritong itlog at tuyo.” Naglagay na rin ako sa baunan ni Tsang at sa akin.
Mabilis kong tinakpan iyon at pumasok sa banyo para maligo. Paglabas ko naka uniporme na ako. Kumakain na siya at si Tsong Cosme.
“Kumain kana Marialynne.” Tahimik akong umupo sa tabi niya Tsang sa pang apatang mesa. Mabilis akong kumain.
Nang matapos kumain si Tsang dumiretso na siya sa banyo para maligo ako naman nagligpit nang mesa at nag hugas ng plato. Pero si Tsong Cosme uminom pa nang kape. Ramdam ko ang bulto niya sa likuran ko.
“Ang bango mo naman Marialynne.” Sabay singhot sa ulo ko. Agad akong umiwas. Ramdam pangangatal ng kamay ko at agad kong nabitawan ang plato.
“Ako na diyan Tsong.” Sabi ko na binalewala ang ginawa niya.
“Mag aaral kang mabuti Marialynne,” ngumisi siya at umalis nang bumukas ang pintuan ng banyo.
“O—opo,” nauutal kong sagot.
“Marialynne baon mo!” Inilapag ni Tsang ang sampung piso kong baon. Kahit paano naman hindi niya nakakalimutan ang pambili ko ng limang pisong ulam.
Nang makarating ako sa school naghihintay na sa akin si Tessa. “Tessa!” Mabilis ko siyang nilapitan. Nanglaki ang mga mata ko ng makita ang pasa niya.
“Ano yan?”
“Ito? Wala ito, natamaan lang naman ito ng sandok na binato ng wala kong kwentang ama.” Bale walang sagot niya.
“Samahan kita sa clinic.” Aya ko sa kanya.
“H’wag na, ikaw nga noong naubos ang walis sa hita mo hindi ka rin naman nagpaclinic heto pa kaya. Malayo yan sa bituka.” Napailing na lang ako talaga ako sa kanya.
“Sorry besh kahapon? Hindi naman masama loob ko sayo.” Sabi ni Tessa. Napatingin ako sa kanya.
“Sorry din besh, gusto ko lang talaga iwasan ang Dominic na iyon, matindi ang kalaban ko. Anak ng mayor. Baka nga trip-trip lang iyon eh. Kahapon nagsulat siya sa notebook niya sabi niya gusto niya akong maging kaibigan. Umiling ako. Kaya nagmamadali ako kahapon.” Pag amin ko kay Tessa!
“What?” Napatakip ako sa bibig niya. Napatingin tuloy ang mga estudyante dahil sa malakas na tanong ni Tessa. Wala naman kabigla-bigla sa pinagtapat ko sa kanya.
“Ang OA ng reaction mo,” sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya at nag peace sa daliri niya.
“Heto naman nakakagulat lang. Kaya pala hindi ka kumibo kahapon ha!” Tinulak niya ang balikat ko.
“Dami mong alam halika na nga!”
Nang pumasok na kami sa room iilan pa lang ang classmate namin. Hanggang pagsapit ng seven thirty ng umaga unang subject namin. Walang Dominic pumasok. Wala rin si Sharon.
“Bakit wala ang dalawa?” Bulong ni Tessa sa akin.
“Malay ko!” hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ako naiinis eh tinanggihan ko na nga siyang makipag kaibigan.
Pagkatapos ng first subject namin, dumating sina Dominic at Sharon ng sabay. Masayang-masaya ang mukha nilang dalawa. Hinatid pa ni Dominic si Sharon sa upuan niya bago umupo sa tabi ko.
“Selos ka?” Mahinang bulong niya. Pinukol ko siya ng masamang tingin.
“Okay class, gusto kong mag group kayo into four, ito ay sabayang pagbigkas o pantomime na gaganapin next week sa stage ha? Kayo na ang bahala kung sino ang mga kagrupo niyo. Kayo na ang mamili ng gagawin niyo.” Anunsyo ng titser namin.
“Besh hanap na tayo ng ka group.” Kalabit niya sa akin.
“Pwede bang sa inyo na lang ako?” singit ni Dominic.
“Sige ba pero, kulang tayo nang isa pa.” Si Tessa na ang sumagot. Tumahimik na lang ako.
“Dom, gusto mo ka grupo tayo?” Tanong ni Sharon na lumapit sa upuan ni Dominic. Humawak pa siya sa braso nito. Napatingin ako doon.
“Sha, kasama ako sa grupo nila Marialynne, baka gusto mo mag join?” Tanong Dominic. Biglang umasim ang mukha ni Sharon. Na may kasamang ngiwi.
“Okay lang ba Marialynne sali sa atin si Sharon?” Napatingin ako kay Tessa.
“Sure! Sali kana sa amin Sharon para kumpleto na tayo at masaya. Ilista ko na ang group natin.” Agad nagsulat si Tessa at ipinasa kay ma'am ang mga pangalan namin. Hindi na ako kumontra baka isipin nila bitter ako.
BUONG maghapon wala ang ibang titser namin dahil may meeting ang faculty. Kaya nagpasya si Tessa napagmitingan namin ang gagawin.
“Ano gusto niyo? Sabayang pagbigkas o pantomime?” Tanong ni Tessa.
“Kayo? Kahit ano naman pwede sa akin.” Simpleng sagot ko.
“Parang maganda sabayang pagbigkas, diba Dom?” Tanong ni Sharon na ang buong atensyon lang ay kay Dominic.
“Pwede.” Simpleng sagot nito.
“Ikaw Marialynne gusto mo iyon? O pantomime na lang? Ikaw Tessa?” Tanong ni Dominic.
“Vote na lang tayo.” Suhestiyon ni Tessa.
“Sige, ako pantomime,” unang sumagot si Tessa.
“Pantomime,” sagot ko na lang.
“Dom?” Untag ni Tessa dito.
“Okay sa akin ang pantomime, Sha?” Tanong ni Dominic. Kanina lukot ang mukha pagtanong ni Dominic nakangiti na.
“Sige okay na yan.” Napipilitan niyang sagot. Kutusan ko kaya ito!