Lynne’s POV
Wala pa kaming napiling kanta pero may naisip na rin naman si Tessa. Susunod na lang ako sa kanya. Magaling siya pag dating sa ganitong activity.
“Okay, guys may napili na ako Ipaglaban ko by Freddie Aguilar, pwede rin ang Mindanao or Anak.” Napakunot noo ni Dominic at Sharon.
“Anong klaseng kanta yan? Is that even existed?” Napataas ang kilay ni Tessa.
“Pang mahirap kasi ito na kanta. Kaya alam ko. Maganda siyang gawin. Kung hindi mo alam ayan ang lyrics. Ang napili ko ay Anak kung ayaw mo maghanap ka ng ibang group!” Mataray na sagot ni Tessa.
Kinuha ni Sharon ang lyrics at binasa niya iyon. Lalong lumukot ang mukha niya. Napangiwi pa siya.
“Pwede bang palitan? Pwede naman siguro English? How about Dance with my father? Maganda iyon diba?” Pamimilit pa ni Sharon.
“Ayoko noon!” Matigas na tanggi ni Tessa. Minamaltrato kasi siya ng Tatay niya kaya ayaw niya.
“Kung gusto mo yan Sharon, maghanap ka ng ka grupo mo!” Nag walk-out na si Tessa. Gigil na gigil.
“Tessa!” Malakas kong tawag sa kanya. Pero hindi ako nilingon. Nagpunta siya sa likod ng room namin kung saan madalas ang tambayan namin sa lunch.
“Oy Tess, bakit ka umalis.” Tanong ko sa kanya.
“Sino ba naman makakatagal doon. Siya itong nag pupumilit na sumali sa atin tapos siya ang masusunod. Di maghanap siya ng ibang kagrupo!” Nagpapadyak pa siya sa sobrang inis.
“Hayaan mo na. Hindi niya kasi alam ang suhestiyon mo kaya ganoon iyon.” Pagpapakalma ko sa kanya.
“Ang pangit-pangit ng suggestion niya. Paano iyon iinarte. Sasayaw sa ama? Ang dami kayang walang kwentang ama sa mundo!” Ngitngit na sabi ni Tessa. Kinuha ko ang kamay niya.
“Alam ko bukod sa english iyon, eh galit ka sa tatay mo.” Sabi ko sa kanya.
Hindi na siya kumibo. Tama nga ang hinala ko. “Ayaw mo bang isumbong ang tatay mo?” Tanong ko dito.
Gumuhit ang sa akin sa mga mata niya. Tumulo ang luha niya. “Bakit hindi mo muna Isusumbong ang Tsong Cosme mo?” Pang babara niya sa akin. Natameme ako.
“Sorry, besh hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.”
“Alam ko naman besh, mabait naman si Tatay dati kaya lang tinanggal at pinagbintangan siya ng manager niya. Nakikisama lang siya at siya ang nadiin. Nawalan siya nang trabaho.” Sagot ni Tessa sa akin.
“Sorry na…” hingi ko nang tawad.
“Okay lang besh, hindi mo naman kasalanan na nagbago ang tatay ko. Tapos iyon pa ang suggestion ng Sharon na iyon maghanap na lang kaya siya ng ibang group? Total pabida-bida naman siya. Siya nga itong sumugod sa teritoryo natin para sumali diba? So, tayo ba dapat mag adjust?” Mahabang litanya ni Tessa.
“Halika kausapin na lang natin sila?” Aya ko sa kanya. Buti hindi na nag matigas pa.
Pero wala na doon sina Sharon at Dominic kung saan namin sila iniwan kaya Napagpasyahan na lang namin na umuwi na lang at bukas na mag practice.
Pagdating ko sa bahay nasa labas ang mga kaibigan ni Tsong Cosme. Nag- iinuman sila. Kung pwede lang h’wag pumasok ginawa ko na.
Kahit papaano hindi naman siguro nila ako gagawan ng masama lalo pa abala sila sa pag iinom.
“Marialynne! Halika dito.” Tawag ng Tsong Cosme sa akin. Hindi ako maka kilos hindi ko sila matingnan. Naiwan sa ere ang pagbukas ko nang pintuan.
“Marialynne?” Ulit niyang tawag. Kinabahan ako.
“Po?”
“Halika dito sabi eh! Halika!” Kanda kaway pa siya ng kamay para palapitin ako.
“Mga pre ito si Marialynne, maganda, matalino, at masipag.” Kinabahan ako sa papuring iyon. Pinisil pa ni Tsong Cosme ang balikat ko. Nagsipulan lang sila na ikinatayo ng aking balahibo. Yumukod na lang ako. Pero parang hinahalukay ang tiyan ko sa takot.
“Sige po Tsong magluluto na po ako ng hapunan.” Paalam ko sa kanila. Agad akong tumalikod ng hindi hinintay ang sagot niya.
Pagpasok ko sa loob nang bahay agad kong isinara ang pintuan. Nanlalambot akong napasandal doon. Ilang sign of the cross ang ginawa ko. Hingal na hinga ako na akala mo tumakbo ako ng ilang daang metro. Nanunuyo ang labi ko.
Nang kumalma na ako, agad akong pumasok sa aking silid para magbihis. Tumungo ako sa kusina para maghanda ng hapunan. Ilang beses kong ikinuyom ang aking mga kamay dahil nanginginig na iyon.
Pagbukas ko nang ref, walang laman iyon. Wala akong mailuto. Nag check rin ako nang cabinet kung saan nakalagay ang mga grocery ni Tsang pero wala rin laman.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong pumunta kina Tsong na mesa para tanungin siya nag ulam. Kaya nagsaing na lang muna ako. Habang hinihintay si Tsang. Nagbaba kasakali na may dalang lutong ulam.
Naglinis na rin ako ng buong bahay. Nang nasa kusina nilinis ko ang kalat ng pinaglutuan nila Tsong Cosme ng pulutan.
“Marialynne…” Nagitla ako. Hindi ko namalayan ang pagpasok ni Tsong Cosme. Ang mga kamay niya nasa balikat ko.
Akma ako aalis pero dumiin ang pagkakahawak niya sa magkabilang balikat ko. Para akong tuod na hindi makagalaw. Takot na takot ako.
“B—bakit po Tsong?” Napalunok ako sa takot. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Nang sininghot niya ang leeg nanlaki ang mga mata ko.
“Ts—” Hindi na ako nakasigaw dahil tinakpan niya ang bibig ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit ng pagkakadiin niya sa balikat ko.
“Ang sarap-sarap mo Marialynne. Ahhh!” Para akong masusuka sa baho ng hininga niya. Idinikit niya sa likuran ko ang katawan niya kaya ramdam na ramdam ko ang nakabukol sa parteng iyon…
Nagpupumiglas ako. Pero wala akong magawa sa sobrang lakas ni Tsong Cosme. Hindi ako makasigaw dahil nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.
Nagmamakaawa ako kay Tsong pero parang wala siyang narinig, siguro dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.
“Uhmmm!” Ungol niya malapit sa aking tainga. Lalong nanindig ang balahibo ko sa takot. Mabilis napuno ang maliit na palanggana tubig kung saan ako nag huhugas ng ibinuhos ko iyon sa Tsong Cosme kaya niya ako nabitawan. Mabilis akong tumakbo palabas ng kusina.
“Marialynne!” Napatakip ako ng aking bibig. Iiyak ako nang iyak. Ilang beses kong tinawag ang ate Meredeth ko sa aking isip.
“Marialynne dito!” Napatingin ako kay aling Koring na nakasilip sa maliit na butas. Gumapang ako doon. Kahit wala akong maaninag dahil sa kakaiyak ko.
Nang makaliban ako sa bakod nila, agad niya akong niyakap. “Aling Koring!” Tawag ko, walang patid ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Parang tinambol ang puso ko. Nanlalamig at nangangatal ang aking buong katawan.
“Marialynne…” Mahinang tawag ni Aling Koring sa akin. Hinagod ang likuran ko.
Inakay niya ako sa loob ng kanilang bahay. “Toto, magmadali ikuha mo ng tubig si Marialynne.” Utos ni Aling Koring sa anak niyang kasing edad ko o matanda lang ng isang taon sa akin. Magka batch kami pero nasa ibang section siya.
“Inom ka muna Marialynne.” Alok ni Aling Koring. Pag abot ko nang baso halos matapon ang laman noon dahil sa pangangatal ng kamay ko. Hinawakan iyon ni Aling Koring at inabot sa bibig kong nanginginig rin.
Nang makainom ako at napatid ang panunuyo ng aking lalamunan. Kahit paano kumalma ako. “S—salamat po Aling Koring. Salamat Toto.” Saad ko.
“Anong ginawa sayo ng Tsong Cosme mo? Nakasilip ako sa bakod nang pumasok siya sa loob!” Ramdam ko ang galit sa boses.
“P—para po kasing gagawan niya ako ng masama.” Sumbong ko dito.
“Bakit ka kasi iniwan ng ate mo sa mag asawang iyan? Hindi nag iisip yan ate mo!” Hindi na ako nakapagsalita.
“N—natatakot po ako Aling Koring.” Parang ayoko na bumalik sa amin.
“Kung pwede ka nga lang dito sa bahay namin, Marialynne kinuha na kita, kaso para na rin kaming sardinas dito.” Naintindihan ko naman iyon.
“Hayaan mo kapag makaluwag-luwag ako kukuning kita diyan sa demonyong Tsong Cosme mo.” Tumango-tango na lang ako.
“Marialynne!” Malakas na sigaw ni Tsang Berta.
Agad akong tumayo. Hindi na ako nakapagpaalam kay Aling Koring Agad akong gumapang pabalik sa bahay.
“Tsang?” Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin. Napahawak na lang ako sa aking pisngi. Hinila niya ang buhok ko.
“Sunog ang kanin! Putang ina ka! Alam mo ba kung ano ang sinayang mo?”
“S—sorry po Tsang.” Nauutal kong sagot.
“Sorry? Palamunin kana dito sa bahay! Isa ka pang pabigat!” Gusto ko man sabihin ang totoong nangyari pero sure ako na hindi niya ako paniniwalaan.
“Kainin mo yan! Kapag hindi maubos niya igagapos kita at isasalaksak ko ang tutong diyan sa bibig mo!”