Lynn’s POV
Umiiyak akong kumakain ng sunog na kanin. Habang nasa harapan ko ang Tsang Berta. Naduduwal na ako sa sobrang pait noon. Matalim niya akong tinitigan habang sarap na sarap sila sa pagkain nila.
“Ubusin mong lahat yan!” Galit na galit niyang utos sa akin. Tumango na lang ako. Panay ang agos nang luha sa mga mata ko. Sa bawat paglunok ko ng mapait na sunod ng kanin parang hihimatayin.
“Tsang…” paiyak kong tawag sa kanya.
“h’wag mo akong ma tsang-tsang, Marialynne. Kung hindi ka ba naman tanga inuna mo pa ang pangangapit bahay at iniwan mo ang sinaing mo, ha?” Isang sapok sa ulo ang natanggap. Hindi pa siya nakuntento, ingudngud ang mukha ko sa plato ng sunog na kanin. Halos hindi ako makahinga.
“Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang bigas ngayon? Tapos susunugin mo? Wala kana ngang ambag dito sa bahay, muntikan pang masunog itong buong bahay dahil lakwatsera ka!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.
“S—sorry po Tsang.” Gusto ko sana sabihin sa kanya ang totoo pero alam ko naman na hindi niya ako paniniwalaan.
“Linisin mo yang mukha mo!” Itinulak niya ako kaya nalaglag ako sa upuan bumagsak ako sa sahig. Ramdam ko ang sakit sa buto ko. Halos hindi ako makatayo.
“Bilisan mo Marialynne! Linisin mo pa ito!” Bulyaw niya ulit sa akin.
“O—opo Tsang,” mahinang sagot ko. Pagpasok ko nang banyo at humarap sa maliit na salaminan itim na itim ang mukha ko. Ilang segundo kong pinakatitigan iyon. Awang-awa na ako sa aking sarili.
“Marialynne! Bilisan mo diyan!” Kalampag ni Tsong Cosme sa pintuan. Masama ang tingin ko doon. Umahon ang galit sa puso ko.
“O—opo Tsong.” Nauutal kong sagot. Mabilis akong napahilamos ng sabon sa mukha. Pati ang buhok may kanin na rin.
“Ano ba Marialynne matagal ka pa ba?” Ilang beses niyang pinukpok ang pintuan kaya lalo akong nataranta.
“Andiyan na Tsong, wait lang po.” Mabilis akong lumabas kahit may kaunting sabon pa ako sa mukha.
“Ang tagal mo! Gusto mo makatikim sa akin?” Mabilis akong umiling. Parang napapaso akong napadaiti sa balat niya dahil maliit lang ang espasyo.
“S—sorry po Tsong.” Pero gusto ko nang saksakin siya sa lahat ng ginawa sa akin ni Tsang at sa pambabastos niya sa akin.
Mabilis akong pumasok sa aking silid, para mag punas ng mukha. Lumabas ako para linisin at ligpitin ang pinagkainan nila.
Nang malinis ko na nag buong kusina, nakaramdam ako ng gutom. Pero tiniis ko iyon kahit may kaunting kanin pa sa kaldero at kaunting tiring ulam. Dinig ko na ang tunog ng tiyan ko. Uminom na lang ako nang tubig. Humiga akong kumakalam ang aking sikmura.
KINABUKASAN maaga akong nagising. Hindi ko alam kung nakatulog pa ba ako o hindi na. Mabilis akong nagsaing, nag luto nang agahan. Nag bukas ako nang sardinas, tinanggalan ko ng sabaw at dinurog para gawin kong torta. Nagprito na rin ako nang itlog.
Nang maayos ko na ang lahat saka lumabas si Tsang Berta. Sexy ang suot nito kahit medyo chubby siya may korte ang katawan.
“Tsang papasok na ho ako.” Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.
“Oh, baon mo!” Inihagis niya ang sampung piso at tumama sa dibdib ko. Pinulot ko iyon.
“S—salamat po.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umalis na ako. Dahil baka iiyak na naman ako.
Nang makarating na ako sa school, nandoon na si Tessa naghihintay. “Bakit ang aga-aga sambakol yang mukha mo?” Mabilis akong umiling.
“H’wag mo na itanong please.” Nakikiusap ako sa kanya.
“Kumain kana ba?” Tanong niya sa akin. Umiling ako.
“Kagabi pa ako hindi kumakain.” Kagat labi kong sagot. Ilang beses akong kumurap-kurap para hindi tumulo ang luha ko.
“Oh, kainin mo na ito, wala na akong dala.” Hindi na ako tumanggi pa. Kinuha ko na iyon dahil sobrang gutom ko na. Kinain ko habang naglalakad kami papasok sa room. Agad akong uminom ng tubig.
“Salamat, Tessa.” Tumango siya at Isinukbit ang kamay sa braso ko.
“Kayo ang mag asawa ni Dominic tapos kami ni Sharon magkaibigan na naliligaw ng landas.” Buti na lang naubos ko na ang tinapay na binigay kung hindi naibuga ko na lang iyon sayang naman.
“Iyon na ba talaga ang gusto mo?” Tanong ko dito.
“Yep! Wala nang iba.” Mataas ang confidence level talaga niya. Siguraduhin lang ng bruhang iyon na galingan niya sa pag arte dahil makikita talaga niya!” Wala na akong magawa.
“Ikaw bahala.” Sabi ko sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng room.
“Tessa?” Tawag ni Sharon.
“Sharon?”
“Hindi na pala ako sasali sa group at si Dominic rin.” Walang ka gatol-gatol niyang sabi.
“Okay!” Sabi lang ni Tessa at umupo na. Panay ang ngitngit na bulong niya. Nakanguso pa siya.
Pumasok na si Ma'am kasunod rin si Dominic. Bagong gupit ito. Napatingin ako sa bawat paghakbang papalapit sa upuan niya.
“Tulo laway mo, besh.” Sita sa akin ni Tessa. Kinurot ko siya sa tagiliran niya.
“Tigilan mo ako.” Pinandilatan ko siya ng mata. Mahina lang iyon sapat lang para marinig niya. Ngumisi lang siya sa akin. Ang sarap tingnan ng kislap ng mga mata na akala mo walang problema.
“Hi, good morning.” Bulong ni Dominic sa akin. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nag abalang batiin siya.
Panay ang siko ni Tessa sa tagiliran ko. Panay rin ang paglaki ng mata ko sa kanya na puno ng banta.
Siniko ako ni Dominic nang may inilagay sa mesa ako.
I am sorry. Iyon ang isinulat niya doon. Napakunot ako. Kumuha ako ng ballpen ko at nagsulat din doon sa notebook niya.
Saan? Tanong ko.
Hindi ako makaka join sa group gusto ni Sharon na siya ang kasama ko. Parang may kumurot sa puso ko nang isinulat niya ang pangalan ni Sharon. Hindi na ako nag sulat doon at tumango na lang.
Hindi na siya nagsalita. Ilang saglit pa ay kinuha ko ang panyo niya sa bag ko. Ipinatong sa armchair niya. Nakita ko na nakatingin siya sa ginawa ko. Ibinalik niya iyon sa table ko. Ayon na naman ang pagsusulat niya.
Keep it; it is now yours:) Bahala kung ayaw niya di h’wag ang daming arte. Natapos ang klase namin na wala akong ni isang naintindihan.
“Get one-half sheet of paper!” Utos ni Ma’am. Shocks! wala akong alam. Mabilis inabot sa akin ni Tessa. Kabado ako. Sana hindi ang topic ngayon ang i-quiz niya kasi wala talaga akong alam!
Bawat sagot ko hindi ako sigurado sa aking sinusulat. Samantalang si Dominic kalmadong sinusulat ang sagot pagkatapos ng tanong ni Ma'am. Hindi man lang siya nag cover ng paper niya.
“Ballpens up! Finished or not finish, pass your papers!” anunsyo ni Ma’am. Shocks! May hindi ako nasagutan na number.
“Exchange ko sa kabilang row!” si Dominic na ang abot sa kabilang side ng row… Kinakabahan ako sa score. Sana kahit lampas kalahati man lang.
Nang matapos na kaming nag check isa-isa nang tinawag ang score namin.
“Sharon Aguilar 29 out of 30”
“Tessa Algarin 28 out of 30”
“Dominic Basque 30 out of 30”
“Marialynne Torres 25 out of 30.”
Huminga ako nang malalim, mataas pa rin naman. Kaso nang lumingon ako kay Sharon, nginisihan niya lang ako.
Hanggang sa subject na namin kung saan kami mag Pantomime. Si Tessa na ang naghanap ng kapalit ni Sharon at ni Dominic. Kanya-kanya kaming grupo. Buti na lang madaling kausap ang nakuhang kapalit ni Tessa.
Naging madali ang lahat mabilis choreography. Na execute ang bawal role. Panay ang sulyap ni Dominic sa aming pwesto. Kakaiba siya kung tumingin kapag naka akbay kapartner ko…
*****
KINAKABAHAN na ako, isang linggo rin ang binuno namin para ma perfect ang lahat ng gagawin namin. Sina Dominic at Sharon sinunod nila ang gusto nilang Dance with my father. Kami naman Anak by Freddie Aguilar.
Maraming nagpalakpakan sa show nina Dominic. Tuwang-tuwa sila sa performance nila. Ilang beses akong huminga nang malalim. Sumigaw ng malakas sa backstage kasi sobrang kaba ng nararamdaman ko.
“Relax, besh kaya natin ito.” Pagpapakalma ni Tessa sa akin. Nang pumwesto na kami. Hawak namin ni Arlan ang manika at tuwang kami habang ini-interpret namin ang kanta hanggang sa chorus na. Naiiyak na ako, ramdam ko ang bawat liriko ng kanta.
Hanggang sa matapos namin ang show namin. Nag bow kami sa kaklase namin, mga teachers nagsi-iyakan sila. Sobrang saya namin. Niyakap ako nang mahigpit ni Tessa. Masigabong palakpak ang narinig ko. Na sumasabay sa tambol ng puso ko.
“Ang mga nanalo sa ating patimpalak third place! Goes to group five!” Malakas na palakpak at pagbati sa entry ng pangatlong pwesto.
“Ang sunod na tatawagin ko at first place, ang maiiwan iyon ang second place! Are you ready?”
“Ready!” Sagot ng audiences.
“Ang first place ay group number?” Ibinitin pa ng emcee ang sasabihin niya at inumang sa audience microphone niya.
“One!”
“Two!”
Okay, here go, and the first is…. Group one!” Halos napatalon kami sa sobrang tuwa!
“Congratulations, group two, for being in second place!” Inaward na sa kanila ang maliit na trophy at ang pinaka malaki ay sa amin.